You are on page 1of 6

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pampagkatuto
Ikatlong Markahan – MELC 1

Pasasalamat sa Ginawang
Kabutihan ng Kapwa

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Learning Activity Sheets (LAS)
Pangalan ng Mag-aaral:___________________________ Grado_________________
Seksiyon: _____________________________________ Petsa: _________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 8

Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa
at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat. (EsP8PBIIIa-9.1)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Likas sa ating mga Pilipino ang yamang kultura na minana sa ating mga
ninuno. Isa na rito ang pasasalamat na talagang galing sa ating puso.
Pasasalamat sa mga biyayang natatanggap sa mga taong may kabutihang
ginawa maliit man o malaking bagay ang mga ito.
Ang pasasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat, ang pagiging
handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng
kabutihang loob. Ito rin ang pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam
tungo sa taong gumawa ng kabutihan.

Kaya nitong pandemya ay tulong-tulong tayo na sinuong ang problemang ito


na may halong pasasalamat sa mga taong gumawa ng kabutihan sa atin at
lalong-lalo na sa ating Maykapal.
Sa kabila nito ay dapat matuto tayong tumanaw ng utang na loob kahit sa
simpleng bagay na paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.

III. Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpakatao 8
Modyul para sa Mag-aaral ,pahina 231-249
Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie
Aiellen S. Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M.
Ong, at Rheamay T. Paras

https://www.churchofjesuschrist.org/study/liahona/2016/09/youth/how-to-show-
gratitude?lang=tgl
jennyrosebasa.weebly.com
MELC p. 106
IV. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat sa bawat baitang ng hagdan ang mga pinasasalamatan mo
sa buhay ayon sa iyong pagpapahalaga, Iranggo mo ito,1 ang
pinakamahalaga sa iyo at 8 ang pinakahuli.

Patnubay na mga Tanong:

1. Batay sa iyong pagraranggo, ano ang nilagay mo sa una at huli?


Pangatwiranan ang iyong sagot kung bakit ito ang una at ang panghuli?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Kung may babaguhin ka sa pagraranggo, ano ito at bakit?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pagsasanay 2

Panuto: Sa loob ng mga “Puso ng Pasasalamat”, mababasa ang mga


kabutihan
at kagandahang-loob na ipinakita sa kapwa. Tukuyin ang biyayang
natanggap at Isulat ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
kaugnay
rito. Gawing gabay ang halimbawa sa unang bilang.

Binigyan ka ng inspirational
book ng kaklase mong tumalo
sa iyo sa isang kompetisyon

Biyayang natanggap: Tinulungan magbuhat ng aklat


Paraan ng Pasasalamat:
Bibigyan ko siya ng isang liham ng pasasalamat
at gagawan ko rin siya ng kabutihan sa ibang
pagkakataon.

Pagmamalasakit sa atin
ng mga frontliners Minahal at inaruga ka
ngayong pandemya ng iyong mga magulang

Biyayang natanggap: Biyayang natanggap:


Paraan ng Pasasalamat: Paraan ng Pasasalamat:
2. 3.

Tinulungan ka ng Binigyan ka ng iyong


iyong kapatid sa kaibigan ng regalo sa
paggawa ng proyekto iyong kaarawan

Biyayang natanggap: Biyayang natanggap:


Paraan ng Pasasalamat: Paraan ng Pasasalamat:
4. 5.

Patnubay na mga Tanong:

1. Ano ano ang maaaring gawin upang maipakita ang pasasalamat sa


kabutihang ginawa ng ating kapwa?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang magpasalamat? Ano ang kabutihang naidudulot
nito sa atin at sa ating kapwa?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

V. Repleksyon
Mahalagang matutuhan ng tao ang magpasalamat sa lahat ng biyayang
kanyang natanggap sa araw-araw. Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa
simpleng paraan ay nagdulot ng kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng
loob. Kinikilala mo ang kaniyang pagkatao na nag-alay ng tulong sa iyo lalo na sa
oras ng kagipitan
Ang pagpapasalamat ay pagpapakita ng pagpapahalaga, sa tumutulong sa
atin na magpakumbaba dahil kinikilala natin ang pagpapakita ng kabaitan,
paglilingkod, o pagmamalasakit ng iba na nagpapasigla at nagpapalakas sa
atin.

Batay sa mga ginawang gawain, ano ano ang mga moral na aral ang iyong
natuklasan tungkol sa pasasalamat sa mga biyayang natatanggap mula sa
kabutihang ginawa ng iba? Isulat sa bawat sinag ng araw ang mga ito.

Pasasalamat

VI. Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Sagot ng Mag-aaral Sagot ng Mag-aaral

You might also like