Professional Documents
Culture Documents
PAGLALAGOM AT SENTESIS
PAGHAHAWIG
Ang hawig ay muling paglalahad ng ideya ng ibang sariling
pananalita upang mas madaling maunawaan. Nagkakaroon ng
pagbabago sa
estruktura ng salita at pangungusap
mga salitang ginagamit
ngunit kailangan hindi ito lumihis sa orihinal na teksto.
Layunin nitong mas maipahayag sa mas simple, direkta at
naiintindihang pananalita ang orihinal.
Isinasagawa ang paghahawig kapag
gumagamit ng masyadong teknikal na termino o salita ang
teksto.
nais na maging malinaw sa mga mambabasa ang punto at
kahulugan ng isang sulatin.
nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng sulatin bago
ito tuluyang maunawaan.
may kaisipang nais na isa-isahin upang lalong maging
maliwanag ang kaisipan.
PRESI
Ang presi ay buod ng buod; mula sa sariling pangungusap ng
bumasa at maaaring magdagdag ng komento na nagsusuri sa akda.
Ito ang pinakaikling buod ng mahahalagang:
punto
pahayag
ideya
impormasyon
Ang Katangian ng Presi:
Malinaw ang paglalahad
Kompleto ang mga ideya
May kaisahan ng mga ideya
May pagkakaugnay-ugay ang mga ideya
Siksik sa dalawa hanggang tatlong pangungusap ang
pangkalahatang puntos
PAGLALAGOM
Ang paglalagom o sinopsis ay pagpapaikli ng pangunahing punto ng
piksyon. Di lalampas sa dalawang pahina.
Pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang natutukoy ang pinakadiwa ng teksto.
Malinaw at hindi paulit-ulit.
Hakbang sa pagsulat ng synopsis:
Basahin
Isulat ang tema
gawa ng balangkas
1-2 pangungusap na buod
Ikwento ang buong istorya
Sundin ang kronolohiya ng istorya
Ito ay dapat na nagtataglay ng:
Kumpetong narrative arc
Sariling himig
Bahagyang paglalahad ng wakas
SENTESIS
Ang sentesis ay malaman at pinaikling bersiyon ng iba’t ibang batis
ng kaalaman at impormasyon.
Ito ay hindi lamang paglalagom ng mahahalagang ideya bagkus ito
ay nagbibigay din ng pagtatasa ng isang ideya na sinulat ng
dalawang magkaibang may-akda.
Bakit ito Mahalaga:
Upang higit na maunawaan ang kahulugan ng binasa o
pinakinggang panayam o sulatin.
Upang mas higit na organisado
Isang teknik upang mas mapadali ang pagrebyu.
Hakbang sa Pagsulat:
Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti
hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito.
Habang nagbabasa, magtala at kung maari ay magbalangkas
Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling
opinion o kuro-kuro ang isinusulat.
Ihanay ang ideya ayon sa orihinal.
Basahin ang unang ginawa,suriin, at kung mapaikli pa ito nang
hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa
ang isinulat na Buod.
References:
Nato (2017). Hawig, lagom,presi,sintesis.
https://www.slideshare.net/RochelleNato/hawig-lagompresisintesis
Viansilog (2021). Paraan ng Pagbubuod.
https://quizlet.com/324608647/piling-larang-aralin-5-flash-cards/
Jacob (2019). Pagbubuod at Paguugnay-ugnay ng Impormasyon.
https://www.coursehero.com/file/60351382/kokofildocx/