You are on page 1of 19

EMOSYON

MODYUL 7
EMOSYON
• Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) ang
damdamin ang pinakamahalagang larangan ng
pag-iral ng tao.
• Ang damdamin, ibig sabihin, kagyat na may
kaugnayan sa mga obhetong tinatawag na
mga pagpapahalaga.
Obheto - Materyal na bagay o anumang
Namamalayan o natatanggap ng mga
pandamdam.
MAY APAT NA URI NG DAMDAMIN
(Scheler ):
1. Pandama (sensory feelings). Ito ay
tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o
mga panlabas na pandama na
nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o
paghihirap sa tao.

Halimbawa : pagkagutom, pagkauhaw,


kalasingan, halimuyak, panlasa, kiliti, kasiyahan,
at sakit.
2. Kalagayan ng damdamin (feelings
state). Ito ay may kinalaman sa
kasalukuyang kalagayan na
nararamdaman ng tao.

Halimbawa: kasiglahan, katamlayan,


may gana, walang gana.
3. Sikikong damdamin (psychical
feelings). Ang pagtugon ng tao sa mga
bagay sa kaniyang paligid ay
naiimpluwensyahan ng kasalukuyang
kalagayan ng kaniyang damdamin.

Halimbawa: sobrang tuwa,


kaligayahan, kalungkutan, kasiyahan,
pagdamay, mapagmahal, poot.
4. Ispiritwal na damdamin
(spiritual feelings). Ayon kay Dr.
Manuel B. Dy Jr., ang mga
ispiritwal na damdamin ay
nakatuon sa paghubog ng
pagpapahalaga sa kabanalan tulad
ng pag-asa at pananampalataya.
Narito ang talaan ng pangunahing emosyon
na hango sa aklat ni Esther Esteban na
Education in Values: What, Why and For
Whom: (1990, ph. 51).
Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa
pamamagitan ng emosyon ay:
• a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa
kaniyang paligid at nabibigyan ito ng
katuturan ng kaniyang isip.
• b. Nakatutukoy ng higit na angkop na kilos
kung sakaling maramdaman muli ang
damdamin.
• c. Nagagamit sa pakikipagkomunikasyon at
pakikipag-ugnayan sa kapwa.
• Ang mga emosyon na hindi napamamahalaan
ay maaaring hindi maganda ang impluwensiya
sa ating mga kilos at pagpapasiya sa
sitwasyong may krisis, suliranin o pagkalito.
• Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng
tao ng literasiya sa kaniyang emosyon.
Ayon kay Seeburger, F. (1997, ph.30),
ang literasiyang pandamdamin ay
tumutukoy sa dalawang bagay.
• Una, kakayahang alamin at unawain ang
mga sariling emosyon;
• Pangalawa, matukoy at maramdaman
ang damdamin na angkop o akma lamang
sa sitwasyon na kinakaharap.
• Nakita ng mga ilang siyentipiko tulad nina
Salovey, Gardner, at Goleman ang
kahalagahan ng pamamahala sa emosyon sa
pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.
Kapag napagtagumpayan ng tao ang
pamamahala ng kaniyang emosyon,
nangangahulugan na mataas ang kaniyang EQ
o Emotional Quotient na kilala rin sa tawag na
Emotional Intelligence.
Paano napauunlad ng EQ ang tao?
Narito ang limang pangunahing
elemento ng EQ (Goleman, D., 1998):
1. Pagkilala sa sariling emosyon.
• Mahalaga na may kamalayan sa sariling
damdamin. Ito ay makatutulong sa pagkakaroon
ng pang-unawa sa sarili. Ikaw ay nakagagawa ng
pagpapasiya sa iyong sarili at hindi ka lang
sunod nang sunod sa nais ng iba.
2. Pamamahala sa sariling emosyon.
• Ang taong may ganitong kakayahan ay
madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay
at makamit ang kaniyang mga mithiin sa buhay.

3. Motibasyon.
• Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na
gawin ang isang bagay na hindi dapat upang
matupad ang isang layuning higit na mahalaga para
sa ikabubuti ng iba.
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba.
• Ito ay kakayahang makadama sa damdamin at
pangangailangan ng iba. Ang taong may ganitong
kakayahan ay marunong ding bumasa at bigyan ng
kahulugan ang kilos ng iba.
5. Pamamahala ng ugnayan.
• Ito ay nangangahulugan na napamamahalaan
nang wasto ang emosyon sa pakikipag- ugnayan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa
pagpapanatili ng magandang ugnayan.
• Anumang emosyon ay mahalaga. Ang
pamamahala natin dito ay maaaring makabubuti
o makasasama sa ating pakikipagkapwa. Ngunit,
sa pamamagitan ng wastong pamamahala ng
mga ito, napauunlad natin ang ating
pakikipagkapwa. Hindi lamang ang sarili ang
nagiging biktima ng ating maling pamamahala ng
ating emosyon. Mahalagang maipahayag natin ito
nang maayos upang mapanatili natin ang ating
magandang ugnayan sa ating kapwa.
• Hangad ng bawat isa ay magkaroon ng
matiwasay, masaya, at makabuluhang buhay
sa pamamagitan nang mabuting ugnayan sa
sarili at sa kapwa. Kaya nararapat lamang na
sa araw-araw nating pamumuhay ay piliing
maigi ang mga bagay na pagtutuunan nang
higit na pansin. Mahalaga na magtiwala sa
sarili, sa kapwa at sa Diyos sa paggawa ng
pagpapasiya tungo sa ikauunlad ng iyong
pakikipagkapwa.

You might also like