You are on page 1of 60

EMOSYON

Ang mga emosyon ay


nararamdaman sa araw-araw
na pakikibaka ng tao. May
mga karanasang nag-uudyok
sa indibidwal na magpasya
nang naaayon sa kanyang
pagkilos at pagtugon sa
emosyon. Kadalasan ay
nakakaapekto ito sa ating
Saya
(Happy)
Nakararamdam ng tuwa at galak
dahil sa mga mabuting nagaganap
sa kanyang buhay o kapaligiran
gaya na lamang ng tagumpay,
pagkamit ng mga ninanais na
Galit (Hatred)

Ito ay ang matinding pagkamuhi o


poot na nararamdaman ng isang tao
dahil sa hindi maayos na resulta ng
kanyang sariling pagpapasiya o kilos,
gayundin sa kanyang hindi
magandang karanasan sa iba.
Nasisira ang diskarte ng isang taong
Dismayado
(Disappointment)
Nawawalan ng gana sa sarili at
maging sa iba dahil sa hindi
pagkakamit ng hinahangad na
bagay. Ito ay isang negatibong
emosyon bunga ng hindi
magandang resulta sa inaasahang
Lungkot (Sad)

Hindi maiiwasan na madaling maging


emosyonal ang isang tao sa mga
bagay-bagay na kanyang nakikita at
naririnig na may koneksiyon sa
kanyang sarili. Ito ay isang emosyong
nararamdaman kapag nakaranas ng
isang masamang pangyayari katulad
Takot
(Fear)
May pag-aalinlangang gumawa
ng hakbang at desisyon ang isang
tao dahil sa pangambang
magkamali, at mabigo. Kaya
minsan, hindi nagagawa nang
maayos ang mga tungkulin.
Paghahangad
(Desire)
Ito ang emosyon na nagbibigay ng
mithiin sa buhay, katulad ng
kagustuhang makapagtapos ng pag-
aaral sa kabila ng hirap na
naranasan ng tao. Nakakamit ang
isang bagay kung ikaw ay may
Dalamhati
(Sorrow)
Ito ay masidhing
kalungkutan na karaniwang
nararamdaman sa pagpanaw
o pagkawala ng mahal sa
buhay, gaya ng kaibigan,
Kawalan ng Pag-asa
(Despair)
Ito ay sumisimbulo sa masidhing
damdamin
na nararamdaman ng isang tao kung
saan ang isang magandang bagay ay
inaakala
niyang hindi na kailanman
Samakatuwid, bawat pagkilos ng isang tao ay nakaaapekto sa kung
anong emosyon ang nararamdaman niya. Patunay lamang na may
malaking kinalaman ang iyong damdamin sa kung papaano mo
magagawa ang isang bagay. Nasasalamin nito ang kabuuang kalalabasan
ng iyong kilos o gawi.
Emosyon ang nakaiimpluwensiya sa anumang
pagkilos at pagpapakita ng nararamdaman ng tao.
May positibo at negatibong emosyon ang isang tao.
Nangangailangan nang wastong pamamahala at pagpapasya kung paano ipakikita
ang emosyon. Masasalamin dito kung paano ba natin isinasaalang-alang ang
kapakanan ng iba na nagpapakita ng pagiging mapanagutan sa ating mga kilos. Sa
kabuuan, mahalaga na mag-ingat ang tao sa pamamahala ng sariling emosyon
upang maging angkop ang pagkilos.
Emosyon mo, Share mo!
Bumunot ng papel sa kahon at basahin kung anong emosyon
ang nabunot. Magbahagi ng karanasan kung saan naipakita
ang nabunot na emosyon.
Nagsusumikap at determinado si Gab sa kanyang pag-aaral
lalong-lalo na noong malapit na siyang magtapos ng high
school. Gustong-gusto niyang maging iskolar pagdating sa
kolehiyo. Noong kumuha siya ng pagsusulit sa isang
scholarship program, labis ang kanyang ginawang
paghahanda. Hangad niyang makuha ito upang
makatulong sa kanyang mga magulang. Sa araw ng
pagsusulit ay hindi maiwasan ni Gab na makaramdam ng
takot at pag-aalala baka hindi sapat ang kanyang ginawang
paghahanda. Sa awa ng Panginoon ay naipasa naman niya
ito. Naging iskolar siya sa isang kilalang unibersidad dahil
1.Paano nalagpasan ni Gab
nang maayos ang pagharap
sa mga hamon ng buhay-
estudyante?
2. Ano ang mga mabuting
naidudulot ng wastong
pamamahala ng emosyon sa
Sikaping _______________nang ______________at naayon
ang mga pagkilos sa
pagtugon ng pangunahing ____________upang maging
Sikaping MAPAMAHALAAN nang MAAYOS at naayon
ang mga pagkilos sa
pagtugon ng pangunahing EMOSYON upang maging mabuti
EBALWASYON
Tukuyin ang mga pangunahing
emosyon sa sumusunod na mga
sitwasyon o pangyayari. Isulat
ang
L (Lungkot), G (Galit), T
1. Napagsabihan ni Betty si Anne ng masasakit na salita
dahil sa pagsisinungaling nito.
2. Hindi nagawa ni Rina nang maayos ang kanyang
proyekto sapagkat namatay ang kanyang lola noong
nakaraang linggo.
3. Napalundag si Kert nang naipasa niya ang pagsusulit.
4. Nag-aral nang mabuti si Nina subalit mababa parin
ang markang nakuha niya.
5. Nagdesisyon si Liezle na hindi na ipagpatuloy ang
Tukuyin ang emosyon na angkop sa bawat
sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa baba.
KASIYAHAN PAG-ASA PAGKAGALIT
PAG-ASAM KAWALAN NG PAG-ASA
1. Sobrang trapik naman dito! Hindi na ako
makakahabol sa aking klase.
2. Naniniwala ako na kayang-kaya mong
mapanalunan ang premyo sa sinalihan mong
paligsahan.
3. Malapit nang umuwi si Tatay. Ano kaya ang
kanyang pasalubong?
4. Huwag ka ngang maingay! Nakikita mong may
Pagsusuri ng emosyonal na kagalingan (ni Jeanne Segal)
Mga Katanungan:
a. Ano ang iyong natuklasan pagkatapos
mong malaman ang resulta ng iyong
pagsusuring ginawa?
b. Paano makatutulong ang resulta ng
iyong ginawang pagsusuri sa
pamamahala mo sa iyong emosyon?
c. Kung mapamamahalaan mo nang
wasto ang iyong emosyon, ano ang
kabutihang dulot nito sa iyo at sa iyong
Pangkatang Gawain:
Gamit ang speech balloon, buuin ang usapan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga pahayag upang
maipakita ang iyong
magiging damdamin kung maharap ka sa ganitong
sitwasyon.
a. Angkop ba ang iyong mga naging
damdamin sa bawat sitwasyon?
Patunayan.
b. Batay sa iyong mga sagot, masasabi
mo bang napamahalaan mo nang maayos
ang iyong emosyon?
c. Ano ang naitutulong ng iyong
damdamin sa iyong pagpapasya lalo na sa
panahong ikaw ay
nakararanas ng krisis, suliranin o
Suriin ang mga patunay sa bawat sitwasyon kung
papaano naimpluwensiyahan ng isang emosyon ang
pagpapasiya ng tao na dumanas ng krisis, suliranin o
pagkalito.

Si Brex ay bagong lipat sa paaralan. Sa tuwing


pumapasok siya ay panay ang
pambubulas ng kanyang mga kaklase. Araw-araw
niyang naririnig ang mga
masasakit na salita mula rito kaya naisipan niyang
huminto nalang sa pag-aaral
para makaiwas sa mga kaklaseng kinatatakutan niya
Suriin ang mga patunay sa bawat sitwasyon kung
papaano naimpluwensiyahan ng isang emosyon ang
pagpapasiya ng tao na dumanas ng krisis, suliranin o
pagkalito.
May problemang dinaramdam si Alex. Naghiwalay
kasi ang kanyang mga magulang kaya tahimik siyang
umupo sa isang sulok at hindi nakikipag-usap sa mga
kaklase. Abala siyang nagsusulat sa kanyang
kuwaderno. Habang abala ring itinali ng kaklase niya
ang kanyang damit sa kanyang upuan. Nang tumayo
na siya ay nakarinig siya ng tawanan. Sa sobrang
pagkapahiya ay nasuntok niya ang kaklaseng nagtali
ng kanyang damit.
Suriin ang mga patunay sa bawat sitwasyon kung
papaano naimpluwensiyahan ng isang emosyon ang
pagpapasiya ng tao na dumanas ng krisis, suliranin o
pagkalito.

Halos araw-araw ang panlalait ni Marga kay


Cassy sa loob ng paaralan hanggang sa hindi
na niya ito matiis at naisipan niyang gantihan.
Nang dahil diyan, ninakaw niya ang
kuwaderno nito at pinunit pagkatapos ay
itinapon sa basurahan.
Suriin ang mga patunay sa bawat sitwasyon kung
papaano naimpluwensiyahan ng isang emosyon ang
pagpapasiya ng tao na dumanas ng krisis, suliranin o
pagkalito.

Pangarap ni Roxy na makapagtapos ng pag-


aaral dahil gusto niyang maging guro ngunit
taliwas dito ang kanyang ama. Hindi pumayag
si Roxy sa halip ay nakiusap siyang payagan na
mag-working student sa bayan. Laking tuwa
niya nang pumayag ang ama.
Napakahalagang pinag-iisipang
mabuti ang gagawin lalo na sa panahong
nawawalan ka na ng pag-asa at pilit na
iniiwasan ang pangyayari dala nang bigat
ng suliranin at hindi alam kung ano ang
gagawin. Ikaw ay nakararanas ng krisis at
pagkalito. Hindi mo na alam ang iyong
gagawin. Ikaw ay nagalit sa iyong matalik
na kaibigan dahil narinig mong sinisiraan
ka niya. Iniisip mo na gantihan siya.
Mahalaga na maging mahinahon,
pagnilayan ang sitwasyon at pag-isipang
EMOSYON
POSITIBO O NEGATIBO

Tukuyin kung ang mga


sumusunod na emosyon ay
positibo o negatibong
emosyon
Ang mga emosyon sa unang
hanay ay nakasisiya ngunit
nangangailangan ng wastong
pamamahala.

Ang mga emosyon sa ikalawang


hanay ay nagpapahirap sa damdamin
dahil ito ay nakatatakot,
nakalulungkot at nagdudulot ng sakit
sa kalooban ng tao.
FORTITUDE
(katatagan ng loob)
-ito ay nagbibigay ng kakayahan
sa tao na malampasan ang
kahirapan, labanan ang mga tukso
at pagtagumpayan ang mga
balakid tungo sa higit na maayos
na pamumuhay.
Ang mga emosyon na hindi napamamahalaan ay
maaaring hindi maganda ang impluwensiya sa ating
mga kilos at pagpapasya sa sitwasyong may krisis,
suliranin o pagkalito. Ngunit hindi lahat ay sapat ang
kakayahan upang mapamahalaan ang kanilang
emosyon.
Nakita ng mga ilang siyentipiko ang
kahalagahan ng pamamahala sa emosyon sa
pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.
Kapag napagtagumpayan ng tao ang
pamamahala ng kanyang emosyon,
nangangahulugang mataas ang kanyang EQ o
Emotional Quotient na kilala rin sa tawag na
Emotional Intelligence
Limang Elemento ng EQ
1. Pagkilala sa sariling emosyon
2. Pamamahala sa sariling
emosyon
3. Motibasyon
4. Pagkilala at pag-unawa sa
damdamin ng iba
5. Pamamahala ng ugnayan
Limang Elemento ng EQ
1. Pagkilala sa sariling emosyon
Mahalaga na may kamalayan sa
sariling damdamin. Ito ay
makatutulong sa pagkakaroon ng
pang-unawa sa sarili. Ikaw ay
nakagagawa ng pagpapasya sa
iyong sarili at hindi ka lang sunod
nang sunod sa nais ng iba.
Limang Elemento ng EQ
2. Pamamahala sa sariling emosyon
Ang kakayahang mapamahalaan ang
ating emosyon ay mahalaga dahil ang mga
ito ay may epekto sa kalagayan ng ating
kalooban at pakikipagugnayan sa kapwa.
Ang taong may ganitong kakayahan ay
madaling makabangon sa mga pagsubok sa
buhay at makamit ang kanyang mga mithiin
sa buhay.
Limang Elemento ng EQ
3. Motibasyon
Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na
gawin ang isang bagay na hindi dapat
upang matupad ang isang layuning higit na
mahalaga para sa ikabubuti ng iba. Ang
taong may ganitong kakayahan ay may
disiplina sa sarili at hindi pabigla-bigla ang
pagpapasya. Naglalaan siya ng oras upang
makapag-relax at magnilay.
Limang Elemento ng EQ
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng
iba
Ito ay kakayahang makadama sa
damdamin at pangangailangan ng iba. Ang
taong may ganitong kakayahan ay
marunong ding bumasa at bigyan ng
kahulugan ang kilos ng iba. Maaari din
siyang sumangguni upang humingi ng
tulong sa mga kapamilya at mga
pinagkakatiwalaang kaibigan.
Limang Elemento ng EQ
5. Pamamahala ng ugnayan
Ito ay nangangahulugan na
napamamahalaan nang wasto ang emosyon sa
pakikipag- ugnayan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng
magandang ugnayan. Mahalaga sa
pagpapanatili ng magandang ugnayan ang
pagtitiwala sa sarili, malawak at bukas ang
isipan at kalooban, paggalang, pagtanggap sa
mga pangyayari at pagiging tapat sa sinasabi.
Anumang emosyon ay mahalaga. Ang pamamahala
natin dito ay maaaring makabubuti o makasasama sa
ating pakikipagkapwa. Ngunit, sa pamamagitan ng
wastong pamamahala ng mga ito, napauunlad natin
ang ating pakikipagkapwa.
Mahalaga na makapagbalangkas ka ng pamamaraan
upang makayanan at mapagtagumpayan mo ang mga
emosyon bunga ng iyong pinagdaraanan at mga
karanasan. Ilan sa mga mungkahing paraan upang
mapamahalaan ang mga ito ay (Moratό, Jr., 2007):
a. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko
bang magawa ko ang di karapat-
dapat o mas pipiliin kong gumawa
ng makabubuti?”
Hindi lamang ang sarili ang nagiging
biktima sa ating maling
pamamahala ng ating emosyon.
Mahalagang naipahahayag natin ito
nang maayos upang mapanatili
natin ang ating mabuting ugnayan
sa ating kapwa.
b. Tanggapin na ikaw ay takot
harapin ang takot, ngunit isipin na
mayroon pang higit na magandang
mangyayari. Maging positibo sa
pagharap sa hamon ng buhay.

c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi


nasusukat sa yaman, kapangyarihan,
at pagiging tanyag kung hindi sa
kakayahan na mamuhay nang may
pagpapahalaga at dangal.
d. Matutong tanggapin na may
hangganan ang lahat ng bagay na
mayroon tayo, tao man o bagay.
Hindi naman ito nangangahulugan
na magiging wala kang pakialam o
wala silang halaga sa iyo.

e. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng


pag-asa, isipin na may mga taong
maaari mong pagkatiwalaan at
mahingan ng tulong.
Nakikita natin ang epekto ng padalos-dalos nating
pasya at kilos dala ng mga negatibong emosyon na hindi
napamamahalaan. Madalas ay hindi nagiging maganda
ang idinudulot nito sa ating sarili at higit sa iba.
Hahayaan mo na lang ba na patuloy itong maging dahilan
ng iyong hindi mabuting ugnayan sa iyong kapwa?
Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang
mga emosyon at ilahad ang mga
paraan upang mapamahalaan nang
maayos ang bawat emosyong ito.
Gawing gabay sa pagsagot ang
halimbawa.
1. Ano ang maaaring kahihinatnan kung hindi
mapamamahalaan nang maayos ang mga emosyon
tulad ng: kalungkutan, pagkagalit, pagkamuhi at
pagkapoot?
A. uunlad ang buhay ng sarili at ng kapuwa
B. mapagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok na darating
C. makasasakit ng damdamin at makasisira ng dignidad ng
kapuwa
D. magdudulot ng kasamaan at kabutihan sa sarili maging sa
kapuwa.
2. Habang naglalakad sa masikip na pasilyo si Michael bigla
siyang hinarang ni Tomas at pinilit na makipag-inuman. Sa
halip na magalit ay pinapanatili nito ang pagiging mahinahon
at masinsinang ipinaliwanag na bawal sa kanya ang uminom.
Bakit ganito ang ipinakitang emosyon ni Michael sa
situwasyon?
A. Nagpadala siya sa kanyang emosyong pagkatakot.
B. Pinairal niya ang pagiging matatag sa pagdedesisyon.
C. Naimpluwensiyahan siya ng kaduwagan sa pagpapasiya.
D. Napamahalaan niya nang wasto ang kanyang emosyon sa
pagpapasiya
3. Bakit mahalagang mapamahalaan nang maayos
ang matinding emosyon? Ito ay upang
_______________.
A. makapaghiganti sa kapuwa
B. mailabas ang emosyong nararamdaman
C. maisagawa ang mga pansariling kagustuhan
D. magkaroon nang maayos na pagtugon sa mga
suliranin
4. Nagkasakit ang mga magulang ni Arniel at pinahinto
siya ng pag-aaral. Sa halip na mawalan ng pag-asa ay
naghanap ito ng trabaho para matustusan ang
pangangailangan ng mga magulang at umaasang
balang araw ay makakapag-aral ulit. Anong katangian
ang ipinamalas ni Arniel?
A. matatag
B. mahinahon
C. matulungin
D. mabuting anak
5. Alin sa mga sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng
katatagang-loob?
A. Tinawanan ni Olly ang problema at nagkibit-balikat na
lamang.
B. Isinangguni ni Roberto sa mga kaibigan ang problema
nito sa babaeng nililigawan.
C. Patuloy sa pag-aaral ang magkapatid na Angel at Lyca
kahit napakahirap ng kanilang pamumuhay.
D. Hinihikayat ng Organisasyong Kilos Muna Bago Husga
ang mamamayan ng Brgy.143 Zone Kalipa St. na dumalo
sa gagawing seminar.
Narito ang gabay na maaari mong gamitin sa pagsagot sa bawat kolum:
a. Kalakasan. Ano ang kabutihang dulot ng bawat pangunahing emosyon
kapag ito ay napamahalaan nang wasto?
b. Kahinaan. Anong suliranin ang idudulot ng bawat pangunahing
emosyon kung hindi napamahalaan nang wasto?
c. Oportunidad. Anong oportunidad ang naghihintay kung
mapamahalaan nang wasto ang emosyon at mapagtagumpayan ang
mga suliraning dala nang hindi wastong pamamahala ng emosyon?
d. Banta. Anong banta ng iyong mga emosyon ang kailangang bigyan ng
tuon upang hindi tuluyang makapagdulot nang hindi mabuti sa iyong
pakikipagkapwa?

You might also like