You are on page 1of 1

MODYUL 14.

ANG KAHALAGAHAN NG MABUTING PAGPAPASYA SA URI NG BUHAY


Pagpapalalim
Petsa: __________________

 MABUTING PAGPAPASYA
- proseso kung saan malinaw na nakikilala at nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay
- “Kung mahusay ang pagpapasya, mas malinaw ang mga pagpiling gagawin.”

 Mga SANGKAP sa PROSESO ng Mabuting Pagpapasya:


1. PANAHON – una at pinakamahalagang sangkap
2.ISIP – gamit sa pagninilay at paghahanap ng mga sitwasyon
3.DAMDAMIN – sinasala ang natuklasan ng isip
4.PAGPAPAHALAGA – pundasyon o haligi sa proseso

 PROSESO ng Mabuting Pagpapasya - Batay sa pagpapahalaga, gamit ang isip at damdamin upang tiyakin
sa loob ng sapat na panahon ang pasya.

 PAGSASALARAWAN NG PROSESO NG MABUTING PAGPAPASYA:

 Mga HAKBANG sa Paggawa ng Mabuting Pasya:


1. Magkalap ng kaalaman.
2. Magnilay sa mismong aksyon.
3. Hingin ang gabay ng Diyos.
4. Tayain ang damdamin sa napiling pasya.
5. Pag – aralang muli ang pasya.

 PERSONAL NA PAHAYAG NG LAYUNIN SA BUHAY (Personal Mission Statement)


- isang mabuting gabay sa mga pagpapasya
- balangkas ng buhay
- maaaring mahaba o maikli, nasa anyo ng awit o tula

 Ayon kay STEPHEN COVEY, ang personal na pahayag ng layunin sa buhay o personal mission
statement ay tulad sa isang punong may malalim na ugat.

 Mga PARAAN sa Paggawa ng Personal Mission Statement ayon kay Stephen Covey:
1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto.
2. Gamitin ang paraang Brain Dump.
Sa loob ng 15 – minuto, isulat ang nais isulat tungkol sa iyong misyon. Pagkatapos, maglaan
muli ng 15 – minuto upang ayusin ang bararila o gramatika ng iyong isinulat.
3. Magpahinga at maglaan ng oras sa pag – iisip.

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul 14: PROSESO NG MABUTING PAGPAPASYA

You might also like