You are on page 1of 1

DATE June 18, 2019

I. LAYUNIN Naisasabuhay ang mahalagang konsepton ng ekonomiks sa pag-araw-araw na


pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
II. NILALAMAN A. YUNIT I : MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS
Aralin 1: KAHULUGAN NG EKONOMIKS
A. Nilalaman: Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks
B. Kagamitang Panturo: Araling Panlipunan – EKONOMIKS Modyul ng
Mag-aaral pahina 17-19
C. Kagamitan: ilustrasyon tungkol sa Matalinong Pagdedesisyon
III. LEARNING TASKS
A. ENGAGE Balikan ang kahulugan ng Ekonomiks. Ipangkat ang klase sa dalawa. Gawin ang
Gawain 4 sa LM (Mind Mapping). Ilahad ito sa klase.

B. EXPLORE Gamitin ang ilustrasyon tungkol sa Matalinong Pagdedesisyon. Ipangkat ang klase
sa apat at sagutan ang Pamprosesong Tanong na ibigay sa bawat grupo.

Pamprosesong Tanong:
Unang Pangkat: Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang konseptong
trade-off?
Ikalawang Pangkat: Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang
konseptong Opportunity Cost?
Ikatlong Pangkat: Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang
konseptong Incentives?
Ikaapat na Pangkat: Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang
konseptong Marginal Thinking?

TRADE-OFF Opportunity Incentives Marginal


Cost Thinking

MATALINONG PAGDEDESISYON
IV. TEACHERS TASK

C. EXPLAIN 1. Ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ang ibang bagay ay
tinatawag na trade-off.
2. Ang ginagawang pagsasakripisyo ay opportunity cost.
3. Ang incentives ay maaring mailalarawan sa pagbigay ng mas magandang
serbisyo, pag-alok ng mas mura sa produkto at pagbigay ng mas maraming
pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto at serbisyo.
4. Ang pagsusuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga, maging ito man
ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing pagdedesisiyon ay
tinatawag na Marginal Thinking.
D. ELABORATE * Papipiliin ang mag-aaral ( Trade – off) at itanong kung ano ang makuha nila o
magandang maidudulot sa sarili.
-Mag-aaral ka ba o maglalaro?
* Ang halaga (magandang maidudulot sa sarili) sa hindi napiling bagay ang
tinatawag nating opportunity cost.
* Subalit minsan kahit na nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang
magbago ng isip sa bandang huli dahil minsan nga may mga alok na mas
maganda.
* Think outside the box. Huwag gumawa ng deritsong desisyon kundi suriin
kung ano ang karagdagang halaga.

You might also like