You are on page 1of 21

1 2

A B
A B
Pang- uri
Ano ang
pang-uri?
Pang uri - mga salitang
naglalarawan o
nagbibigay turing sa
pangngalan at
panghalip.
Pang-uring
Pahambing
Pang-uring Pahambing
- ay naglalarawan o
nagbibigay-katangian sa
dalawang tao, bagay,
lugar o pangyayari.
Dalawang Uri
ng Pang-uring
Pahambing
Dalawang Uri ng Pang-uring
Pahambing
1. Hambingang magkatulad
2. Hambingang di- magkatulad
1. Hambingang magkatulad
Ang dalawang tao, bagay,
lunan o pangyayaring
pinaghahambing ay
magkatulad o pareho ang
timbang.
Naipakikita ito sa pamamagitan ng
paggamit ng:
salitangkapwa at pareho
Mga Halimbawa: kapwa maganda, parehong
matalino
mga panlaping sing-, kasing-, magsing-,
magkasing-, at ga-.
Mga Halimbawa: singhusay, kasingganda,
magsintaas, magkasingyaman, gamunggo
2. Hambingang di-magkatulad
Ang dalawang tao, bagay,
lunan o pangyayaring
pinaghahambing ay di-
magkatulad, di- pareho o di-
patas.
Ang hambingang di-
magkatulad ay
maaaring palamang o
pasahol.
Hambingang palamang
Malaki, mataas ang uri o
nakahihigit ang itinutulad sa
pinagtutularan, nakikilala ito sa
pamamagitan ng:
Mga Halimbawa: mas matalino
kaysa, mas listo kaysa, malaki-laki
kaysa
Hambingang pasahol
 Maliit, alangan, mababa ang uri ng
inihahambing sa pinaghahambingan.
Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng
sumusunod: di-gasino, di-gaano, di-totoo, di-
lubha at alinman sa mga katuwang na ito:
gaya, tulad, paris, para.
Mga Halimbawa: di-gaanong malaki gaya, di-
lubhang palakibo tulad, di-totoong tanyag
paris, di-gasinong makisig gaya.
1.Alam mo ang mangga sa aming lugar sa Guimaras
ay higit na matamis kaysa sa manga ng Ilo-ilo.
2.Hindi ba’t mas maraming niyog sa inyo sa Guimaras?
3.Noon pa ma’y hanga na ako sa iyo, kasingsipag mo
ang mga magsasaka.
4.Ngunit naging mas maginhawa ang pakiramdam ko
nang tumubo ka.
5.Mula noon, tinawag na nila itong manggang
Guimaras dahil ito’y higit na malaki kaysa dating
pahutan.
Pangkatang Gawain
Pangkat 1- Dula- dulaan: Paghambingin ang ama at ina
ng tahanan pagdating sa usaping pantahanan at ang
paraan ng kanilang pagdidisiplina (2-3 minuto)
Pangkat 2- Iskit: Ano ang magagawa mo para maging
malinis ang inyong barangay? (2-3 minuto)
Pangkat 3- Awitin- Lumikha ng awitin kahit anong tema
gamit ang dalawang uri ng pag-uring pahambing na
natalakay (2-3 minuto)
Pangkat 4- Paglikha ng Poster- Gumuhit ng Poster na
naglalarawan ng kapaligiran ng NOON at NGAYON.
Pamantayan sa Pagkatang Gawain

Pagkamalikhain 30%
Pagkakaisa 20%
Kaayusan 20%
Presentasyon 30%
Kabuuan 100%
Paano mo magagamit ang mga
payahag sa paghahambing na
makakatulong sa pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga alamat at
mga lugar pantururismo sa
Kanlurang Visayas? O sa inyong
sariling lugar?
Panuto: Pumili ng isa sa mga sumusunod na paksa.
Sumulat ng pangungusap at isaalang-alang ang gamit ng
mga pahayag na naghahambing. Pagkatapos, basahin
ito sa klase.
a.Luzon at Visayas
b.manga ng Guimaras at manga ng Zambales
c. yamang-dagat sa Visaya at yamang-dagat sa
Mindanao
d.awiting-bayan ng Visayas at awiting-bayan ng Luzon
e.lugar-panturismo sa Mindanao at lugar-panurismo sa
Visayas
Panuto:Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang mga pahayag na
naghahambing. Pagkatapos, suriin kung anong uri ito ng pahayag na
naghahambing. Gayahin ang kasunod na talahanayan.
1. Katulad ng palay, naging mas mainam na hanapbuhay ang pagtatanim ng
mangga sa Guimaras.
2. Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, di-tulad ng hangin sa lungsod.
3. Ang mangga sa aming lugar ay higit na matamis kaysa sa Iloilo.
4. Mabuting di-hamak sa kalusugan ang karne ng baka kaysa sa karne ng kalabaw.
5. Kasinsipag ng magsasaka ang mga manggagawa.
Salita/ Pahayag na Naghahambing Uri ng Paghahambing
1.
2.
3.
4.
5.

You might also like