You are on page 1of 6

ARALIN 1.1 - PANITIKAN 4.

Paano pinatunayan nina Hasmin at Farida ang kanilang


pagmamahal sa Datu?
Nakalbo ang Datu
(Kuwentong-bayan ng Maranao)

Ang kuwentong ito ay


tungkol sa isang Muslim.
Ilalahad nito ang ilang
paniniwala ng mga Muslim
tungkol sa pag-aasawa. Sa 5. Ano ang naging bunga ng pagmamahal ng dalawang
kanilang paniniwala, ang isang asawa ng datu?
lalaki ay maaaring magasawa
nang higit sa isa kung may
kakayahang sustentuhan ang Si Inang sa Kaniyang Dapithapon
pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila. Isinulat ni Ernesto U. Natividad Jr.
May isang datu na tumandang binata dahil sapaglilingkod
sa kaniyang mga nasasakupan. Sadyang lagi siyang abala sa “Hello..Hello…” wika ng nasa kabilang linya. Ang nasa
pamamahala ng kanilang pook kaya nalimutan na niya ang mag- kabilang linya ay si Mariel. Pamangkin ko, anak ng aming
asawa. Dahil dito, pinayuhan na siya ng matatandang tagapayo na panganay.
mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak na magiging “Kumusta si Lola mo?” ang tanong ko.
tagapagmana niya. “Tito, nahihilo si Lola” ang sabi ni Mariel.
Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya “Bakit?” ang tanong ko.
habambuhay. Totoong naging pihikan ang datu dahil sa dami ng “Mataas ang BP (blood pressure)” ang sagot niya.
magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil “Umabot kanina ng 140” dugtong pa niya.
sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng “Pinainom n’yo na ba ng gamot?”, pahabol kong tanong.
konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang “Hindi pa po, wala na kasi siyang gamot”, wika ni Mariel.
dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang tunay na “Dadalhin namin siya sa ospital”, ang sabi niya.
magaganda at mababait pa. Dahil sadyang wala siyang itulak- “Panginoon”, ang pabulong kong panalangin, “tulungan
kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan mo sana si Inang.” Tunay ngang kakabahan ang sinuman sa
niya ang dalawang dalaga. ganitong pagkakataon.
Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya Kinabukasan, tinawagan ko si Mariel sapagkat siya ang
ay batangbata at totoong napakalambing. Kahit na matanda na ang naiwang nagbabantay sa ospital, kasama si Jean, ang asawa niya.
datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng “Anong lagay ng Lola mo”, ang tanong ko.
datu kaya ipinagkaloob nito sa kaniya ang bawat hilingin niya. Dahil “Pangatlong stroke na raw, at baka di raw mawala ang
sa pagmamahal sa matandang datu, nag-isip si Hasmin ng paraan pagkahilo” malungkot na sagot niya.
upang magmukhang bata ang asawa. Naaalala ko pa noong tinawagan niya ako nitong
“Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa nakaraan. Ang sabi niya, “kamusta na kayo”, hindi ba kayo uuwi?”,
ganitong paraan, magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.” tanong niya. Ang sagot ko’y hindi pa kami makauuwi dahil
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Tuwing maraming dapat tapusin sa trabaho.
mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok “Di ako napagkakatulog,” ang sabi niya. Ang tinig niya ay
ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at hindi na gaanong marinig. Mahina na siya. Halos sampung taon na
napakahimbing pa. kasi siyang may sakit. Na-stroke siya noong 2005. Talagang halos
Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang nakahiga na lang sa kama. Kailangang alalayan kapag uupo sa
asawa. Tunay na maganda at mabait din si Farida ngunit wheel chair, kapag maliligo at magbabanyo. Ang kapatid kong
kasintanda siya ng datu. Tuwangtuwa si Farida kapag nakikita ang sumunod sa akin at ang aming bunso ang kasama niya sa bahay
mga puting buhok ng datu.Tuwing tanghali, sinusuklayan niya ito. sa probinsiya.
Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na “Kailan kayo darating?” ang tanong ni Inang. “Kapag di ko
buhok ng asawa. na kayo marinig? Kung di ko na kayo makikilala?” ang sabi pa niya.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa “Tinitiis ko lang ang lungkot kapag naaalala ko kayo. Lumuluha na
ay kuntento na sa kaniyang buhay ang datu. Tunay na naging lang ako dahil wala naman akong magawa, di na ako makalakad
maligayang-maligaya siya, at pinagsisihan niya kung bakit hindi nang mag-isa,” ang malungkot at humihikbing pahayag ni Inang.
kaagad siya nag-asawa. Bigla siyang nagpaalam, “Sige at aalis na ako,” wika niya.”
Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang Inang, Inang!”, pahabol kong sigaw. Bigla akong nagising.
minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kaniyang sarili. Panaginip lang pala. Pero naluha ako. Biglang nalungkot. Bakit nga
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. ba hindi man lang namin siya nadadalaw nang madalas? Paano na
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal nina Hasmin at nga namin siya makakausap ngayon kung halos di na niya kami
Farida. marinig? Ano pang saysay ng aming pagpunta kung di na niya
Hinango : Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga kami makikilala? “Diyos na mahabagin, bigyan Mo pa ako ng
Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy pagkakataong makausap ang aking ina”. Totoong malulungkot ka
Printing Press, 1986, pp.80-81. nang lubos kapag mangyayari ang sitwasyong napanaginipan.
Nasa ospital pa rin si Inang. Sadyang nakapanlulumo
Pag-unawa sa Nilalaman kapag may sakit ang iyong ina. Ang panalangin ko sa Maykapal,
sana ay bigyan pa siya ng lakas, makapiling pa namin, maging
tanglaw ng aming pamilya kahit siya ay nasa bandang dapithapon
Sagutin ang mga tanong.
na ng kaniyang buhay.
1. Ano ang suliranin ng Datu?
2. Bakit naging suliranin niya ito? Sagutin ang mga tanong:
3. Paano natutong umibig ang Datu? 1. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Tungkol saan ito?

FILIPINO 7 - PANITIKAN (UNANG MARKAHAN) 1 | P a h i n a


2. Ano-ano ang katangiang taglay ng sumusunod na tauhan. Ilahad
ang kanilang paniniwala, at ang iyong sariling pananaw tungkol
dito.
2. Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa sinabi ng
Tauhan Katangian Paniniwala Sariling matandang aso sa ardilya na, “matanda na ako at maraming
Pananaw karanasan”?
Tagapagsalaysay 3. Ano ang naging pananaw at saloobin mo sa naging kilos, galaw
o pananalita ng mga tauhan sa akda? Karapat-dapat o di karapat-
Lola dapat ba ang paggamit ng hayop bilang tauhan sa pabula?
Pangatuwiranan.
3. Suriin ang mga salitang sinalungguhitan sa ilang pangungusap.
Ano ang gamit nito sa mga pangungusap? Magtanim ka nang Mabuti, Mag-aani ka nang Mabuti
ni Ernesto U. Natividad Jr.
ARALIN 1.2 - PANITIKAN Isang araw, may biglang sumigaw sa pintuan ng isang
mall, “wala akong pera, umalis ka rito, ang baho mo!.” Ang
Ang Aso at Ang Leon (The Dog and the Lion) sumigaw ay isang matandang babaeng nasa pagitan ng apatnapu
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Ernesto U. Natividad Jr. at limampu ang edad. Marahil ay mainit ang ulo ng matanda”. Ang
matanda ay mukhang sosyal, mayaman at maraming alahas na
Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang suot. Sa likod niya ay may isang batang babaeng nasa siyam na
hinahabol ang kuneho. Mayamaya ay napansin niya buhat sa taong gulang. Sa kabila ng maputing balat ay mukhang pulubi ang
malayo ang isang leon na tumatakbo papalapit sa kaniya na may batang babae dahil sa gusgusin ito. Sumusunod siya sa matanda
tinging nagugutom. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito,” at naglalahad ng kamay para sa kaunting baryang inaasahan sa
sabi ng aso sa sarili. matanda. Ngunit hindi ito nangyari. Sa halip ay hiniya pa siya sa
Nakakita ang matandang aso ng mga butong nakakalat gitna ng napakaraming tao. “Lumayo ka nga sa akin, napakabaho
malapit sa kaniya. Umayos siya na animo’y kakainin ang mga ito mo!” Ang sigaw ng matanda, at nagpatuloy sa paglalakad na
nang nakatalikod sa paparating na leon. Nang dadambahin na ng parang walang napansin.
leon, sumigaw ang matandang aso, “isang napakasarap na leon! Sa di-kalayuan ay may binatang kabababa lamang mula
Mayroon pa kayang iba rito? sa kotseng kulay pula. Bagong-bago ang kotse. “Siguro naman ay
Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang magbibigay ito” sabi ng bata. “Kuya, parang awa na po ninyo” sabi
aso ay bigla itong tumigil, at mabilis na nagtago sa puno. “Marahil ng batang babae. “Pahingi naman po ng kaunting barya, pangkain
ay mabagsik ang matandang asong iyon at marami nang napatay,” lang, gutom na gutom na po ako.”
bulong niya sa sarili. “Pasensiya ka na Neng, wala akong barya” wika ng
Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa pala nanonood binata.
sa malapit na punongkahoy ay alam ang pandarayang ginawa ng Isang binata ang lumapit sa batang babae. Ang binatang
aso at nag-isip na gamitin ang kaniyang nalalaman para sa ito ay si Erwin, isang construction worker sa di kalayuang
kaniyang sariling proteksiyon mula sa leon. “Siguro naman ay ginagawang gusali. Nakita ni Erwin ang sinapit ng batang babae.
makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting sabi nito sa sarili. Dahan-dahan niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng batang
Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang babae na noon ay tahimik na nakatungo at umiiyak.
nangyari at gumawa ng kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng “Ne..” tawag ni Erwin. “Huwag ka nang umiyak, heto at
asong iyon ngayon,” pangising tinuran ng ardilya. ibinili kita ng tinapay,” wika ni Erwin.
Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at “Humihikbing sinabi ng batang babae, “maraming salamat
nagwika, “sumakay ka sa likod ko at nang makita mo ang kuya..”
mangyayari sa manlilinlang na iyon!” “Kumain ka na muna” tugon ng binata. “Oh paano, iwan
Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na muna kita at mahuhuli na ako sa trabaho ha.” “Sa iyo na rin itong
may nakasakay na ardilya sa likod. Sa halip na tumakbo, naupo baon kong tubig”, dagdag pa ng binata. Natuwa ang bata at muling
siya at nagkunwaring hindi pa niya sila nakikita. Nang malapit na nagpasalamat. Mula noong araw na iyon ay dinaraanan na ni Erwin
ang dalawa at alam niyang siya’y maririnig, ang matandang aso ay ang bata sa lugar na iyon halos araw-araw.
nagsabi, “nasaan ang ardilyang iyan? Inutusan ko siya, isang oras Erwin U. Novales ang buong pangalan ng binata. Ulila na
na ang nakakaraan na dalhin sa akin ang isa pang leon!” siya sa ama at ina. Namatay ang kaniyang ama noong limang
Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya. “Akala taong gulang pa lang siya. Nagkasakit nang malubha ang ama.
ko ba’y kakampi kita?” “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo Dahil walang pera, napabayaan at di na siya nadala man lang ng
akong ipakain sa asong iyan?” Akala ng leon ay talaga ngang pagamutan. Naiwan ang mga kapatid sa kaniyang pangangalaga
inutusan ng matandang aso ang ardilya upang siya ay dalhin sa dahil namatay rin sa karamdaman ang ina. Labandera ang
harap nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki niya ay kaya kaniyang ina. Di naglaon ay nagkasakit at pumanaw rin ang
niyang patayin at lapain ang matandang aso. Kumaripas ng takbo kaniyang ina. Dahil walang magulang, tumigil sa pag-aaral si
ang leon, at ni hindi na nagawang lumingon. Erwin. Isang taon na lang sana ay matatapos na niya ang high
Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang aso at school.
galit na nagwika, “akala mo siguro ay mapapatay mo ako sa “Ito po ba ang inyong anak?”, tanong ng isang pulis sa
pamamagitan ng leong iyon!” Matanda na ako at marami ng kausap habang ipinakikita ang isang larawan ng nawawalang bata.
karanasan. Hindi ninyo ako mapaglalalangan. Nanginginig na “Siya nga,” sagot ng isang lalaking naka-amerikana. may
humingi ng tawad ang ardilya. kurbatang asul na may larawan ng simbolo ng Singapore. “Matagal
nang nawawala ang aking anak”, pahayag ng lalaki.
Sagutin ang sumusunod na tanong. “Nang maghanap kami,” sabi ng pulis, “may
1. Ilarawan ang mga tauhan sa binasang pabula. Gayahin ang nakapagsabing ang batang ito’y madalas makita riyan sa may
kasunod na pormat sa sagutang papel. malapit na mall. “Sa palagay ko ay matatagpuan natin siya roon.
Sumama kayo at tingnan kung iyon na ang inyong anak.
Ardilya Leon Matandang Aso
FILIPINO 7 - PANITIKAN (UNANG MARKAHAN) 2 | P a h i n a
Ang batang hinahanap ng lalaki ay tatlong buwan nang siya nakarating. Isang araw, dahil sa matinding pagod, nagkasakit
nawawala. Naglalakad-lakad sila ng tagabantay noon sa kanilang at namatay siya sa lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
subdibisyon katulad ng ipinayo ng ama para makapag-ehersisyo Natagpuan si Prinsipe Bantugan ni Prinsesa Datimbang at ng
ang bata. Nang maparaan sa isang convenient store, nagpabili ang kapatid nitong hari. Hindi nila nakilala si Prinsipe Bantugan kaya
bata ng pagkain. Paglabas ng tagabantay ay nawawala na ang sumangguni sila sa konseho kung ano ang dapat nilang gawin.
bata. Mula noon ay di na nila natagpuan. Habang nagpupulong, isang loro ang dumating at sinabing ang
“Tara na, kung maaari ay dalian natin, baka di na natin bangkay ay ang magiting na Prinsipe Bantugan ng kahariang
abutan,” sabi ng lalaki. Bumbaran.
“Posibleng naroon pa rin ang bata”, sagot ng isa pang Samantala, bumalik ang loro sa Bumbaran upang ibalita
pulis. kay Haring Madali ang nangyari sa kaniyang kapatid. Kaagad
Ikalawa ng hapon nang abutan ng mga pulis ang bata. lumipad sa langit ang hari upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe
Natutulog ang bata. Tangan pa ng kanang kamay ang natirang Bantugan. Nang mga oras na iyon ay papunta rin sina Prinsipe
tinapay na ibinigay ng laging nagbibigay sa kaniya, si Erwin. Sa Datimbang sa Bumbaran upang dalhin ang bangkay ni Prinsipe
kaliwang kamay naman ay ang plastik na boteng lalagyan ng tubig. Bantugan kaya hindi na ito inabutan ni Haring Madali. Bumalik ang
“Sir, iyan po ang batang nasa larawan”, sabi ng pulis. hari sa Bumbaran at pilit niyang ibinalik ang kaluluwa ng kapatid.
“Siya nga ang aking anak!” Natutuwang sigaw ng lalaki. Muling nabuhay ang prinsipe at nagsaya ang lahat. Nagbago na rin
“Ang kawawa kong anak..”, dagdag pa ng lalaki. “Anak, anak, si Haring Madali.
gising anak..”, sabi ng lalaki habang tinatapik ang pisngi ng bata. Nabalitaan ni Haring Miskoyaw na kaaway ni Haring
Unti-unting nagmulat ng mata ang batang babae. “Sheryl, anak..”, Madali ang pagkamatay ni Prinsipe Bantugan. Kasama ang
sabi ng ama. maraming kawal, nilusob nila ang kaharian ng Bumbaran.
“Daddy! Daddy ko!” Sigaw ng bata habang umiiyak, Sa pagdating ng pangkat ni Haring Miskoyaw sa
kasabay ng pagyakap nang mahigpit sa kaniyang ama. Kinarga Bumbaran, hindi niya alam na muling nabuhay si Prinsipe
siya ng ama at niyakap din siya nang mahigpit. Bantugan. Dahil kabubuhay pa lamang at napakarami ng kalaban,
Ikasiyam ng umaga. Maingay ang paligid. “Sino si Erwin madaling nanghina ang prinsipe. Nabihag siya at iginapos, muling
Novales”? tanong ng katiwala ng ginagawang gusali. lumakas at nakawala siya sa pagkakagapos. Sa laki ng galit sa
“Sir, ako po si Erwin Novales,” pahayag niya. “Ano po ang mga kalaban, lalo siyang lumakas at nagawa niyang mapuksa ang
problema”?, tanong ni Erwin. mga ito.
“May bisita, hinahanap ka”, tugon ng katiwala. Nang matapos ang labanan, pinasyalan ni Prinsipe
Pagdating ni Erwin sa may pintuan, may isang batang Bantugan ang buong Bumbaran. Lahat ng kaniyang kasintahan ay
nakatayo. Nakadamit ng puting parang gown. Naka-make-up at pinakasalan niya at sila ay dinala niya sa kanilang kaharian.
nakaayos ang buhok. Kahawig ni Sheryl. Pagdating sa kaharian, masaya silang sinalubong ni
“Kuya Erwin!” Sigaw ng bata. Atubiling lumapit ang Haring Madali. Masaya nang namuhay si Prinsipe Bantugan sa
binata. “Ako ito kuya,” pakli ng batang babae. Saka pa lang piling ng pinakasalang mga babae.
napagtanto ni Erwin na ang kaharap ay ang batang pulubi na
dinadalhan niya araw-araw ng pagkain. Sagutin ang mga tanong
“Pero paano nangyari iyon?” tanong ni Erwin. 1. Bakit galit si Haring Madali kay Prinsipe Bantugan? Ipaliwanag
Ipinaliwanag ng ama ni Sheryl ang nangyari at nagpasalamat sa ang sagot sa pamamagitan ng paglalahad mga pangyayari.
kabutihang ipinakita nito sa anak. 2. Ano ang naging bunga ng pangingibang-bayan ni Prinsipe
Bilang pasasalamat ni Mr. Reyes kay Erwin pinatira sila Bantugan? Isalaysay ang mga pangyayari.
sa tahanan nito. Kasabay ni Sheryl ay pumasok sa isang pribadong 3. Ano ang ginawa ni Haring Madali nang malaman niyang
paaralan ang mga kapatid ni Erwin. Si Erwin naman ay nagpatuloy namatay si Prinsipe Bantugan? Ano ang ipinahihiwatig nito?
sa pag-aaral, nakatapos at naging tagapangasiwa ng isa sa mga
negosyo ni Mr. Reyes. Kapitan Idol
Nangyari kay Erwin ang kaisipang, “magtanim ka nang ni Geraldine V. Nones
mabuti, aani ka nang mabuti.”
Pauwi na ako galing sa eskuwela nang makita ko ang
Sagutin ang sumusunod na tanong. umpukan sa Barangay Hall. Naroroon si Tatay na matamang
1. Anong uri ng teksto ang binasang akda? nakikinig sa isang pagpupulong na pinamumunuan ni Kapitan Lino.
2. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa akda? Patunayan. Malayo pa lang ay kitang-kita na ang kunot sa kanilang
3. Kung ikaw si Erwin, gagawin mo rin ba ang pagtulong sa batang mga noo. Nagtaka ako sa naging reaksiyon ng kanilang mukha
si Sheryl? Pangatwiranan. kaya naman hindi ko maiwasang hindi lumapit.
4. Ano ang ibig sabihin ng kaisipang, “magtanim ka ng mabuti, Bilin sa akin ni Nanay na huwag daw akong makikihalo sa
mag-aani ka ng mabuti.” Ipaliwanag ang sagot. usapan ng matatanda sapagkat hindi raw iyon mabuting ugali ng
isang batang tulad ko. Ngunit hindi ko maiwasang hindi makinig sa
ARALIN 1.3 - PANITIKAN kanilang usapan lalo na nang marinig ko ang pagsigaw ni Mang
Tonio.
Prinsipe Bantugan “Aba, hindi maaari iyan! Kapag natuloy ang pagpapatayo
(Ikatlong salaysay ng Darangan) ng pabrika rito sa ating barangay dudumi ang hangin sanhi ng usok
na ibubuga nito!”
Magkapatid sina Bantugan at Haring Madali ng kaharian “Masisira rin ang ating mga pananim dahil sa maruming
ng Bumbaran. Labis ang inggit ni Haring Madali sa kapatid paligid.” dugtong pa ni Mang Lito.
sapagkat hindi lamang ang kakaibang katapangan ang totoong “Bunga nito, magkakasakit ang mga anak namin” ,
hinahangaan sa kaniya, kundi maging ang paghanga at nagngingitngit ding sabi ni Aling Betty.
pagkakagusto ng maraming dalaga dito. Kaya, bilang hari, Maging si Tatay ay nagsalita rin. “Kahit ang ilog sa tabi ng
ipinagutos niya na walang makikipag-usap kay Prinsipe Bantugan, itatayong pabrika ay maaaring masira.”
at sinuman ang sumuway ay parurusahan niya ng kamatayan. “Mawawalan kami ng hanapbuhay”, sabad naman ni
Naging dahilan ito ng pangingibang-bayan ni Prinsipe Mang Kiko na isang mangingisda.
Bantugan. Nang nilisan niya ang Bumbaran ay kung saan-saan
FILIPINO 7 - PANITIKAN (UNANG MARKAHAN) 3 | P a h i n a
Nakita ko ang lungkot sa kanilang mga mata at ang galit Sima. Si Reyna Sima ay isa sa mga reynang namuno ng isang
sa kanilang mga mukha. Nadama ko ang pag-aalala para sa kaharian sa kapuluan ng Mindanao. Nakilala siya dahil sa kaniyang
kalusugan at kinabukasan ng kanilang pamilya. katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad
Sa aking murang pananaw, batid kong nakababahala ang sa panunungkulan. Ang Kutang-bato ang Cotabato ngayon na isa
magiging kalagayan ng aming barangay dahil sa planong sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.
pagpapatayo ng pabrika ng goma sa lugar nito. Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang
Pinuputakti ngayon ng reklamo si Kapitan. Nakikiusap na tahimik at sagana ang mga taga Kutang-bato. Mahigpit niyang
sana’y huwag niyang hayaang maipatayo ang pabrika. ipinasunod ang mga batas, at ang sinumang lumabag sa ipinag-
Kamakailan lamang ay narinig ko si Kagawad Lucio na uutos niya ay pinarurusahan. Kabilang sa patakaran na mahigpit
nakikipag-usap sa kabataang nasa edad labingwalo pataas na na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa at katapatan
mag-apply ng trabaho sa pabrikang itatayo. Sigurado raw na ng kaniyang mga tauhan.
marami ang kakailanganin nitong trabahador kaya magbubukas ito Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng
ng oportunidad para sa mga walang trabaho. Tsino sa Kaharian ng Kutang-bato. Napabalita ito dahil sa maunlad
Kung gayon bakit tinututulan pa ng nakararami ang na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima, at sa katapatan ng
pagpapatayo ng pabrika? Napaisip tuloy ako. kaniyang mga tauhan. Walang kaguluhan at walang nawawalang
Ang sabi ni Nanay, bukod sa biyayang kabuhayan ng bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian
bukirin at ilog sa aming lugar, tradisyon na rin daw na maituturing ng Kutang-bato.
ang pangangalaga sa aming mga yamang likas na nag-ugat pa sa Minsan, isang negosyanteng Tsinong nakipagkalakalan
mga ninuno nang naaayon sa ginagampanan nilang tungkulin. sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa
Ngunit, kapansin-pansin na sa kabila ng magulong isang mesa sa palasyo. Hindi ipinagalaw ni Reyna Sima ang supot
sitwasyon ng barangay, idagdag mo pa ang galit at kabi-kabilang ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit ni Reyna Sima sa kaniyang
reklamo ng kabarangay. Tahimik lamang na nagmamasid si nasasakupan na walang gagalaw ng nasabing supot ng ginto.
Kapitan. Pinakikinggan ang hinaing ng bawat naroroon. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan
Mayamaya pa’y mahinahong pumagitna si Kapitan. Sa nang sa gayon ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kaniyang
kabila ng ingay at gulo, nagwika siya. “Higit sa lahat, ang pinag-iwanan ang supot ng ginto.
kalusugan ng mamamayan ay kayamanan ng bayan”, malinaw na Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima
namutawi sa bibig ni Kapitan. dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa
Natahimik ang lahat. Hinihintay ang susunod na sasabihin katapatan.
ni Kapitan. Kaya ang bawat pagbuka ng bibig niya ay pigil-
hiningang inaabangan ng bawat isa. Rubin, Ligaya T. et.al. Panitikan ng Pilipinas. 1985. Rex Book
“Bagama’t malaki ang maitutulong ng pabrikang itatayo sa Store, Claro M. Recto, Manila
mga walang hanapbuhay, higit namang malaki ang mawawala
kung hahayaan nating maipatayo ito” , dugtong ni Kapitan. Sagutin ang mga tanong.
“Pinakamahalaga pa rin ang kalusugan ng bawat isa kaya 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
napagdesisyunan ko, kasama ng Sangguniang Barangay na 2. Saan ang tagpuan ng kuwento?
kausapin ang may-ari ng pabrikang nais ipatayo sa ating lugar, at 3. Ano ang mga katangian ni Reyna Sima bilang pinuno? Ilagay sa
magkaroon ng kaukulang aksiyon para dito. Ipinangako kong bawat arrow ang kaniyang mga katangian.Sundin ang pormat ng
uunahin ko ang kapakanan ng ating kabarangay.” Masayang graphic organizer.
pagbabahagi ni Kapitan.
Sa oras na iyon, napawi ang kunot sa noo ng naroroon.
Nagpalakpakan ang lahat. Napalitan ng ngiti at kapanatagan ang
nasalamin sa mukha ng bawat isa. Maging ako ay napangiti ng
abot-taingang ngiti. Hindi lang sa magandang balitang aking narinig
kundi sa paghangang aking naramdaman. 4. Ano ang mga ginawa ng reyna at nakilala at umunlad ang
Sa aking nakita at narinig, nabuo sa aking isipan ang kanilang kaharian?
paghanga sa aming kapitan. Hindi lamang sa pagsasaalang-alang 5. Bakit sinusunod ng mga tao si Reyna Sima bagamat siya ay
sa kaniyang mga kabarangay, maging sa pagiging mahinahon niya isang babae?
sa pagpapasiya. Naramdaman ko ang ningning sa aking mga mata 6. Bakit pinamagatang Reynang Matapat ang kuwento?
at naibulong ko sa aking sarili, “siya ang aking bagong idolo.” Isang
inspirasyon na magiging gabay ko para sa aking kinabukasan. Ang Walang Habag na Alipin (Buod)
Halaw sa Mateo18:23-25 ng Bibliya
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit mahigpit na tinututulan ng mamamayan ang pagpapatayo Sa isang lugar sa Israel ay may isang alipin na gustong
ng pabrika sa kanilang barangay? singilin ng kaniyang panginoon sa kaniyang pagkakautang.
2. Ano ang naging pasiya ng kapitan sa kanilang suliranin? Sampung libong talento ang utang ng alipin na ang katumbas ay
Ipaliwanag. milyon-milyong dolyar. Sinabi ng panginoon sa alipin na ibenta na
3. Ano ang mga bagay na isinaalang-alang ng kapitan sa kaniyang lamang nito ang kaniyang asawa at mga anak gayundin ang lahat
ginawang pasiya? ng kaniyang ari-arian kung gusto niyang makabayad sa kaniyang
4. Ipaliwanag kung ano ang tekstong nagsasalaysay na tulad ng mga utang.
binasang teksto na “Kapitan Idol” ni Geraldine V. Nones. “Maawa po kayo, panginoon,” ang kaniyang
5. Paano ito naiiba sa iba pang uri ng tekstong iyong nabasa? pagsusumamo.“ Pahintulutan ninyo na mabigyan ako nang kaunti
pang panahon upang mabayaran ko po kayo.”
ARALIN 1.4 - PANITIKAN Nahabag ang panginoon sa ipinakitang kababaan ng loob
ng alipin kaya sinabi nito sa kaniya na ang lahat ng kaniyang
Ang Reynang Matapat pagkakautang ay kaniya nang buburahin. Labis na natuwa ang
Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa ating alipin sa kaniyang narinig mula sa kaniyang panginoon, kapag
kapuluan ay dinarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Tsino nagkataon ay magiging maayos na rin ang kaniyang buhay.
at Hindu ang kaharian ng Kutang-bato na pinamumunuan ni Reyna
FILIPINO 7 - PANITIKAN (UNANG MARKAHAN) 4 | P a h i n a
Nang lumabas ang alipin ay nakita nito ang kaniyang Datu Manu:
kapuwa aliping nagkakautang din sa kaniya ng isang denarii na Assalamo. Allaikum.
katumbas lamang ng kaunting dolyar. Sinunggaban niya ito at
akmang sasakalin. “Magbayad ka ng utang mo sa akin!” sabi nito. Taumbayan:
“Maawa ka, bigyan mo pa ako ng kaunting panahon at Allaikum Assalam
baka mabayaran ko ang utang ko sa iyo kapag nakaipon na ako.”
Hindi niya pinakinggan ang nagsusumamong alipin at sa Abu:
halip ay ipinakulong niya ito. Datu. Si Datu Awalo ng Biwang.
Isinumbong ng mga nakasaksi sa pangyayari ang ginawa
ng alipin sa kapuwa niya alipin sa kanilang panginoon. Ipinatawag Datu Matu:
ng panginoon ang alipin. Lubos ang kasiyahan ko sa pagdalo ninyo. Isang
“Napakasama mo!” galit na sabi nito.” Binura ko ang mga malaking karangalan.Nawa’y maging simula ito
utang mo dahil sa habag ko sa iyo subalit, ni hindi ka man lamang ng pagbibigkis ng ating lakas.
nahabag sa kapuwa mo alipin gaya ng pagkahabag ko sa iyo?”
“Dahil sa kasamaan mo ay parurusahan kita hanggang sa Awalo:
mabayaran mong lahat ng pagkakautang mo.” Datu Matu, pagare aken. Wala akong ibang
sadya rito kundi makiisa sa pagdaraop ng ating
Sagutin ang sumusunod na tanong. mga palad at damdamin.
1. Magkano ang halaga ng utang ng alipin sa kaniyang panginoon?
2. Ano ang mungkahi ng panginoon sa alipin upang mabayaran Datu Matu:
siya nito? Noon pa man, ang ating mga bayan ay dati nang
3. Sang-ayon ka ba sa inilahad na mungkahi ng panginoon sa magkaibigan. Hindi maiwasang nagkaalitan nang
kaniyang alipin upang mabayaran siya? Pangatuwiranan. kaunti at nagkasugatan. Ngunit walang dahilan
4. Ano ang naging reaksiyon ng alipin nang makita ang tulad upang di maghilom ang naiwang sugat at muling
niyang alipin na may pagkakautang din? maging magkaibigan.
5. Sang-ayon ka ba sa ginawa ng alipin sa kapuwa niya alipin na
may pagkakautang din sa kaniya? Pangatuwiranan. Taumbayan:
Datu Matu, Datu Matu
ARALIN 1.5 – PANITIKAN Tuldok sa gitna ng bilog T
aluktok ng aming bundok
Kalilang (Bahagi ng dulang Datu Matu) Buhay sa iyo’y umiikot
Datu Manu, Datu Manu
Taumbayan: Sinusunod, tinitingala
(Awit at sayaw) Iginagalang na pangulo
Tayo’y magsaya sa kalilang Magtugtugan,magsayawan Mapalad ang aming bansa.
‘pakita ang sagayan
Tugtugin ang kulintang Datu Matu:
Paliparin ang sambolayan Wala akong pagsidlan ng kasiyahan sa Pag-
Masaya ngayon Islam ng aking binatang si Khalid. Ngayon
Si Khalid, binata na nama’y marangal kong ibabalita sa inyo ang
Panahon na, tuliin siya pagdaraop ng palad ng aking anak na si
Sa kalinisan pagpalain Tarintang at ng anak ni Datu Awalo na si Maduk.
Sa langit pakikinggan Magsisilbi itong tatak, mahigpit na pagkakaisa ng
Sa harap ni Allah at ng bayan ating dalawang bansa.

Mga Babae: Awalo:


Binata na, iyong anak Magkapatid tayo mula pa man. Lubos akong
Lubos ka nang nasisiyahan naliligayahan.
Ngunit ika’y nangangamba
Panahong nagbabadya Datu Matu:
Panganib, huwag dumalo sana Ituloy ang kalilang.

Taumbayan:
Tayo’y mag-aliw sa kalilang Taumbayan: (Awit at sayaw)
Khalid, lilinisin sa Pag-Islam Tayo’y masaya sa kalilang
Magsayawan, magtugtugan Bansa ay magdiwang
Onor, ritmo’y panhuluhan Pag-iisahin dal’wang bayan
Ipatulod nangangahulugan Karugtong ang kasaysayan
Ganap na Muslim, alagad ng Islam. Sa salsilah, magkuwentuhan
Ng onor, si Bapa Salilang.
(Papasok si Datu Matu) (Papasok si Bapa Salilang)
Si Datu Matu
Sa Gumbaran namumuno Bapa Salilang:
Makapangyarihan, makatarungan Assalamo Allaikum
Sinusunod tinitingala
Sa kaniya umiikot mundo’t bayan Taumbayan:
Buhay, ang gabay. Allaikum Assalam. Magkuwentuhan.

FILIPINO 7 - PANITIKAN (UNANG MARKAHAN) 5 | P a h i n a


Bapa Salilang: (Bayok, awit.) na magiging isang matapang na mandirigmang
AAaaaooommm… magtatanggol ng bansa. At lalong inaasahan ang
pagiging tapat bilang isang ganap na Muslim,
Taumbayan: Allahu Akbar!(Ipatulod) Papasok si Khalid,
Ang kuwento ni Bantugan habang hinahabol sa tutuliin. Habang ginaganap ang ritwal mayroong
Lawanen, kuwento ni Pilandok, tuso, lagging mga mandirigma sa kilos ng sagayan sa paligid.
panalo. Kuwento ng Indarapatra, mas malawak.
Kuwento ng Rajah Magandiri at ang mga Bapa Salilang:
tumulong sa kaniyang mga unggoy. O, tohan Ami. O, marina. Pangalagaan si Khalid,
anak ni Datu Matu. Naririto ang isang agimat
Abu: upang madaling mahilom ang sugat, upang
Ang pakikipagsapalaran ni Pilandok upang walang masamang espiritu sa iyo sisilong, upang
makapon ang mga walang tuli na dayuhang bantayan ka na tonong. Allahu Akbar!
unggoy. (Magtawanan.) Da a orak.
Taumbayan:
Taumbayan: Tayo’y mag-aliw sa kalilang Khalid lilinisin sa Pag-Islam
Swer. Swer, swer. Swer….(Tawanan) Magsayawan, magtugtugan. Onor ritmo’y pgsasaluhan
Ipatulod nangangahulugang ganap. (Mga tunog ng riple.
Bapa Salilang: Tunog ng tambol)
Unggoy, unggoy, puting unggoy sa ranao
lalangoy matapos itaboy ni Pilandok, isubok. Mula sa: Filipinos: Writing Philippine From the
(Mga reaksiyon, tawanan, sigawan.) Ahhh..(titig Regions,p. 532-532
sa buwan. May sinasabi ang buwan.
(Katahimikan) O sige na, tumahimik ang lahat, Sagutin ang sumusunod na tanong.
walang bibig na bubuka, walang matang kukurap, 1. Ilarawan ang mga piling tauhan batay sa kanilang mga gawi at
mga tenga’y iinat. Aaaoomm..(Reaksiyon.) kilos sa akda. Gamitin ang semantic web sa pagsagot.

(Bayok, awit.)
Makinig sa kuwentong ito isang bantog na 2. Ayon sa dula, paano magiging ganap na Muslim si Khalid?
namuno, isang mandirigma may tapang ng agila 3. Ano-anong gawain ang isinasagawa kaugnay ng Pag-Islam?
Datu Malik ang pangalan niya. (Reaksiyon) Isang Gamitin ang kasunod na tsart sa pagsagot.
gabi, gaya ng gabing ito, iniluwal ang isang Bahagi Kaugnay na Gawain
sanggol. Lahat ng palatandaan ng langit ang
nagsabing dakila ang batang ito. Lumaki na
malapit na malapit siya sa puso ng kaniyang ina,
minahal siya nang lubos. Kinilala siya na 4. Magbigay ng tatlong katangian ni Datu Matu.
mahusay na mangangaso noon pa man. Ininat 5. Sa kabuuan, gaanong pagpapahalaga ang ginugugol ng mga
niya ang kaniyang tirador at pinakawalan ang Muslim sa PagIslam?Ipaliwanag.
bato. Sa isang bato, tatlong ibon ang bumagsak.
(Mga reaksiyon.) Isang umaga, (Isasayaw ang
bahaging ito, maindayog na tunog ng plauta) Mindanao Isang Paraiso
hindi huni ng ibon ang sumalubong sa kaniya,
dagundong ng kanyon, sumalakay ang mga Sa likod nang hindi magagandang balita sa mga
Kastila sa kuta. Sa unang putok lamang, pangyayari sa ilang lugar sa Mindanao, maituturing na isa pa rin
tumimbuwang ang kaniyang ina. Nasugatan ang itong paraiso. Maraming magaganda at makasaysayang lugar
kaniyang ama, bago yumao ang kaniyang ama, doon na tunay na dinarayo ng mga turista local man o banyaga.
ibinigay ang kris sa kaniya. Sinasabing ang kris Ayon sa ulat ng kagawaran ng Turismo sa ibat ibang rehiyon sa
na minana niya ay lumilipad ng kusa at nanalasa Mindanao,tumaas nang mahigit 20% noong 2016 ang dumarayong
ng mga kaaway, parang may sariling bait. Lumaki mga turista.
siyang may bait. Lumaki siyang matipuno at
saksakan ng tapang. Isang umaga, muling Napakaganda ng Mindanao dahil sa mga lugar na
tumapak sa ating lupa ang mga puting banyaga. mapupuntahan, malabuhangin kalikasan, mayamang kultura na
Matibay na kuta at magigiting na mandirigma ang nagpapakilala ng identidad ng mga taong naninirahan doon. Higit
kanilang nagisnan, si Datu Malik at ang kaniyang sa lahat, makahulugang pamumuhay ng mga taong naninirahan
makapangyarihang kris. At kaagad ay isa ang doon. Halika na sa Mindanao at nang Makita ang isang PARAISO.
napatay. Sa kaliwa, dalawa ang napatay sa
kanan, tatlo ang napatay sa harap. Sagutin ang sumusunod na tanong.
(Katahimikan.) Ipinamana ang kaniyang kris sa
kaniyang anak, kay Datu Matu. (Huhugutin ni 1. Ilarawan ang Mindanao batay sa binasang teksto?
Datu Matu ang kris, iaabot kay Khalid. Sasayaw 2. Ano ang nais iparating ng binasang teksto?
si Khalid. Sasama si Hassan, isang kunyaring 3. Anong uri ng teksto ang binasa?
paglalaban, ang sagayan. May pakiramdam ng 4. Isa-isahin ang mga pahayag / pangungusap na nagsasaad ng
pagmamatyag. Karangyaan sa bansa, katotohanan. Ipaliwanag kung bakit nagpapahayag ang mga ito ng
magtatawanan.) katotohanan.
5. Nakatutulong ba ito sa pagpapahayag ng pagkamakatotohanan
Datu Matu: ng mga pangyayari? Patunayan.
Bapa! Handa na si Khalid sa ipa-tulod. Inaasahan
FILIPINO 7 - PANITIKAN (UNANG MARKAHAN) 6 | P a h i n a

You might also like