You are on page 1of 4

Department of Education

Division of Cebu Province


District of Compostela
BAGALNGA INTEGRATED SCHOOL
Compostela, Cebu

Pangalan: ____________________________ Petsa:_________________ Iskor: _____________


Baitang at Seksyon: ________________ Pirma ng Magulang: _____________
UNANG BAHAGI
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop
na sagot at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng anak. Ito ay
___________________.
a. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal
b. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang
pananagutan bilang magulang
d. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo
2. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng
isang maayos na pamilya?
A. pagkakaroon ng mga anak
B. pagtatanggol ng karapatan
C. pagsunod sa mga patakaran
D. pinagsama ng kasal ang magulang
3. Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama
tuwing Linggo. Ano ang dapat tularan sa pamilya Dela Cruz?
A. pagiging disiplinado
B. pagiging matatag sa sarili
C. walang anumang alitan ang bawat isa
D. may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon
4. “Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging
buo at matatag.” Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?
A. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
B. Ang pamilya ang salamin sa lipunan.
C. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
D. Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan.
5. “Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya.” Anong positibong
impluwensya ang ipinahiwatig sa pahayag?
A. Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.
B. Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal.
C. Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak.
D. Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung may
pagmamahalan.
6. Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak. Anong
kaugalian ang maaring tularan sa pamilya Santos?
A. paghamon sa anak na magtagumpay
B. pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
C. pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya
D. pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit
7. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaring magbunga ng sumusunod na
pagpapahalaga maliban sa:
a. pagtanggap c. katarungan
b. pagmamahal d. pagtitimpi
8. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing
ispiritwal maliban sa:
a. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
b. iparanas ang tunay na mensahe ng mga mag aral ng pananampalataya
c. maglaan ng tiyak na panahon upang making at matuto sa mga aral ng pananampalataya
d. ituon ang pansin sa ganap na pag- unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya
9. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
a. pagtitiwala
b. pagtataglay
c. pagkakaroon ng ganap na Kalayaan
d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
10. Sa paanong paraan magagawang possible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
a. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya.
b. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya.
c. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan.
d. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito
ay maisakatuparan
11. Nasira ang bahay ng kapitbahay nina Janna noong nagdaang bagyong Shina.
Sila ay pinatira muna nila Janna sa kanilang bahay dahil naawa ito sa kanila.
Anong kaugalian ang umuiiral kay Janna?
A. ang pagkamatulungin ni Janna
B. naging mapagkumbaba siya sa iba
C. pagpapakita ng malasakit sa kapuwa
D. pagiging mabait sa mga nangangailangan

12. Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang
pinatira sa bahay ng kaniyang byanan upang maipagamot ang kaniyang asawa.
Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang byanan?
A. madasalin
B. matulungin
C. mapagkunwari
D. mapagkumbaba
IKALAWANG BAHAGI
Panuto: Alamin kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon.
Isulat ang pinaka angkop na sagot sa bawat patlang.

Pananampalataya Pagrerespeto
Pagmamahal Pagbabayanihan
Pagtitiwala

___________ 13. Nag abot ng tulong at donasyon ang pamilya at ibat ibang ahensya
upang masolusyunan ang problema.
___________ 14. Sinasabing ang isang tahanan ay matatag kung likas sa bawat kasapi ng pamilya ang
panalangin at pagpapasalamat sa Panginoon.
___________ 15.Gumuguho ang mundo natin kapag nasasaktan sa mga taong mahalaga sa atin ngunit
pinipili natin magpatawad at bigyan sila ng pangalawang pagkakataon.
___________ 16.Tinuturo ng mga magulang ang pagmamano sa mga nakakatanda.
__________ _17. Ikaw ay naniniwala sa kapabilidad na nagawa ng isang tao sa bagay na makatarungan.

IKATLONG BAHAGI
PANUTO: Dugtungan ang pahayag upang mabuo ang kaisipan.

18. Kung papairalin ang pagmamahalan sa aming pamilya, magkakaroon ng


_________________________________________________________________.
19. Mahalagang mahubog ang pananampalataya sa Panginoon sa aming tahanan
upang _____________________________________________________________.
20. Mapapairal ang pagtutulungan at pakikiisa sa aming pamilya sa
pamamagitan ng _______________________________________________________________.
21.Ang aking ama ay haligi ng tahanan dahil ________________________________________.
22.Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao dahil
______________________________________________________________________________.
23. Ang pamilya ay isang natural na intitusyon dahil ___________________________________.
24. Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat
___________________________________________________________.

IKAAPAT NA BAHAGI
PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

25-26 Ano ang salitang pamilya para sayo?


27-28. Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya?
29-30.Paano iiral ang isang pamilya bilang orihinal na paaralan ng pagmamahal?

Inihanda ni:
STELA H. LABITA
Guro sa ESP
Inaprubahan ni:
JASMIN F. MOJADO
Principal 1

You might also like