You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
PLACER WEST DISTRICT

9
ARALING PANLIPUNAN
Unang Linggo
Ikalawang Markahan
Konsepto ng Demand

GAWAING PAGKATUTO #1

Address: Villa-Inocencio, Placer, Masbate


Telephone No.: 0907-5193013/0908-8697216
Email address: placerwestdist@gmail.com

1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
VIVENCIO P. CASAS SR., MEMORIAL HIGH SCHOOL

Araling Panlipunan 9
Gawaing Pagkatuto #1
(Unang Linggo, Ikalawang Markahan)

Pangalan: __________________________________________________________
Grado at Seksyon :____________________________________________________Petsa: ______________

I. Panimulang Konsepto
May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay. Ang Demand ay tumutukoy
sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang
panahon.

Batas ng demand – Batas na nagsasaad na may inverse o salungat na ugnayan ang


presyo at ang dami ng produkto na kayang bilhin ng konsyumer o mamimili

Substitution effect - Isang salik na magpapaliwanag sa salungat na ugnayan ng presyo


at quantity demanded. Ayon dito, kapag tumaas ang presyo ng isang produkto,
maghahanap ang mamimili ng substitute goods o pamalit na mas mura. Kaya’t ang
kanyang demand sa produktong mataas ang presyo ay mababawasan.

Income effect – Ikalawang salik na magpapaliwanag sa Batas ng demand. Ayon dito,


habang tumataas ang presyo ng isang produkto, nababawasan ang demand para dito
dahil lumiliit ang kakayahan ng kita ng isang mamimili na bumili ng produkto. Kapag
bumaba naman ang presyo, lalaki naman ang kakayahan ng kita na bumili ng produkto.

Demand schedule – Talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gusting bilhin ng mga


mamimili sa iba’t-ibang presyo.
Demand curve – Grapikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded

Demand function – Matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity


demanded.
Ceteris paribus – other things being equal o ang pagpapalagay na ang presyo lamang ang
salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded.

Mayroon tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand:

1. Demand Schedule
2. Demand Curve
3. Demand Function
 Demand Schedule
2
Ito ay isang talaaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang
presyo.
Halimbawa ng Demand Schedule
Demand Schedule para sa KENDI
Punto Presyo bawat piraso Quantiy Demanded (Qd)

A 5 10
B 4 20
C 3 30
D 2 40
E 1 50
F 0 60

Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded para sa kendi sa iba’t
ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (Php1.00) bawat piraso ng kendi, limampu (50) ang dami ng gusto
at kayang bilhin ng mamimili. Sa presyong dalawang piso (Php2.00) bawat piraso, apatnapung (40) piraso
naman ang gusto at kayang bilhin ng mga mamimili. Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso
(Php5.00) ang bawat piraso, magiging sampu (10) na lamang ang magiging demand sa kendi. Malinaw na
ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded ng kendi para sa mamimili.

Maliban sa demand schedule, maipapakita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity demanded sa
pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito ay tinatawag na Demand Curve. Ito ay isang grapikong
paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.

 Demand Curve

5 B

4
Presyo ngKENDI sa Piso

3
B

0
10 20 30 40 50 60
Dami ng KENDI

Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph sa iba’t
ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve para sa kendi.
Halimbawa, sa punto A na ang presyo ay limang piso (Php5.00), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at
handang bilhin ng mamimili; sa punto B na ang presyo ay apat na piso (Php4.00), dalawampu (20) ang dami

3
ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili.Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang punto F ay
makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng
salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.Halimbawa, ang
paggalaw sa kurba mula punto A papuntang punto B, Makikita na sa pagbaba ng presyo mula limang piso
(Php5.00) pababa ng apat na piso (Php4.00), ang demand sa kendi ay tataas ng sampung piraso. Kapag ang
presyo naman ay tumaas ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded sa sampung
piraso.

 Demand Function

Ito ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded. Maaari itong ipakita
sa equation sa ibaba:
Qd = f (P)
Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang
independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang
nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga mamimili.
Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na:
Qd = a – bP
Kung saan:
Qd = quantity demanded
P = presyo
a = intercept ( ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b = slope = Qd
P

Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago sa presyo.

Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang demand function ay iisa, suriin at
pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba:

Demand function mula sa Demand Schedule para sa Kendi: Qd = 60-10P


Kapag ang P=1 , Qd=? Kapag ang P=5 ,Qd=?
Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P
Qd = 60 – 10 (1) Qd = 60 – 10 (5)
Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50
Qd = 50 piraso Qd = 10 piraso
Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng quantity demanded kung may given na
presyo. I-Substitute ang presyo na piso sa variable na P at i-multiply ito sa slope na -10. Ang makukuhang
sagot ay ibabawas sa 60. Mula rito ay makukuha na ang sagot na 50 na quantity demanded. Sa ikalawang
halimbawa naman ay Php5 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay 10.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Natatalakay ang konsepto at salik na nakakaapekto sa demand sa pang-araw-araw na pamumuhay.

4
III. Mga Gawain

Gawain 1: COMPLETE IT!

Panuto: Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na pangungusap. Isulat
ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita.

1. ___ ____ ____ A ____ ____ - tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng
mga mamimili.
2. ___ ___ ___ A ___ ___ ___ ___ ___ ___ A ___ ___ - Nagsasaad na mayroong magkataliwas na
ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.
3. ___ ___ ___ A ___ ___ ___ U ___ ___ E – Grapikong paglalarawan ng presyo at quantity
demanded.
4. ___ ___ ___ E ___ ___ ___ ___ ___ ___ I ___ ___ ___ - Ipinagpalagay na ang presyo lamang ang
salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi
nagbabago.
5. ___ N ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ T – Nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng
kinikita kapag mas mababa ang presyo.

Gawain 2: DEMAND READING

Panuto: Lagyan ng ( ) ang kolum ng sang-ayon, kung naniniwala ka na tama ang pahayag ukol sa
konsepto ng demand at lagyan naman ng (X) ang kolum ng Hindi Sang-ayon kung hindi ka naniniwala.

PAHAYAG SANG-AYON HINDI SANG-AYON

1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o


serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t
ibang presyo sa isang takdang panahon.

2. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ay


maaaring ipakita gamit ang demand schedule, demand
curve at demand function.

3. Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo at quantity


demanded ay mayroong tuwirang relasyon.

4. Ang Ceteris Paribus assumption ay ginagamit upag


ipagpalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded
habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o
nakaaapekto rito.

5. Ang Income Effect ay nagpapahayag na kapag tumaas


ang presyo ng isang produkto, ang mga mamjmili ay
hahanap ng mas murang pamalit dito.

5
Gawain 3: I-DEMAND, ITALA, at IKURBA

Upang may pagkaabalahan noong panahon ng lockdown, naisipan ng magulang ni Angelie na


gumawa ng cloth face mask. Dahil aktibo sa social media, ibinenta nito ni Angelie online sa kanyang mga

kaibigan. Una itong inialok ni Angelie sa presyong Php50 bawat isa at agad siyang nakabenta ng 10 piraso.
Inisip ng magulang ni Angelie na baka mataas ang presyong Php50, kaya’t ginawa nila itong Php40. Sa
bagong presyong ito, nakabenta si Angelie ng 20 piraso. Dahil marami na rin ang nagbebenta ng face mask

online, binabaan pa lalo ni Angelie ang presyo nito sa Php30 at muli siyang nakabenta ng 30 piraso.

Napansin ni Angelie na habang binabaan niya ang presyo ng kanyang face mask dumarami ang bumibili nito.

Sa presyong Php20, 40 ang nabili at sa presyong Php10, 50 ang bumili.

I-DEMAND
Kung gagawa tayo ng demand function equation para sa demand schedule ng face mask, ang magiging
value ng:
a = 60 (ito ang Qd sa presyong 0) b = 1 ( ang pagbabago sa Qd ay 10)
(pagbabago sa presyo ay 10)

Kaya, ang demand function equation para sa face mask ay Qd = 60 – 1P , Kompyutin ang quantity
demanded ng bawat presyo ng face mask. Isulat ang kompyutasyon sa kahon.

ITALA

Ilista sa demand schedule sa ibaba ang naging quantity demanded ng face mask ni Angelie sa iba’t-ibang
presyo.

Demand Schedule para sa Face Mask


Punto Presyo bawat piraso Quantiy Demanded (Qd)

A 50 ?
B 40 ?
C 30 ?
D 20 ?
E 10 ?
F 0 60
6
Ngayon naman, ilapat ang nilalaman ng Demand schedule sa blangkong graph sa ibaba upang mabuo ang
Demand curve para sa face mask ni Angelie. Lagyan muna ng dot bawat punto bago iguhit ang linya ng
demand. Tingnan ang punto B bilang halimbawa.

Demand Curve para sa face mask ni Angelie

50

40
B
Presyo ng face mask

30

20

10

0
10 20 30 40 50 60
Dami ng face mask

Repleksiyon

Lubos kitang binabati sa ipinamalas na interes at husay sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito.
Tandaan mo lagi na habang nahihirapan ka, pagaling ka ng pagaling!

7
sumulat ng maikling personal notes o repleksiyon hinggil sa kahalagahan ng pag-aaral ng demand.
Isulat ito sa sticky reminder notes bilang pagpapaalala sayo kung gaano ito kahalaga.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1. Demand
2. Batas ng Demand
3. Demand Curve
4. Ceteris Paribus
5. Income Effect
Gawain 2

PAHAYAG SANG-AYON HINDI SANG-AYON

1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o


serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa
iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

2. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ay


maaaring ipakita gamit ang demand schedule,
demand curve at demand function.

3. Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo at quantity


demanded ay mayroong tuwirang relasyon.

8
4. Ang Ceteris Paribus assumption ay ginagamit upag
ipagpalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded
habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o
nakaaapekto rito.

5. Ang Income Effect ay nagpapahayag na kapag


tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga
mamjmili ay hahanap ng mas murang pamalit dito.

Gawain 3
Demand Schedule para sa Face Mask
Punto Presyo bawat piraso Quantiy Demanded (Qd)

A 50 10
B 40 20
C 30 30
D 20 40
E 10 50
F 0 60

50

40
B
Presyo ng face mask

30

20

10

0
10 20 30 40 50 60
Dami ng face mask

Kompyutasyon:

Qd = 60 – 1P Qd = 60 – 1P Qd = 60 – 1P Qd = 60 – 1P Qd = 60 – 1P
Qd = 60 – 1 (50) Qd = 60 – 1 (40) Qd = 60 – 1 (30) Qd = 60 – 1 (20) Qd = 60 – 1 (10)
Qd = 60 – 50 Qd = 60 – 40 Qd = 60 – 30 Qd = 60 – 20 Qd = 60 – 10
Qd = 10 Qd = 20 Qd = 30 Qd = 40 Qd = 50

Sanggunian
9
Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward DJ. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P.
Mateo, Irene J. Mondejar. 2015. Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. Pasig: Vibal Group
Inc.

Inihanda ni:

GRETCHEN G. COLONGAN
Guro

Sinuri nila: QUALITY ASSURANCE TEAM

FATIMA LEE C. RAMAS JENER D. MARFIL


Member Member

GRETCHEN G. COLONGAN AL-JAY A. ANTIPUESTO


Member Member

REMEDIOS J. FABRIGA
Chairman

Pasiagon, Placer, Masbate


School ID:302178

10

You might also like