You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE of CAMARINES NORTE

__________________________________________________________________________

LEARNING ACTIVITY SHEET IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Quarter 3 – Week 6: HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA

Name of Student: _________________________________________

Learning Area: ________Grade Level_____________Date: ____________

HIRARKIYA NG
PAGPAPAHALAGA

I. Panimulang konsepto:

Matapos mong matukoy ang iyong mga pinahahalagahan,


mahalaga na matutunan mo rin bilang isang nagdadalaga/nagbibinata
ang pagpili ng kung alin ang mas dapat pahalagahan sa ating buhay
sapagkat ito ang huhubog sa ating pagkatao.
II. Kasanayang Pampagkatuto Mula sa MELCs:

Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa


hirarkiya ng mga pagpapahalaga ni Max Scheler (EsP7PB-IIIc-10.2)

III, Mga Gawain:

Gawain: Nagbago Na Nga Ba Ako?

Panuto: Isulat sa bawat hagdan ang tamang pagkakasunod-sunod ng apat na antas


sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler. Piliin rin ang larawan na angkop sa
bawat antas. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

A. B.

C. D.
Pamprosesong Tanong:

1. Ipaliwanag ang pagkakasunod-sunod na iyong ginawa. Ano ang ginamit


mong batayan o pamantayan sa pagtukoy kung anong antas ang
kinabibilangan ng bawat larawan?
2.

Gawain 2:
Panuto: A. Isulat ang sampung pinahahalagahan mo sa buhay

1. _______________
2. _______________
3. _______________
4. _______________
5. _______________
6. _______________
7. _______________
8. _______________
9. _______________
10. _______________

B. Bumuo ng hagdan na may apat na baitang. Gamit ang kaalaman sa iba’t


ibang pamantayan sa pagpili, tukuyin kung sa anong antas sa hirarkiya ng
pagpapahalaga nabibilang ang bawat isa sa sampung pinahahalagahan
mo. Isulat ito sa ilalim ng baitang. Gawing gabay ang nasa ibaba.

Banal
Ispiritwal

Pambuhay

Pandamdam
Antas na maraming Sinasabi nito tungkol sa
taglay na aking pagpapahalaga:
pagpapahalaga:
Antas na kaunti ang
taglay na
pagpapahalaga:
Paano ko masasabing nasa Gagawin upang
mataas na antas ang mapataas ang antas ng
aking pagpapahalaga:
pagpapahalaga:

MGA TANONG:

1. Aling antas sa iyong hagdan ng pagpapahalaga ang


marami kang pagpapahalagang natukoy? Alin ang may
kaunti?
2. Ano ang sinasabi nito tungkol sa iyong mga pagpapahalaga?
3. Paano mo masasabing nasa mataas na antas ang iyon mga
pagpapahalaga?
4. Ano ang gagawin mo upang mapataas ang antas ng iyong
pagpapahalaga

IV. Pagpapalalim :

Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler (Dy, M. Jr., 1994)

Banal

Ispiritwal

Pambuhay

Pandamdam

1. Pandamdam na mga Pagpapahalaga (Sensory Values). Itinuturing na nasa


pinakamababang antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa mga
pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao.
4
Kasama dito ang pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa
pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, tubig,
damit,tirahan at iba pang teknikal na mga pagpapahalaga. Kasama rin sa
mga pagpapahalagang ito yaong mga bagay na maituturing lamang na
rangya o luho ng isang tao, katulad ng mamahaling alahas, magarang
sasakyan o mamahaling mga bag at sapatos na labis na hinahangad ng
ilang mga tao.
2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values). Ito ay mga pagpapahalagang
may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being). Halimbawa,
mahalaga sa tao ang makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito ang
makapagpapabuti sa kaniyang pakiramdam. Ang kumain ng
masustansiyang pagkain upang matiyak na siya ay malusog at hindi
magkakasakit. Mahalaga sa atin na may makausap na taong mahalaga sa
atin upang mabawasan ang ating kalungkutan. Ang lahat ng nabanggit ay
mga bagay na pinahahalagahan ng tao upang masiguro niya ang kanyang
kaayusan at mabuting kalagayan.
3. Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values). Maituturing na mas
mataas ang pagpapahalaga nito kaysa sa dalawang unang nabanggit. Ang
pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa
kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami.
1. May tatlong uri ang pagpapahalagang ito ayon sa aklat na Problems
of a Sociology of Knowledge na isinulat ni Max Scheler:
a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values)
b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)
c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of
full cognition of truth)
4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values). Ito ang pinakamataas sa lahat ng
antas ng mga pagpapahalaga. Tumutukoy ito sa mgapagpapahalagang
kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging
handa sa pagharap sa Diyos. Ang pagkilos tungo sa kabanalan ang
katuparan ng kaganapan hindi lamang ng materyal na kalikasan ng tao
kundi maging ng kaniyang ispiritwal na kalikasan.

V. Sanggunian:

Babasahin:
Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi), `
Unang Edisyon, 2012
Inihanda ni:

VERONICA L. ABANTO
Master Teacher 1/MIS
5

You might also like