You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education (DepEd)


Caraga Administrative Region
Surigao del Sur Division

Lingig 2 District

Learning Activity Sheet

Third Quarter Formative Assessment in ESP 7

Week 3

Prepared by:

Grace E. Silmogan
Teacher I

ESP 7
(Learning Activity Sheets)
Ikatlong Markahan – Week 3

Name:___________________________________________Score:__________________

Pamantayan sa Pagkatuto:

 Natutukoy ang iba’t-ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa nito. EsP7PB-IIIc-10.1
 Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga ni
Max Scheler. EsP7PB-IIIc- 10.2

Layunin: Pagkatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:

 nakasusuri ng ibat-ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa nito.

● nakapag-uuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng birtud at pagpapahalaga; at


● nakapagbabahagi ng sariling saloobin ayon sa kahalagahan ng birtud na isasabuhay na may tiyak at
wastong kilos bilang isang nagbibinata/nagdadalaga.

Hirarkiya ng Pagpapahalaga

Mga Gawain ng Mag-aaral

Gusto mo bang maging tunay na mabuting tao? Halina’t alamin sa araling ito kung gaano na nga
ba kalalim ang ating pagpapahalaga.

Lahat ng tao ay may pinahahalagahan, bagay man ito o taong espesyal. Ngunit mahalagang
maunawaan kung paano husgahan kung mababa o mataas ang isang pagpapahalaga. Sumulat
si Max Scheler na tinawag nyang Hirarkiya ng Pagpapahalaga, dito ipinaliwanag niya ang
iba’t-ibang bahagdan ng pagpapahalaga.

Banal na
Pagpapahalaga
(Holy Values)
Ispiritwal na
Pagpapahalaga
(Spiritual Values)
1. Pandamdam na Pagpapahalaga (Sensory Values) ito ay itinuturing na
pinakamababang antas sa kadahilanang tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang
nagdudulot ng kasiyahan ng tao katulad ng pangunahing pangangailanagn ng tao.
Halimbawa ay damit, tubig, tirahan, pagkain at maraming pang iba. Kasama rin dito
ang mga bagay na maituturing na luho o kagustuhan ng isang tao kagaya ng mga
mamahaling alahas, sasakyan, cellphone, sapatos at labis na hinahangad ng ilang tao.

2. Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values) ito ay ang pagpapahalagang may


kinalaman sa kung paano mapabubuti ang kalagayan ng buhay ng isang tao (well-
being). Halimbawa mahalaga sa isang tao ang kumain ng masustansyang pagkain
upang siya ay lumakas at magkaroon ng enerhiya sa mga pang araw-araw na gawain
o di kaya’y magpahinga o magbakasyon kapag nakararamdam na ng pagkapagod.
Kasama rin dito ang pagkakaroon ng makakausap kung ikaw ay nalulungkot upang
mabawasan ang hirap o sakit na iyong nararamdaman.

3. Ispiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values) ang pagpapahalagang ito ay


tumutukoy sa pagpapahalagang pangkabutihan, hindi lamang sa sarili kundi pati na
rin sa nakararami. Halimbawa ang pagbibigay ng katarungan sa isang tao o
pagbibigay ng kapayapaan.
4. Banal na Pagpapahalaga (Holy Values) ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng
pagpapahalaga sa kadahilang dito inihahanda ang isang tao sa pagharap sa Diyos.
Ang paggawa ng mabuti ng isang tao tungo sa kabanalan. Halimbawa, pagsunod at
pagsasabuhay sa mga utos ng Diyos.

Ang moral na kilos ay nangyayari kung ang isang tao ay nagnanais ng isang
pagpapahalaga kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga. Ang paghatol sa pagiging mabuti o
masama ng kilos ng tao ay nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan ng isang tao. Kung pinili
mo ang tawag ng iyong konsensya bilang mabuti, nakikita na mas ninanais ang mataas na
pagpapahalaga kaysa sa mababang pagpapahalaga o positibong pagpapahalaga kaysa
negatibong pagpapahalaga. Sa kabilang banda, maituturing na masama ang isang gawain
kung piniling gawin ang mas mababa kaysa sa mataas na pagpapahalaga o negatibong
pagpapahalaga kaysa sa positibong pagpapahalaga.

Mga Gawain:

Gawain 1

1. Piliin sa mga sumusunod ang pinakamababang uri ng pagpapahalaga.


a. Pambuhay
b. Pandamdam
c. Banal
d. Ispiritwal
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng banal na pagpapahalaga?
a. pagbili ng luho
b. pagtulong sa kapwa
c. pagdarasal
d. pagkain ng masusustansyang pagkain at pag- eehersisyo
3. Ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi lamang sa sarili kundi pati na
rin sa sarili.
a. Pambuhay
b. Pandamdam
c. Banal
d. Ispiritwal
4. Mahalaga sa tao ang makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito ang
makapagpapabuti sa kaniyang pakiramdam. Ito ay halimbawa ng?
a. Pambuhay
b. Pandamdam
c. Banal
d. Ispiritwal
5. Ang cellphone ay halimabawa ng anong antas?
A. Pambuhay
B. Pandamdam
C. Banal
D. Ispiritwal

Gawain 2:
Iayos Mo!
Isaayos ang mga sumusunod ayon sa iyong pagpapahalaga, lagyan ng bilang 1(isa)
pinakamababang pagpapahalaga hanggang 5 (lima) pinakamataas na pagpapahalaga.
Ipaliwanag ang naging kasagutan

Pagbibigay ng Bahay at Modernong


tulong sa mga Lupa
pamilya Kasuotan Pamamasyal
nasalanta

1. __________________________________________________________________

2. ___________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________

4. ____________________________________________________________________

5. _____________________________________________________________________
Gawain 3
Mag-isip ng 10 (sampong) bagay/tao na mahalaga para sa iyo, iayos ito mula sa
pinakamababang pagpapahalaga hanggang sa pinakamataas na antas ng pagpapahalaga.
Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

Repleksyon:
Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak na
hakbang upang mapataas ang antas ng mga pagpapahalaga.?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________

Post Test:
Tukuyin ang inilalarawang Hirarkiya ng Pagpapahalaga sa bawat pangungusap.
A.Pandamdam B.Pambuhay C.Ispirituwal at D.Banal na Pagpapahalaga.
_____1. Itinuturing na nasa pinakamababang antas ng pagpapahalaga.
_____2.Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga.
_____3. Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being).
_____4. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang
kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
_____5. Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan,
hindi ng sarili kundi ng mas nakararami.

Sanggunian
https://pdfslide.net/education/k-to-12-grade-7-learning-module-in-edukasyon-sa-
pagpapakatao-q3-q4.html

 LEARNING ACTIVITY SHEETS

Ikatlong Markahan
Week 3
SUSI SA PAGWAWASTO

Paksa: Hirarkiya ng Pagpapahalaga

Gawain 1:
1. A. Pambuhay-sapagkat ito ay itinuturing na pinakamababang antas sa kadahilanang tumutukoy ito sa mga
pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan ng tao katulad ng pangunahing pangangailanagn ng tao.

2. C. Pagdarasal- sapagkat isa ito sa mga halimbawa na ang tao ay may


pagpapahalaga sa pagsunod at pagsasabuhay sa mga utos ng Diyos.
3. D. Ispiritwal- sapagkat ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa pagpapahalagang pangkabutihan, hindi
lamang sa sarili kundi pati na rin sa nakararami.

4. A. Pambuhay na Pagpapahalaga- sapagkat ito ay ang pagpapahalagang may kinalaman sa kung paano
mapabubuti ang kalagayan ng buhay ng isang tao (well-being).

5. A. PAmbuhay-sapagkat Kasama rin dito ang mga bagay na maituturing na luho o kagustuhan ng isang tao.

Gawain 2:
Depende sa sagot ng mag-aaral.

Gawain 3:
Depende sa sagot ng mag-aaral.

Post Test:
1. A - Pandamdam
2. D - Banal na Pagpapahalaga
3. B- Pambuhay
4. D- Banal na Pagpapahalaga
5. C - Ispiritual

You might also like