You are on page 1of 17

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

Markahan 3-Linggo 3 LAS 1

Pangalan:________________________________ Lebel: GRADE 7


Seksiyon:________________________________ Petsa:______________________
Teacher:_________________________________ Iskor:______________________

Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga

Pagpapahalaga o values - ay nagmula sa salitang Latin na valore na ang ibig sabihin ay


pagiging matatag at pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.
Ano-ano ang mga pagpapahalaga mo sa iyong buhay? Ano-ano ang itinuturing mong mas
mahalaga? Sa pagsagot sa ganitong mga tanong, mahalagang maunawaan mo kung paano
husagahan kung mababa o mataas ang isang pagpapahalaga. Ang pagpapahalaga ay nasa mataas
na antas kung hindi ito kailanman mababago ng panahon (timelessness or ability to endure).
Halimbawa ay ang perang pang-aral ay mas mataas kaysa ipambili ito ng mamahaling gadget. Nasa
mataas na antas ang pagpapahalaga kung mahirap mabawasan o napapanatili ang kalidad nito sa
kabila ng pagpasalin-salin sa napakaraming henerasyon. Halimbawa, ang pagpapahalaga ng mga
materyal na bagay ay lumiliit kapag pinaghati-hati sa maraming tao pero ang pagpapahalaga sa
karunungan ay hindi nababawasan kahit pa ito ay naisasalin o mabahagi sa napakaraming tao.
Nagiging mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha at nagiging batayan ng iba
pang pagpapahalaga. Halimbawa, ang isang batang pinapahalagahanan ang kanyang pag-aaral ay
nagiging responsible, masipag, may disiplina sa sarili, matiyaga at may tiwala sa sariling kakayahan.
Mas mataas ang antas ng pagpapahalaga kapag mas malalim ang kasiyahang nadarama sa
pagkamit nito. Halimbawa, mas malalim ang kasiyahan kapag natapos mo ang mga aralin sa
tamang oras ng buong husay kaysa sa paglalaro ng mga computer games (depth of satisfaction) .
Nasa mataas na antas ang isang pagpapahalaga kung ito ay hindi nakabatay sa organismong
nakararamdam nito kung saan ito ay umiiral ng lubos at malaya. Halimbawa nito ang isang batang
mula sa mahirap na pamilya na nakapagtapos ng pag-aaral. Mas nanaig ang pagnanais nitong
makapagtapos at hindi naging hadlang sa kanya ang kahirapan.
Kasanayang Pampagkatuto at koda: Natutukoy ang iba’t ibang antas ng Pagpapahalaga
at ang mga halimbawa ng mga ito. (EsP7PB-IIIc-10.1)

Panuto: Pangkatin ang mga nasa kahon ayon sa antas ng pagpapahalaga mo sa mga ito. Buuin ito
sa gamit ang graphic organizer sa ibaba. Ipaliwanag kung bakit ito ay nasa “mahalaga’, “mas
mahalaga” at “pinakamahalaga”.
Pagtulong sa kapwa Pamilya Salapi Bahay
Mga Kaibigan Pagmamahal Kapayapaan
Diploma Mahalaga Pagkain Mas Mahalaga Pananampalataya sa
Pinakamahalaga
Diyos

Pangwakas: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Ang mga natutunan ko sa aralin ay__________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanggunian : LM EsP 7 Modyul 10, EsP7PB-IIIc-10.1

INIHANDA NI: INIWASTO NI:

KAREN BLYTH C. BARNIZO, TI EMELIE Q. VILLASOR, MTI


Subject Teacher Subject Coordinator

BINIGYANG PANSIN NI:

EDWIN C. VALENCIA, PII


School Head
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)
Markahan 3-Linggo 3 LAS 2

Pangalan:________________________________ Lebel: GRADE 7


Seksiyon:________________________________ Petsa:______________________
Teacher: ________________________________ Iskor:______________________

Hirarkiya ng Pagpapahalaga ni Max Scheler

Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler

May iba’t ibang antas ang pagpapahalaga ayon kay Max Scheler. Una ay ang Pandamdam
na mga Pagpapahalaga (Sensory Values). Ang pinakamababang antas ng pagpapahalaga na
tumutukoy sa pagpapahalagang nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao. Halimbawa nito
ay ang mga pagbibigay halaga sa mga pangunahing pangangailangan ng tao katulad ng pagkain,
tubig, damit, tirahan at ang pagpapahalaga sa rangya o luho tulad ng mahal na cellphone at alahas.
Ikalawa ay ang Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values). Ang pagpapahalagang ito ay
may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay o well-being. Halimbawa nito ay ang kalahagahan
ng makapagpahinga ng isang tao kung siya ay pagod dahil ito ay makapagpapabuti sa kaniyang
pakiramdam. Ikatlong antas ay ang mga Ispirituwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values).
Maituturing na mas mataas ang pagpapahalaga nito kaysa sa dalawang nauna. Ito ay tumutukoy sa
mga pagpapahala gang para sa kabutihan ng mas nakararami. Halimbawa nito ay katarungan at
kapayapaan. Ika-apat na antas ay ang Banal na Pagpapahalaga (Holy Values). Ito ang
pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga sapagkat ito ay mga pagpapahalagang
kailangan sa pagkamit ng tao upang maging handa sa pagharap sa Diyos.

Kasanayang Pampagkatuto at koda : Nakagagawa ng hagdan ng sariling


pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga ni Max Scheler
(EsP7PB-IIIc-10.2)

I. PANUTO: 1. Gumawa ng sariling Hagdan ng Pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng


pagpapahalaga ni Max Scheler. Mula sa iyong mga nakatalang pagpapahalaga, tukuyin kung saang
antas nabibilang ang mga ito. Isulat ang mga ito sa hagdan ng pagpapahalaga gamit ang pormat sa
ibaba.
Banal

Espirituwal
Pambuhay

Pandamdam
Halimbawa:

Mamahaling
cellphone

2. Batay sa binuo mong Hagdan sa Pagpapahalaga, punan ng sagot ang matrix sa ibaba:
Antas na maraming taglay na pagpapahalaga: Antas na kaunti ang taglay na pagpapahalaga:

Sinasabi nito tungkol sa aking pagpapahalaga:

Paano ko masasabing nasa mataas na antas ang aking pagpapahalaga:

Mga gagawin ko upang mapataas ang antas ng pagpapahalaga:

Pangwakas: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Ang mga natutunan ko sa aralin ay__________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanggunian : LM EsP 7, Modyul 10, EsP7PB-IIIc-10.2

INIHANDA NI: INIWASTO NI:

KAREN BLYTH C. BARNIZO, TI EMELIE Q. VILLASOR, MTI


Subject Teacher Subject Coordinator

BINIGYANG PANSIN NI:

EDWIN C. VALENCIA, PII


School Head
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)
Markahan 3-Linggo 4 LAS 1

Pangalan:________________________________ Lebel: GRADE 7


Seksiyon:________________________________ Petsa:______________________
Teacher: ________________________________ Iskor:______________________

Pagpapahalaga bilang gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao.

Sa pagbuo ng pagkatao ng isang tao at sa pagkamit ng mas mataas na mga pagpapahalaga,


mahalagang malaman na nakasalalay ito sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan na
pumili ng tama at batay sa mga moral na prinsipyo: ang paggawa ng mabuti, pag-iwas sa
paggawa ng masama. Sa pagpili ng pahahalagahan nakasalalay ang paghuhusga sa pagiging
mabuti o masama ng isang kilos. Kung itinuturing na mabuti ng sariling konsensiya ang isang
gawain ay nangangahulugang mas pinili ang mataas na pagpapahalaga kaysa sa mababang
pagpapahalaga. Sa kabilang banda, maituturing na masama ang isang gawain kung mas piniling
gawin ang mas mababa kaysa sa mataas na pagpapahalaga. May mga pagkakataong hindi
napagtatagumpayan ng isang tao ang pagtugon sa isang pagpapahalaga. Sa ganitong pagkakataon
ay hindi nasisira ang pagpapahalaga kundi ang mismong taong hindi tumugon dito. Halimbawa, ay
ang kahalagahan sa kalusugan. Ang hindi pagtulog ng maaga ng isang kabataan dahil sa sobrang
pagkahumaling nito sa paglalaro ng mobile legends at iba ang online games ay isang halimbawa ng
hindi pagpapahalaga sa kalusugan. Hindi niya masisira ang kahalagahan ng kalusugan kundi ang
katawan niya mismo ang kaniyang sinisira dahil sa pagpupuyat.

Kasanayang Pampagkatuto at koda : Napatutunayang ang piniling uri ng


pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga ay gabay sa
makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao , EsP7PB-IIId-10.3

Panuto: Balikan ang binuo mong Hagdan ng Pagpapahalaga batay sa Hirarkiya ng pagpapahalaga
ni Max Scheler, punan ng sagot ang matrix sa ibaba:

Aling antas sa iyong hagdan ng


pagpapahalaga ang may maraming
taglay na pagpapahalaga?
Aling antas na kaunti ang taglay na
pagpapahalaga?

Paano mo masasabing nasa mataas na


antas ang aking pagpapahalaga?

Saan nakasalalay ang pagbuo ng


pagkatao ng tao at pagkamit ng mataas
na mga pagpapahalaga? Ipaliwanag

Pangwakas: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Ang mga natutunan ko sa aralin ay__________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanggunian : LM EsP 7 Modyul 10, EsP7PB-IIId-10.3

INIHANDA NI: INIWASTO NI:

KAREN BLYTH C. BARNIZO, TI EMELIE Q. VILLASOR, MTI


Subject Teacher Subject Coordinator

BINIGYANG PANSIN NI:

EDWIN C. VALENCIA, PII


School Head
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)
Markahan 3-Linggo 4 LAS 2

Pangalan:________________________________ Lebel: GRADE 7


Seksiyon:________________________________ Petsa:______________________
Teacher: ________________________________ Iskor:______________________

Sarili ko, Gabay Ko

Sa isang nagdadalaga at nagbibinata na tulad mo ay maraming pinahahalagahan sa buhay.


Ngunit sa dami ng pinahahalagahan mo, pantay-pantay ba ang antas ng halaga ng mga ito para sa
iyo? Siguro ay hindi. Ano ba ang maaari mong gawin upang mapataas ang antas ng iyong mga
pagpapahalaga?

Bagama’t iba-iba ang antas ng pagpapahalaga ng bawat tao, mahalagang hamon sa bawat
isa ang pagsasabuhay ng mas mataas na antas ng pagpapahalaga sa isang sitwasyon. Magagawa
ito sa pamamagitan ng pagpili na gawin ang mas mataas na antas ng pagpapahalaga kaysa sa
mababang antas. Sa pamamagitan nito ay masisiguro mong ginagawa mo ang tama at pinili mong
gawin ang mabuti.

Kasanayang Pampagkatuto at koda : Naisasagawa ang paglalapat ng mga tiyak


na hakbang upang mapataas ang antas ng kaniyang mga pagpapahalaga
(EsP7PB-IIId-10.4).

PANUTO: Gabayan mo ang iyong sarili sa pagpili sa mas mataas na antas ng pagpapahalaga sa
pamamagitan ng pagtatala ng pagpili mo sa dalawang pagpapahalaga. Gagawin mo ito sa araw
araw sa loob ng isang lingo. Layunin nitong sanayin ka na maging mapagbantay sa pagpili ng mas
mataas na pagpapahalaga. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.

Petsa/ Piniling PinagpiliangAntas Nagiging Damdamin


Araw Pagpapahalaga Pagpapahalaga
Mababa Mataa
s
Halimbawa: Bantayan ang Makkipaglaro sa   √ Nasiyahan dahil
kapatid dahil barkada nagbonding kami ng
Lunes naglalaba ang kapatid ko.
nanay ko Na Nararamdaman kong
naging close kami sa
isa't isa.
Lunes
Maartes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

Pangwakas: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Ang mga natutunan ko sa aralin ay__________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanggunian : LM EsP 7 Modyul 10, EsP7PB-IIId-10.4

INIHANDA NI: INIWASTO NI:

KAREN BLYTH C. BARNIZO, TI EMELIE Q. VILLASOR, MTI


Subject Teacher Subject Coordinator

BINIGYANG PANSIN NI:

EDWIN C. VALENCIA, PII


School Head
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

Pangalan:________________________________ Lebel: GRADE 7


Seksiyon:________________________________ Petsa:______________________
Quarter/Week: Q3/W5 Iskor:______________________
________________________________________________________________
LEARNING ACTIVITY SHEET 1

Pamagat ng gawain : Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o


Teknikal Bokasyonal o Negosyo

Kasanayang Pampagkatuto : Natutukoy sa mga pansariling salik ang pagpiili o pagpaplano na


ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal,negosyo at
paghahanapbuhay

Ang mga sector ng paggawa o key employment generators na may potensyal na tumaas
ang pangangailangan sa mga trabahong kugnay nito sampung taon mula ngayon. Kung kaya’t
inaasahan sayo bilang isang mag-aaral na harapin ang hamon sa mundong iyong ginagalawan,
dahil ikaw ang namamahala sa iyong sarili at ikaw rin ang lubos na makinabanng sa anumang
pasya o karera ng buhay ang iyong pinili. Kaya kailangang mong suriin Mabuti ang sariling
kakayahan, interes o hilig, pagpapahalaga at mga mithiin/pangarap. Upang sa gayon,
magkakaroon na kalinawan na makilala kung anung uri ng karera o negosyo ang nais mong
makamit o mangyari as iyong buhay sa hinaharap. Gayundin, ang pagkakaroon ng sapat na
paghahanda o pagpaplano, tuon at pagsusumikap upang maabot ang minimithing karera o negosyo
balang araw.

“MGA SEKTOR NG PAGGAWA (KEY EMPLOYMENT GENERATORS)”

 Cyrberservices
 Agri-Business
 Health Related at Medical tourism
 Hotel at Restaurant
 Pagmimina
 Construction
 Banking and Finance
 Manufacturing
 Ownership Dwellings, Real/Retirement Estate
 Transport and Logistic
 Wholesale and Retail
 Oversees Employment

Gawain 1:

PANUTO:Tukuyin at piliin mo mula sa Sektor ng Paggawa o Key Employment Generators ang uri
ng trabaho na iyong minimithi at sa tingin moy nababagay sa iyong kakayahan, interes o hilig na
kaya mo pang paunlarin sa iyong sarili para sa ikaa-uunlad ng iyong buhay, sa komunidad at
maging sa buong bansa sa hinaharap

1. Anong uri ng trabaho ang napili mo mula sa sa sector ng paggawa o key employment
generators? May kaugnayan ba ito sa iyong kakayahan, interes o hilig, pagpapahalaga at
mga mithiin/pangarap mo sa buhay? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Bilang isang mag-aaral na may mithiin/pangarap, paano mo malilinang at mapapaunlad ang


napiling kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay na iyong napili
mula sa sector ng paggawa o key employment generators? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_________________________________________________

Sanggunian : SLM Edukasyon sa Pagpapakatao 7, MELC p.76 (EsP7 p.122-146)

Pangwakas: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Ang mga natutunan ko sa aralin ay__________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni: EMELIE Q. VILLASOR


Guro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

Pangalan:________________________________ Lebel: GRADE 7


Seksiyon:________________________________ Petsa:______________________
Quarter/Week: Q3/W5 Iskor:______________________
________________________________________________________________
LEARNING ACTIVITY SHEET 2

Pamagat ng gawain: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal


Bokasyonal o Negosyo
Kasanayang Pampagkatuto: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng sariling kalakasan at
kahinaan bilang gabay upang magkaroon ng tamang direksiyon sa buhay at
makamit ang minimithing pangarap.

“Mga Pansariling Salik ng Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal o Negosyo”

Sa pagtatakda ng iyong mithiin kaugnay ng kursong kukunin sa kolehiyo o negosyo na nais


mong itayo sa hinaharap. Mahalagang maunawaan at malaman na itoy akma/tugma kaugnay sa
mga pansariling salik sa kurso akademiko o teknikal bokasyonal o negosyo na iyong pipiliin. Kung
kaya’t nagsisilbing hamon sa atin na gamitin ang mga biyayang kaloob ng Diyos upang magkaroon
ng tamang deriksiyon ang ating buhay. Dahil ikaw ay may kakayahan, talento, hilig o interes,
pagpapahalaga at lalong-laluna, ikaw ay may pangarap!

Gawain 1: Panuto: Pagnilayan at basahin ang mga detalye sa loob ng kahon sa ibaba kaugnay
sa pansariling salik sa papili ng kurso o negosyo. Ipinapakita dito ang mga kahinaan at kalakasan
na nararanasan ng isang tao. Pagkatapos ay sagutan ang mga tanong ibaba nito.

Halimbawa: Magssikap akong mag-aral sa kursong civil engineer sa Mindanao State College
University limang taon mula ngayon.

Mga Nakatulong na Pansariling Salik sa Mga Paraan Upang Pag-ibayuhin o


Pagpili ng Kurso o Negosyo: paunlarin ang mga ito:

1. Pagpapahalga- kasipagan sa pag-aaral pagpasok ng maaga sa mga klase at


paghahanda sa mga ito

1. Interes- hilig sa pagbabasa pagsali sa mga”clubs” o organisasyon sa


paaralan
2. Kakayahan- Palakasan o pagkain ng tama at pageehersisyo
isports(basketball)

Mga Nakakahadlang na Pansariling Salik sa Mga Paraan Upang Pag-ibayuhin o


Pagpili ng Kurso o Negosyo: paunlarin ang mga ito:

1. Pagpapahalga- labis na pakikisama sa pagsama sa mga kaibigang masipag mag-aral


masamang barkada

2. Interes- mahilig sa paglalaro ng video gawin lamang ito pag walang pasok at mga
Gawain sa paaralan

3. Kakayahan- mahina sa matematika magpaturo sa mga kaklaseng magaling sa


matematika

1. Nakakaimpluwensiya ba ang ang mga kakayahan, kahinaan,pagpapahalaga at hilig o interes sa


iyong pagkakamit ng iyong pangarap o mithiin sa buhay? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________

2. Mahalaga ba ang kaalaman sa iyong kakayahan, kahinaan, pagpapahalaga at hilig o interes sa


pagkamit ng iyong pangarap o mithin sa buhay? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________

“MGA SEKTOR NG PAGGAWA (KEY EMPLOYMENT GENERATORS)”

Cyrberservices- may kinalaman ito sa Information and Communications Technology particular na


ang internet services, teleservices, e-services, IT Outsourcing, IT- enabled services,ICT-enabled
services at mga business process outsourcing.

Agri-Business- may kinalaman ito sa pag-aalaga at pagtatanim. Kabilang dito ang mga;
aquaculturist, animal husbandry, agriculturist economist,entomologist, farmer,
fisherman,horticulturist, plant mechanic, rice tresher, veterinarian, pathologist ,food
processor/technician at iba pa.

Health Related at Medical tourism- may kinalaman ito sa potensyal ng bansa bilang lugar para
sa pagpapagamot, pagpapaganda, paglilibang at pagpapahinga. Kabilang ditto ang mga; nurse,
herbologist, optician, optometrist (HEALTH). Surgeons, ophthalmologist,dentist at cosmetic
reconstructive surgeons,nurses,oral maxilla facial surgeons at mga interpreter/translator, IT
professionals at mga call center na may kasanayan sa health care (MEDICAL TOURISM).

Hotel at Restaurant- Kabilang dito ang mga mangagawang tulad na lamang ng front office
agents/attendants, receptionist, bakers, chefs, wauters and bartenders,resort/restaurant/eateries
workers, food servers and handlers, food and beverages service attendants at comimsary cook,
pantry worker/cold kitchen.

Pagmimina- kabilang dito ang mga mangagawang tulad ng na lamang ng mining engineer,
geodetic engineer, metallurgical engineer, mining & metallurgical technician.

Contruction- fabricator, pipe fitter, welder, structural steel erctor, civil engineer, electrical
engineer, design and structural engineer, planning and contract engineer .

Banking and Finance- business administration, business management, commercial science/arts


and entrepreneurial management, banking and finance, operation manager, teller, accounting
clerks, bookkeepers, auditor, cashier, credit card analyst, finance analyst/specialist, accountant, risk
management officer/manager.

Manufacturing- machine operators, lathe operators, bench workers/fitters, mechanist, sewer at


tailors, electrical technicians, finance and accounting managers, food technologist, chemist,
electrical engineer, industrial engineer, IT specialist, machinist mechanical engineers, mecahanical
technicians

Ownership Dwellings, Real/Retirement Estate- building manager, construction manager,


construction worker, foreman, mason, welder, real state agents/brookers, marketer, civil engineer,
mechanical engineer, surveyor at architect.

Transport and logistic- checker, maintenance mechanic, stewardess, gantry operator, ground
engineer, heavy equipment operator, long haul driver,pilot, transport and logistics machinery
operator, aircraft and other related skils.

Wholesale and Retail- merchandiser/buyer, salesman/saleslady,promodiser at cashier.

Overseas employment- ang pagpunta o migrasyo ng ng isang tao upang magtrabaho sa ibang
bansa

Sanggunian : SLM Edukasyon sa Pagpapakatao , MELC p.76 (EsP7 p.122-146)

Pangwakas: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Ang mga natutunan ko sa aralin ay__________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni: EMELIE Q. VILLASOR


Guro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

Pangalan:________________________________ Lebel: GRADE 7


Seksiyon:________________________________ Petsa:______________________
Quarter/Week: Q3/W6 Iskor:______________________
_____________________________________________________________________
LEARNING ACTIVITY SHEET 1

Pamagat ng gawain: Halaga ng Pag-aaral para sa Pagnenegosyo o Paghahanapbuhay

Kasanayang Pampagkatuto: Nakilala ang mga paraan sa pagpapaunlad ng mga kasanayan


sa pag- aaral bilang paghahanda sa pinaplanong kursong kursong
akademiko o teknikal bokasyonal, hanapbuhay o negosyo.

“Mga Paraan sa Pagpapaunlad ng mga Kasanayan sa Pag-aaral (Study Skills)”

1. Isulat mo ang iyong mga takdang-aralin sa iyong kwaderno.


2. Huwag kalimutang dalhin sa paaralan ang araling bahay.
3. Makipag-usap sa iyong guro.
4. Magsaayos sa pamamagitan ng paggamit ng kulay(color coding).
5. Magtalaga ng isang palagiang lugar para sa pag-aaral at paggawa ng araling bahay.
6. Ihanda ang iyong sarili sa mga pagsusulit.
7. Alamin ang iyong pangunahing paraan ng pagkatuto (learning style).
8. Itala ang mga mahahalagang puntos sa pinag-aaralan sa kwaderno.
9. Iwasan ang pagpapabukas-bukas.
10. Alagaan mo ang iyong kalusugan.

Gawain 1: Ngayon ay hinahamon ka na magkaroon ng masusing pagkilala o pag-unawa kaugnay


sa mga paraan sa pagpapaunlad ng mga kasanayan sa pag-aaral (study skills) bilang gabay mo
upang matupad ang mga plano o pangarap na iyong minimithi sa buhay balang araw.
Panuto: Isulat at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Nagagawa mo ba ang mga iminungkahing paraan sa pag-aaral?_______________________
______________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga sa tao ang nakapag-aral? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ano ang kapalit ng pagiging mangmang o walang alam? Pangatwiranan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, paano nakapagpapaunlad sa bayan ang pagkakaroon ng mamamayang
nag-aral? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Rubric sa Pagtataya
10-8 PUNTOS 7-5 PUNTOS 4-0 PUNTOS
Maayos, malinaw at Nasagutan ng kumpleto subalit Kaunti lang ang
makabuluhan ang naging sagot ang iba ay malabo ang paliwanag naisagot

Pangwakas: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Ang mga natutunan ko sa aralin ay________________________________________


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Sanggunian : SLM Edukasyon sa Pagpapakatao 7, MELC p.76 (Es p.147-167)

Inihanda ni: EMELIE Q. VILLASOR


Guro
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

Pangalan:________________________________ Lebel: GRADE 7


Seksiyon:________________________________ Petsa:______________________
Quarter/Week: Q3/W6 Iskor:______________________
________________________________________________________________
LEARNING ACTIVITY SHEET 2

Pamagat ng Gawain: Halaga ng Pag-aaral para sa Pagnenegosyo o Paghahanapbuhay.

Kasanayang Pampagkatuto at koda : Nakakagawa ng sariling pahayag tungkol sa kahalagahan


ng pag-aaral para sa sarili, sa kapuwa at sa mamayan.

“Halaga ng Pag-aaral para sa Pagnenegosyo o Paghahanapbuhay”

Ang taong nakapag-aral ay waring bukas na silid sa mga pagbabago at ang kaganapan sa
daigdig. Ang kalidad ng yamang tao ng isang bansa ay madaling mahuhusgahan sa bilang ng mga
nakapag-aral na populasyon na naninirahan dito. Sa madaling salita, ang edukasyon ay
pangunahing sangkap upang magkaroon ng pag-unlad ang isang bansa at gayundin upang
mapanatili ang pag-unlad nito.

Gawain 1: Ngayon ay hinahamon ka na magkaroon ng pahayag tungkol sa kahalagahan ng pag-


aaral para sa sarili, sa kapwa at para sa mamamayan.
Panuto: Gumawa ng mga pahayag na nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral para sa sarili, para
sa kapwa at para sa mamamayan.
1. Para sa sarili
2. Para sa kapwa

3. Para sa mamamayan

Rubric sa Pagtataya
10-8 PUNTOS 7-5 PUNTOS 4-0 PUNTOS
Maayos, malinaw at Nasagutan ng kumpleto subalit ang iba Kaunti lng ang
makabuluhan ang naging sagot ay malabo ang paliwanag. naisagot

Pangwakas: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.

Ang mga natutunan ko sa aralin ay__________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Sanggunian : SLM Edukasyon sa Pagpapakatao 7, MELC pp.77 (EsP7 p.147-167)

Inihanda ni: EMELIE Q. VILLASOR


Guro

You might also like