You are on page 1of 4

Yunit 3

ESP 7 Ang Paglinang ng mga


Week 19 & 20 Pagpapahalaga at Birtud
Aralin 11
Ang Pagkilala sa Aking mga Pagpapahalaga

Layunin

a. natutukoy ang mga bagay na pinahahalagahan sa buhay


b. nasusuri ang mga dahilan ng pagpapahalaga
c. naipaliliwanag na ang pagpapahalaga ay isang mabuting gawi upang
magtagumpay at umunlad sa buhay
d. nailalapat sa pang-araw-araw na buhay ang mga tiyak na hakbang sa
pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga

Pangkalahatang Panuto: Ilagay ang lahat ng sagot sa sagutang papel.

Gawain 1 “Aking mga Pinapahalagahan sa Buhay”

Panuto: Punan ang mga kahon ng mga bagay/tao/pangyayari na iyong pinapahalagahan


sa buhay. Gawin ito sa sagutang papel.

Gawain 2 “Aktibong Pagsusuri”

Mga Panuto: Sagutin ang mga tanong: (3 puntos bawat bilang)


1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili tungkol sa iyong mga pagpapahalaga?
2. Mula sa gawain, ano ang masasabi mo tungkol sa pagpapahalaga?
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sariling pagpapahalaga?

PAGKILALA SA MGA PAGPAPAHALAGA

Ang salitang pagpapahalaga (values) ay galing sa Latin na valere na ang ibig


sabihin ay “matatag at malakas”.
Bakit kailangang maging matatag at malakas? Una, dahil hindi madaling
panatilihin ang pagpapahalaga sa isang bagay kahit ito ay tunay na importante. Maraming
mga pagsubok at tuksong daraanan bago mo masasabing tunay na mahalaga ang isang
bagay. Pangalawa, masasabi mo lamang na talagang mahalaga ang isang bagay kung may
pagsisikap kang isabuhay ang pagkamit nito.
Isang halimbawa ay ang pag-iipon. Mahirap mag-ipon hindi ba? Upang makaipon
kahit ng katamtamang halaga, kakailanganin mo ang matinding kontrol sa sarili upang
hindi gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan.
Iba-iba ang kahulugan ng pagpapahalaga para sa bawat tao dahil may iba’t ibang
kahalagahan ang mga bagay para sa atin. Ayon kay Manuel Dy Jr. (1994) ang
pagpapahalaga ay lumilikha ng kung ano ang sapat (ought-to-be) at ng dapat gawin
(ought-to-do). Ito ang pundasyon ng ating mga obligasyon, paniniwala, mithiin, at mga
saloobin.
Ang Kahulugan ng Pagpapahalaga ayon sa Iba’t Ibang Tao/Paniniwala:

1
Note: This module is intended for 2 weeks!
Yunit 3
ESP 7 Ang Paglinang ng mga
Week 19 & 20 Pagpapahalaga at Birtud
 Ayon sa Tradisyon. Ang pagpapahalaga ay ayon sa mga bagay na mahalaga sa
buhay, hinahangad, at pinaghihirapang maabot.
 Ayon sa Sikolohista. Mga bagay na kaibig-ibig, kaakit-akit, kapuri-puri, kahanga-
hanga, kapaki-pakinabang at nagbibigay-inspirasyon, at iba pa.
 Ayon kay Milton Rokeach. Tumutukoy sa mga interes, kasiyahan, kagustuhan,
naisin, pananagutang moral, layunin, at pangangailangan ng tao.
 Ayon sa Sosyolohista. Isang pamantayan (standard) sa gawi ng pakikipag-ugnay o
pakikihalubilo sa kapwa.
 Ayon sa Diksyonaryo. Tunay na mahalaga, mahal, kabuluhan, halaga, at kahulugan.
Bagama’t iba-iba ang kahulugan ng pagpapahalaga, ang mataas na hangarin na
dapat isaisip ay ang paghahangad nito hindi lamang sa sarili kundi para sa nakararami.
Ang mga pagpapahalaga natin ay dapat maging makabuluhan at mahalaga dahil sila ang
batayan sa moral at etikal (mga pamantayan ng kilos) na mga gawain natin. Ang bawat
tao ay may kani-kanyang pagpapahalaga batay sa iba’t ibang aspekto tulad ng pamilya,
relasyon, barkada, lahi, kasarian, at iba pa. Karaniwang masasabi na subhetibo ang mga
personal o pansariling pagpapahalaga hindi tulad ng mga moral na pagpapahalaga. Ang
tawag sa ganitong uri ng pagpapahalaga ay pagpapahalagang panggawi o kultural dahil
ito ay nakabatay sa interes, kultura, o paniniwala ng tao. Ang katangian ng ganitong uri
ng pagpapahalaga ay ang mga sumusunod:

 Subhetibo. Batay sa personal na kagustuhan at naiiba sa bawat tao dahil may kaniya-
kanya tayong interes, gawi, o gusto sa buhay. Halimbawa nito ay ang pag-aaral. Para
sa iba, mahalaga ang pag-aaral upang makapagtrabaho. May iba naming mas
mahalaga ang magtrabaho muna upang makapag-aral.
 Panlipunan. Ito ay mga pagpapahalagang sinasang-ayunan ng mga kasapi ng lipunan.
Ito ay umuunawa at kumikilala sa mga tradisyon, kaugalian, at kultura. Halimbawa
ay ang pagpapakitang paggalang sa iba’t ibang lahi. Parehong may konsepto ng
paggalang ang bawat bansa ngunit nagkakaiba sa pagpapakita at pamamaraan.
 Sitwasyonal. Ito ay naaayon sa mga pagpapahalaga na hinihingi ng kasalukuyang
sitwasyon o pangyayari. Naaayon din ito sa sariling pananaw. Ang pagpili ng
pagpapahalaga ay nakadepende sa kung ano ang kasiya-siya, kanais-nais, o madali sa
ngayon o kasalukuyan. Halimbawa, balak mong mag-research para sa iyong proyekto
ngunit biglang inutusan ka ng iyong in ana maglinis dahil may darating na bisita. Ano
ang iyong uunahin?
Bagama’t may subhetibong pagpapahalaga, ito ay nakabatay sa batas moral na
pamantayan ng lahat ng pagpapahalaga dahil ginagabayan nito ang paraan ng
pamumuhay ng mga tao, propesyon, komunidad, at institusyon. Ayon kay Esteban
(1991), ang pagpapahalagang moral ay may iba’t ibang katangian bilang pangunahing
pamantayan ng mga ganap na pagpapahalaga:

 Unibersal – nasasakop nito ang lahat ng tao at katayuan.


 Immutable/Obhetibo – ito ang pinakamataas na antas ng pagpapahalaga ay
nakasalalay sa pagkatao (Dy Jr., 1994)
 Eternal – ang pagpapahalaga ay umiiral at mananatiling umiiral.
Upang makilala ang mga sariling pagpapahalaga, tandan ang mga sumusunod:

2
Note: This module is intended for 2 weeks!
Yunit 3
ESP 7 Ang Paglinang ng mga
Week 19 & 20 Pagpapahalaga at Birtud
 Ang pagpapahalaga ay dapat malayang pinili. Halimbawa, kung hindi ka nangopya
dahil lamang may nagsabi sa iyo o dahil baka mapahamak ka sa mga awtoridad,
nangangahulugang hindi ka kumikilos nang malaya ayon sa iyong katapatan at
integridad.
 Ang pagpapahalaga ay lagging pinipili mula sa mga pagpipilian. Halimbawa, kung
hindi ka nangopya dahil lamang wala kang pagkukunan ng sagot, hindi mo maaaring
sabihin na hindi mo piniling mangopya. May alternatibo ka dapat sa pagpili ng iyong
pagpapahalaga.
 Ang pagpapahalaga ay bunga ng mga pagpipilian matapos ang masusing
konsiderasyon sa ibang bagay. Kung hindi ka nangopya dahil hindi mo ito naisip na
gawin, wala ritong pagpapahalaga. Kung nangopya ka naman nang walang pakialam,
walang pagpapahalaga rito. Ngunit kung binigyan mon ang masusing konsiderasyon
ang kilos at kahihinatnan ng iyong pangongopya ay saka lamang magkakaroon ng
pagpapahalaga sa iyong pasya.
 Kapag pinahalagahan mo ang isang bagay, may positibo itong kalidad para sa iyo.
Kung hindi pangongopya ay nagbibigay ng mabuting pakiramdam sa iyo, ito ay may
halaga. Masaya ka para sa iyong sarili dahil napanatili mo ang integridad at katapatan
mo.
 Kaya mong ihayag ang mga pagpapahalaga mo sa publiko. Hindi ka lamang dapat
tass-noo sa iyong mga prinsipyo at pagpapahalaga na hindi mangopya, kaya mor in
dapat itong ipagsabi at hikayatin ang ibang huwag mangopya dahil mahalaga para sa
iyo ang katapatan.
 Kapag ikaw ay may pagpapahalaga, nakikita ito sa lahat ng aspekto ng iyong buhay.
Hindi ka lang dapat nagsasalita tungkol sa katapatan at integridad- isinasabuhay mo
ito. Maglalaan ka ng oras upang mapaunlad mo ang katangiang ito. Hahanap ka ng
mga taong may katulad mong paniniwala. Ang iba nga ay naglalaan din ng pera o
nagsasakripisyo para lamang maisabuhay ang pagpapahalagang ito.
 Ang mga pagpapahalaga ay paulit-ulit na isinasakilos hanggang maging isang gawi.
Ang hindi pangongopya ay kailangang hindi lamang sa pagsusulit inilalapat, maging
sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pandaraya. Dahil sa iyong katapatan at
integridad mula sa pagsusulit, kahit sa mga laro, paligsahan o pakikipagrelasyon, sa
kalauna’y makikita na ang epekto ng iyong pinahahalagahan.

“When your values are clear to you, making decisions becomes easier.”
- Roy E. Disney

Gawain 3 “Aktibong Paglalapat”

Mga panuto:
1. Gumuhit ng isang simbolo o larawan ng pagpapahalaga na dapat mayroon at
isinasabuhay ng tulad mong kabataan ngayon.
2. Ilagay ang iyong guhit sa loob ng kahon na makikita sa sagutang papel at isulat
ang paliwanag ng kahulugan ng iyong iginuhit.
Pamantayan
Kabuluhan ng mga larawan/simbolo – 15 puntos
Kalidad/Ayos ng mga elemento – 15 puntos

3
Note: This module is intended for 2 weeks!
Yunit 3
ESP 7 Ang Paglinang ng mga
Week 19 & 20 Pagpapahalaga at Birtud
Kalinisan – 5 puntos

Gawain 4 “Pagninilay-nilay”

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod: (5 puntos bawat tanong)


1. Ano ang aking mga kasalukuyang pagpapahalaga bilang mag-aaral ng ikapitong
baitang?
2. Paano nakatutulong sa akin ngayon at sa aking hinaharap ang mga pagpapahalagang
ito?
3. Paano nakatulong ang araling ito sa pagtukoy ng aking mga pagpapahalaga sa buhay?

4
Note: This module is intended for 2 weeks!

You might also like