You are on page 1of 4

Yunit 3

ESP 7 Ang Paglinang ng mga


Week 21 Pagpapahalaga at Birtud
Aralin 12
Pagpapahalaga Bilang Hagdan ng Pag-unlad

Layunin

a. natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa


nito
b. nakagagawa ng sariling hagdan ng pagpapahalaga batay sa Herarkiya ng
mga Pagpapahalaga ni Max Scheler
c. naipaliliwanag na ang pinili nating uri ng pagpapahalaga mula sa
herarkiya ng mga pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad
ng ating pagkatao

Pangkalahatang Panuto: Ilagay ang lahat ng sagot sa sagutang papel.

Gawain 1 “Colorwheel”

Panuto: Buuin ang bahagi ng colorwheel na makikita sa sagutang papel at lagyan ng


angkop na paghahati ayon sa iyong mga pagpapahalaga sa mga sumusunod: (10 puntos)
a. pagkain
b. kaibigan/barkada
c. pagiging tapat
d. pagsisimba

Gawain 2 “Aktibong Pagsusuri”

Mga Panuto: Basahin ang maikling anekdota at sagutin ang mga tanong. (3 puntos bawat
bilang)
Sa isang pagsasanay sa isang grupo ng mga magtatanghal para sa 1995 World
Youth Day, sinabi ni Joel Torre, isang premyadong actor na, “Ang matagumpay
na pagtatantiya sa isang pagtatanghal ay 90% na paghahanda at 10% aktuwal na
pagganap… Ang tagumpay ng iyong konsiyerto ay malalaman lang linggo pa
lamang bago ang aktuwal na araw…”

Nangangahulugan na bago maabot ng isang tao ang kanyang ganap na minimithi


ay kailangan muna niyang maging handa, mag-ensayo, at panatilihin ang kanyang
positibong ugali, pagtitiyaga, at maraming oras ng pag-aaral at pagsasanay upang
magtagumpay.

Sagutin ang mga tanong: (3 puntos)

1. Ano ang mensahe ng anekdota?


2. Paano naiuugnay ang pagpapahalaga sa paghahanda sa hinaharap?
3. Bakit mahalaga ang pananatili ng mga positibong kilos sa paghahanda sa
hinaharap?
1
Yunit 3
ESP 7 Ang Paglinang ng mga
Week 21 Pagpapahalaga at Birtud

ANG PAGPAPAHALAGA AY PAGHAHANDA SA BUHAY


Noong nakaraang aralin ay natutunan mo na ang pagkakaroon ng pagpapahalaga
ay isang uri ng paghahanda sa buhay. Paano nga ba nagsisimula ang pagkakaroon ng
pagpapahalaga?
Karaniwang nagsisimula ang ating pagpapahalaga mula sa ating pangangailangang
mabuhay. Ngunit naiiba ang antas ng pagpapahalaga ayon sa laki ng ibinibigay niyang
oras at panahon upang makamit ito. Ayon kay Max Scheler (Manuel Dy Jr., 1994) may
mga pamantayan upang malaman kung paano matatawag na talagang pagpapahalaga ang
isang bagay.
Mga Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga

 Mas tumatagal ang mga mataas na pagpapahalaga kung ihahambing sa mababang


pagpapahalaga (timelessness or ability to endure).
Halimbawa: pakikipagkaibigan ng personal kumpara sa pakikipagkaibigan sa
Facebook
 Mas mahirap mabawasan ang pagpapahalaga kung napananatili nito ang kalidad kahit
nagpasalin-salin ng henerasyon (indivisibility).
Halimbawa: katapatan
 Mataas ang antas ng pagpapahalaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga
pagpapahalaga.
Halimbawa: pagsasakripisyo ng isang magulang na magtrabaho sa ibang bansa upang
mapagtapos sa pag-aaral ang mga anak
 May likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga ng kasiyahang nadarama sa
pagkamit nito (depth of satisfaction).
Halimbawa: Mas nagdudulot ng mataas na pagpapahalaga ang pagtulong sa kapwa na
nasalanta ng bagyo kaysa sa pagsama sa mga yaya ng barkada

Mula sa katangiang ito, nabuo ni Scheler na mga Herarkiya ang Pagpapahalaga:

Values of the
HOLY

Spiritual Values

Vital Values
(Interpersonal)
Pleasure Values
(Sensory)

 Sensory Values (Padamdam). Ito ang pinakamababang antas ng pagpapahalaga dahil


nakabatay lamang ito sa mga pandamdam at kaugnay ng mga pangunahing
pangangailangan tulad ng mga luho, damit, pagkain, tubig, bahay at iba pa.

2
Yunit 3
ESP 7 Ang Paglinang ng mga
Week 21 Pagpapahalaga at Birtud
 Vital Values (Interpersonal). Ito ay pagpapahalaga na mahalaga sa pang araw-araw
na buhay lalo na sa mabuting kalagayan ng tao tulad ng pag-eehersisyo,
pagpapahinga, pakikipagkaibigan, at pakikisalamuha sa ibang tao.
 Spiritual Values (Espiritwal). Bilang mas nakatataas sa naunang dalawang
pagpapahalaga, ang espiritwal na antas ay may kinalaman sa mas mataas na
kabutihan o kabutihang panlahat na inaasam ng lahat tulad ng kapayapaan,
katarungan, pangkagandahan, at kalayaan.
 Holy Values (Banal). Ang pinakamataas na antas ng pagpapahalaga ay kailangan
upang makamit natin ang kaganapan ng pagkatao – ang mapunan hindi lamang ang
katawang pisikal kundi pati ang espiritu.
Sa pagpili ng iyong kilos bilang isang kabataan, matutunan mo na ang pagpili sa
mabuting kilos ay ang mas mataas na pagpapahalaga. Hindi madaling makamit ang mga
pagpapahalaga, lalo na at nagsisimula pa lamang sa pagtukoy ng mga gawaing
importante sa iyo. Dahil dito, mahalaga ang pagsangguni sa mga nakatatanda, pagsuri sa
iyong mga naging karanasan at sapat na kaalaman, at paghahanda na pumili nang tama
ayon sa moral na kilos.
“Tell me what you pay attention to and I will tell you who you are.”
- Jose Ortega Y Gasset

Gawain 3 “Pagtataya”
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ayon kay Max Scheler, ang mga uri ng espiritwal na pagpapahalaga ay ang
sumusunod maliban sa:
A. kalayaan C. pakikisalamuha sa kapwa
B. pangkagandahan D. katiwasayan ng damdamin at isip
2. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng tao.
A. pandamdamin C. espiritwal
B. interpersonal D. banal
3. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng mataas na pagpapahalaga maliban sa:
A. hindi nagbabago sa paglipas ng panahon
B. nagdudulot ng iba pang pagpapahalaga
C. ito ay hindi nababawasan ng kalidad
D. nakabatay sa katawang nakadarama nito
4. Habang nagsasagot sa isang pagsusulit, itinanong ni Joel kay Bon kung ano ang sagot
sa pinakahuling item sa test paper. Mas pinili ni Bon na huwag sagutin ang matalik na
kaibigan. Nasa anong antas ang pagpapahalaga ni Bon?
A. pandamdam C. espiritwal
B. interpersonal D. banal
5. Mahilig gumimik ang magkakaibigang sina Jasmine, Sarah, at Dolly. Hanggang isang
araw, hindi na sumasama si Jasmine sa kanilang mga lakad. Nang siya ay tanungin ng
mga kaibigan, sinabi nitong kailangan niyang baguhin ang lifestyle niya upang
makagising siya nang maaga para mag-ehersisyo.
A. pandamdam C. espiritwal
B. pambuhay D. banal

Gawain 4 “Aking Natutunan”

3
Yunit 3
ESP 7 Ang Paglinang ng mga
Week 21 Pagpapahalaga at Birtud
Panuto: Buuin ang graphic organizer gamit ang mga natutunang konsepto sa aralin.
Gawin ito sa sagutang papel. (20 puntos)

You might also like