You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 9
Unang Markahan - Ikatlong Linggo
Pagpapahalaga sa Sarili

I. Panimula
Isa sa pinakamahalagang nilikha ng Diyos ay ang tao. Nilikha tayo ayon
sa kanyang wangis. Tayo ay may mga katangian na nagpapatangi sa atin.
Ang bawat isa sa atin ay mahalaga upang makabuo ng payapang
komunidad.
Tayo ay may mga kakayahan na paunlarin ang ating mga sarili sa
pamamagitan ng pagtatamo ng mga butil ng kaalaman mula sa ating
paligid. Nagagawa rin nating maipahayag ang ating mga naisin at hangarin
sa buhay na maaaring may malaking epekto sa kanya tungo sa pampersonal
na kasiyahan.
Kasanayang Pampagkatuto
Natutukoy ang kahalagahan ng sarili bilang mahalagang bahagi ng
pamilya maging ng komunidad.
Koda: HJGPS-Id-7
Napamamahalaan ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili tungo
sa sariling pagpapahalaga.
Koda: HGJPS-Ie-10
II. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matutukoy ang kahalagahan ng sarili bilang mahalagang bahagi ng
pamilya at komunidad;
2. masusuri ang ambag ng sarili sa kaunlaran ng komunidad;
3. matutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa ating sarili; at
4. makagagawa ng video presentation upang maipakita ang mga paraan ng
pagpapahalga sa sarili.

III. Pagtalakay
Mahalaga para sa isang mag-aaral na tulad mo ang malaman ang
wastong pagpapahalaga sa sarili. Ang pagkilala, paggalang, pagtanggap at
pagpapabuti ng ating sarili sa araw-araw ay bahagi ng ating
pagpapahalaga sa sarili. Kung hindi natin maramdaman ang pagmamahal
sa sarili pagkatapos ay napakahirap na magkaroon ng mataas na
kumpiyansa sa sarili. Ang pagpapahalaga sa sarili ay bunga ng pagsusuri at
pang-unawa na mayroon tayo. Sa madaling salita, Ito ay kaalaman sa sarili.
Isa na rito ay ang pagkilala sa iyong mga kakayahan. Kakayahan o talento
ang tawag sa mga bagay na kaya mong gawin. Bawat isa sa atin ay
biniyayaan ng Diyos ng natatanging kakayahan. Ang mga kakayahang ito ay
nararapat nating gamitin sa wastong pamamaraan upang mapaunlad ang
ating sarili maging ng ating komunidad.
Ang pagpapahalaga sa sarili ay tungkol sa kung paano ka mag-isip at
makiramdam. Habang ang mga kabataan ay lumalaki, bumubuo sila ng
kanilang mga pagpipilian tungkol sa kanilang sarili sa pamamagitan ng mga
salita at aksyon ng ibang tao. Ang mga magulang at mga tagapangalaga
ay ang daan sa pagbibigay ng isang positibong anyo sa imahe ng isang bata.
Lahat tayo ay may kakayahan o talento. Ito ay bigay ng Maykapal. Subalit,
maari din nating namana ito sa ating mga magulang o pamilya. Maaari ding
bunga ng pag-eensayo, pag-aaral at pagsusumikap na matamo ito. Ang
iyong mga kakayahan ay magagamit mo sa pagtupad sa iyong mga ninanais
o pangarap sa buhay. Ilan sa mga halimbawa ng kakayahan o talento ay
pagsayaw, pag-awit, pagguhit, pagsulat, pagbigkas at iba pa. Ang mga
talento o kakayahang taglay natin ay dapat paunlarin at ibahagi.
May iba’t ibang paraan na maari mong gawin upang mapaunlad ang
iyong sariling kakayahan o talento.
1. Tuklasin ang mga kakayahan na mayroon ka.
2. Magsanay at maniwala sa iyong mga kakayahan.

2
3. Sundin ang gabay at payo ng mga magulang at guro.
4. Gamitin ang kakayahan sa wastong paraan.
Narito ang mga patnubay upang matukoy kung nagamit ng wasto ang
ating mga kakayahan.
• Ang resulta o kinahinatnan ng kilos ay mabuti.
• Nagdulot ng kasiyahan sa ibang tao.
• Naging inspirasyon sa iba
• Walang naramdaman na pagsisisi.
Isa sa kalikasan natin bilang tao ay ang pagbabago. Ang mga
pagbabago sa ating sarili ay nararapat na mapamahalaan ng maayos
upang maisabuhay ang ating mga pagpapahalaga sa buhay.
Narito ang mga mabisang paraan upang mapamahalaan natin ng
wasto ang mga pagbabagong nagaganap sa ating sarili tungo sa sariling
pagpapahalaga.
1. Ilarawan sa isip ang magandang kinabukasan. (Visualize a great future)
Tandaan na anuman ang mga pagbabagong nagaganap sa ating
sarili ay lagi nating pakaisipin ang mga dahilan ng ating mga ginagawa.
Magkaroon tayo ng malusog na pag-iisip na ating magagamit upang
makagawa ng mabuting mga pagpapasiya sa buhay.
2. Unawain ang inyong mga emosyon. (Understand your emotions)
Tayo ay nakararanas ng iba’t ibang suliranin sa buhay na nagiging
dahilan ng mga pagbabagong nagaganap sa ating buhay. Matuto nating
kontrolin ang ating mga emosyon upang makagawa ng mga wastong
pagpapasiya sa buhay. Narito ang limang yugto ng kalungkutan na
naranasan o nararanasan ng iba.
• Pagtanggi (Denial)
• Galit (Anger)
• Depresyon
• Pagtanggap (Acceptance)
3. Pagbabalanse sa buhay. (Find balance in your life)

Upang mapamahalaan ng maayos ang mga pagbabago sa


sarili,napakahalaga na ibalanse mo ang iyong buhay. Tulad na lamang bilang
mag-aaral, mahalaga na magkaroon ng balanse sa pag-aaral, sa pamilya,
sa lipunang iyong kinabibilangan at sa iyong sarili. Upang makamit ang
tamang balanse ng buhay ay kinakailangan ang pagpaplano at disiplina.

3
4. Maging totoo sa iyong sarili. (Be true to yourself)
Ang pagpapakatotoo ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sarili at
sa kapwa. Maging totoo sa ating sarili at huwag nating hayaang
magpaapekto sa kilos ng iba. Gawin mo kung ano ang nararapat at
mabuting gawin. Mahalaga na maging isa ang iyong isip at puso upang
maging positbo ang mga pagbabago sa ating sarili.
5. Magkaroon ng positbong pag-iisip. (Have a positive mindset)
Maaring ang pinakamahalagang paraan upang matagumpay na
mapamahalaan ang mga pagbabago sa ating sarili tungo sa
pagpapahalaga ay ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip. Hindi natin
maiiwasan ang pagbabago ngunit nakasalalay pa rin ito sa kung paano tayo
tutugon sa pagbabago. Iwasan natin ang mga katagang HINDI KO KAYA
bagkus ay sabihin nating MAKAKAYA KO. Ang pagkakaroon ng positibong
pag-iisip ay makatutulong sa atin upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili,
higit na maging masaya at mabuti.

IV. Mga Gawain


Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin alin sa mga
ito ang nagsasaad ng pagpapahalaga sa sarili. Ilagay ang salitang TAMA
kung ito ay nagsasaad ng pagpapahalaga sa sarili. Ilagay naman ang
salitang MALI Kung ang pahayag ay nagsasaad ng walang pagpapahalaga
sa sarili.
__________1. Pagsusuri sa sarili.
__________2. May pagmamahal sa sarili.
__________3. Walang kumpiyansa sa sarili.
__________4. Pagtanggap sa sariling kahinaan.
__________5. Paglinang sa kakayahang taglay.
__________6. Paggalang sa iyong mga karapatan.
__________7. Ipinagsasawalang-bahala ang kalusugan.
__________8. Mataas at matatag na kumpiyansa sa sarili.
__________9. Pagkilala sa taglay na kakayahan o talento
__________10. Paggamit ng kakayahan sa maling pamamaraan.

4
A.2 Panuto: Punan ang kahon. Sa unang kolum ay magsulat ng limang mga
positibong mga pagbabago na nagaganap sa inyong mga sarili at sa
ikalawang kolum naman ay isulat ang mga negatibong pagbabago na
nagaganap sa inyong sarili.

Positibong mga pagbabago sa sarili Negatibong mga pagbabago sa sarili

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Gawain 2: Gawaing Pagganap


B.1 Panuto: Sa pagkakataong ito ay ipamamalas mo kung gaano mo
pinapahalagahan ang iyong sarili. Gumawa ng islogan na iyong
pinapahalagahan ang iyong sarili.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Puntos


10 8 5

Nilalaman Punong puno ng Nauunawaan Nabanggit ang


mensahe ang mensahe mensahe ngunit
tungkol sa ngunit kulang sa hindi sapat ang
pagpapahalaga pagpapahayag pagpapahayag
sa sarili. ng ng
pagpapahalaga pagpapahalaga
sa sarili. sa sarili.

Pagkamalikhain Napakaayos ng Maayos ang Medyo magulo


paggamit ng mga napiling ang mga
mga angkop na salita ngunit napiling salita.
salita na kulang sa
nagpapahayag pagpapahayag

5
ng ng
pagpapahalaga pagpapahalaga
sa sarili. sa sarili.

Kalinisan Kaaya-aya at Malinis ang Hindi gaanong


napakalinis ng pagkakagawa. malinis ang
pagkakagawa. pagkakagawa.

Kabuuang
puntos

*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B.2 Panuto: Bilang isang mag-aaral, gumawa ng maikling video na


nagpapakita ng paraan ng pagpapahalaga sa sarili. Ang video ay tatagal
lamang ng 2-3 minuto. Ang mga gawaing inyong ipapakita ay gagawin
lamang sa loob ng bahay o bakuran.

Pamantayan 38-50 25-37 13-24 1-12

Organisasyon Mahusay ang May lohikal Hindi maayos Walang


organisasyon na ang nakitang
at organisasyon organisasyon pangyayari,
pagkakasuno ngunit hindi ng mga ideya walang
d-sunod ng masyadong o pangyayari, angkop na
mga mabisa ang walang panimula at
pangyayari sa pagkakasuno angkop na wakas.
video. d-sunod ng panimula at
mga wakas.
pangyayari.

Orihinalidad Ang video na Mahusay May kaunting Masyado ng


ginawa ay dahil hindi paghahalintul gasgas at
naaayon sa masyadong ad sa mga karaniwan ang
makabago at karaniwan o karaniwang konsepto ng
natatanging madalas konsepto ng video.
paksa, hindi mangyari ang video.
gasgas ang kosepto ng
konsepto. video.

Ekspresyon sa Makikita ang Magaling Ang mga Ang mga


mukha pagiging ngunit hindi damdaming damdaming
sinsero ng masyadong nakalahad sa nakalahad sa
tagapagkwe naipakita ang video ay hindi video ay hindi

6
nto o mga pagiging masyadong nakitaan sa
tauhan sa sinsero at nakitaan sa ekpresyon ng
video. mababanaa ekspresyon ng mukha ng
g sa mukha mukha ng tagapagkwent
ang pagiging tagapagkwent o o mga
kabado. o. tauhan.
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat sa patlang
bago ang bilang ang letrang T kung ang pahayag ay wasto at M kung ito ay
di-wasto.
__________1. Ang pagpapahalaga sa sarili ay katumbas ng pagkakaroon ng
pagmamahal sa sarili.
__________2. Isang paraan ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili ay
ang pagtuklas ng mga kakayahan o talento.
__________3. Ang kakayahan ay wastong nagamit kung may pagsisisi sa
nagawang kilos.
__________4. Ang pagpapahalaga sa sarili ay bunga ng pagsusuri at pang-
unawa na mayroon tayo.
__________5. Ang mga kakayahan nating taglay ay hindi mahalaga sa
kaunlaran ng ating pagkatao.

VII. Pangwakas
Panuto: Sagutin ang katanungan hinggil sa iyong natutunan sa araling ito
Ano ang iyong natutunan sa araling ito at paano mo ito maisasabuhay?

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
7
_________________________________________________________
_____________________________________________________
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

MGA PAMANTAYAN BAHAGDAN MARKA NG GURO

Mensahe ng nilalaman 10

Organisasyon ng ideya 10

Kaugnayan sa paksa 10

kabuuan 30
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VIII.Sanggunian
Department of Education, (2020), k to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding GC Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instructional Strand
Homeroom Guidance Program 9 Learning Module: The 3Rs. (2020) Department
of education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Homeroom Guidance Program 9 Learning Module: Respect to Connect.
(2020) Department of education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

X.Susi sa Pagwawasto
10. MALI
9. TAMA
sagot ng mga mag-aaral.
8. TAMA
Maaaring magkakaiba ang
7. MALI B.1, B.2 at Pangwakas
6. TAMA Gawain 1: A.2, Gawain 2:
5. TAMA
4. TAMA 5. T
3. MALI 4. T
2. TAMA 3. M
1. TAMA 2. T
Gawain 1: A.1 1. T
t
Pagsusuli

8
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Luisa A. Ferrer


Criselda R. Pontillas
Patnugot: Jessie M. Policarpio, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Imelda P. Angeles
Noribel R. Dela Pasion
Patnugut ng Wika: Orlando S. Alejo Jr.
Grupo ng Tagapaglinang: Epifania B. Dungca, EdD

You might also like