You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________

Paaralan: ______________________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 8
Unang Markahan – Ikatlong Linggo
Kahalagahan ng Sarili sa Komunidad at sa Pamilya

I. Panimula
Natapos mo na ng mahusay ang aralin sa Modyul 2. Naipamalas mo ang
iyong kakayahan sa iyong mga personal na gampanin at inaasahan na
anumang kaalaman ang iyong natutunan ay iyong magagamit sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay.
Ngayon naman ay lakbayin natin ang mundo ng pamilya na kung saan
nahuhubog ang ating pagkatao lugar na kung saan natutuhan ang disiplina
at pagpapahalaga sa sarili.Mula dito ay umuusbong ang bawat indibidwal
upang maging ganap sa kabuuang aspeto ng kanyang pagkatao. Sapagkat
mula sa ating pamilya, natututunan ang ating responsibilidad at gampanin
bilang mahalagang bahagi ng pamilya at isang mabuting kasapi nito
gayundin ng komunidad.
Mula sa huling linya ng awit na may pamagat na,” Sino Ako?
pinatotohanan nito ang kahalagahan ng pagbibigay halaga ng buhay at
pagkatao.” Sino ka sa iyong pamilya? at Sino sa iyong komunidad?
Mahalagang pag-isipan ang kasagutan sa mga tanong na ito.Nawa ito ay
iyong masasagot sa pagtatapos ng araling ito.

II. KasanayangPampagkatuto
Natutukoy ang kahalagahan ng sarili bilang mahalagang bahagi ng
pamilya maging ng komunidad.
Koda: HJGPS – ld-7
Napamamahalaan ang mgapagbabago ng nagaganap sa sarili tungo
sa pansariling pagpapahalaga.
Koda: HJGPS-Ie-10
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matutukoy ang kahalagahan ng sarili bilang mahalagang bahagi ng
pamilya maging ng komunidad;
2. makasusulat ng isang tula na nagpapakilala sa kahalagahan ng sarili bilang
bahagi ng pamilya at komunidad;
3.matutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili tungo sa sariling
pagpapahalaga; at
4.makapagsusulat ng isang sanaysay tungkol sa mga pagpapahalagang
kailangan upang magkaroon ng positibong pagbabago sa sarili.

IV. Pagtalakay
Likas sa tao na kaugnay ng iba pang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao
ay bahagi ng kaniyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin mula sa Education in
Values: What, Why and For Whom ni Esteban, 1990).
Ang pakikibahagi at pagganap ng tungkulin ay kinakailangang bigyang
halagang bawat indibidwal sa loob ng pamilya maging sa komunidad
sapagkat likas sa tao ang pagbibigay ng halaga at pahalagahan ang
kanyang sarili.
Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan
sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat maging bahagi ng buhay pamilya
sa araw-araw. Naipakikita ito sa pamamagitan ng buong pusong
pagtanggap, pag-uusap, pagiging palaging naroon para sa isa’t isa, bukas-
palad at paglilingkod ng bukal sa puso. Sa loob ng pamilya nagsisimulang
umusbong ang ating pagpakatao at mga ibat-ibang pagpapahalaga.
Bilang bahagi ng pamilya, ikaw din ay bahagi ng komunidad. Sa loob
ng pamilya dapat natututunan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at
magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito
niya natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng
pagmamahal; na ang paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang
maging kabilang sa kapatiran ng tao.Ang pagtulong sa pamilya at sa
pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at
birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan gayundin ito ay
pagpapamalas ng disiplina sa sarili.
Ang lahat ng mga ito ay maibibilang na kakayahan at anumang
kakayahan na mayroon ka ay dapat itong gamitin upang higit itong

2
malinang. Ngunit paano malilinang ang mga ito kung hindi nakikita ang ating
sariling halaga? Ang lahat ng ito ay nagsisimula sa pagpapahalaga sa sarili o
self- worth. Mula kay Merriam-Webster dictionary ay binigyan niya ng
kahulugan ang salitang“worth”(the value of something measured by its
qualities or the esteem in which it is held).
Ang mga taong may pagpapahalaga sa sarili ay mailalarawan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng malaking pagtitiwala sa kanilang mga
kakayahan at ito ay nagmumula sa kalooban.
Narito ang mga apat na paraan kung paano malilinang ang
pagpapahalaga sa sarili. (HalawKirsten nunez,2015)
1.Huwag ikumpara ang sarili sa iba. (Compare yourself to no one)
Ang pagbibigay ng halaga sa sarili ay ang pag-iwas sa pagkukumpara
ng sarili sa iba. Sapagkat ang bawat indibidwal ay may natatanging
kakayahan nakakaiba sa iba.
2.Yakapin ang sariling pagkakamali at matuto mula rito (Embrace your
mistake,and learn from them)
Normal sa tao ang makagawa ng
mgapagkakamalinamadalasnanagdudulotsaatin ng hiya at
kalungkutan,subalit mula sa sariling karanasan marami kang matutunan.
Huwag isisi sa iba ang nagawang pagkakamali.
3. Bigyan ng pagkakataon na malinang ang sarili (Take opportunities to
develop yourself)
Sa bawat sandali may mga pagkakataon na nakalaan para sa atin.
Makatutulong ang mga oportunidad na ito upang lalong malinang ang ating
pagpapahalaga sa sarili.
4. Ibahagi ang iyong mga pinagdaanan sa taong iyong
pinagkakatiwalaan. (Share your journey to someone you trust)
Mula sa iyong mga karanasan magiging inspirasyon ito sa mga taong
iyong pinagbahaginan kung paano ang pagpapalago ng sariling halaga at
pagiging kakaiba. (Hangosa Four Ways to start Valuing yourself Properly ni
Kristen Nunez ,2015)
Lahat tayo ay may mga taglay na angking pagpapahalaga.
Kinakailangan na ito ay ating paunlarin upang lalong maging maayos ang
ating pakikipag kapwa tao. Maraming mga pagbabagong nagaganap sa
ating mga sarili na maaring positibo o negatibo. Ngunit pakatandaan na ang
mgapagbabagongito ay susiupangmakamit ang kaganapan bilang tao na
makatulong lalong-lalo na sa mga taong nangangailangan sa ating
komunidad.

V. Mga Gawain

3
Gawain 1.Pasulatna Gawain
A.1Panuto: Magbigay ng (5) tiglilima sa bawat hanay na magpapakilala sa
iyong kahalagahan sa Hanay A Sino ako sa aking pamilya? at sa Hanay B Sino
ako sa aking komunidad?

Sino ako…..?

Sa aking pamilya Sa aking komunidad

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

1. Madali ba para sa iyo ang ipakilala kung sino ka?

Oo,dahil_______________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Hindi,dahil______________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Alin sa dalawang hanay ang mas madali para sa iyo na nasagutan?
Katwiranan.____________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
A.2Panuto: Isaayos ang mga salita o parirala na makikita sa kahon upang
makabuo ng isang makabuluhang pangungusap.Isulat ito sa patlang sa
ibaba.

may pagpapahalaga
Ang mga taong
Sa sarili ay nailalarawan
Sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng malaking pagtitiwala
sa kanyang mga kakayahan
at ito ay nagmumula sa kaloban.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4
Gawain 2.GawaingPagganap
B.1Panuto: Sumulat ng tula na may dalawang saknong na mag papakilala
saiyo ng kahalagahan bilang bahagi ng pamilya at komunidad. ( Gawin ito
sa iyongkwaderno)

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

ISKOR
Pamantayan

Nakabuo nang dalawang saknong na tula na nagpapakita ng

15
kahalagahan ng sarili.
Nakabuo nang isang saknong na tula na nagpapakita ng
10
kahalagahan ng sarili.
Nasagutan ngunit hindi kompleto at walang kinalaman sa aralin. 5
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayanlamang ng gurosapagbibigay ng puntos para sagawain.)

B.2 Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga pagpapahalagang

kailangan upang magkaroon ng positibong pagbabago sa sarili.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5

Nailahad nang wasto ang kaisipan. 15

Nakasulat ng sanaysay subalit kulang sa ideya. 10

Nakasulat ng sanaysayngunit walang kinalaman sa aralin. 5

*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayanlamang ng gurosapagbibigay ng puntos para sagawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto:Isulat sa patlang ang PP kung ang pahayag ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pamilya at PK kung ang pahayag ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa komunidad.
__________1. Iniiwasan kong ikumpara ang aking sarili sa iba.
__________2. Kaisa ako sa pagpapanatili ng kaayusan sa aming barangay.
__________3. Sinunod ni Audrey ang mga magulang sa kanilang pinag-uutos.
__________4. Sinisikap ko na maging maayos ang aking pakikitungo sa aking
kamag-aral.
__________5. Ang pakikibahagi at pagganap ng tungkulin ni Mika sa loob ng
pamilya ay binibigyan niya ng pagpapahalaga.

VII. Pangwakas
Panuto:Kumpletuhin ang pahayag na nagbibigay-halaga sa sarili bilang
bahagi ng pamilya maging ng komunidad.
Ako si _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
6

__________________________________________________________________________.

VIII.Sanggunian
Department of Education, (2020), k to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding GC Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instructional Strand

Zenaida R. et. al. (2016). Ugaling Pilipino sa MakabagongPanahon,

BatayangAklatsaPagkatuto para sa Ika-limangBaitang Unang Edisyon. Vibal
Group Inc.
Peralta, Gloria A. et al. (2016). Ugaling Pilipino sa MakabagongPanahon,
Gabay ng Guro para saIka- limang Baitang. Unang Edisyon. Vibal Group Inc.

X. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

Ang mga taong may ang sagot

pagpapahalaga sa sarili ay Maaring magkakaiba iba
nailalarawan sa pamamagitan ng Gawain 2
pagkakaroo ng malaking
pagtitiwala sa kanilang mga
kakayahan at ito ay nagmumula sa
kalooban. sagot
Maaring magkakaiba iba ang
sagot Gawain 3
Maaring magkakaiba iba ang
Gawain 4 pagwawasto ng sagot.
Sundan ang Rubrik sa

PP 5. sagot.
PK 4. Maaaring magkakaiba ang
PP 3. Pangwakas
PK 2.
PP/PK 1.

Pagsusulit

7
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Noribel R. Dela Pasion

Jane E. Mones
Patnugot: Jessie M. Policarpio, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Imelda A.Angeles
Luisa F. Obcena
HyacintM. Sico
CriseldaPontillas
MaricelB.Canlas
Patnugot ng Wika: Edlyn B. Pineda
Grupo ng Tagapaglinang: Epifania B. Dungca, EdD

You might also like