You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 8
Unang Markahan-Ikapitong Linggo
Pagsasaalang-alang sa Pagpili ng Propesyon

I. Panimula
“Sa aking paglaki,gusto kong maging isang mabuting…”
Ikaw, Ano ang idudugtog mo na salita sa pangungusap na iyan?
Mahalaga na maitanong mo na sa iyong sarili sa kasalukuyang panahon ang
mga tanong na, Ano kayang kurso ang nababagay sa akin? Ano kaya ang
aking kukuning propesyon?
Bahagi sa mga pagpipiling ito ang mga pagsasaalang-alang ng iyong
kasanayan, bata ka palang ay tinatanong ka na ng iyong mga kapamilya
kung ano ang propesyon na gusto mo sa hinaharap. Maging ang
impluwensya ng iyong kapwa at ng mga napapanood ay may malaking
kontribusyon sa pagpili ng magiging kurso. Sa araling ito ay matutukoy mo
ang mga mahalagang dahilan sa iyong pagpili ng nais mong propesyon at
maihanda ang iyong sarili sa darating na panahon upang makamit ang
tagumpay at karangalan.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Natutukoy ang kaugnayan ng kasarian, pamilya, kapwa, midya at
antas sa lipunan sa pagpili ng propesyon.

Koda: HGJC-Ii-19
III.Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:


1. matutukoy ang kauganayan ng kasarian,pamilya,kapwa, midya at antas sa
lipunan sa pagpili ng propesyon; at
2. makaguguhit ng larawan tungkol sa pinapangarap na propesyon.

IV. Pagtalakay
Do you know where you’re going to?
Do you like the things that life is showing you?

Where are you going to?


Do you know?

Do you get what you ‘re hoping’ for?


When you look behind, there are no open doors
Where are you going to? Do You know

Pamilyar ka ba sa awiting ito? Ito ay inawit ni Diana Rose mula sa album


ng mga Mahogany.Ang awit ay nagsimula sa mga tanong na pumupukaw sa
damdamin ng bawat makikinig. Mga personal na tanong na maaring
magiging palaisipan sa bawat indibidwal sa kanyang mga tunguhin sa buhay.
Ating lakbayin ang mundo ng iyong buhay. Handa ka na ba? Paano
mo nakikita ang iyong sarili sampung taon mula ngayon? Masaya ka ba sa
naabot mong pangarap?

Alam mo ba ang direksyon na tinatahak ng iyong buhay? Kursong


Pang-Akademiko,Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports , Negosyo o
Hanapbuhay, alin sa mga ito ang iyong nasalamin sa iyong sarili? Ang mga
nabanggit ay ang magiging kahihinatnan sa gagawing pagpili ng propesyon.
Ang pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo ay isa sa pinakamahirap na
desisyon sa buhay ng isang mag-aaral. Ang desisyong iyon ay magdidikta ng
magiging kinabukasan mo sa larangan ng propesyon na maaring
kabibilangan sa hinaharap.

Ang bawat tao ay may pangarap na nagsisilbing daan tungo sa


katuparan ng mga inaasam sa buhay. Ikanga, libre ang mangarap.

2
“Gusto kong yumaman!”, “Ako ay magiging isang magaling na
manggagamot!”, “Magmamay-ari ako ng isang sikat na bilihan!” Ilan lamang
ang nabanggit sa mga pangungusap ng taong may mga pangarap.
Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly
Effective People "Begin with the end in mind.” Nararapat na ngayon pa
lamang ay malinaw na sa iyong isipan ang isang malaking larawan kung ano
ang nais mong mangyari,makamit sa iyong buhay sa mga darating na
panahon. Bagaman mahaba pa ang mga taon na iyong tatahakin at marami
pang pagbabago ang maaring maganap, makatutulong ng malaki sa iyo
kung ngayon pa lamang ay maihahanda mo na ang iyong sarili sa susunod
na yugto ng iyong buhay. Ikaw, ano ang gusto mong maging paglaki mo?
Mga Salik sa Pagpili ng Propesyon

Ang kasarian, pamilya, kapwa, midya at ang antas sa lipunan ay may


kaugnayan sa pagpili ng propesyon.
Kasarian

Sa paanong paraan may kinalaman sa pagpili ng propesyon ang


kasarian? Ang kasarian ay tumutukoy sa pagiging lalaki at babae, halimbawa
karamihan sa mga sundalo ay kalalakihan sapagkat may sapat silang lakas
lalo na sa pakikidigma sa kabundukan kumpara sa mga kababaihan .
Ang Pamilya at ang Kapwa

Ano ang nais ng iyong mga magulang para sa iyo o kaya naman may
nababanggit ba ang iba pang kasama na mas bagay na kurso para saiyo?
Mula sa kanilang sinasabi nagkakaroon ka ng ideya na maiangkop ang
kursong nababagay para sa iyo.
Midya

Marami ang ibat-ibang uri ng midya tulad ng broadcast media,


halimbawa nito ay ang radyo, recorded music, pelikula at telebisyon. Print
media gaya ng dyaryo, aklat, pamphlet at komiks. Mga outdoor media tulad
ng billboards, plakards, karatula, social media tulad ng facebook, Instagram,
twitter, at marami pang iba. Ang mga nabanggit ay may malaking kinalaman
sa ating pagpili ng propesyon sapagkat mula sa mga impormasyon na
naihahatid nila nagkakaroon ng mga ideya ang mga mga mag-aaral
patungkol sa isang partikular na trabaho, propesyon o maging sa pagsusulong
ng kabuhayan.
Antas ng Pamilya

Salik din sa pagpili ng propesyon ang antas ng pamilya. Ang pamilya


ang pinakapangunahing makatutulong at magkakaloob sa isang mag-aaral
ng kanyang mga gastusin sa pag-aaral at kung hanggang saan ang

3
suportang pinansyal na kaya ng mga magulang na tustusan sa tulong din ng
mga kapatid na nakapagtatrabaho at kumikita na handang sumuporta.

Napakahalaga ang pagsasaalang-alang sa mga salik na ito sa pagpili


ng kurso. Kaya, kinakailangan na masusing pag-isipan bago dumating sa
isang pasya. Maraming mag-aaral ang nasa kolehiyo, ngunit hindi pa rin
sigurado sa kanilang larangang tatahakin kaya't nagreresulta ito ng maraming
epekto tulad ng kalituhan, kawalan nang interes sa pag-aaral, pabago-
bagong kurso, doble gastos at oras.
Pahalagahan ang edukasyon sapagkat ito ay ang susi sa katuparan sa
ating mga ninanais na makamit sa buhay. Higit sa lahat ,ang paghingi ng
tulong mula sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin . Sabi nga sa
Kawikaan 3:5-6, “Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag
kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa
lahat ng iyong ginagawa at ituturo Niya sa iyo ang tamang landas.”

V. Mga Gawain
Gawain 1: Pasulat na Gawain

A.1 Panuto: Isulat sa patlang ang Oo kung ang mga sitwasyon ay


makatutulong sa pagpili ng propesyon at Hindi naman kung walang
kaugnayan.

__________1. Mahilig magluto ng mga pagkain si Maria.


__________2. Sinusubaybayan ni Angela ang pag asenso ng kanilang
kapitbahay.
__________3. Habang nasa ikawalong baitang palang si Nicole ay nagbabasa
na siya ng mga libro na makatutulong sa kanya sa pagpili ng kurso.

__________4. Ang pagkakaroon ng mataas na sahod ang pinakamimithi ni Ivan


kaya, nahihilig siyang magbasa ng mga kwento ng mga taong nagtagumpay
sa buhay kung anong kurso, negosyo ang kanilang pinasukan.

__________5. Magaling sa pagguhit si Jairene, kung kaya madalas na


suhestiyon sa kanya ng mga kaibigan at nakakita sa kanyang mga likha na
kumuha ng kursong Architect. Maari rin ba niyang maging basehan ang
sinasabi ng iba sa kanya sa pagpili ng propesyon?

A.2 Panuto: Pumili ng dalawa sa mga sumusunod na salik ang may malaking
impluwensiya sa iyong pagpili ng kukuning ng propesyon. Pangatwiranan.

Kasarian, dahil, ____________________________________________________________

4
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamilya at kapwa, dahil ___________________________________________________


___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
Midya, dahil, ______________________________________________________________
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
Antas sa lipunan, dahil_____________________________________________________
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Gawain 2 Gawaing Pagganap


B.1Panuto: Paano mo nakikita ang iyong sarili, sampung taon mula ngayon?
Iguhit ang simbolo ng iyong kursong nais makamit.

5
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

MGA PAMANTAYAN BAHAGDAN MARKA NG GURO

Nilalaman

Ang mensahe ay mabisang 15


naipapakita

Pagkamalikhain
Naipakita ang 15
pagkamalikhain,napakaganda at
napakalinaw nang pagkakaguhit.

Kaayusan at kalinisan
Kaaya-aya at napakalinis ang 10
pagkakagawa

Kabuuan 40
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B.2 Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa iyong pinapangarap na


propesyon balang araw .

Ang Aking Pangarap


_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

6
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

MGA PAMANTAYAN BAHAGDAN MARKA NG GURO

Nilalaman

Malinaw na nailahad sa kabuuan ng 15


sanaysay ang mensahe

Pagkamalikhain
Nakapupukaw ng damdamin sa 15
mga mambabasa na ipagpatuloy
ang pangarap.

Organisasyon
Maganda ang pagkaka-ugnay ng 10
mga ideya, kaaya-aya at
napakalinis ng pagkakagawa

Kabuuan 40
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at
MALI kung ito ay di-wasto.
__________1. Magtiwala sa sariling kakayahan.
__________2. Walang kaugnayan ang kasarian sa pagsasaalang-alang ng
pagpili ng kurso.
__________3. Kinakailangan ang masusing pag-iisip bago dumating sa isang
pasya sa pipiliing kurso.
__________4. Pahalagahan ang edukasyon sapagkat ito ang susi sa katuparan
sa ating mga ninanais na makamit sa buhay.

__________5. Maraming mag-aaral ang nasa kolehiyo na ngunit hindi pa rin


sigurado sa kanilang larangang tatahakin kaya't nagdudulot ito ng malaking
epekto.

VII. Pangwakas

Panuto: Gamit ang Star Web magtala ng limang katangian na dapat taglayin
upang makamit ang tagumpay sa mga pinapangarap.

7
_________
_

Makakamit
ang tagumpay
kung may…

VIII. Sanggunian
Department of Education, (2020), K to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding GC Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instructional Strand

Covey, S.R. (1989). Seven Habits of Highly Effective People. Free Press
Bibliya. Ang Magandang Balita,2020

IX. Susi sa Pagwawasto

Oo 5.
Oo 4.
Oo 3. ang sagot ang sagot ang sagot
Hindi 2. magkakaiba magkakaiba magkakaiba
Oo 1. Maaring Maaring Maaring

Gawain 1: A.1 Gawain 1: A.2 Gawain 2: B.1 Gawain 2: B.2

Tama 5.
Tama 4.
Tama 3. ang sagot
Tama 2. magkakaiba
Mali 1. Maaring
8
Pagsusulit Pangwakas
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Noribel R. Dela Pasion


Jane E. Mones
Patnugot: Jessie M. Policarpio, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Imelda P. Angeles
Luisa F. Obcena
Lina M. Olonan
Kamille Ann L. Atuan
Criselda R. Pontillas
Maricel B. Canlas
Hyacint M. Sico
Patnugot ng Wika: Edlyn B. Pineda
Grupo ng Tagapaglinang: Epifania B. Dungca, EdD

You might also like