You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE

LAGAY NATIONAL HIGH SCHOOL


Calauag West District

Homeroom Guidance Program 7


GAWAING PAGKATUTO
Week 2, Quarter 3
Name __________________________________________________________________ Date _____________________________________
Year & Section ___________________________________________________________ Teacher _________________________________

PAMAGAT NG ARALIN Pananagutan sa Sarili at Kapwa


MGA PINAKAMAHALAGANG Realize the advantages ang importance of being responsible for oneself and for others
KASANAYANG PAMPAGKATUTO (HGJPS-lllc-9)
(MELCs) Nauunawaan ang kabutihan at kalahagahan ng pagiging mapanagutan sa sarili at kapwa
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kabutihan at kahalagahan ng
PANGUNAHING NILALAMAN
pagiging mapanagutan sa sarili at kapwa.
YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. PANIMULA:
Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang mga tungkulin mo sa iyong sarili at kapwa. Nabigyan ka ng pagkakataon na
magampanan ang mga gawain upang mapaunlad mo ang pagkilala sa iyong sarili at magkaroon ng maayos na pakikisalamuha sa kapwa tao.
Lubos mong naunawaan na ang tao ay kumikilos hindi para sa sarili lamang kundi para sa lahat.
Layunin ng aralin na ito na magabayan ka bilang kabataan na maunawaan ang kabutihan at kahalagahan ng pagiging
mapanagutan sa sarili at kapwa. Sa araling ito ay maipamamalas mo ang isang kabataang may pagpapahalaga sa kaniyang pananagutan
bilang pagtugon sa kaniyang tungkulin na nararapat at nakabubuti.
Paano mo nga ba maipapakita ang mga ito? Angkop ba ang iyong mga ginagawa? Sapat na ba ang mga ito? Halika at ating
tuklasin!.
II. PAGPAPAUNLAD
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
1. Basahin ang titik o lyrics ng awitin. Maaari ring pakinggan at sabayan kung alam ito at may paraan.
2. Sagutin ang mga tanong sa loob ng kahon.
Pananagutan (Jamie Rivera) Mga Tanong:
Sipi ng awit:www.musixmatch.com/lyrics 1. Ano ang iyong naging damdamin sa awit?
Walang sinuman ang nabubuhay,
____________________________________________________________________
para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay, ____________________________________________________________________
para sa sarili lamang
____________________________________________________________________
Chorus: 2. Ano ang nais ipabatid ng awitin?
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa ____________________________________________________________________
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling nya ____________________________________________________________________
Sa ating pag mamahalan at panglilingkod ____________________________________________________________________
sa kanino man
3. Kung pagbabatayan natin ang chorus ng awitin, kanino tayo may pananagutan
Tayo ay magdadala ng balita na kaligtasan ____________________________________________________________________
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos ____________________________________________________________________
Na kapiling nya ____________________________________________________________________

Sabay sabay mag aawitan 4. Paano maipapakita ng tao ang kaniyang pananagutan ayon sa kanta?
ang mga bansa ____________________________________________________________________
Tayo tinuring na panginoon bilang mga anak
____________________________________________________________________
Chorus ____________________________________________________________________
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
na kapiling nya
Nalaman mo mula sa awitin ni Jamie Rivera na lahat ng tao ay may pananagutan. Ano nga ba ang kahulugan ng pananagutan?

Ang pananagutan ay nangangahulugang responsibilidad, tungkulin o obligasyon. Ito ay kinakailangang gawin ng isang tao,
institusyon o grupo. Nagdudulot ito ng negatibong epekto kung hindi magagampanan ng tao ang kaniyang responsibilidad. Ang pagiging
mapanagutan ay hindi lamang dapat sa sarili kundi maging sa iyong kapwa.
Pananagutan sa Sarili at Kapwa
“Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili”, Mateo 22:37-39, Magandang Balita-Biblia. Ito ay tagubilin sa atin ng
Diyos upang kumilos tayo ng may pananagutan sa sarili at sa ating kapwa. Ang pagmamahal ang magbibigay daan upang maisagawa
natin ang tunay na kahulugan ng pagiging mapanagutan.

Pananagutan sa Sarili
Ang pagiging mapanagutan sa sarili ay ang pagtupad sa mga gawain na inaasahan para sa iyong sarili, kahit walang nakakakita. Ito
ay ang paggawang naaayon sa iyong kalooban at hindi dahil sa kagustuhan ng ibang tao.
Bilang kabataan, may mga pananagutan ka sa iyong sarili na dapat mong gampanan. Kapag ang mga pananagutan ay maayos
mong isinasagawa, ito ay nagiging bahagi ng paghubog mo ng iyong pagiging mabuti at responsableng indibidwal. May mga naibigay na
paraan si Connie Stemmie, isang professional editor na nakapagtapos ng Master’s Degree in Social Work, upang malaman mo kung
taglay mo ang katangian ng pagiging mapanagutan. Makakatulong din ito upang higit na malinang ang pananagutan sa sarili. Ito ay ang
mga sumusunod:
1. Pagiging mapagkumbaba
2. Maging tunay at totoo sa sarili
3. Kakayahang kontrolin ang emosyon
4. Alam ang hangganan ng mga pagkilos.
5. Pagiging matiyaga. Hindi sumusuko sa hamon ng buhay
6. May kakayahan sa maayos na pakikipagkomunikasyon
7. May angking katapangan ng loob upang tanggapin ang pagkakamali o pagkabigo
8. Panatilihin ang pagiging organisado sa mga gawain. Magtakda ng oras para gawin ito.

Pananagutan sa Kapwa
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang” bahagi ng awitin na nabanggit sa unang bahagi na nagpapatotoo na
nabubuhay tayo kasama ang ating kapwa. Magiging ganap lamang ang pagkatao ng isang tao sa wastong pagganap niya ng kaniyang
pananagutan para sa kapwa. Higit ang madaramang kaligayahan kung ito ay matutupad ng naayon sa tama at mabuting paraan. Habang
ginagampanan ng tao ang kaniyang tungkulin ay lalo siyang lumalago, nagiging buo at patuloy na malilinang ang pag-unawa na ang
pagganap ng tungkulin ay simbolo ng pagmamahal sa kapwa.
III. PAKIKIPAGPALIHAN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto:
1. Magbigay ng mga angkop na kilos na isasabuhay ng isang kabataang tulad mo na may pananagutan sa sarili at kapwa.
2. Ilahad ito ng katulad sa isang community pantry. Dito ay may pagkain at mga paalalang nakapaskil sa paligid.
Hal.” Magbigay ayon sa kakayanan. Kumuha ayon sa pangangailangan.”
3. Ang inyong pantry ay tatawaging “Pananagutan Pantry”. Hindi pagkain ang laman kundi ang mga paalala upang maisabuhay ang mga
angkop na kilos ng may pananagutan.
PANANAGUTAN PANTRY

IV. PAGLALAPAT
Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin ang tanong.

Tanong:
1. Nagpapahiwatig ba ng mapanagutang kilos ang mga nasa larawan?
_________________________________________________________________________________
2. Paano nakakatulong sa tao ang pagiging mapanagutan sa sarili at kapwa?
_________________________________________________________________________________
3. Bakit mahalagang maging mapanagutan sa sarili at kapwa?
_________________________________________________________________________________________________
V. PAGNINILAY
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performance para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay
ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng
paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa
Gawain Sa Pagkatuto Lebel ng Performance
ko ito nang maayos o mahusay.
Bilang 1

Bilang 2

You might also like