You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON PROVINCE

LAGAY NATIONAL HIGH SCHOOL


Calauag West District

Homeroom Guidance Program 7


GAWAING PAGKATUTO
Week 5, Quarter 3
Name __________________________________________________________________ Date _____________________________________
Year & Section ___________________________________________________________ Teacher _________________________________

PAMAGAT NG ARALIN Pagpapakita ng Positibong Gawi tungo sa Kapayapaan sa Tahanan


MGA PINAKAMAHALAGANG Pagtugon sa pangangailangan ng komunidad tungo sa kapayapaan
KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Respond to the needs of the community towards peace)
(MELCs) HGJPS-IIId-14
Nagagamit ang kakayahan upang maprotektahan ang sarili at kapwa tungo sa
PANGUNAHING NILALAMAN
mga mabisang paraan ng paglutas ng problema.
YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. PANIMULA:
Bilang isang mag-aaral, isang malaking parte ng iyong buhay ang iyong kinabibilangang pamilya. Ang samahan sa loob ng tahanan
ay may malaking papel na ginagampanan sa iyong paglaki, pagkatuto at paglago bilang tao. Dahil dito, ang mga positibong gawi na makikita
sa loob ng tahanan ay madadala ng bawat miyembro patungo sa mas malaking lipunan na kanyang ginagalawan.
Tinalakay natin sa nakaraang aralin ang mga epektibong paraan upang harapin ang mga problema sa buhay. Kaugnay nito,
mahalaga ring malaman natin kung anu-ano ang mga gawi na maaari mong taglayin bilang isang kabataan sa loob ng tahanan.
Bilang isang anak, paano mo naipapakita ang kabutihan sa loob ng inyong tahanan? Ano ang naidudulot ng iyong mga gawi at ugali
sa iyong mga kasama sa bahay? Sa araling ito, mas higit nating palalalimin ang iyong kaalaman tungkol sa pagpapakita ng mga positibong
gawi sa loob ng tahanan at kung paano nakakatulong ang mga ito sa pagpapanatili ng kapayapaan sa loob ng tahanan.

II. PAGPAPAUNLAD:
Marahil ay natatanong mo sa ang iyong sarili kung paano nga ba makakamit ang kapayapaan para sa iyo at sa iyong tahanan. Ang
bawat tahanan ay may kanya-kanyang katangian at miyembro na bumubuo dito. Anuman ang inyong kalagayan, maaari pa ring matamo ang
kapayapaan. Paano? Narito ang mga mungkahing paraan upang matamo ang kapayapaan sa loob ng tahanan:
Una, mahalaga ang pagsunod sa mga magulang at mga nakatatanda. Ang mga maling pasiya ay maaaring humantong sa
malalaking suliranin kung kaya’t mas mabuting humingi ng tulong at gabay sa mga nakatatanda at sa mga magulang. Mas higit na nakaaalam
ng inyong ikabubuti ang mga matatanda sa tahanan.
Pangalawa, maging mapanuri. Halos kailan lang ay isinilang ka sa mundo na taglay ang lahat ng kahanga-hangang kakayahan at
walang-hanggang posibilidad. Subalit may tunay na panganib sa kapaligirang ginagalawan mo. Ang iyong malaking potensyal at kakayahan
ay maaaring malimitahan o masira kung patatangay ka sa kasamaang nakapalibot sa iyo. Matutong maging maingat sa mga gagawin, piliin
lagi ang mas mabuti at ang tama.
Pangatlo, maging maingat. Nabubuhay kayo sa isang mundong mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya. Depende kung paano
ginagamit ang teknolohiya sa pang-araw araw na buhay. Ang pag-unlad na ito ay maaaring maging isang pagpapala o isang hadlang sa atin.
Ang teknolohiya, kapag natutuhang mabuti at ginamit sa mabubuting layunin ay hindi kailangang maging banta sa atin kundi isang bagay na
makatutulong sa pag-unlad ngunit ang mga ito ay maaaring pagmulan din ng kasamaan at pagsasayang ng oras. Kaya nararapat na
magkaroon ng disipilina at maging maingat sa paggamit nito.
Pang-apat, maging mapagmahal. Malaking kapayapaan ang darating sa iyo kapag sinamahan mo ng pagmamalasakit at
pagmamahal sa kapwa na nasa iyong paligid ang iyong pagsisikap na magkaroon ng kapayapaan. Napakaraming tao na nag-akalang
kakaunti lang ang kanilang mga talento ang mapagkumbaba at lubos na ginagamit ang mga talentong iyon upang mapagpala ang buhay ng
mga nasa paligid nila. Bawat isa ay may kakayahan na makatulong upang makapagbigay ng kapayapaan sa bawat miyembro ng pamilya.
Panglima, tingnan ang mabuti sa iba, hindi ang kanilang mga kamalian. Paminsan-minsan kailangang pansinin ang pagkakamali para
mapagsisihan, ngunit laging magtuon sa kanyang mabubuting katangian. Kapag nadama ninyo na napakaliit lang ng pag-asa, ang pag-asang
iyan ay hindi talaga napakaliit kundi isang napakalaking kawing na nagdurugtong, parang isang aparatong nagliligtas ng buhay para palakasin
at pasiglahin kayo. Magiging mapayapa ang tahanan na may pag-uunawaan, pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.

Gawain sa Pagkatuto 1. Isulat sa loob ng peace doodles ang iyong magiging bahagi upang mapanatili ang kapayapaan sa iyong sarili at
tahanan na maaaring maisagawa sa pamayanan/lipunan.
III. PAKIKIPAGPALIHAN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang iyong gagawing aksyon upang mabigyang solusyon ang mga sitwasyon sa unang hanay sa
mapayapang paraan.
Sitwasyon Aksyon
1. Mayroon lamang isang gadget sa inyong tahanan at
kailangan ninyo itong pareho ng iyong kapatid.
2. Nalaman mo na hindi sinunod ng iyong kapatid ang utos
ng iyong ina o nakatatanda sa pamilya.
3. Pinakikisuyuan ka ng iyong magulang ngunit kulang ka na
sa oras upang matapos mo ang iyong gawain sa paaralan.
4. Mayroon kang napanood sa telebisyon na labis na
nagbigay ng pag-aalala sa iyo.
5. Nasira ng nakababatang miyembro ng inyong pamilya ang
isa sa mahalagang gamit mo.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Sa isang malinis na papel, sumulat ng isang liham para sa isang miyembro ng pamilya na nais mong maayos
ang inyong komunikasyon o mas mapalapit sa iyo. Gamitin ang iyong mga natutunan sa araling ito. Narito ang batayan sa pagmamarka para
sa iyong liham.
Tampok 4 (Malakas) 3 (Pag-unlad) 2 (Umuusbong) (1) Simula Puntos
Nagtatag ng isang Nagpakita ng Ang mga pagtatangka
malinaw na pagpapahalaga sa ay nakatuon sa araling May kulang sa
Mga Ideya
pokus hinggil sa araling araling tinalakay tinalakay pagtuon at pag-unlad
tinalakay (kapayapaan) (kapayapaan) (kapayaan)
Naipakita ang isang Katibayan ng lohikal na Sinusubukan ang Nakasalalay sa
Organisasyon maayos na daloy ng pagkakasunudsunod pagkakasunudsunod solong ideya
mga ideya
Maayos na naipahayag Sinubukang May kulang na
Malinaw na naipadama
Pagpapahaya ang maipahayag sa mga salita upang
at naipahayag ang
g hangarin ng sulat hangarin ng sulat maipakita ang
hangarin ng sulat
hangarin ng sulat
KABUUANG PUNTOS: ___________________
IV. PAGLALAPAT
Sa tulong ng 3-2-1 Tsart, dugtungan ang mga sumusunod na pahayag.
Ang tatlong bagay na aking natutunan sa natapos na aralin ay
________________________________________________________________________________________________
3 ________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
Ang dalawang bagay na aking naipamalas sa natapos na aralin ay

2 _____________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ang isang bagay na dapat ko pang pagyamanin at paunlarin ay


1 __________________________________________________________________________________________________________

V. PAGNINILAY
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performance para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay
ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng
paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto Lebel ng Performance

Bilang 1

Bilang 2

Bilang 3

You might also like