You are on page 1of 4

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION I
Pangasinan II Division
MANGALDAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Mangaldan, Pangasinan

Pangalan:________________________________ Pangkat: __________


Guro: _________________________________ Petsa ng Pagsumite: ___________

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik

Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa Tekstong binasa

( Most Essential Learning Competency 5)

3rd Quarter
Modyul 5

Week 5

Matapos na maunawaan ang modyul ikaw ay inaasahang:


a. Nalalaman ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa gaya ng prosidyural.
b. Nasusundan ang mga hakbang sa isang tekstong prosidyural; at
c. Nakapagpapahayag ng mga kaisipan ng tekstong binasa.

Paunang Pagsubok
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang Tama kung wasto ang paglalahad, at kung hindi naman ay
isulat ang Mali.
______1. Layunin ng tekstong prosidyural na maialok ang produktong itinitinda.
______2. Hindi kailangan ng malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin sa pagsulat ng tekstong prosidyural.
______3. Ang tekstong prosidyural ay uri ng tekstong naglalahad ng hakbang o proseso sa pagbuo ng isang bagay.
______4. Hindi mahalagang maging malinaw ang pagkakalahad ng mga hakbang na ito basta’t nasusundan.
______5. Hindi na natin kailangan ng marami pang detalye kung sapat naman ang impormasyon sapagkat maaaring
maguluhan pa lalo ang mga mambabasa.
Tekstong Prosidyural
Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paanong isagawa ang isang
tiyak na bagay. Nagagamit ang pag-unawa sa mga tekstong prosidyural sa halos lahat ng larangan ng pagkatuto.
Halimbawa, recipe ng pagluluto sa Home Economics, paggawa ng eksperimento sa agham at medisina, pagbuo ng
aparato at pagsunod sa mga patakaran sa buong paaralan.

1
Bukod sa mga nabanggit, halimbawa rin ng tekstong prosidyural ang mga patakaran sa paglalaro ng isang bagay,
mga paalala sa kaligtasan sa kalsada, at mga manwal na nagpapakita ng hakbang sa pagsasagawa ng iba’t ibang
bagay. Kabilang din dito ang mga tekstong nagtuturo kung paano gagamitin ang isang uri ng makina, kagamitan sa
bahay, kompyuter, at iba pa.

Ang layunin ng tekstong prosidyural ay makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao
upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas at angkop na paraan. Mahalaga ang mahusay na pag-
unawa sa mga tekstong prosidyural sa pagtatrabaho kung saan karaniwan na ang iba’t ibang manwal. Upang
panatilihin ang kaligtasan sa kompanyang pinagtatrabahuhan, kung paano pagaganahin ang isang kasangkapan at
pagpapanatili ng maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan ng mga protocol.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Prosidyural


1. Pumili ng paksa.
2. Bumuo ng maikling panimula
3. Isulat ang mga hakbang sa katawan ng teksto
4. Gumawa ng maikling kongklusyon

Bahagi ng Tekstong Prosidyural


1. Layunin o target na awtput
 Kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang mga tiyak na
katangian ng isang bagay, uri ng trabaho o ugaling inaasahan kung susundin ang gabay.
2. Kagamitan
 Ang mga kasangkapan at kagamitan na kinakailangan upang makumpleto ang isinasagawang proyekto.
Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunod kung kalian gagamitin. Maaaring hindi Makita ang
bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anumang kagamitan.
3. Metodo
 Serye ito ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.
4. Ebalwasyon
 Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinasagawa. Ito ay
sa pamamagitan ng mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o di kaya’y mga pagtataya kung nakamit
ang kaayusan na layunin ng prosidyur.

Bukod sa mga nabanggit na pangkahalatang nilalaman ng isang tekstong prosidyural, mahalaga ang paggamit ng
mga heading, subheading, numero, dayagram, at mga larawan upang mas maging malinaw ang pagpapahayag ng mga
instruksiyon. Sicat-De Laza, Crizel ( 2019 ).

Halimbawa ng Tekstong Prosidyural

Ang bibimbap ay isang putahe na mula sa Korea at gawa sa madaming gulay, kanin, at may gochujang sauce.

2
Mga Sangkap ng Bibimbap

3 kutsara korean hot pepper paste (gochujang) asin, ayon sa panlasa


4 na kutsarang sesame oil 5 mga piraso kabute(button mushrooms), hiniwa nang manipis
1 kutsarang toyo (dark soy sauce) 1/2 medium zucchini, hiniwa sa manipis na mga hibla
3 cloves bawang, tinadtad 1/2 medium na puting sibuyas, hiniwa nang manipis
1 kutsarita luya, tinadtad 1/2 medium carrot, hiniwa nang pahaba
1 kutsarang inihaw na buto ng linga 4 tasa ng Japanese rice
(sesame seeds) 5 piraso romaine lettuce, hiniwa nang manipis
1/2 tasa ng bean sprout (togue), blanched at nilgyan ng asin
4 piraso ng itlog, pinirito
Paano Lutuin Ang Bibimbap

Gawin ang sarsa ng gochujang, paghaluin ang lahat ng mga sangkap nang magkasama sa isang maliit na
mangkok. Itabi.Initin ang cooking oil gamit ang medium heat sa isang mabibigat na pan. Igisa ang mga gulay nang
hiwalay ang mga kabute sa loob ng 3 minuto, karot para sa 5 minuto, at zucchini sa loob ng 3 minuto. Itabi. Maghanda
ng 4 na mangkok. Maglagay ng 1 tasa ng bigas sa bawat isa, pagkatapos ay ayusin ang mga kabute, karot, zucchini,
lettuce, at bean sprout. Magdagdag ng isang piniritong itlog sa itaas.

Gawain A
Panuto: Sa iyong sagutang papel sumulat ng isang tekstong prosidyural na maaaring patungkol sa prosidyur kung paano
magluto ng pagkain, prosidyur kung paano malalabanan ang depresyon, prosidyur kung paano laruin ang isang laro
( Mechanics ) at iba pa. Makikita sa ibaba ang rubric kung papaano mapupuntusan ang iyong akda.

Pamantayan Puntos Iskor


Malinaw ang mga kaisipan 5
Angkop at kapakipakinabang sa mga mambabasa 5
Tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin 5
Kabuuan 15

11. Mali 4. Mali


Gabay sa Pagwawasto sa Paunang Pagsubok
2. Mali 5. Tama
3. Tama

Aklat
Sicat – De Laza, C. ( 2019 ). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Sampaloc, Manila: Rex Book
Store.
Website
https://www.yummy.ph/recipe/tl/bibimbap

3
Pangalan:________________________________ Pangkat: __________
Guro: _________________________________ Petsa ng Pagsumite: ___________

Matapos na maunawaan ang modyul ikaw ay inaasahang:


a. Nalalaman ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa kalinawan, kaugnayan, at bisa sa reaksyong papel na isinulat
b. Nabibigyang halaga sa mabisang paraan ng pagpapahayag nang may kalinawan, kaugnayan at bisa sa reaksyong
papel na isinulat.
c. Nakagagamit ng mabisang paraan ng pagpapahayag sa kalinawan, kaugnayan at bisa sa reaksyong papel na
isinulat ng mga mag-aaral.

Pagpapahayag

Ang pagpapahayag ay pagbabahagi ng mga saloobin, maaaring ito ay nasa anyong pasalita o pasulat. Sa
pamamagitan ng pagpapahayag ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong
makatuklas ng isang kaisipan buhat sa kaniyang pakikinig sa pahayag ng iba.Nakapagbabahagi rin ito ng kaalaman sa
iba. Ngunit, hindi lahat ng mga pahayag ay masasabi nating makabuluhan, sapagkat mayroong mga pahayag na hindi
pinag-iisipan kung kaya’t naghahatid ito ng negatibong impresyon para sa nagsasalitra.

Mga Dapat Tandaan sa Pagpapahayag

 Kinakailangang organisado ang ideya ng ipinapahayag.


 Dapat ay maganda ang paraan ng pagpapahayag upang mahikayat na makinig ang mga tao, o basahin ang
isinulat.
 Mahalagang may bigat ang mga binibitawang salita o salitang ginagamit sa pagsulat ng pahayag.
 Ang lahat ng mga ipinapahayag ay kailangang mayroong pinagbabatayang katotohanan.
 Laging tandaan, sa pagpapahayag ay mahalagang isipin muna kung ano ang nais ipahayag at kung paano ito
ipahahayag.

Gawain A.
Panuto: Sumulat ng isang pahayag o paglalahad kung ano ang iyong pinagkaabalahan noong kasagsagan ng Enhanced
Community Quarantine ( ECQ ) at kung ano ang epekto nito sayo bilang isang kabataan.

Pamantayan Puntos Iskor


Pagkakatugma ng mga pangungusap sa loob ng bawat 10
talata.
Maayos ang pagkakagamit ng mga salita sa loob ng 10
konteksto.

Kabuuan 20

Website
https://www.scribd.com/document/449716981/Grade-11-filipino-Mabisang-Paraan-ng-Pagpapahayag-docx

You might also like