You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino

Senior High School Grade 11


I.Layunin:
Pakatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Nabibigyang kahulugan ang tekstong prosidyural.

2.Natitiyak ang mga detalye ng tekstong binasa.

3.Natutukoy ang katangian ng tekstong binasa.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Tekstong Prosidyural

Kagamitan:

III. Pamamaraan:
1.Balik-Aral:

Pagtatanong sa mga mag-aarl ng mga sumusunod:

1.Ano ang paksang inyong tinalakay noong nakaraang tagpo?

2.Ano ang layunin ng tekstong naratibo?

2. Pagganyak:

Pagtatanong sa mga mag-aaral:

1.Sino ba dito sa inyo ang mahilig magluto?

2. Nagluluto ka ba na may katabing resipi book?

3. Paglalahad:

Ilahad sa mga mag-aaral na ang pagluluto gamit ang resipi book ay


isa sa mga halimbawa ng tekstong prosidyural.
4. Pagtuturo:

“Tekstong Prosidyural”
Ang tekstong prosidyural ay kahalintulad ng isang manwal.
Naglalaman ito ng mga hakbang na kailangang sundin upang makamit ang
ninanais na resulta. Inilalahad nito ang serye ng Gawain upang matamo ang
inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang isang bagay.
Layunin nitong maipabatid ang wastong mga hakbang na dapat isagawa. Sa
panahon ngayong maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o
mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang gagawa ay ikaw na mismo
ang gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa sa mga
prosidyur na nakalakip dito.ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ay
ang gagabay sa atin upang maisagawa ang isang bagay. Sa pagsulat naman
ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa paksang
tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng
dapat gawin upang hindi mailto o magkamali ang gagawa nito.

Ang sumusunod ay halimbawa ng tekstong prosidyural. Ating suriin


kung madali ba itong unawain.

Halimbawa:

Resipi ng Kare-Kare
Mga Sangkap:

1 buntot ng baka atsuwate

2 pata ng baka asin

1 taling sitaw, hiwan bawang

1 taling petsay sibuyas

2 talong, hiwain

½ tasang mani

½ tasang bigas
Paraan ng Pagluluto:

Ihanda ang sumusunod na sangkap:

• Dikdikin ang bawang

• Hiwain ang sibuyas, panggisa

•Putol-putolin ang sitaw

•Hiwain ang petsay

•Hiwain nang pahalang ang talong

•Isangag ang mani at bigas. Dikdikin ito nang pinong-pino.

•Sa isang mangkok, lagyan ng isang kutsarang lihiya ang atsuwete.

•Hiwain ang buntot at pata ng baka sa tamang laki. Palambutin.

Igisa ang bawang at sibuyas. Pagkatapos ay ihalo ang pinalambot na buntot


at pata ng baka. Isunod naman ang sabaw na pinaglagaan ng buntot at pata ng
baka. Timplahan ng asin. Pagkulo, ihalo ang pinong bigas at mani. Isunod ang
mga hiniwang gulay. Pagkatapos ay kulayan ng atsuwete upang pumula. Ngayong
tapos na ang kare-kare ay maaari na itong ihain. Gamiting sawsawan ang bagoong.

5. Paglalahat:
Pagtatanong sa mga mag-aaral:

1.Ano ang inilalahad ng isang tekstong prosidyural?

2. Bakit mahalaga ang tekstong prosidyural?

3. Sa pagsulat ng ganitong uri ng teksto, ano ang mga dapat isaalang-alang


upang lubos na maunawaan ng mambabasa?

6. Paglalapat:

Papangkatin ang mga mag-aaral sa apat.


Bawat pangkat ay magtatala g isang magsisilbing representante ng kanilang
pangkat.
Gawain:
Balikan ang binasang halimbawa ng tekstong prosidyural. Bigyang
puna ang paraan ng pagkakasulat nito. Suriin kung malinaw at madaling
maunawaan ang pagkakasulat ng teksto. Isulat din ang iyong suhestiyon
upang lalo itong mapaganda.

Tekstong Prosidyural Ang iyong Puna


at Suhestiyon

Resipi ng kare-kare

IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Sa puwang bago ang bilang, isulat
ang Tama kung tama ang mga pahayag ayon sa binasa at kung hindi naman ay isulat
ang Mali.

1.Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng gawain upang matamo ang


inaasahan.

2. Hindi kinakailangang malinaw ang pagkakalahad nito upang mahasa ang


kritikal na pag-iisap na babasa.

3. Layunin nitong maialok ang produktong itinitinda.

4. Sa pagsulatnng tekstong prosidyural kailangang malawak ang kaalaman


ng sumusulat tungkol sa ipagagawa.

5. Kailangang maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod nito upang sa


tulong lamang ng pagbabasa kahit walang aktuwal na demonstrasyon ay
maisagawa ito.
V. Takdang-Aralin:
Panuto: Suriin ang kahalagahan ng mga tekstong prosidsyural sa sumusunod na
aspeto. Isulat ang kahalagahan sa bawat kahon.

Sanhi

Pamilya

Komunidad

Bansa

Daigdig

Inihanda ni:
Batoon, Vhie Jean N.

You might also like