You are on page 1of 24

Mga Uri ng Teksto sa Lente ng

Akademikong Pagsulat:
Tekstong Argumentatibo at
Prosidyural

EFREN B. MANACOB, JR.


Guro ng/sa Filipino
Ang Tekstong Argumentatibo
Kahulugan at Kalikasan ng
Tekstong Argumentatibo

•Naglalayong kumbinsihin ang mga


mambabasa ngunit sa paraang mas
malalim at teknikal
•Nakabatay ang pagpapahayag sa mga
ebidensiya at hindi sa opinyon at/o
kuro-kuro lamang.
•Pabigatan at paramihan ng
ebidensiya ang labanan.
Argumentatibo Vs. Persuweysib
ARGUMENTATIBO PERSUWEYSIB
Batay sa datos o Batay sa opinyon
impormasyon
Nakakahikayat Batay sa emosyon
dahil sa merito ng at kredibilidad ng
ebidensiya awtor
Obhetibo ang atake Subhetibo ang
atake
ANG ATAKE SA TEKSTONG
ARGUMENTATIBO

ARGUMENTO

KATWIRAN

EBIDENSIYA
Paano magsulat ng Tekstong
Argumentatibo
1. PUMILI NG PAKSA
2. ITANONG SA SARILI KUNG KAYA BA ITONG
PANINDIGAN

3. MANGALAP NG EBIDENSIYA
4. GUMAWA NG BURADOR (draft)
Sa paggawa ng burador…
•Unang talata: Panimula

•Ikalawang talata: Kaligiran

•Ikatlong talata: Ebidensiyang


susuporta sa posisyon
•Ikaapat na talata: Counter argument

•Ikalimang talata: Unang konklusyon


bilang buod.

•Ikaanin na talata: Ikalawang kongklusyon


para sa mga counter argument
5. ISULAT NA ANG DRAFT NG IYONG
TEKSTONG ARGUMENTATIBO.

6. BASAHING MULI.

7. MULING ISULAT MATAPOS ANG


MASINSINANG PAG-EEDIT.
Ang Tekstong Prosidyural
Kalikasan at Kahulugan
•Naglalahad ng mga serye ng hakbang
sa pagbuo ng isang Gawain.
•Nagpapaliwanag kung paano ginagawa
ang isang bagay.
•Layuning magbigay ng wastong
hakbang sa paggawa.
Paano sinusulat?
1. May malawak na kaalaman sa paksang
tatalakayin.
2. Malinaw at tama ang pagkakasunod-
sunod.
3. Paggamit ng mga payak na salita.
4. Maglakip ng mga larawan.
5. Malinaw at tumpak.
6. Isulat sa paraang mauunawaan ng
lahat.
Paano gumawa ng simpleng burger?

1. Una kailangan ang Bun. Hiwain sa gitna.

2. Ikalawa, ihanda ang patty o palaman.

3. Ikatlo, buhusan ng isang kutsaritang


mantika ang pan at painitin ito.
4. Iprito ang patty at painitin ang bun.
5. Pahiran ng mayonnaise at lagyan ng kaunting
ketsup ang Bun.

6. Kapag luto na ang patty, ilagay na ito sa bun.


Puwede na itong kainin.

Note: Puwede rin itong lagyan ng keso, gulay at


pritong itlog. Depende sa badyet.
Puwede ring maging malikhain sa
pagsusulat nito. Depende sa layon
o purpose.
Paano magluto ng Lumpiang Puso ng
Saging?
•Una maghanap ng puso. Siguraduhing walang
sabit. Mahirap na.
•Pangalawa, tanggalin ang matitigas na parte ng
puso. Kailangan ito. Mahirap kasi kung may
alinlangan pa ang puso, baka epic agad-agad.
•Pangatlo, Hiwain nang pinong-pino ang puso.
Ingatan lang ang paghiwa. Baka masaktan agad at
imbes na maging lumpia naging bato ang puso.
•Pang-apat, ihanda ang bawang, sibuyas paminta,
asin at sardinas. Ito ang sangkap na magpapasarap
sa lumpiang puso. Sa puntong ito, itodo na dapat
ang effort.
• Panglima, pagsama-samahin ang puso at mga
sangkap. Kailangan dito ang pakiramdaman. Dapat
mayroong chemistry.
•Pang-anim, balutin na ang puso at sangkap sa
wrapper. Tanda ito na iisa na lang kayo.
Magkasama sa loob ng wrapper. Isang katawan at
kaluluwa.
•Pangpito, iprito na sa kumukulong mantika.
Tama sa mainit at kumukulo. Kasama ang
paglagpas sa bawat pagsubok ng hindi
naghihiwalay. Keep the faith ika nga.

•Huli, puwede ng ihango at kainin. Bawal i-


share. Stick to one lang dapat sa bawat isa.
Huling Banat! Kapit Na!
Bilang husga sa aking talakay sa araw
na ito, mahalaga na sapat ang
background ng mga estudyante sa
mga uri ng teksto. Narito ang
kongkretong kadahilanan:
1. Madugo ang usapin sa pananaliksik.
Kailangan ng tune-up sa utak at
kasanayan sa pagsulat ng mga mag-
aaral bago ang pagdalumat sa
disiplinang ito.

2. Tuntungangbato ang pag-aaral sa mga


uri ng teksto para sa matagumpay na
pagbuo ng pananaliksik.
3. Kalipunan ng mga makrong kasanayan
ang Pananaliksik. Malaking tulong kung
master ng mga bata ang bawat uri ng
teksto. Ang bawat uri kasi ng teksto ay
may makrong kasanayang nililinang.

4. Praktikal ang idea na magsimula muna


sa kamalayan sa teksto bago ang pagbuo
ng pananaliksik.

You might also like