You are on page 1of 29

Panandaliang balikan ang nangyari sa

nagdaang LINGGO.
IPAGTANGGOL MO!
BABAE O LALAKE?
Sino ang matalino?
“Boys perform marginally better on mathematics
and science” blogs.worldbank.org
72 countries participating in (PISA) Programme For
International Student Assessment (2015)

Pero,
So are girls smarter than boys? In some ways, yes. But they
also lag behind boys on important domains.

https://blogs.worldbank.org/developmenttalk/are-girls-smarter-boys
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
Mag-isip
• ay isang prosesong natural lamang sa tao.
• Hindi maiiwasang may mga pagkakataong
ang iniisip ng isa ay salungat sa maaring isipin
naman ng iba.
ANO ANG ARGUMENTATIBO?
uri ng teksto, naglalahad ng isang proposisyon ang may-
akda na kakikitaan ng isang matibay na ideya at
makabuluhang detalye upang mahikayat ang mambabasa na
tanggapin at suportahan ang inihain na proposisyon.
ANO ANG TEKSTONGARGUMENTATIBO?

 Naglalayong kumbinsihin ang mga mambabasa, ngunit hindi


lamang ito batay sa opinion o damdamin ng manunulat, batay ito sa
datos o impormasyong inilatag ng manunulat.
May pagkakahawig ang tekstong argumentatibo at tekstong
panghihikayat dahil pareho nilang layunin na makuha ang suporta
ng mambabasa, ngunit ang dalawang teksto ay nagkakaiba sa anyo.
ANO ANG TEKSTONGARGUMENTATIBO?
Tekstong Argumentatibo Tekstong Nanghihikayat
(Persweysib)
• Nangungumbinsi batay sa datos o • Nangungumbinsi batay sa opinyon
impormasyon

• Nakahihikayat dahil sa merito ng • Nakahihikayat sa pamamagitan ng


mga ebidensiya pagpukaw ng emosyon ng mambabasa
at pagpokus sa kredibilidad ng may
akda
• Obhetibo • Subhetibo
MGA HALIMBAWA

• Editoryal,
• Debate
• Posisyong Papel
• Papel Pananaliksik
atbp.
DALAWANG URI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

1. Puna
Kung ito ay nag-uugnay ng mga pangyayari, bagay, at mga
ideya sa pansariling pag-iisip, paniniwala,tradisyon at
2.Sayantifik
pagpapahalaga.
Kung ito ay nag-uugnay sa mga konsepto sa isang tiyak na
sistemang karunungan at pag-iisip upang ang kinalabasang
proposisyon ay may tiyak na kahulugan.
MGA BAHAGI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Panimula- kailangang maging mapanghikayat sa paraang mahusay


na mailalahad ang pangkalahatang paksang tatalakayin at ang
proposisyon.
• Layon ng panimula o pambungad na ihanda ang mga mambabasa.
• Mahalagang makuha ng manunulat ang atensyon at damdamin nila.
MGA BAHAGI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Gitna o katawan – Lahat ng argumento ukol sa inihaing


proposisyon ay kailangang organisadong maihanay sa katawan ng
tekstong argumentatibo. Mahalagang may malawak na kaalaman ang
manunulat ukol sa isyung tinatalakay, nang sa gayon ay magtaglay ng
bigat ang mga pangangatwiran.
• Ang bawat katwiran ay kailangan masuportahan ng mga ebidensya,
MGA BAHAGI NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

• Konklusyon - Sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat ang kabuuan


niyang pananaw ukol sa kaniyang proposisyon. Kinakailangang
matibay ang konklusyong binuo batay sa mga patunay na nabanggit
sa katawan ng teksto.
• Kailangang tinitiyak sa konklusyon na ang sinumang maaring may
taliwas na opinion ay makukumbinsi na ng manunulat.
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN
1. Pagsusuri - Ang paraang ito ay iniisa-isa ang mga bahagi ng paksa
upang ang mga ito ay masuri nang husto.
2. Pagtukoy sa mga Sanhi - Inuugat ang mga naging sanhi ng mga
pangyayari.
3. Pabuod na pangangatwiran - Nagsisimula sa isang maliit na at
ispesipik na halimbawa o katotohan at magtatapos sa isang panlahat na
pahayag.
4. Pasaklaw na pangangatwiran - Nagsisimula ito sa isang malaking
kaisapan na patungo sa paghahati-hati nito sa maliit na kaisipan
hanggang sa ispesipik.
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN
1.) Argumentum ad hominem
2.) Argumentum ad baculum
3.) Argumentum ad misericordiam
4.) Non sequitur
5.) Ignoratio elenchi
6.) Maling Paglalahat
7.) Maling Paghahambing
8.) Maling Saligan
9.) Maling awtoridad
10.) Dilemma
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN

ARGUMENTUM AD
HOMINEM
• Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na katangian/katayuan ng
katalo at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan
Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong ni
hindi siya naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay
kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN

ARGUMENTUM AD BACULUM

•  Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy


maipanalo ang argumento.
Halimbawa:
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang
magsalita sa akin nang ganyan! Baka sampalin kita at nang makita
mo ang hinahanap mo!
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN
ARGUMENTUM AD
MISERICORDIAM
• Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig/bumabasa,
ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa
damdamin at hindi sa kaisipan
Halimbawa:
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba natin
nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at nanlalalim
na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang sentimos bilang
pantawid-gutom?
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN
NON SEQUITUR

•  Sa Ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn’t follow. Pagbibigay ito ng
konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan.
Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng manga. Masamang pamilya ang
pinagmulan niya. Magulong paligid ang kaniyang nilakhan. Ano pa
ang inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN

IGNORATIO ELENCHI

• Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya, wika nga.
Ito ang kilala sa Ingles na circular reasoning o paliguy ligoy.
Halimbawa:
Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipaliliwanag ng
aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya pagkat
naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila
ngayon.
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN

MALING
PAGLALAHAT
• Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng
isang konklusyong na siyang sumasaklaw sa pangkalahatan.
Halimbawa:
Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang
artista namang iyon ay maraming asawa, samantalang bobo naman
ang isang ito na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto
ang mga artista!
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN

MALING
PAGHAHAMBING
•  Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri pagkat
mayroon ngang hambingin ngunit sumasala naman sa matinong
konklusyon.
Halimbawa:
(Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad? Kung kayo nga
ay gising pa!
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN
MALING SALIGAN

• Nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging batayan. Ipinagpatuloy


ang gayon hanggang magkaroon ng konklusyong na wala sa katwiran.
Halimbawa:
Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag- aasawa, kailangan ang
katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na
maging tapat at masipag ang mga kabataan
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN
MALING AWTORIDAD

• Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung


kasangkot.
Halimbawa:
Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina. Iyan
ang ipinahayag ni Karl Marx
MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN
DILEMMA

• Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon


lamang at wala nang iba pang alternativo.
Halimbawa:
Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang ang gawin mo:
huwag ka nang pumuta o kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng
iyong pag-urong.
KATANGIAN AT NILALAMAN NG MAHUSAY NA TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
1. Mahalaga at napapanahong paksa.
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang
talata ng teksto.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa mga bahagi ng teksto.
4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga
ebidensya ng argumento.
5. Matibay na ebidensya para sa argumento.
KASUNDUAN

Balikan at pag-aralan ang lahat ng ating tinalakay na paksa mula,


kritikal na pagbasa hanggang sa mga uri ng teksto.

MARAMING
SALAMAT!

You might also like