You are on page 1of 16

MGA HULWARANG

ORGANISASYON NG
TEKSTO
1. PAGBIBIGAY NG DEPINISYON
• Ang depinisyon ay isang uri ng diskursong
ekspositori na napakadalas gamitin sa pagpapahayag.
• Kalimitan, ang paghahanap ng depinisyon
ay naibibigay ng diksyunaryo at thesaurus.
• Naibibigay ito sa pamamagitan ng pormal at
di- pormal na pahayag.
• 2. PAG-IISA ISA O ENUMERASYON
• Ang hulwarang pag-iisa isa o enumerasyon ay isang
mabisang paraan upang matandaan ang mga paraan o
hakbang sa pagsasagawa ng mga bagay na hinihingi ng
pagkakataon.
3. PAGSUSUNOD-SUNOD
(ORDER):SEKWENSYAL, KRONOLOHIKAL,AT
PROSIDYURAL
• Napakahalaga ng pagkakaroon nang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa ating
pagsasalaysay upang hindi malito ang mga nakikinig sa atin.
a. SEKWENSYAL- pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
sa isang salaysay na ginagamitan ng salitang una,
pangalawa, pangatlo, susunod at iba pa.
b. KRONOLOHIKAL- pagkakasunod-sunod ng mga
impormasyon at mahahalagang detalye ayon sa
pagkakaganap nito. Karaniwang gumagamit ng tiyak na
araw o petsa upang ipabatid kung kailan naganap ang
mga naturang pangyayari.
c. PROSEDYURAL- pagsusunod-sunod ng mga
hakbang o prosesong isasagawa. Katulad ng mga
resipe ng pagluluto.
6.PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST
• Paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
katangian ng mga tao, bagay, pook o mga
pangyayari.
7.PROBLEMA AT SOLUSYON
• Paghahanap ng kaukulang solusyon sa mga problema.
8.SANHI AT BUNGA
• Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na humantong
sa isang bunga.
K ASANAYAN SA PAGBASA
NG MGA T E K S T O N G
AK A D EM IKO
1. PAG-UURI NG MGA IDEYA/DETALYE
• Paksang pangungusap- ang sentro o pangunahing tema/pokus
sa pagpapalawak ng ideya. Kadalasang nakikita sa unang
talata (implayd) at huling talata (kongklusyon) ng tekstong
ekspositori.
• Suportang Detalye- mga mahahalagang kaisipan o mga salita
na may kaugnayan sa paksang pangungusap.

2.PAGTUKOY SA LAYUNIN NG TEKSTO-


-kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang
ginawang babasahin. (manlibang, manghikayat, mang-aliw,
magbigay ng opinyon, magpaliwanag, magbahagi,
magtanggol)
3.PAGTIYAK SA DAMDAMIN,TONO, AT
PANANAW NG TEKSTO
• Maaaring matiyak ang damdamin, tono, at pananaw
ng isang teksto ayon sa mga ginamit na salita ng
awtor.
• Damdamin ng Teksto- saloobin ng mambabasa (masaya,
malungkot, galit, atbp)
• Tono ng Teksto- saloobin ng awtor sa paksang kanyang
tinatalakay (malungkot, seryoso, mapagbiro, mapangutya,
atbp.)
• Pananaw ng Teksto- punto de bistang ginamit ng awtor
PANANAW NG TEKSTO
•Unang Panauhan- ako, ka, akin, kita,
tayo, natin, atin, kami, naming, at amin.
•Ikalawang panauhan- ikaw, ka, mo,
iyo, kaya, ninyo, at inyo.
•Ikatlong panauhan- siya, niya, kanya, sila,
nila, at kanila
4.PAGKILALA SA PAGKAKAIBA NG OPINYON AT
KATOTOHANAN
• Katotohanan- klase ng impormasyon na walang
kaduda-duda at maaaring mapatunayan na totoo.
• Opinyon- pahayag base sa mga saloobin at
pagpapalagay. Batay sa paniniwala at prinsipyo
at napasusubalian.
5.PAGSUSURI KUNG VALID O HINDI ANG IDEYA O
PANANAW
• Pagkilatis sa anumang ideya o pananaw at hindi lahat ng ideya o
pananaw ng ating mambabasa ay ating tatanggapin kaagad.
• Ilang batayan upang masuri ang validity ng isang ideya:
1. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?
2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang
tinalakay?
3. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o
pananaw?
4. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan?Mapapanaligan ba
iyon?
PAGSUSURI NG PANANAW
1. Iba-iba ang mga pananaw ng bawat indibidwal base
sa kanilang kaalaman, pag-uugali, karanasan, atbp.
2. Hindi lahat ng ideya o pananaw na isinasaad ng
bawat tao ay dapat nating tanggapin.
3. Kailangan kilatisin ang anumang ideya o pananaw
kung ito ba ay valid o hindi.
6.PAGHINUHA AT PAGHULA SA KALALABASAN
NG PANGYAYARI
• Kailangang maunawaan ang mga detalye upang madali
tayong makapagbibigay ng sariling hinuha at hula.
• Ang pagkakaiba ng paghihinuha at paghula ay: ang paghula
ay isang kasanayang naglalayong hulaan ang kalalabasan ng
pangyayari at madalas itong ginagamit sa mga kuwento o
nobela at ang may-akda ang nagbibigay ng implikasyon o
mga pahiwatig (prediksyon) habang ang paghinuha o
inferencing naman ay magagawa lamang kung tunay na
nauunawaan ng mambabasa ang kanynag binabasang
seleksyon o artikulo.
7.PAGBUO NG LAGOM O KONGKLUSYON
• Lagom o buod- pinakapayak at pinakamaikling anyo ng
diskurso na batay sa isang binasang teksto,.Taglay nito ang
pinakadiwa at mahalagang kaisipan ng teksto.
• Kongklusyon- ang implikasyon na mahahango sa teksto.

8.PAGBIBIGAY-INTERPRETASYON SA MAPA,TSART,
GRAP AT TALAHANAYAN, AT IBA PA
• Presentasyong Biswal na kadalasang ginagamit bilang
pantulong sa teksto.
PAGPAPAHALAGA
Anu-ano sa mga kasanayan sa pagbasa ang sa tingin
mo ay bihasa ka na sa paggamit?Magbigay ng isang
karanasan na ito ay iyong nagamit nang lubusan.

Sagutin ang katanungang nasa ibaba sa loob lamang ng 3-


4 na mga pangungusap. Ibatay ito sa iyong saíiling
kaíanasan at obseíbasyon bilang isang mag-aaíal ng
asignatuíang Filipino.(Google Classíoom)
SANGGUNIAN:
• Mga sipi sa pag-aaral ng pagbasa at pagsulat
• Pinagyamang Pluma (Pagbasa at pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
• https://prezi.com/0eoh_yo5ildc/kasanayan-sa-pagbasa-ng-mga-
tekstong-akademiko/

You might also like