You are on page 1of 14

PAGBASA AT PAGSUSURI

Pagbasa –proseso ng pag-aayos, pagkuha at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o


ideya nakinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang
maunawaan.Maituturing na 90 porsiyento ng ating kaalaman ay mula sa ating binasa.

KAHALAGAN SA PAG-BASA
 Maituturing na 90% ng ating kaalaman aymula sa ating binasa.
 Matatarok natin ang lalim ng kaalaman atnahahawan ang landas ng karunungan sa iba’t-
ibang larangan-sining , agham,teknolohiya, kasaysayan, pulitika, lipunan atiba pa.
 Namumulat tayo sa katotohanan
 Nagkakaroon ng pagkakataong makisalamuhasa ating ibayong kapakinabangan.

PISYOLOHIKAL NA ASPEKTO
 Sangkot ang mata sapagbasa na siyangginagamit upang makita,matukoy, at makilala
angmga imahe at simbolo.Ang simbolo o imahe aymga liwanag na tumatamasa retina ng
ating mata.
 Nagkakaroon ng pagbabagongkemikal na dumadaloy sa atingmga ugat patungo sa
cerebralcortex , ang sentro ng ating utak nanagbibigay ng interpretasyon okahulugan sa
mga simbolo.
4 NA PISYOLOHIKAL NA ASPEKTO

 Fixation- pagtitig ng ating mgamata upang kilalanin at intindihinang teksto.


 Inter fixation – paggalaw ng atingmga mata mula kaliwa pakanan oitaas pababa.
 Return sweeps-paggalaw ng mgamata mula sa simula ng binabasahanggang sa dulo ng
teksto.
 Regression- paggalaw ng mga mataupang balik-balikan at surrin angbinabasa.

KOGNITIBONG ASPEKTO NG PAGBABABSA


 Una, kinikilala muna natin atbinibigyang-anyo ang mgasimbolong tinutukan ng
atingmata. Habang nagaganapito ay inuunawa natinang ating binabasa.
2 PANGUNAHING HAKBANG SA KOGNISYON
a. Pagkilala (Decoding)
b. Pag-unawa (Comprehension)

Iba’t- ibang antas ng Pagkaunawa


1. pag-alam sa literal na kahulugan.
2. Pagbibigay-kahuluganSa binasa.
3. Paggamit ng kaalamansa binasa.
4. Paghuhusga o Pagtatasa.

MGA URI NG TEKSTO

1. Impormatibo
2. Deskriptibo
3. Persuweysib
4. Naratibo
5. Argumentatibo
6. Prosidyura

1. TEKSTONG IMPORMATIBO
o Ang tekstong impormatibo ay nagtataglay ng tiyak ng impormasyon patungkol sa
bagay, tao, lugar, o pangyayari. Hindi ito naglalaman ng opinyon kung kaya ang
tono nito ay kadalasang obhetibo.
o Ito rin ay kadalasang sumasagot sa mga tanong na ano, sino, at paanotungkol sa
isang paksa. Masasabi ring ang tekstong impormatibo ay hindi nagbibigay ng
opinyong pabor o sumasalungat sa posisyon o paksang pinag-uusapan.
Halimbawa:
 Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
 Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protasio Alonso Mercado Y Realonda
Rizal.
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang tekstong deskriptibo ay isang tekstong naglalarawan. Ito ay naglalaman ng mga
impormasyong may kaugnayan sa mga katangian ng tao, bagay, lugar, at pangyayaring
madalas nasasaksihan ng tao sa paligid.

Dalawang uri ng deskriptibo

1. Deskripsiyong Teknikal-Naglalayon itong maglarawan sa detalyadong pamamaraan.

Halimbawa: Ang ngiting matipid ay bahagya lamang ang ginagawang pagkibot ng bibig. Ang
ngiting mapagbigay ay laging nakangiti.

2. Deskripsiyong Impresyonistiko -Naglalayon itong maglarawan ayon sa pansariling


pananaw o personal na saloobin.

Halimbawa: Ang matamis na ngiti ay maaaring maghatid ng kasiyahan at maging simula ng


magandang pagkakaibigan. Ang pagngiti ay nakatutulong upang magmukha kang bata.

Dalawang Anyo ng Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong deskriptibo ay may dalawang anyong ginagamit. Ito ay ang karaniwan at
masining.
Karaniwan (obhetibo)-Ito ay isang paglalarawang hindi sangkot ang damdamin. Sa ganitong
anyo, ang paglalarawan ay ayon sa nakikita ng mata.

Halimbawa: Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang napaliligiran ng mga karagatan.


Paliwanag: Obhetibo ang paraan ng paglalarawan dahil wala itong sangkot na damdamin.

Masining(suhetibo)-Ito ay isang paglalarawang naglalaman ng damdamin at pananaw ng taong


naglalarawan. Naglalayon itong pukawin ang guniguni ng mambabasa.

Halimbawa: Patuloy siya sa paglakad nang pasagsag habang pasan ang kaniyang anak na
maputla pa ang kulay sa isang papel.
Paliwanag: Subhetibo ang paglalarawan dahil naglalaman ng damdamin at pananaw.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang tekstong deskriptibo ay naglalarawan ng tao, bagay, lugar at pangyayari.
 Ang dalawang uri nito ay teknikal at impresyonistiko.
 Karaniwan at masining naman na paglalarawan ang dalawang anyo nito.
Mga Paalala
 Ang teknikal na paglalarawan ay detalyado ang paraan ng paglalarawan.
 Ang impresyonistiko na paglalarawan ay naglalaman ng saloobin ng manunulat.

3. TEKSTONG PERSUWEYSIB
 Naglalayon itong manghikayat ng mga mambabasa o tagapakinig.
 Ito ay isa sa mahahalagang uri ng tekstong ginagamit sa radyo at telebisyon.
 Ito rin ay isang mahalagang kasanayang dapat matutunan ng tao.
 Nararapat na maging maganda ang nilalaman nito upang makuha ang interes ng mga
mambabasa, manonood, at tagapakinig.
 Ito ay dapat ginagamitan ng mga salitang nakagaganyak, tulad na lamang ng mga
dahilan kung bakit dapat iboto ang isang kandidato o kung bakit dapat bilhin ang isang
produkto.

Halimbawa:
Mga advertisement sa radyo at telebisyon
Talumpati sa pangangampanya at rally

3 tatlong paraan ng persuweysib

1. Apelang etikal
2. Apelang emosyonal
3. Apelang lohikal

APELANG ETIKAL
Ipinaalam ng may-akda na dapat siyang pagkatiwalaan ng mga mambabasa dahil sapat ang
kaniyang kaalaman sa isyu.Gumagamit siya ng mga sangguniang awtoritativ o ng mga ideya ng
mga eksperto.

Tatlong Paraan ng Panghihikayat


Ayon kay Aristotle, may tatlong paraan para mahikayat mo ang iyong mga mambabasa.

1. Ethos naiimpluwensyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga


tagapakinig. Sa ganitong paraan, kailangang nagtataglay ng sapat na kasanayan sa
pamamahayag ang isang manunulat o tagapagsalita.
2. Pathos pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig. Ito marahil ang pinakamahalagang
paraan upang makahikayat. Madaling naaakit ang isang tao kapag naantig ang kanyang
damdamin kaugnay ng paksang tinatalakay.
3. Logos paraan ng paghikayat na umaapila sa isip. Ang paglalahad ng sapat na katibayan
kaugnay ng paksa ay labis na nakakaapekto sa panghihikayat.

Mahahalagang Kaalaman
 Ang tekstong Persuweysib ay isang uri ng sulatin kung saan ang manunulat ay
gumagamit ng mga pananalitang tumutulong upang mahikayat ang mga mambabasa at
tagapakinig na paniwalaan ang inihahayag nitong ideya o paniniwala.
 Ang halimbawa nito ay ang mga advertisement at mga talumpating nanghihikayat.
 May tatlong paraan ng paghikayat ayon kay Aristotle: Ethos, Pathos, at Logos.

APELANG EMOSYONAL
Kinakatok ng mambabasa ang damdamin ng mambabasa. Gumagamit sya ng salita, parirala at
pangungusap na nakakaantig sa damdamin.

Halimbawa:
Mga patalastas
Talumpati

APELANG LOHIKAL
Gumagamit ng may akda ng argumento. Ang argumento ay binubuo ng batayan (premise) at ng
kongklusyon. Ang batayan ay resulta ng obserbasyon. Ang konklusyon naman ay nag mumula sa
obserbasyon.

Halimbawa:
Debate

4. TEKSTONG NARATIBO
 Tekstong naratibo ang tawag sa isang teksto kung ito ay nasa anyong nagsasalaysay.
 Ang tekstong ito ay tila nagkukuwento patungkol sa tiyak at pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
 Nilalayon din ng tekstong naratibo na magbigay-kabatiran, o magbigay ng kawilihan sa
mambabasa.
 Ang tekstong naratibo ay nagpapakita at nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa
isang tiyak na tagpo, panahon, sitwasyon at mga tauhan.
 Ito ay maaaring pasulat o pasalita at nag- iiwan ng isang matibay na kongklusyon.
Tekstong Naratibong Di- Piksiyon at Piksiyon
Ang tekstong naratibo ay maaaring piksiyon o di piksiyon.

Di- Piksiyon at Piksiyon


Ang mga naratibong di-piksiyon ay nakabatay sa personal na karanasan ng manunulat o
maaaring isang kuwento ng isang tao.
Halimbawa: anekdota,talambuhay

Mahahalagang Kaalaman
 Ang tekstong naratibo ay isang uri ng tekstong naglalahad at nagbibigay ng tiyak na
impormasyon.
 Maaaring ito ay hango sa tunay na karanasan ng manunulat o di-piksiyon at maaari din
namang bunga ng malikhain at mayamang pag-iisip ng may-akda o ang tinatawag na
piksiyon.
 Ang tekstong naratibo ay maaaring nasa anyong pasulat o pasalita.

Mga Paalala
 Tandaan, ang tekstong naratibo ay nagsasalaysay o nagkukuwento. Kung gayon,
unawain mabuti ang tekstong binabasa.
 Kung ang tekstong binasa ay naglalahad ng sanhi at bunga, nanghihikayat, o naglalahad
ng proseso ito ay hindi maituturing na tekstong naratibo.

5. TEKSTONG ARGUMENTO
 Tekstong argumentatibo ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng
pananaw patungkol sa isang mahalaga o maselang isyu.
 Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin ang mga argumentong
inilalahad sa pamamagitan ng mga pangangatuwiran.
 Ang ganitong uri ng teksto ay kadalasang sumasagot sa tanong na bakit.
 Layunin din ng ganitong uri ng teksto na mapatunayan ang katotohanang ipinahahayag
nito.

Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo


Kagaya ng ibang pormal na pagsulat, ang tekstong argumentatibo ay mayroon ding mga
pangunahing bahagi. Bawat bahagi ay magkakaugnay upang higit na maging matibay ang mga
pangangatuwirang inilalahad. Ang mga bahaging ito ay ang panimula, katawan, at konklusyon.

Panimula
 Ang panimula ay kailangang maging mapanghikayat sa paraang mahusay na mailahad
ang pangkalahatang paksang tatalakayin at ang proposisyon.
 Ang proposisyon ay isang pahayag na naglalaman ng isang opinyon na maaaring
pagtalunan.

Katawan
 Lahat ng argumento ukol sa inihaing proposisyon ay kailangang organisadong maihanay
sa katawan ng tekstong argumentatibo.
 Mahalagang may malawak na kaalaman ang manunulat ukol sa isyung tinatalakay, nang
sa gayon ay magtaglay ng bigat ang mga pangangatwiran.

Konklusyon
 Sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat ang kabuuan niyang pananaw ukol sa kaniyang
proposisyon.
 Kinakailangang matibay ang konklusyong binuo batay sa mga patunay na nabanggit sa
katawan ng teksto.

Mga Paraan ng Pangangatwiran


Ang paghahain ng mga pangangatwiran sa tekstong argumentatibo ay mayroong apat na
paraan. Ang mga ito ay ang:

1.Pagsusuri-ang paraang ito ay iniisa-isa ang mga bahagi ng paksa upang ang mga ito ay masuri
nang husto
2. Pagtukoy sa mga Sanhi-inuugat ang mga naging sanhi ng mga pangyayari.
3. Pabuod -sinisimulan sa maliliit na patunay tungo sa paglalahat
maaaring gawin sa pamamagitan ng pagtutulad, pagtukoy sa mga sanhi ng pangyayari, at mga
patunay
4.Pasaklaw-sinisimulan sa pangkalahatang katuwiran o kaalaman at iisa-isahin ang mga
mahahalagang punto.

6. TEKSTONG PROSIDYURAL
 Tekstong Nagpapakita ng Pagkakasunod-sunod
 May iba't ibang teksto na nagpapakita o tumatalakay ng pagkakasunod-sunod ng mga
pahayag, pangyayari, o hakbang.
 Ito ay may layunin na sumagot sa tanong na “paano” −paano binuo, paano iluto, paano
buuin, paano gawin, paano nangyari, at iba pang mga gawain at pangyayaring lagi nating
ikinakabit ang tanong na paano.
 Iba't Ibang Tekstong Nagpapakita ng Pagkakasunod-sunod Mayroong mga kaayusan sa
paglalahad ng mga pagkakasunod-sunod ng gawain at maging ng mga pangyayari. Ang
mga ito ay mahahati sa tatlong pangkat−sekwensyal, kronolohik al, at prosidyural.
1. Sekwensyal
Ang sekwensyal ay tumutukoy sa serye o pagkakasunod-sunod ng mga bagay o gawaing
magkakaugnay sa isa’t isa.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang una, pangalawa, pangatlo, pang-apat,
kasunod, at iba pang kagaya.
2. Kronolohikal
Ang kronolohikal ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pahayag.
Ang paksa ng tekstong ito ay mga tao o bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa
isang tiyak na baryabol na tumutukoy sa edad, distansya, halaga, lokasyon, bilang, dami
at iba pa.
Ang Kaayusang Prosidyural Bilang Uri ng Teksto
Ang tekstong prosidyural ay naghahatid ng pangmatagalang (lasting) kaalaman ukol sa mga
bagay na kailangang isagawa o ganapin.

PAGBASA
LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng Pagbasa sa pagunawa
ng iba’t ibang teksto
2. Naiuugnay ang mga paraan at teknik sa pagbasa sa pagkaunawa ng
teksto.
3. Nagagamit ang kakayahan sa pagbasa sa pag-aanalisa ng iba’t
ibang uri ng teksto

PANIMULA
Gaano ba kahalaga sa isang indibidwal ang magkaroon ng kasanayan sa pagbasa? Sa
Pagbasa nakukuha ng mga mambasasa ang kaalaman na kanilang nais na maunawaan. Isang
masalimuot at komplikadong Gawain ang pagbasa, sapagkat maraminng kasanayan ang
nililinang nito at kailangang dito upang maging epektibo ang pagbabasa, masasabing isa
kang mahusay na mambabasa kung naibibigay ang mga pagpapakahulugan na nais ipaunawa
ng mga manunulat.
Masasabing isang mahalagang sangkap sa pagkatuto at pag-unlad ng isang indibidwal
ang pagkamaalam nito sa pagbasa ng iba’t ibang uri ng babasahin, masasabi rin na isa itong
hantungan ng kanilang mas malalim na pagtatasa ng mga kaalaman
Ang utak at ang Pagbasa
 Ang utak ang pinak sentro ng lahat ng organ sa katawan ng tao, dito pinoproseso ang
mga bagay na may kaugnayan sa gingawa ng tao isa na rito ang Pagbasa
 Nahahati sa dalawa ang utak ang kanan at ang kaliwang bahagi, bawat bahagi ay
nahahati sa apat na pangkat:
 Ang Frontal, Parietal, Temporal at Occipital ang bumubuo sa kaliwang bahagi ng utak.
 ayon sa pag-aaral ni shsywitz(2003) ang kaliwang bahagi ng utak ay siyang nagsasagawa
ng pagpoproseso kaugnay sa wika at pagbasa

Apat nap ag-andar ng utak


1. Frontal Lobe- ang komokontrol sa pagsasalita, pagrarason,pagpapaplano at kamalayan
2. Temporal Lobe- ang komokontrol sa berbal na memorya ng mambabasa
3. Occipital Lobe- isa sa pinakamahalang bahagi , ito ang komokontrol sa pagkilala sa mga
letra
4. Parietal Lobe- ang nag-aanalisa ng mga salita sa pamamagitan ng pag-uugnay ng letra sa
kani-kanilang tunog
Hakbang sa Pagbasa
Ipinakilala ni William S. Gray (1950) tinaguriang “Ama ng Pagbasa” na ang Kasanayan sa
Pagbasa ay isang prosesong pagbibigay-kahulugan sa mga simbolo at salita, ayon dinsa
kanya ito ay may apat na hakbang.

Persepsyon – I to ay kakayahan sa pagbigkas ng salita at pagkilala ng mga nakalimbag na


simbolo, Sa unang hakbang ng pag-aaral , kinundisyon na ang isip natin dito, kaya naman
kapag nagbabasa tayo, may ipinakikita munang simbolo, kasabay ng pagpaparinig ng tunog
nito sa gayon Makita natin ang porma ng bibig sa pagpapalabas nito, at atin naming
gagayahin, kaya naman kahit tahimik o malakas tayong magbasa alam na natin ang bawat
simbolo at ang katumbas na tunog.
Sa paagsasalita , may tunog ang bawat usal, kung tawagin ito ay Ponema, ito ang
pinakamaliit na unit ng tunog na may kahulugan. Nirerepresenta ang bawat tunog o
kumbinasyon ng mga tunog na ito kapag binibigkas ang bawat letra ng alpabeto..

Pag-unawa – Pag-unawa sa mga kaisipang ipinahahayag ng mga simbolo, Naisasagawa ito


sa literal at maasosasyong pamamaraan. Sa pamamaraang literal, nakukuha at naiitindihan
ang kahulugan sa diksyunaryo mismo, samantalang ayon sa mga personal na karanasan ng
bumabasa nakasalalay ang maasosasyong pamamaraan. Denotasyon ang tawag sa
kahulugang literal, samantalang, konotasyon naman yaong mga kaisipan o konsepto kaya’y
mensaheng nakukuha sa teksto sa pamamaraang maasosasyon.

Reaksyon – kapag nauunawaan na ng mambabasa ang mga konsepto o mensaheng


ipinaparting ng nakalimbag na teksto. Nagagawa na rin ng mambabasa ang magtulad at
mag-iba ng mga kaisipan o mensaheng ito ayon sa kanyang mga pansariling pananaw,
kaalaman at paniniwala. Magkakaroon na siya rito ng reaksyon. Magtataya na siya ngayon.
Maaaring positibo o negatibo. Positibo ang reaksyon kung inaayunan at tinatanggap nang
buong kaluwagan ang mensahe, negatibo naman kung hindi kaya maaring mag-alinlangan
o pasubalian.

Asimilasyon – Pagsasama-sama at pag-uugnay ng binasang teksto sa karanasan ng


mambabasa. Iniugnay ng mambabasa ang napag-alaman niyang kaisipan o mensahe sa
kanyang sariling pananaw, kaalaman at paniniwala. Sa bahaging ito lubos nang
napahahalagahan ng mambabasa ang akda kaya maari na niya itong iaplay sa sariling
buhay.

Inilarawan ni Badayos (1999) ang apat na hakbang sa pagbasa na ipinakilala ni Gray


a. Ang pagbabasa ay walang kaningiang imposible para hindi ito maisagawa ng isang
mambabasa
b. ito ay proseso ng pag-iisip. utak ang gingamit dito hindi ang mga mata. sinasabi na ang ay
ginagamit lamang sa pagbabasa habang ang utak ang nagpoproseso ng mensahe ng binasa
c. ang apektib na mambabasa ay isang interaktibong mambabasa, kung ang mambabasa ay
nakagagawa ng interaksyon sa awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo
d. ang magaling na mambabasa ay sensitibo sa kayariang balangkas ng tekstong binasa
e. ang mabilis nap ag-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis sa pagbas.

Limang Dimensyon sa Pagbasa

“Ang pagbabasa ay isang psycholinguistic game, sapagkat ang mambabasa ay bumubuong


muli
ng isang kaisipan o mensahe hango sa kanyang tekstong binasa” – Goodman
May limang Dimensyon sa pagbasa na makatutulong na malinang ang kakayahan ng mga
Mambabasa.

I. Pag-unawang Literal
 pagkuha ng pangunahing literal at tuwirang kahulugan ng salita o pagkuha nito ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap
 pagkuha ng mga ideya at impormasyon tuwirang sinasabi ng babasahin
 pagsasalin ng kaisipan ng awtor sa sariling pagkaunawa ng mambabasa
 pagkilala (recognizing) ng mga ideya o impormasyon na malinaw na nakasaad sa
Pagteksto
o Detalye o nilalaman ng kwento (Pangalan ng mga tauhan, pook)
o Pangunahing kaisipan ng talata (malaking bahagi ng kwento)
o Paghahambing- pagkakapareho o pagkakaiba (mga tauhan,pook)
o Sanhi at Bunga ( dahilan ng mga tiyak na pangyayari,kilos sa loob ng teksto)
o Mga katangian ng tauhan
 Paggunita(Recalling) makagawa ng sariling pangungusap at maipaliwanag ng mabuti
ang
mga sinasabi sa loob ng teksto
 Pagbuo ng kaisipan (Reorganization).

a. Pagbubuklod-buklod ayon sa kategorya (Classifying)


1. tao
2. bagay
3. pook
4. pangyayari
b. Pagbabalangkas
1. pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas
2. tuwirang pahayag
3. pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng teksto
c. Paglalagom( summarizing)
1. Pagbubuod ng akda sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o pagpapajahulugan sa
mga pahayag sa loob ng akda.
d. Pagsasama-sama (synthesizing)
1. Pagsasama-sama ng mga impormasyon o ideyang nanggaling sa iba’t ibang pananaliksik.

II. Interpretasyon
 Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kwento at mga taludtod kung tula.
 Pagkuha ng malalalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha ng literal na kahulugan.
 Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinasabi sa
aklat.
 Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may akda kasama pati karagdagang kahulugan
nito.
 Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may akda
 Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ng may akda
 Makilalaat mabigyan nng kahulugan ang mga pamamaraan sa pagsulat at paggamit
ng mga
 tayutay.
 Pagbibigay ng kabuuan ng kwento na hindi malinaw na ipinapahayag ng mga akda
 Paghinuha(Inferring)
a. pagpapatunay o pagtatangol sa detalye
b. pagbibigay ng haka-haka sa karagdagang bagay na maaring naisama ng may akda na
nakakatulong upang ito’y makapagturo, maging kawili-wili at makatawag pansin.

III. Mapanuring Pagbasa (critical reading)


 Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa
 Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang particular na suliranin
 Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa
a. katangian
b.kabuluhan
c.katumpakan
d.pagkamakatotohanan
 Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan o sa akdang nabasa
a. naibigan o di naibigan sa pananaw ang akda
b. sang-ayon o di-sang-ayon sa kababasang akda
c. makikita ng mga kaispang nakagugulo ng damdamin o kaya’y nakapagpapalubag ng
loob.
 Paghatol at pagbibigay-pansin sa katangian ng material na ginamit ayon sa:
a. katumpakan
b.pagiging kasiya-siya
c. kung ito’y kinalulugdan
d. kalimitan ng pangyayari

IV. Aplikasyon sa Binasa / Paglalapat


 Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong
 pananaw at pagkaunawa.
 Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng bumabasa
 Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili
 Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga problema.

V. Pagpapahalaga (appreciation)
 Paglikha ng sariling kasipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon
 Pagdama sa kagandahan ng ipinahiwatig ng nilalaman ng kwento
 Madama ang damdamin kaisipang likha ng guniguni o mga damdamin sa mga tauhan sa
 kanilang pakikipagtunggali, pagpupunyagi at paghihirap
 Maipahayag ang mga damdamin (kasiyahan, kagalakan, kalungkutan, pagkabigo,
 pagkadakila o kabalktiran nito) ayon sa pmamaraan ng may akda sa kanyang
a. mabisang pagpapahayag
b. pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng mga tauhan
 Pagdama sa nilalaman ng seleksyon, masabi ang mga damdaming napapaloob sa
seleksyon ayon sa:
a. interes
b. kagalakan
c. pagkainip
d. pagkatakot
e. pagkayamot
f. pagkagalit
g. pagkasuklam
h. kalungkutan
i. iba pa.

You might also like