You are on page 1of 36

ANG PAGSUSURI SA

IBAT-IBANG TEKSTO
ANG MGA BAHAGI NG TEKSTO

1. ANG PAMAGAT Sa bawat akda o tekstong binabasa


ng tao ay nagtataglay ito ng pamagat. Ang pamagat ay
dapat kawili-wili upang makuha ang atensyon ng mga
mambabasa. Maari rin naman na ang pamagat ay
tumatalakay sa tema o paksang binibigyang pokus sa
isang komposisyon, akda o isyu. Ang pangunahing
tauhang tinatalakay ay maaari ring gawing pamagat ang
tagpuan o pinangyarihan o kaya'y ang nangingibabaw na
damdamin ng pangunahing tauhan sa kwento
2. ANG PANIMULA/INTRODUKSYONG
BAHAGI NG TESKTO
Ang panimulang bahagi ng isang akda o
komposisyon ay ang mukha ng sulatin. Ito ang
bahaging humahatak o umaakit sa mga mambabasa
Nangangailangan itong gamitan ng malikhaing pag-
iisip ang panimula ng isang akda dahil nakasalalay
rito ang kawilihan ng bumabasa
MGA MABIBISANG HALIMBAWA NG
PANIMULA

A. PASAKLAW NA PAHAYAG- Inilalahad sa


paraang ito ang resulta o kinalalabasan ng paksang
tinatalakay. Mababasa sa simula ang pinatunguhan
ng paksa subalit sa nilalaman lamang maaaring
malaman ang buong detalye. Halimbawa: 1. May
isang Pilipinang mapalad na nanalo sa American
Idol 2. Tumalon sa ika-17 palapag ng gusali ang isang
dalagita sa pag-aakalang wala nang nagmamahal sa
kanya.
B. MAKATAWAG-PANSING PANGUNGUSAP Isa
itong paraan ng paglalahad ng panimula na
ginagamitan ng matatalinghagang pahayag tulad ng
tayutay at idyoma. Halimbawa: 1. Muli na namang
naglipana ang mga kalapating mababa ang lipad at
ang mga ganid na buwitre.

C. PAGTATANONG
Isang panimulang tanong o katanungan na
bibigyang kasagutan sa nilalaman ng teskto.
D. TUWIRANG SINABI kilala o maging karaniwang
tao. Tinatawag din itong kawikaan (quotations) Ito
ay pagsipi o paggamit ng mga orihinal na pahayag
na binanggit ng dahil ito'y winika ng isang tao ayon
sa kanyang pananaw.
E. PANLAHAT NA PAHAYAG Ito ay ang paggamit ng mga
kasabihan (sayings) at salawikain (proverbs) na
nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Sa pagdaan ng mga
henerasyon ay hindi na natiyak ang pinanggalingan nito.
Halimbawa: 1. Ang taong mayaman ay may maraming
kaibigan, sa panahon ng kagipitan ay nagsisialisan.
F. PAGLALARAWAN Ito ay paggamit ng mga salitang
naglalarawan upang maipakita ang katangian ng
isang paksa-tao man, bagay o mga pangyayari.

G. PAGSASALAYSAY Ang panimulang ito ay ang


pagkukwento na isang pangyayari sa buhay ng
isang tao na maaaring natapos na, nangyayari
pa. Maaaring tunay na pangyayari o kaya'y
hango sa imahinasyon lamang.
H. PAGBUBUOD Sa paraang ito, ginagamit bilang
panimula ang isang kaisipan o kaya'y ang tema ng
paksang tinatalakay.

I. ANALOHIYA(Paghahalintulad o Pagwawangis)
- Isang mabisang panimula kung saan ang paksa
ay inihahambing o inihahalintulad sa ibang
kaisipang hindi kauri.
J. PAGPAPAHIWATIG NG AKSYON --Kadalasang
ginagamit bilang konklusyon ang paraang ito.
Hinahamon nito ang damdamin at isipan ng mga
bumabasa o makikinig upang gumawa ng isang
makabuluhang aksyon o para kumilos para sa
isakatuparan sa nasimulang adhikain.
* ANG KATAWAN O GITNANG BAHAGI TEKSTO
Tinatagurian ito bilang pinakamahalagang bahagi ng
teksto. Nakapaloob dito ang mga mahahalagang
kaisipan at diwang ibinabahagi ng mayamang
guniguni ng manunulat. Pinalilinaw sa bahaging ito
ang mga konseptong nais ikintal sa isipan ng
mambabasa o ng mga nakikinig. Inilalahad din dito
ang mga kasagutan sa mga kaisipang naging malabo
para sa tao.
4. ANG KONGKLUSYON/WAKAS NA BAHAGI NG
TEKSTO Ang isang mabisang pahayag sa bahaging
wakas ng teksto ay napakahalaga. Kinakailangan ito
upang makakuha ng interes sa mga mambabasa
upang patuloy na humanap ng mga materyales na
maaaring mabasa hinggil sa paksang kaugnay na
kaisipan doon sa paksang may kaugnay na kaisipan
doon sa paksang napili.
TEKSTONG
IMPORMATIBO
Layunin nitong magbigay ng konkretong
impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar,
hayop, o pangyayari. Sinasabing ‘objective’ ang
mga tekstong impormatib dahil walang halong
anumang opinyon ang pagsasalaysay sa uri ng
tekstong ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
kuwentong nagsasalaysay ng mga tunay na
pangyayari at mga babasahing mayroon tayo sa
paaralan tulad ng mga teksbuk o batayang aklat.
TEKSTONG NARATIBO

Isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng


serye ng mga pangyayari ay ang tekstong narativ
o naratibo. Katulad ng tekstong impormatib, ang
layunin ng tekstong naratibo ay magbigay ng
impormasyon. Ang kinaibahan lamang, ito ay
nakatuon sa kung paano nangyari ang mga
tagpo, kompleto sa panahon, tagpuan, at mga
tauhan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga
talambuhay, anekdota, o epiko. Maaari din itong
piksyon at di piskyon.
KATANGIAN NG ISA MABUTING
PAGSASALAYSAY

Ang kawili-wiling simula at wakas- Sa pagpili ng


kawili-wiling simula at wakas iminumungkahi ni
Dinglasan (2001:126),
- Kailangang maging kawili-wili ang simula upang
maakit ang mga mababasa at tagapakinig

- Dapat ding maging kawili-wili ang wakas


upang makintal ang bisa nito.

- Upang maging kawili-wili ang simula at wakas,


gamitin ang mayamang guniguni at haraya.
Dapat orihinal ang salaysay.

-Tuwiran ang simula patungo sa


katawan. Iwasang maligoy ang
simula.

- Kailangan sumunod agad ang


wakas sa kasukdulan ng
salaysay.
Kabagayan- Dapat na isaalang-alang dito kung sino
ang target na tagabasa o kanino iniuukol ang salaysay
at ang napapanahon ng paksa. Kung ang target na
tagabasa nito ay ang mga mag-aasawa, gawing paksa
ang sitwasyong kadalasang sanhi ng hindi
pagkakaunawaan ng buhay ng mag-asawa at ang
mga posibleng solusyon sa kanilang di
pagkakaunawaan. Kung ang target na tagabasa
naman ay ang mga kabataan, nararapat lamang sa
kanila ang paksang humuhubog sa kanilang mabuting
pag-uugali para magsilbing modelo sa kanila.
Malikhaing Pamagat- Ang pagbuo ng pamagat ay isa
ring salik na dapat isaalang-alang. Ito kasi ang unang
binabasa at tinitingnan ng mga mambabasa.
Kailangan na sa pamagat pa lamang ay kinapalooban
na ito ng mga sumusunod na aspeto tulad ng pagiging
kawili-wili, kapana-panabik, maikli, hindi katawa-tawa,
at dapat malikhain gaya ng isang tayutay at mga
idyoma. Ang pamagat ay maaaring ang pangunahing
tauhan sa kwento, ang lugar na pinagyarihan, ang
tema o ang paksa, ang nangingibabaw na damdamin
at iba pang maaaring gawin bilang pamagat.
Kronolohikal na Paglalahad- Ang kwento ay
pwedeng ilahad gamit ang dalawang paraan:
Ang_Linear_na Paraan kung saan ay sumunod sa
ayos na Simula, Gitna, Wakas. Para itong isang tuwid
na linya. Ang paraang ito ng paglalahad ay madali
lamang maiintindihan ng mga mambabasa o mga
manonood. Subalit ang paraang ito ay hindi gaanong
nangangailangan ng mas malalim na pag-iisip at pag-
uunawa dahil pinagagalaw ang kwento sa paakyat na
paraan hanggang sa kasukdulang bahagi.
Pansariling Kakayahan ng Manunulat -Kakayahang
ito ng manunulat sa pagbuo ng kanyang salaysay
kung may kakayahan ba siyang magpatawa,
magpaiyak, manghamon, manghikayat o maka-
impluwensiya ng iba. Sa paraang ito, kailangang ang
paksang susulatin ay naaayon sa hilig o kahusayan
ng manunulat upang hindi siya mahirapang himukin
ang kanyang mga mambabasa.
Likas na Kawili-wili ang Paksa -Kawili-wili ang isang
paksa kung ito ay hahatak sa interes ng mga tao.
Tulad na lamang sa kasalukuyan na patok na patok
sa telebisyon, pelikula at mga nobela ang paksang
pag-aagawan tulad ng pelikulang "No Other Woman",
"The Legal Wife", "Two wives', "My Neighbor's Wife",
"My Husband's Lover" at iba pang palabas na pare-
pareho lamang ang eksena at paksang ibinabahagi.
TEKSTONG EKSPOSITORI
Ang Tekstong Ekspositori (o Paglalahad) ay may layuning
magpaliwanag at maglahad ng impormasyon at ideya hinggil
sa anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao. Naglilinaw
rin ito ng mga katanungan sapagkat tinutulungan nito ang
pangangailangan ng mambabasa malaman ang mga kaugnay
na ideya o isyu. Maaaring ang ipinapaliwanag nito ay
konsepto, pangyayari, proseso, paghahambing o kahulugan.
Maaari ring ipaliwanag nito Ang sanhi at bunga ng isang
problema, pangyayari o kundisyon.
Mga Uri ng Tekstong Ekspositori

1. Pagbibigay ng Depinisyon Ang uring ito ng


tekstong Ekspositori ay may layuning ipaliwanag ang
kahulugan ng isang termino.
Dalawang Uri ng Pagbibigay ng Depinisyon

a. Pagbibigay ng Kasingkahulugan/Parehong
Kahulugan ng Salita

b. Paggamit ng Konotasyon o Denotasyon na


Kahulugan ng Salita
Ang Denotasyon - ito ay ang pagbibigay ng
kahulugan ng salita na hango sa diksyunaryo.
Tinatawag itong ang literal na kahulugan ng salita.

Ang Konotasyon - ay ang paglalapat ng


matalinghagang kahulugan ng isang
salita.
Tatlong uri na Dapat Tandaan sa Pagbibigay ng
Depinisyon
a. Ang Termino-ito ang salitang nais bigyan ng
katuturan.
b. Ang Uri-binabanggit dito kung anong uri
napabilang ang nais bigyan ng katuturan.
c. Natatanging Katangian-Isang kalagayang ikinaiiba
ng terminong ito sa kauri nito.
2. Ang Paghahambing o Pagtutulad - isang uri ng
paglalahad o ekspositori na ang layunin ay upang
ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang inihahambing n maaaring tao, bagay, lugar,
pangyayari o kaisipan.

3. Enumerasyon o Pag-iisa-isa -Ito ay


naglalahad ng mga halimbawa na
nabibilang sa uri o klasipikasyon.
4.Sanhi at Bunga- - Ang uring ito ng ekspositori ay
nagpakita ng kadahilanan ng isang bagay o pangyayari
at ang kaugnay na epekto nito.
Gumagamit ito ng mga panandang:
dahilan, sa kadahilanan, dahill, kung kaya,
at upang.
5. Kahinaan at Kalakasan Naglalahad ito ng positibo
at negatibong posibilidad kaugnay ng mga pangyayari.
Gumagamit ito ng mga panandang: gayunpaman, ang
mga kahinaan, mga positibong dulot, mga negatibong
dulot, dahil sa, bunga ng, sa kabilang banda at iba pa.
6. Pagpapakahulugan Naglalahad ito ng isang
paliwanag ayon sa kung ano ang nauunawaan ng mga
bumabasa. Malayang ipinahayag nila ang kanilang
damdamin at pananaw sa mga nabasang sitwasyon o
paksa.
TEKSTONG DESKRPTIBO

Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang


tekstong deskriptiv o deskriptibo. Ito ay
nagtataglay ng mga impormasyong may
kauganyan sa katangian ng mga tao, hayos, bagay,
lugar, at mga pangyayari. Dahil naglalarawan ang
mga tekstong deskriptib, mayaman ang mga ito sa
mga pang-uri at pang-abay. Maaari din itong
maging tekstong nagpapahayag ng pagkakatulad o
pagkakaiba ng mga bagay. Ito rin ay isang paraan
ng masining na pagpapahayag ng paghanga sa
ilang bagay.
Dalawang uri ng Paglalarawan:

1. Karaniwang Paglalarawan Ay isang klaseng


paglalarawan na naghahatid ng mga mahahalagang
kaalaman hinggil sa katotohanan na hindi
naglalaman ng sariling pananaw, kuru-kuro at
damdamin ng taong naglalarawan. Ang mahalaga
lamang dito na mailarawan ang paksa ayon sa mga
katangian nito batay sa pangkalahatang namamasid.
2. Masining na paglalarawan Ay isang paglalarawan
na bukod sa ito'y napapalooban na ng karaniwang
paglalarawan, nadadagdagan pa ito ng paglalarawan
na nagpapahiwatig ng mga matalinghagang pahayag
tulad ng tayutay at idyoma. Nagawa nitong
pagalawin ang imahinasyon at guniguni ng mga
bumabasa upang makita ang isang konkretong
larawan.na buhay na buhay sa kanilang paningin,
pandinig, panlasa, pang-amoy at pandama.
TEKSTONG
ARGUMENTATIV
Ito naman ay uri ng teksto na nakatuon sa
paglalahad ng mga opinyon, paniniwala o kuro-kuro
sa mga mahahalagang isyu o iba pang bagay.
Katulad ng tekstong Persweysib, layunin din nito na
manghikayat ng mga mambabasa. Gayunman,
gumagamit ito ng mga argumento at mga
pangangatuwiran. Karaniwang sinasagot ng mga
tekstong argumentativ ang tanong na ‘bakit?’
Bagaman nais nitong makapaglahad ng damdamin,
kailangan pa ring suportado ito ng katotohanan o
facts.
1. Pangangatwirang Induksyon - (Inductive
Reasoning) Paraan ito ng pangangatwiran na ang
paghahain ng mga kaisipan ay nagsisimula sa
partikular na pangyayari o katibayan tungo sa
pagbubuod o pagbuo ng kongklusyon (Specific to
General). Layunin ng pangangatwirang induksyon na
bumuo ng pangkalahatang katotohanan,
panununtunan at kongklusyon.
2. Pangangatwirang Deduksyon - (Deductive
Reasoning) Paraan ito ng pangangatwiran na ang
paghahain ng mga kaisipan ay nagsisimula sa isang
pangkalahatan patungo sa isang partikular (General
to Specific).
TEKSTONG
PERSWEYSIV
Ang tekstong persweysiv ang isang uri ng
tekstong naglalayong manghikayat ng mga
mambabasa. Ginagamit ito sa mga pahayagan,
telebisyon, at radyo. Karaniwang ginagawa ang
tekstong persuweysib upang mapukaw ang
interes ng mga tao at maniwala sa sinasabi nito.
Nagagamit ito sa mga advertisements o mga
patalastas sa TV o radyo. Maaari din itong
gamitin sa mga kampanya o pag-aalok ng mga
serbisyo.
Tekstong
Prosidyural
May uri naman ng teksto na nakatuon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o mga
hakbang sa paggawa ng mga bagay. Ito ay tinatawag
na tekstong prosidyural. Kilala rin bilang teksto ng
pagkakasunod-sunod, sumasagot ito sa mga tanong
na paano—paano nabubuo ang isang bagay, paano
iluto, paano isinasagawa ang isang proseso, o paano
naganap ang isang pangyayari.
THANK YOU!

You might also like