You are on page 1of 5

C4 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Aralin 1 – Tekstong IMPORMATIBO

❖ Tekstong Impormatibo
- uri ng babasahing di piksyon.
- Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa sa tulong ng datos.

Elemento ng Tekstong Impormatibo


• Layunin ng may –akda – layunin nitong mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa;
maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol
sa ating mundo at iba pa.
• Pangunahing Ideya – ang tekstong impormatibo ay daglitang inilalahad ang mga
pangunahing ideya sa mambabasa. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi. Tinatawag din itong organizational markers na nakakatulong
upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
• Pantulong na Kaisipan – mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop mga pantulong na
kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang
pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo
• Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan – inilalahad nito ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
• Pag-uulat Pang-impormasyon – sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay,
gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
• Pagpapaliwanag – ito ay nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang
bagay o pangyayari.
Aralin 2 – Tekstong DESKRIPTIBO

❖ Tekstong Deskriptibo – ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan


kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.

• Subhetibo (Masining) – ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglarawan nang


napakalinaw at halos madama ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay
lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa
totoong buhay.
• Obhetibo (Karaniwan) – ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.
Nakalahad ng datos batay sa pananaliksik.

Limang Pangunahing Cohesive Devices o kohesyong gramatikal sa Pagsuklat ng Tekstong


Deskriptibo
• Reperensiya (Reference) – ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
C4 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

o Anapora – kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang
tinutukoy.
o Katapora – kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang
tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto.
• Substitusyon (Substitution) – paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin
ang salita.
• Ellipsis – may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais iaphiwating ng nawalang salita.

Aralin 3 – Tekstong Naratibo

❖ Tekstong Naratibo – ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o


mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang wakas.

❖ Unang Panauhan – gumagamit ng panghalip na AKO.


❖ Ikalawang Panauhan - gumagamit ng panghalip na IKAW.
❖ Ikatlong Panauhan – gumagamit ng panghalip na SIYA.
❖ Kombinasyong Panauhan – ditto ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang
pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo


• Direkta o Tuwirang Pagpapahayag – sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay
direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin.
Ito ay ginagamitan ng panipi.
• Di direkta o di tuwirang pagpapahayag – ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa
sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi
na ito ginagamitan ng panipi.

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo


1. Tauhan
May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan—ang expository at ang
dramatiko.
Expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao
ng tauhan.
Dramatiko naman kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o
pagpapahayag. Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:
a. Pangunahing Tauhan
Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula
hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan.
C4 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

b. Katunggaling Tauhan
Tauhan ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari
sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga
katangian ng pangunahing tauhan.
c. Kasamang Tauhan
Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama o
kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta,
magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.
d. Ang May-akda
Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan ng
akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging
nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring
makita sa isang tekstong naratibo tulad ng:
Tauhang Bilog (Round Character)—Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at
damdamin ayon sa pangangailangan.
Tauhang Lapad (Flat Character)—Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang
madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang
kanyang mga ikinikilos at maituturing na stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal
na ina, tin-edyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa.

2. Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda
kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon).

3. Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong
naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
ANACHRONY o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri
ito sa tatlo:
Analepsis (Flashback) – ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
Prolepsis (Flashfbrward)—Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa
hinaharap.
Ellipsis—May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang
may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
C4 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

4. Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang
malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang
pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa.
Aralin 4: Tekstong Prosidyural

❖ Tekstong Prosidyural – isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori ang tekstong


prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang
matao ang inaasahan. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat
isagawa.
❖ Nilalaman ng Tekstong Prosidyural
1. Layunin o Target na awput - Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o
kahahantungan ng proyekto o prosidyur
2. Mga Kagamitan - Tinutukoy ang mga kasangkapan at kagamitan upang makompleto
ang isasagawang proyekto.
3. Metodo - Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
4. Ebalwasyon - pamamaraan kung paano masukat ang tagumpay ng prosidyur na
isinasagawa.
Aralin 5: Tesktong Persuweysib

❖ Tesktong Persuweysib - layunin ng tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi


sa babasa ng teksto.
- ito ay may subhetibong tono ng pangungumbinsi sapagkat
malayang ipinapahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa
isang isyung may ilang panig.
Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o
pangungumbinsi:
• Ethos – ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang
manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa
kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na maniwala rito.
• Pathos – tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
• Logos – ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Paglahad
ng datos na susuporta sa posisyon.

Aralin 4 – Tekstong Argumento

Tekstong Argumentatibo Tesktong Persuweysib


• Nangungumbinsi batay sa datos o • Nangungumbinsi batay sa opinyon
impormasyon • Layunin ng teksto ang mahikayat o
• Madaling matukoy ang tekstong ito dahil makumbinsi ang babasa
tumutugon ito sa tanong na bakit
C4 – Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

• Nakahihikayat dahil sa merito ng mga • Nakahihikayat sa pamamagitan ng


ebidensiya pagpukaw ng emosyon ng mambabasa at
pagpokus sa kredibilidad ng may-akda
• Obhetibo ang tono ng pangungumbinsi • Subhetibo ang tono ng pangungumbinsi

Mahalaga rin ang paggamit ng mga pang-ugnay gaya ng mga pangatnig sa mga nabanggit na
teksto.

Tandaan: sa paggamit ng pangatnig ay asahan na matagpuan ito sa gitnang bahagi ng


pangungusap.

Paghahambing/pagsa- ngunit, datapwat, subalit, sa kabilang banda, o


lungat sa kaisipan
Pandagdag at, saka, pati
Pagbibigay-linaw samakatwid, kung gayon, kaya
Pag-uulit ng ideya sa madaling salita, inuulit, muli
Pagbibigay-halimbawa halimbawa, espesipiko, partikular, sa ganitong sitwasyon (o kondisyon),
sa pamamagitan nito
Pamukod ni, maging, o
Paglalahad ng sanhi at dahil sa, sa kadahilanang, upang, dulot ng, bunga (o resulta) nito, kung
bunga kaya, sapagkat, palibhasa

You might also like