You are on page 1of 16

HAHAHAAAAAAAAAAAAAAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

HAHAHAHA JOKE LANG


Lesson 1: Tekstong Impormatibo
•Uri ng babasahing di piksiyon.

•Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng teksto na may layuning magbigay ng


mahalagang impormasyon o kaalaman sa mga mambabasa.

•Ito ay karaniwang ginagamit sa larangan ng pag-aaral, pamamahayag, at iba pang


akademikong konteksto.

Sa pamamagitan ng tekstong impormatibo, malawakang nailalathala ang mga datos,


pagsusuri, pangyayari, at iba pang mahahalagang impormasyon na maaaring maging
kapaki-pakinabang sa mga mambabasa.

Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga
magasin, textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia, gayundin sa
iba’t ibang web site sa internet.

1) LAYUNIN NG MAY AKDA - Nakalagay dito ang pangunahing ideya sa paraan ng


paglalagay ng pamagat.

•Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang tekstong


impormatibo.

•Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan
ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating
mundo; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto,
hayop, at iba pang nabubuhay; at iba pa.

Gayumpaman, anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o


paglalahad ng impormasyon.

2) PANGUNAHING IDEYA - Dito naman inilalahad kung tungkol sa ano ang tekstong
impormatibo.

•Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga mangyayari
upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda, sa tekstong
impormatibo naman ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.

•Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi – tinawatag din


itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng
mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

4) MGA ESTILO SA PAGSULAT, KAGAMITAN/SANGGUNIANG MAGTATAMPOK SA


MGA BAGAY NA BINIBIGYANG-DIIN - Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon
ng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng
mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng
sumusunod:
✓PAGGAMIT NG MGA NAKALARAWANG REPRESENTASYON - Makatutulong ang
paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, time line, at iba pa upang
higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo.

✓PAGBIBIGAY-DIIN SA MAHAHALAGANG SALITA SA TEKSTO - Nagagamit dito ang


mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan
ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin
sa babasahin.

✓PAGSULAT NG MGA TALASANGGUNIAN (BIBLIOGRAPHY) - Karaniwang inilalagay


ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang
sangguniang ginamit. Upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan
sa mga impormasyong taglay nito.

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO


•Ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ay makapaghatid ng impormasyong
hindi nababahiran ng personal na pananaw o opinyon ng may-akda.

•Makikita ang layuning ito sa ilang uri ng tekstong impormatibo tulad ng sumusunod:

1) PAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI/KASAYSAYAN - Sa uring ito ng teksto


inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.

•Maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng


mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maaari ding hindi direktang
nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan at pinatutunayan ng iba
tulad ng sulating pangkasaysayan o historical account.

•Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang


panimula o introduksiyon.

•Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahahalagang impormasyon
tulad ng kung sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang inilalahad.

•Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman ng katawan, at karaniwang
nagtatapos sa isang kongklusyon.

2) PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON - Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang


kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at
di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid.

•Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global warming,


cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos, impormasyong kaugnay ng mga
halaman, at iba pa.
•Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusing pananaliksik
sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol
sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat.
3) PAGPAPALIWANAG - Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung
paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.

•Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano
humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.

•Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang


mga paliwanag.

•Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo, palaka, at
iba pa.

LESSON 2: Tekstong Deskriptibo

•Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo o obhetibo.

•Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang


napakalinaw at halos madama na ng mambabasa …

•… subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang


imahinasyong at hindi nakabatay Sa isang katotohanan sa totoong buhay.

•Halimbawa: Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan dahil sa


matipunong pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng kahirapan.

Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.

•Halimbawa: Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan


ng mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo. Itinuturing itong
pinakaaktibong bulkan sa bansa.

Ang Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan
kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng
larawan.

•Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.

•Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang
bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang
mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
•Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o
mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang
niya nabubuo ang mga imaheng ito.

Gamit ng Cohesive Devices sa pagsusulat ng Tekstong Deskriptibo


Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba
pang uri ng teksto o kaya’y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin,
kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kohesyong gramatikal.

•Cohesive Devices (Kohesyong Gramatikal) – ginagamit upang maiwasan ang


paulit-ulit na paggamit ng panggalan o salitang ginagamit sa pagpapahayag.

•Ang limang pangunahing cohesive devices o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod:

reperensiya (reference), substitusyon (substitution), ellipsis, pangugnay , at leksikal.

1. Reperensiya (Reference) – Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o


maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.

•Maaari itong maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung
ano o sino ang tinutukoy) ( nasa huli ‘yong panghalip. Panghalip is ‘yong mga “ito”,
“siya”, “sila”, etc.

•O kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang
tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto). (opposite non, mas nauuna rito
‘yong panghalip).

•Halimbawa:

▪Anapora
Example: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.

(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap.


Kailangan balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy na panghalip na
ito.)

▪Katapora
Example: Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang
umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat
para makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at
damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.

(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid. Malalaman
lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)

2. Substitusyon (Substitution) – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling


ulitin ang salita.
•Halimbawa: ✓Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang
pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.
3. Ellipsis – May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang
maiiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang anumang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

•Halimbawa: ✓Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.

(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit
naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil
nakalahad na ito sa unang bahagi.)

4. Pang-ugnay – Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay na


sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. (at, dahil, parang, etc.)

•Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon


sa pagitan ng mga pinag-ugnay.

•Halimbawa: ✓Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga
anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5. Kohesyong Leksikal – Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito


ng kohesyong. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.

a.Reiterasyon
– Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.Maaari itong mauri sa tatlo:
pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigaykahulugan.

1)Pag-uulit o repetisyon – Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.

2)Pag-iisa-isa – Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong,
sitaw, kalabasa, at ampalaya.

3)Pagbibigay-kahulugan – Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga


pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.

b.Kolokasyon – Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may


kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring
magkapareha o maaari ding magkasalungat.

•Halimbawa: ✓nanay – tatay , guro – mag-aaral, hilaga – timog doctor – pasyente ✓puti –
itim, maliit – malaki, mayaman – mahirap.

ILANG TEKSTONG DESKRIPTIBONG BAHAGI NG IBA PANG TEKSTO


PAGLALARAWAN SA TAUHAN

•Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye
patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan
dito.

•Hindi sapat na sabihing “Ang aking kaibigan ay maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig
magsuot ng pantalong maong at puting kamiseta.” Ang ganitong paglalarawan bagama’t
tama ang mga detalye ay hindi nagmamarka sa isipan at pandama ng mambabasa.

•Ang mga halimbawang salitang maliit, matangkad, bata at iba pa ay pangkalahatang


paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala ng mabisang imahe sa isipan ng mambabasa.
•Samakatuwid, mahalagang maging mabisa ang paglalarawan sa tauhan.

•Iyon bang halos nabubuo sa isipan ng mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay at iba
pang katangian ng tauhan gamit ang pinakaangkop na mga pang-uri.

•Mahalaga ring pakilusin ang tauhan para mas magmarka ang mga katangiang taglay niya
tulad ng kung paano siya ngumiti, maglakad, humalakhak, magsalita at iba pa.

•Sinasabing ang pinakamahusay na tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng


akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya naman kahit sila’y produkto lang ng
mayamang imahinasyon ng manunulat, hindi sila basta nakalilimutan.

•Mababasa sa kasunod na pahina ang halimbawa ng paglalarawan sa tauhan mula sa isang


mahusay na akdang pampanitikan.

PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN O EMOSYON

•Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa


halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito’y
ang kanyang damdamin o emosyong taglay.

•Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan sapagkat ito ang
nagbibigay dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang kanyang ginawa.

•Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang
paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang
araw na pala nang huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.

✓Paggamit ng diyalogo o iniisip

•Maaaninag ng mambabasa mula sa aktwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin o


emosyong taglay nito.
•Halimbawa: Sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingit sa pila ng babae ay
maaari itong gamitan ng sumusunod na diyalogo:

“Ate, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa hulihan
kayo pumila!”

✓Pagsasaad sa ginawa ng tauhan

•Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan minsa’y higit pang nauunawaan ng


mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan.

•Halimbawa: “Umalis ka na!” Ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim-bagang
na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit bumalong mula
sa kanyang mga mata.

✓Paggamit ng tayutay o matatalinhagang pananalita

•Ang mga tayutay at matatalinhagang pananalita ay hindi lang nagagamit sa pagbibigay ng


rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa.

•Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim na sandali sa kanyang buhay. Maging ang
langit ay lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta.

PAGLALARAWAN SA TAGPUAN

•Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o


panahon kung kailan at saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga
mambabasa.

•Sa pamamagitan nang mahusay na pagkakalarawan sa tagpuan madarama ng


mambabasa ang diwa ng akda.

PAGLALARAWAN SA ISANG MAHALAGANG BAGAY

•Sa maraming pagkakataon, sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa
akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito.

•Hindi sapat na maglagay lamang ng larawan ng nasabing bagay sa pahina ng akda upang
mabigyang diin ang kahalagahan nito.

•Dapat mailahad kung saan nagmula ang bagay na ito. Kailangan ding mailarawan itong
mabuti upang halos madama na ng mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa, tunog at iba
pang katangian nito.

•Mula rito’y ihayag na ang kuwento sa likod ng bagay at kung paano ito naging makabuluhan
o mahalaga sa tauhan o manunulat at sa kabuoan ng akda.
•Mababasa sa ibaba ang mga halimbawa ng paglalarawan sa mahahalagang bagay kung
saan umiikot ang mga pangyayari sa akda.

Lesson 3: Tekstong Naratibo


•Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa
isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may
maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.

•Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring


nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.

•May iba’t ibang uri ng naratibo tulad ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan,
mitolohiya, alamat, tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan,
anekdota, parabula, science fiction, at iba pa.

•Iba't ibang uri subalit may iisang pagkakapareho: ang bawat isa'y nagkukuwento.

MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO

•Ang bawat uri ng tekstong ito ay may kanya-kanyang taglay na katangian subalit ang
mababasa mo sa ibaba ay pangkalahatang katangiang taglay ng bawat uri ng tekstong
naratibo.

❑ MAY IBA 'T IBANG PANANAW O PUNTO DE VISTA (POINT OF VIEW) SA TEKSTONG
NARATIBO

•Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga matang tumutunghay sa mga


pangyayari.

•Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay.

•Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan.


Bibihirang-bihirang magamit ang ikalawang panauhan.

•Sa mas mahahabang naratibo tulad ng nobela ay maaaring hindi lang iisa kundi
nagbabago-bago ang ginagamit na pananaw.

1. UNANG PANAUHAN – Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan na nagsasalaysay ng


mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kayâ gumagamit ng panghalip
na akó.

2. IKALAWANG PANAUHAN – Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang


pinagagalaw niya sa kuwento kaya't gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw
subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang
pagsasalaysay.
3. IKATLONG PANAUHAN – Ang mga pangyayari sa pananaw na ito isinasalaysay ng
isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siya.

•Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nása labas siya ng mga pangyayari.

•May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:

✓Maladiyos na panauhan – Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga


tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip,
damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.

✓Limitadong panauhan – Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan
subalit hindi ang sa iba pang tauhan.

✓Tagapag-obserbang panauhan – Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman


ng isip at damdamin ng mga tauhan.

• Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang
kanyang isinasalaysay.

4.KOMBINASYONG PANANAW O PANINGIN – Dito ay hindi lang iisa ang


tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay.

•Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop
sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.

❑ MAY PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DIYALOGO, SALOOBIN, O DAMDAMIN SA


TEKSTONG NARATIBO

•May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang
diyalogo, saloobin, at damdamin:

1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag – Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay


direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o
damdamin.

•Ito ay ginagamitan ng panipi.

•Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang


katangiang taglay ng mga tauhan.

•Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kanya
ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi'y naghuhudyat
din sa uri ng damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi direktang sasabihin ng
tagapagsalaysay
•Halimbawa: “Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo'y
abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan. “Aba y kayganda naman nireng ginagawa mo, anak! Ay ano ba talaga ang
balak mo, ha?” Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang
kusina. – Mula sa “Ang Kariton ni Donato”

2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag – Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa


sinasabi, naiisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na
ito ginagamitan ng panipi.

•Halimbawa: Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang itoy abalang-abala
sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan.
Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang
balak niya. Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang
kusina.

ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO

•Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento kayâ
naman taglay ng mga ito ang mahahalagang elementong lalong magbibigay daan sa
nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay.

•Sa mga elementong ito rin makikita kung paano naihahabi o pumapasok ang mga tekstong
deskriptibo.

1. TAUHAN – Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o


bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng
tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lámang ang maaaring
magtakda nito.

• May dalawang paraan sa pagpapakilala ng taunan – ang expository at ang dramatiko.

•Expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa


pagkatao ng tauhan at dramatiko naman kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa
kanyang pagkilos o pagpapahayag.

•Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:

a. Pangunahing Tauhan – Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari


sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang
pangunahing tauhan.

•Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan


sa kabuoan ng akda.

b. Katunggaling Tauhan – Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat


o kalaban ng pangunahing tauhan.
•Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari sa pagitan
nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga
katangian ng pangunahing tauhan.

c. Kasamang Tauhan – Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay


karaniwang kasáma o kasangga ng pangunahing tauhan.

•Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o


kapalagayangloob ng pangunahing tauhan.

d. Ang May-akda – Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang
magkasama sa kabuoan ng akda.

•Bagama't ang namanayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging
nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

•Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang
maaaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng:

a) Tauhang Bilog (Round Character) – Isang tauhang may multidimensiyonal o


maraming saklaw ang personalidad.

•Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at


damdamin ayon sa pangangailangan.

•Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan, halimbawa, ay maaaring magalit at sumambulat


kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento at pangangailangang magbago ang
taglay niyang katangian at lumutang ang nararapat na emosyon o damdamin.

b. Tauhang Lapad (Flat Character) – Ito ang tauhang nagtataglay ng isa o dadalawang
katangiang madaling matukoy o predictable.

•Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga ikinikilos at


maituturing na stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tin-edyer
na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa.

•Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng


kuwento.

•Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang uring ito ng tauhan sa
tekstong naratibo, bagama 't madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi
niya ininumungkahı ang pagtatanggal sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda upang
masalamin pa rin nito ang tunay na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo.

2. TAGPUAN AT PANAHON – Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan
naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon)
at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari
tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan, tákot na umiiral dahil sa
malakas na hampas ng hangin at ulang dála ng bagyo, … … romantikong paligid sanhi ng
maliwanag na buwang nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang hardin,
matinding págod ng magsasakang nagaararo sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kalungkutan
ng pamilyang nakatunghay habang ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang
minamahal, at iba pa.

3. BANGHAY – Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang - linaw ang temang taglay ng akda.

•Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:

✓Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan,
tagpuan, at tema (orientation or introduction)

✓Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang


pangunahing tauhan (problem)

✓Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong


gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action)

✓Paatuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (climax)

✓Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling


action)

✓Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)

•Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna- wakas.

•May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o


mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod sunod.

•Mauuri ito sa tatlo:

a. Analepsis (Flashback) – dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa


nakalipas.

b. Prolepsis (Flash-forward) – dito nama'y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap


pa lang sa hinaharap.

c. Ellipsis – may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na


nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

3. PAKSA AT TEMA – Ito ang sentral na ideya kung saan umikot ang mga pangyayari sa
tekstong naratibo.

•Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda
ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa.
•Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang
pagpapahalagang pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamumuhay at pakikisalamuha
sa kapwa.

Lesson 4: Tekstong Prosedyural

•Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural.

•Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo
ang inaasahan.

•Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding
magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat.

•Sa pagsulat ng tekstong prosidyural, kailangang malawak ang kaalaman sa paksang


tatalakayin.

•Nararapat ding malinaw at tama ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi
malito o magkamali ang gagawa nito.

•Ang isa pang dapat tandaan ay ang paggamit ng mga payak ngunit angkop na salitang
madaling maunawaan ng sinumang gagawa.

•Nakatutulong din ang paglalakip ng larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang
higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa mga hakbang.

•Dapat pakaisiping layunin ng tekstong prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang isang
gawain upang maisagawa ito nang maayos at tumpak, kaya nararapat lamang na maisulat
ito sa paraang simple, malinaw, at mauunawaan ng lahat.

Lesson 5: Tekstong Argumentatibo

Nangungumbinsi batay sa datos impormasyon

Nakahihikayat dahil sa merito ng mga ebidensya

May Obhetibong tono sa paglalahad

MGA HAKBANG SA PAGSULAT

1. pumili ng paksa
2. timbangin ang nais panindigan
3. mangalap ng ebidensya na susuporta sa panig
4. gumawa ng borador
5. basahing muli ang isinulat upang maiwasto ang dapat na maiwasto
6. muling isulat ang teksto para sa pinal na sulatin
\
Blah blah blah alam nu na yan

Lesson 6: Tekstong Persuweysib

TEKSTONG PERSUWEYSIB -isinusulat upang mabago ang takbo ng isip ng


mambabasa

-upang makumbinsi ang mga mambabasa na paniwalaang ang punto ng manunulat ay ang
siyang tama o wasto

- May subhetibong tono sapagkat malayang ipinapahayag ng manunulat ang pagkiling sa


isang panig na pinaniniwalaan - taglay nito ang isang personal na opinion patungkol sa isyu

TATLONG PARAAN NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE

1. ETHOS - tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat - dapat makumbinsi ng manunulat


ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan

2.PATHOS - tumutukoy sa paggamit ng damdamin o emosyon upang mapaniwala sa


panig ng manunulat ang mga mambabasa - karaniwang gamit sa kuwento

3. LOGOS - tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa -


kailangang mapatunayan ng manunulat na batay sa mga impormasyon at datos na kanyang
nakalap ang kanyang mga inilalatag na punto

IBA’T IBANG MGA PROPAGANDA DEVICES

1. NAME-CALLING - pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o


katunggaling produkto. Hal: pekeng sabon, bagitong kandidato

2. GLITTERING GENERALITIES - magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang


produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa Hal: Bossing
sa kaputian

3. TRANSFER - pagamit ng sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o


tao ang kasikatan. Hal: ipagpapatuloy ko ang nasimulan ni FPJ – Grace Poe

4. TESTIMONIAL - kapag ang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang


tao o produkto

5. PLAIN FOLKS - ginagamit sa kampanya o komersyal kung saan ang mga kilala o
tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto o
serbisyo.
6. CARD STACKING - ipinapakita nito and lahat ng magagandang katangian ng
produkto ngunit hindi binabangit ang hindi magandang katangian. HAL: instant noodles

7. BANDWAGON - panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang
produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na. HAL: buong bayan ay
nagpeso padala na.

You might also like