You are on page 1of 6

MGA URI NG PAGBASA

AYON SA PARAAN:
1. Iskiming o Mabilisang Pagbasa:
-uri na nagtuturo sa mambabasa na kumuha at malaman ang pangkalahatang pananaw na matatagpuan sa babasahin.
m
‌ aari rin itong tawagin na pinaraanang pagbasa.
m
‌ agagawa ang pamaraang ito sa pamamagitan ng pagtingin o pagbasa nang mabilis sa kabuuang nilalaman ng aklat.

‌-Pagtingin at pagbasa ng mahalagang datos na kailangan sa isang pananaliksik.


2. Iskaning o Pahapyaw na Pagbasa:
-paghahanap ito ng isang tiyak na impormasyon sa isang babasahin.
3. Analitikal o Pagsusuring Pagbasa:
- kinakailangan sa paraang ito ang matalino at malalim. na pag-iisip.
- nahahasa sa pamamaraang ito ang kahusayan sa isang mapanuring pag-iisip.
4. Kritikal o Pamumunang Pagbasa:
-dapat munang matiyak ng isang nagbabasa na nauunawaan niya ang kabuuan ng tekstong binabasa.
-pinupuna hindi lamang ang nilalaman ng babasahin kundi maging ang pamagat, simula, katawanat wakas ng teksto.
-Tinitingnan din dito ang kalakasan at kahinaan ng teksto.

AYON SA LAYUNIN:
1. Pagbasang Nakapagtuturo:
-nagbabasa ang isang indibidwal sa layuning may matutuhan at makakuha ng panibago o karagdagang impormasyon.
-kapaki-pakinabang ang gawaing ito sapagkat napauunlad nito ang kaalaman ng nagbabasa.
2. Pagbasang Nakapagpapalibang:
- isang kawili-wiling libangan ang pagbabasa, bukod sa nakapagbibigay ito ng kasiyahan ay napagagana pa nito ang ating
imahinasyon.

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA


KAHULUGAN:
-‌ Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng
pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.
-‌ Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag (Austero, et al.:1999)
-‌ Isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat (Bernales, et al.:2001)
-‌ Ayon kay Goodman (sa Badayos, 2000), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game.
-‌ Ang pagbasa ay proseso ng pagkokonstrak ng kahulugan mula sa mga tekstong nakasulat. Isa itong komplikadong kasanayan
na nangangailangan ng ilang magkakaugnay na hanguan ng impormasyon (Anderson, et al.: 1985)

KAHALAGAHAN:
1. Tulay sa pag-unlad.
2. Magandang pagkakataon upang makapaglakbay ng libre.
3. Para sa ating kasiyahan.
HAKBANG NG PAGBASA:
May anim na hakbang sa Pagbasa (Dr. Leo Fay)
1. Persepsyon o Pagkilala:
- pagkilala sa mga salita at kakayahang bigkasin ang mga ito.
2. Komprehensyon o Pag-Unawa:
- Higit sa pagkilala sa mga salita. Nangangahulugan ito ng pag-unawa sa pagkakaugnay- ugnay ng mga salita sa
pangungusap, ng mga pangungusap sa talata at ng mga talata sa buong akda o artikulo.
-Nagaganap dito ang pag-unawa.
3. Reaksyon:
- Magagawa ang hakbang na ito sa 2 paraan:
(1) Paraang intelektwal
(2) Paraang emosyunal
-hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
4. Asimilasyon:
- isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman at /o karanasan.
5. Kabilisan/kabagalan sa Pagbasa:
- may kinalaman ito sa panahon o oras na ginugugol sa pagbasa. Tumutukoy ito sa kabagalan o kabilisan batay sa layunin at
dahilan
6. Kasanayan at Kaugalian:
- ang mambabasa na may mabuting sistema ng pag-aaral at konsistent sa gawain ng pagbasa ay masasabi natin na nag-ugat sa
tahanan sa mahabang panahon ng naunang limang hakbang sa pagbasa.

TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksiyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o
siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa.

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO:


Layunin ng may-akda:
Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may- akda sa pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. Gayumpaman,
anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
Pangunahing Ideya:
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi-tinatawag din itong organizational markers
na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
Pantulong na Kaisipan:
Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin:
Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo
ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
-Paggamit ng mga nakalarawang representasyon- makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart,
talahanayan, time line at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo.
-Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto- nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakahilis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-
diin sa babasahin.
-Pagsulat ng mga talasanggunian- karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat,
kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa mga
impormasyong taglay nito.

MGA URI ANG TEKSTONG IMPORMATIBO:


1. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan:
Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Ang uring
ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksiyon.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon:
Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na
nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay
nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng
katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinyon ng manunulat.
3. Pagpapaliwanag:
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o
pangyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa
sa ganitong kalagayan. Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang mga
paliwanag.

Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo o obhetibo. Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang
manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay
lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay. Obhetibo naman ang
paglalarawan kung ito'y may pinagbatayang katotohanan.

TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba
ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng
manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-
buhay sa imahinasyon ng mambabasa.

Karaniwang Bahagi lang ng Ibang Teksto ang Tekstong Deskriptibo


Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng teksto. Ang
paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang tekstong
naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba
pa. Bibihirang magamit ang tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi ng iba pang uri ng teksto.

Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo:


Ang mga ito kasi ay mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.

Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod: reperensiya (reference),
substitusyon (substitution), ellipsis, pang-ugnay, at leksikal.
1. Reperensiya (Reference)- Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino
ang tinutukoy) o kaya'y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto)
2. Substitusyon (Substitution)- Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
3. Ellipsis- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang
salita.
4. Pang-Ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at
pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapagpakinig ang relasyon sa
pagitan ng mga pinag-ugnay.
5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari itong mauri sa
dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.
a. Reiterasyon- Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag-uulit o
repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
b. Kolokasyon- Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa't isa kaya't kapag nabanggit
ang isa ay naiisip din ang isa.

ILANG TEKSTONG DESKRIPTIBONG BAHAGI NG IBA PANG TEKSTO:


Paglalarawan sa Tauhan:
Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi
kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito. Ang ganitong paglalarawan, bagama't tama ang mga detalye
ay hindi magmamarka sa isipan at pandama ng mambabasa.
Paglalarawan sa Damdamin Emosyon:
Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas
na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito'y ang kanyang damdamin o emosyong taglay.
Mababasa sa ibaba ang ilang paraan ng paglalarawan sa damdamin o emosyon nang hindi na malayo at konektado pa rin sa
tauhan:

 ‌ agsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan.


P
 ‌Paggamit ng diyalogo o iniisip.
 ‌Pagsasaad sa ginawa ng tauhan.
 ‌Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita.
Paglalarawan sa Tagpuan:
Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kailan at saan naganap
ang akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng mahusay na pagkakalarawan sa tagpuan
madarama ng mambabasa ang diwa ng akda.
Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay:
Sa maraming pagkakataon, sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay
nang mas malalim na kahulugan dito. Hindi sapat na maglagay lamang ng larawan ng nasabing bagay sa pahina ng akda
upang mabigyang-diin ang kahalagahan nito.

TEKSTONG PERUSWEYSIB
Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong
persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang
siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang
sumusunod:
1. Ethos: Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na
siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na
maniwala rito.
2. Pathos: Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay Aristotle,
karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon.
3. Logos: Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat
sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto ang siyang
dapat paniwalaan.

TEKSTONG NARATIBO
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayar sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa
isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapus
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o
nakapagbibigay-aliw o saya.

May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo:
1. Unang Panauhan- Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan,
naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
2. Ikalawang Panauhan- Dito mistulang kinakausap ng manunulat at tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya't
gumagamit siya ng panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang pagsasalaysay.
3. Ikatlong Panauhan- Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan
kaya ang panghuli na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labas
siya ng mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw:

 ‌ aladiyos na panauhan-Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.


M
 ‌Limitadong panauhan-Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang
tauhan.
 ‌Tagapag-obserbang panauhan-Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin- Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananaw o paningin
ang nagagamit sa pagsasalaysay.

May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo:


May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang diyalogo, saloobin, at
damdamin:
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag:
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o
damdamin.
2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag:
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag.

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo:


1. Tauhan:
Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:
a. Pangunahing Tauhan (Bida)
b. Katunggaling Tauhan (Kontrabida)
c. Kasamang Tauhan
d. Ang May-akda
Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang
tekstong naratibo tulad ng:
a. Tauhang Bilog (Round Character)- Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
b. Tauhang Lapad (Flat Character)-Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o
predictable.
2. Tagpuan at Panahon:
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon
(oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang
dalá ng pagdiriwang sa isang kaarawan.
3. Banghay:
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-
linaw ang temang taglay ng akda.
Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:

 ‌ agkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation or
P
introduction)
 ‌Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan (problem)
 ‌Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa
suliranin (rising action)
 ‌Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (climax)
 ‌Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action)
 ‌Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos
sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:
a. Analepsis (Flashback)-Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
b. Prolepsis (Flash-forward)- Dito nama'y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
c. Ellipsis- May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa
pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
4. Paksa o Tema:
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo.

You might also like