You are on page 1of 7

REVIEWER FOR FILIPINONG LARANG

HUMSS T – NAOMI

ARALIN 1 at 2: Akademikong Pagsulat

“Napakahalagang kasangkapan ang pagsusulut sa pagpapaabot ng pansin sa isang tao ng mga hindi
masabi ng harapan. Ang mayamang bunga ng isipan ng mga dakilang henyo ay nakararating sa tao sa
pamamagitan ng wasto at masining na pagsulat.” (Lorenzo et.al.1997, p.5)

Ayon kay E.B. White at William Strunk sa kanilang aklat na “The Element of Style”, sinabi nila na ang
pagsulat ay matrabaho at mabagal ang proseso sa dahilang ugnayan at koneksyon ng pag-iisip.

Mabilis ang lakbay ng isipan kaysa panulat. Sa likod ng kahirapan sa panunulat, masasabi pa ring ito ay
kasiya-siya, at kapaki-pakinabang. (Alban at Cruz, 1997, p.74)

SOSYO – KOGNITIBONG PANANAW SA PAGSULAT

Ayon kay Kellogg (1994), ang pag-iisip ay kasama na lumikha magmanipula at makipagtalastasan sa iba
ng personal na simbolo ng isip. Ganito rin ang sinabi ni Gillholy (1982,p.1) na ang pag-iisip bilang set ng
mga proseso, at ang mga tao ay bumubuo, gumagamit at nagbabago na simbolikong modelo.

Ang komunidad ng diskurso ay nabuo mula sa pananaw na ang pagsulat ay isang gawang panlipunan.
Ang hinuha ng mambabasa at ang genre na pundamental dito at ang pag-unawa ay nakatuon a pagsulat
ng antas pantersyarya na humiling na ang mga mag-aaral ay kailangang magsulat ng katanggap-tanggap
sa komunidad na pang-akademiko.

Ang modelong kognitibo nina Bereiter at Scardamalia (1987) ay nagbigay ng dalawang panukala sa
pagbuo ng pagsulat.

PROSESO NG PAGSULAT

1. Bago sumulat - ang manunulat ay nagpaplano at nangangalap ng impormasyon o mga datos para sa
kanyang susulatin.

2. Pagsulat ng Burador (Draft) - malayang yugto ng pagsusulat

3. Muling pagsulat - kinakailangang muling sulatin ang burador upang dumaan ito sa proseso ng
Rebisyon at Pagwawasto.

• Rebisyon - pagsusuri ng kabuuang isinusulat upang malaman ang mga bagay na dapat alisin o
baguhin
• Pagwawasto - pagsasaayos ng estruktura ng balarila at mekanismo ng pagsulat.
BAHAGI NG PAGSULAT/TEKSTO

1. PANIMULA/INTRODUKSYON - Kinapapalooban ng impormasyon hinggil sa: (a) kaligiran/background ng


paksa; (b) layunin sa pagsulat; (c) depinisyon ng mga konseptong gagamitin; (d) sa mahahabang sulatin,
maaaring isama ang lagom o overview.

2. KATAWAN - dito inilalahad ang mensahe ng kabuuan ng pagsusulat.

3. WAKAS/KONKLUSYON - Nag-iiwan ng kakintalan sa isip, paghamon sa mambabasa at mensahe ng


kabuuan ng sulatin.

Mga Layunin sa Pagsulat

Ayon kay Antonio

(2005,p.133-134)

EKSPRESIB TRANSAKSYUNAL
pormal na paraan ng pagsulat pormal na paraan ng pagsulat
na may tiyak na target na mambabasa, na may tiyak na target na mambabasa,
tiyak na layunin at tiyak na paksa. tiyak na layunin at tiyak na paksa.
Gumagamit ito ng unang panauhan Gumagamit ng ikatlong panauhan tulad
tulad ng ako, tao, akin, amin, atin, tayo ng siya, sila, nila, niya
Sarili ng manunulat ang target na Ibang tao ang target na mambabasa
mambabasa
Naglalarawan ito ng personal na Hindi masining o malikhain ang
damdamin, saloobin o paniniwala pagsulat. Naglalahad ng katotohanan
na sumusuporta sa pangunahinh ideya.
Nakapaloob ang sariling karanasan. Nagbibigay ito ng interpretasyon sa
panatikan, nagsusuri, nagbibigay ng
impormasyon, nanghihikayat,
nagtuturo o nagbibigay ng mensahe.
Malaya ang paraan ng pagsulat dito. Kontrolado ang paraan ng pagsulat
dahil pormal ang estilo na kailangang
sundin.
Uri ng Pagsulat

1. Teknikal na pagsulat - nagbibigay impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin

2. Referensyal na pagsulat - uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagsusuri o nagbibigay ng impormasyon.

3. Journalistik na pagsulat - uri ng pagsulat ng balita, kadalasang sumasagot sa mga tanong na sino, ano,
kalian, saan, bakit at paano.

4. Malikhaing pagsulat - masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang bibigyang- pansin


ang wikang ginagamit sa susulatin.

5. Akademikong pagsulat - isinasagawa sa akademikong institusyon na kinakailangan ng mataas na antas


ng kasanayan sa pagsulat. Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon.

Aralin 3: ABSTRAK

Ayon sa aklat ni Atacio H.C. et al., 2009, ang halaw ay pinaikling deskripsyon ng isang pahayag o sulatin.
Sa sulating pampanitikan maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahalagang sulatin, aklat, diyalogo,
sanaysay, pelikula at iba pang hinango ang kaisipan upang mabigyang-diin ang pahayag o gamitin bilang
sipi.

Gayundin, ang abstrak ay isang maikling buod na inilalagay sa unahan ng panimula o introduksyon ng
isang tesis o disertasyon. Nakatutulong ito sa mga mambabasa na malaman agad ang layunin ng
isinasagawang pag-aaral.

Ang abstract ay nagmula rin sa salitang “Abstractus”, salitang Latin na ang ibig sabihin ay drawn away o
extract from.

Isa rin ang maikling buod na naglalarawan sa pangunahing ideya o nilalaman ng teksto gaya ng artikulo,
aklat, tesis o disertasyon. (Batay sa aklat ni Astorga, Jr. E. R at Nucasa, W. P., 2010)

Gawing gabay ang mga sumusunod na terminolohiya:

1. BUOD - Ito ay ang muling pagpapahayag ng mga ibinigay na impormasyon sa maikling pamamaraan.
(Hango sa aklat ni Bernales et al., 2013)

2. Layunin at Kahalagahan - Kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon
nito sa napiling larangan. Gayundin kung sino ang makikinabang at posibleng implikasyon ng pag-aaral.
(Batay sa aklat ni Astorga, Jr. E. R at Nucasia, W. P., 2010)
3. Resulta - Mahalagang datos na kinalabasan ng pag-aaral

4. Konklusyon - Inilalarawan ang resulta o ang kinalabasan ng pag-aaral.

5. Rekomendasyon - obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga mungkahi ang


mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang mananaliksik

MGA BAHAGI/NILALAMAN NG ISANG ABSTRAK

1. Kaligiran at Suliranin – tinatalakay kung kalian, paano at saan nagmula ang suliranin.
2. Layunin – dahilan sa pagsasagawa ng pag-aaral at kung paano makatutulong ang pag-aaral sa
paglutas ng suliranin.
3. Pokus – ibinabahagi dito ang paksang binibigyang-diin sa pananaliksik.
4. Metodolohiya – maikling paliwanag tungkol sa paraan o estratehiyang ginamit.
5. Kinalabasan at Konklusyon – tiyak na datos na nakalap sa pananaliksik, Kwaliteytib o
kwantiteytib at kung matagumpay ba o hindi ang isinagawang pananaliksik.

DALAWANG URI NG ABSTRAK

DESKRIPTIBONG ABSTRAK - inilalarawan ang mga pangunahing puntos ng proyekto sa mambabasa.


Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang ng isang daang salita.

IMPORMATIBONG ABSTRAK - Marami sa mga abstrak na sulatin ay impormatibo ang uri. Halos lahat ng
gabay ng abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri.

ARALIN 3: BUOD O SINTESIS

Ang buod ay maari ring ituring na sinopsos, ito ay isang maikling buod ng isang paksa. Ito’y nasa anyong
patalata at hindi sa anyong pabalangkas. Maikli lamang ang buod subalit malaman. Karaniwan itong
ginagamit na panimula sa mga akdang pampanitikan para maipakita ang pangunahing daloy ng banghay
sa simpleng pamamaraan. Ginagamit din ito sa nobela sa pamamagitan ng pagpapaikli ng buong nobela
mula sa simula hanggang sa wakas gayundin sa manuskrito at sa anumang aklat. (Batay sa aklat ni
Astorga, Jr. E. R at Nucasa, W. P., 2010)

Ayon naman sa How to write an effective summary (2008), ang buod o sintesis na madalas ding
tawaging lagom ay muling pagpapahayag ng mga ibinibigay na impormasyon sa maikling pamamaraan.
1. Conciseo – pinaikli na naaayon sa kahingian ng gawaing paglalagom
2. Akyureyt – malinaw sa mambabasa ang tekstong binasa upang muling maipahayag ang wastong
detalye.
3. Objective – punto de vista lamang ng awtor ang maaaring lumitaw at hindi ang sa mambabasa
na siyang gumagawa ng buod. Samakatuwid, ipinakikilala ang pinakapunto ng tekstong binasa,
(Hango sa aklat ni Bernales et al., 2013)

PAGKAKAIBA NG BUOD, SINTESIS, AT ABSTRAK

▪ Buod – paglalagom/pagpapaikli o pinasimpleng kabuuan ng anumang sulatin.


▪ Sintesis – pagbuo/kolekta ng iba’t ibang detalye galling sa iba’t ibang resources kung saan
nagdedetalye ng paksa.
▪ Abstrak- pasiksik na detalye ng isang pananaliksik/pag-aaral

HAKBANG SA PAGBUBUOD

❖ Pagbasa – pagbasa ng kabuuan isang teksto/sulatin


❖ Pagpili – paghihimay/pili ng mga mahahalagang detalye
❖ Pagsulat – paunang pagsulat ng mga nahimay na mahahalagang detalye sa teksto/sulatin
❖ Pagpapares – pagkukumpara ng nasulat na detalye sa orihinal na nilalaman ng teksto, tinitingnan
kung may nakaligtaan ba na mahalagang datos.
❖ Pagproseso ng sulatin – pinal na pagsasaayos ng buod ng kabuuang binasang sulatin.

Aralin 5: BIONOTE AT AWTOBIOGRAPIYA

Ang kahulugan ng salitang bio ay “buhay” na nagmula sa salitang Greek Bios “buhay” na may kaugnayan
sa salitang latin na Vivus “buhay” at Sanskrit na “jivas”.

Ang bionote ay maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor na maaaring makita sa
likuran ng pabalat ng libro, at kadalasa’y may kasamang litrato ng awtor.

Samantalang sa awtobiograpiya ay inilulugar ng may akda kung sino siya bilang manunulat. Nagsisimula
siya sa pamamagitan ng paglulugar at pagbabalangkas ng kanyang karanasan at gunita.

Ayon kay Cristina Pantoja-Hidalgo, itinuturing ang awtobiograpiya bilang isang obra ng buhay o lifework.
Ang mga pangyayari sa isang awtobiograpiya ay hindi lamang pagbabalangkas ng karanasan ng may-akda
kundi pagpapahalaga rin sa mga pangyayaring ito sa buhay ng may-akda.

Biograpiya - Ayon kay Edmund Gosse, ang biograpiya ay “isang matapat na pagpipinta sa kaluluwa ng
tao batay sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay” (Nicolson 1968, 143). Ibig sabihin, ito ay mula
pagsilang, pagtanda at pagkamatay ng tao.
Aralin 6: PANUKALANG PROYEKTO

Ito ay isang proyekto na iminumungkahing isagawa dahil sa nakitang kinakailangan ng pagkakataon.


Upang makamit ang inaasam, kinakailangan kung minsan ang paghingi ng tulong na pinansyal para
maisagawa ang isang proyekto.

Bahagi Paliwanag Ilang Karagdagang Patnubay


1. Pangalan ng Proyekto Makikita sa pangalan ng Isa-isahin dito ang mga baryabol
proyekto ang malinaw na ng proyekto.
isasagawang proyekto, kung
saan isasagawa at kung
sino/alin ang mga tatanggap.
2. Proponent ng Proyekto Sa bahaging ito ay ipinapakilala Tiyakin na lahat ng kasangkot sa
kung sinong indibidwal o aling pagpapanukala ng proyekto ay
organisasyon ang maitala.
nagmumungkahi ng proyekto.
Ibabahagi rin rito ang tirahan,
telepono, at tungkulin ng utak
ng proyekto.
3. Klasipikasyon ng Proyekto Ilarawan kung sa aling gawain Suriing mabuti ang kabuuan ng
kabilang ang panukalang proyekto. Mas mainam na iba-
proyekto. (Ito ba ay pang- ibang proyekto kada taon ang
agrikultura, pang edukasyon, isagawa.
pang kalusugan o iba pa)
4. Kabuuang ponding kailangan Isa-isang itala ang lahat ng mga Magsaliksik ng mga ahensiya ng
kagastusan at ang kabuuang gobyerno mga foundation,
ponding kinakailangan upang pribado at boluntaryong
matagumpay na ahensiya na maaaring maging
maisakatuparan ang proyekto. donor.
5. Rasyonale ng Proyekto Ito ang batayan ng pagsasagawa Kung nasaan ang problema.
ng proyekto. Ipinapakita rito Isinasaad dito ang pakay na
ang kahalagahan ng panukalang grupo (mga makinabang), ang
proyekto. Ang bahaging ito ang sektor, ang lawak o laki, at iba
susuporta kung bakit kailangan pang mga kasama sa paglunas
ang proyekto. sa problema.
6. Deskripsyon ng Proyekto Ang proyekto ay ilalarawan Makatotohanang ilarawan ang
nang malinaw. kailangan ng proyekto. Huwag
haluan ng kasinungalingan o
pagyayabang.
7. Layunin ng proyekto Isasaad din ang layunin sa Unahin ang mga
pagsasagawa ng gawain at “goals” na pangkalahatan, pang
ilalahad ang kalendaryo ng mga mahabang panahon at malawak
gawain. na adhikain.
8. Mga kapakinabangang Ilahad kung sino ang Makikita dapat kung gaano
dulot makikinabang at isasaad din ang matutulungan ang ga
mga kapakinabangang makikinabang sa proyekto.
makukuha matapos ang
proyekto.
9. Kalendaryo ng Gawain Ang bahaging ito ay Dapat ito ay sunod-sunod at
magpapakita ng lahat at sunod- may kaakibat na mga petsa at
sunod na gawain tungo sa mga taong kasangkot.
pagsasakatuparan ng mga
layunin.
10. Lagda Lahat ng taong kasangkot sa Ang bahaging ito ang
panukalang proyekto ay lalagda magpapatunay na pinagtibay na
upang mapatibay ang ang pagsasagawa ng proyekto.
panukalang proyekto.

You might also like