You are on page 1of 5

ARALIN 1: TEKSTONG IMPORMATIBO ✓PAGBIBIGAY-DIIN SA MAHAHALAGANG

SALITA SA TEKSTO - Nagagamit dito ang mga


•Uri ng babasahing di piksiyon.
estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
•Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng teksto na nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na
may layuning magbigay ng mahalagang madaling makita o mapansin ang mga salitang
impormasyon o kaalaman sa mga mambabasa. binibigyang-diin sa babasahin.

•Ito ay karaniwang ginagamit sa larangan ng pag- ✓PAGSULAT NG MGA TALASANGGUNIAN


aaral, pamamahayag, at iba pang akademikong (BIBLIOGRAPHY) - Karaniwang inilalagay ng
konteksto mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga
aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit.
•Sa pamamagitan ng tekstong impormatibo, Upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang
malawakang nailalathala ang mga datos, pagsusuri, naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.
pangyayari, at iba pang mahahalagang impormasyon
na maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
mambabasa.
1) PAGLALAHAD NG TOTOONG
•Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang PANGYAYARI/KASAYSAYAN - Sa uring ito ng
makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, teksto inilalahad ang mga totoong pangyayaring
textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad naganap sa isang panahon o pagkakataon.
ng encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang web site sa
internet. •Ang uring ito ng teksto ay karaniwang sinisimulan
ng manunulat sa isang mabisang panimula o
ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO introduksiyon.

1)LAYUNIN NG MAY AKDA - Nakalagay dito ang •Kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito
pangunahing ideya sa paraan ng paglalagay ng ang pinakamahahalagang impormasyon tulad ng
pamagat. kung sino, ano, saan, kailan, at paano nangyari ang
inilalahad.
•Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa
pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. •Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa
bahaginaman ng katawan, at karaniwang nagtatapos
•Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang sa isangkongklusyon
kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng 2) PAG-UULAT PANG-IMPORMASYON - Sa
maraming bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik; uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o
at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang
uri ng insekto, hayop, at iba pang nabubuhay; at iba bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa
pa. mga pangyayari sa paligid.

2) PANGUNAHING IDEYA - Dito naman •Ang ilang halimbawa ay mga paksang kaugnay ng
inilalahad kung tungkol sa ano ang tekstong teknolohiya, global warming, cyberbullying, mga
impormatibo. hayop na malapit nang maubos, impormasyong
kaugnay ng mga halaman, at iba pa.
•Di tulad ng tekstong naratibo na hindi agad
inihahayag ng manunulat ang mga mangyayari upang 3) PAGPAPALIWANAG -Ito ang uri ng tekstong
mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o
ng akda, sa tekstong impormatibo naman ay dagliang bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
inilalahad ang mga pangunahing ideya sa
mambabasa. •Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga
impormasyong nagsasaad kung paano humantong
•Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng ang paksa sa ganitong kalagayan. •Karaniwan itong
pamagat sa bawat bahagi – tinawatag din itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart
organizational markers na nakatutulong upang agad na may kasamang mga paliwanag.
makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing
ideya ng babasahin. •Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop
at insekto tulad ng paruparo, palaka, at iba pa
3) PANTULONG NA KAISIPAN - Mahalaga rin
ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na ARALIN 2: TEKSTONG DESKRIPTIBO
kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa •Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging
isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais subhetibo o obhetibo.
niyang matanim o maiwan sa kanila.
•Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang
4)MGA ESTILO SA PAGSULAT, manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at
KAGAMITAN/SANGGUNIANG halos madama na ng mambabasa
MAGTATAMPOK SA MGA BAGAY NA
BINIBIGYANG-DIIN - Makatutulong sa mga mag- •subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa
aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa kanayng mayamang imahinasyong at hindi nakabatay
sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng Sa isang katotohanan sa totoong buhay.
mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin
sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod: •Halimbawa: Sa gulang na dalawampu ay maaaninag
sa binata ang kasipagan dahil sa matipunong
✓PAGGAMIT NG MGA NAKALARAWANG pangangatawan at magaspang na palad na pinanday
REPRESENTASYON - Makatutulong ang paggamit ng kahirapan
ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan,
•Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y may
time line, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-
pinagbatayang katotohanan.
unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.
•Halimbawa: Ang perpektong kono ng Bulkang ✓Ang mabuting magulang ay
Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng mga nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak
turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa
at mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa kanilang mga magulang.
bansa.
5. Kohesyong Leksikal – Mabibisang salitang
ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO
ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
•Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa kohesyong. Maaari itong mauri sa dalawa: ang
isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag reiterasyon at ang kolokasyon.
nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang
a.Reiterasyon – Kung ang ginagawa o sinasabi ay
orihinal na pinagmulan ng larawan.
nauulit nang ilang beses.Maaari itong mauri sa tatlo:
GAMIT NG COHESIVE DEVICES SA pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay
PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO kahulugan.

•Cohesive Devices (Kohesyong Gramatikal) – 1)Pag-uulit o repetisyon – Maraming bata ang hindi
ginagamit upang maiwasan ang paulit-ulit na nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
paggamit ng panggalan o salitang ginagamit sa nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
pagpapahayag.
2)Pag-iisa-isa – Nagtatanim sila ng mga gulay sa
•Ang mga ito kasi ay mahalaga sa pagbibigay ng mas bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw,
malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa kalabasa, at ampalaya.
isang teksto.
3)Pagbibigay-kahulugan – Marami sa mga atang
•Ang limang pangunahing cohesive devices o manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha.
kohesyong gramatikal ay ang sumusunod: Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit
reperensiya (reference), substitusyon ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
(substitution), ellipsis, pangugnay , at leksikal.
b.Kolokasyon – Mga salitang karaniwang nagagamit
1)Reperensiya (Reference) – Ito ang paggamit ng nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa
mga salitang maaaring tumukoy o maging kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat
pangungusap
•Halimbawa: ✓nanay – tatay , guro – mag-aaral,
•Maaari itong maging anapora (kung kailangang hilaga – timog doctor – pasyente
bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ✓puti – itim, maliit – malaki, mayaman – mahirap
ang tinutukoy)
ARALIN 3: TEKSTONG NARATIBO
*Nauna ang pangalan kaysa sa panghalip •Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o
•O kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga
malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang
ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto). tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod
mula simula hanggang katapusan.
2. Substitusyon (Substitution) – Paggamit ng ibang
salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. MGA KATANGIAN NG TEKSTONG NARATIBO
•Halimbawa: •Ang bawat uri ng tekstong ito ay may kanya-
✓Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kanyang taglay na katangian subalit ang mababasa
kita ng bago. (Ang salitang aklat sa unang mo sa ibaba ay pangkalahatang katangiang taglay ng
pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa bawat uri ng tekstong naratibo
ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y
parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat. MAY IBA 'T IBANG PANANAW O PUNTO DE
VISTA (POINT OF VIEW) SA TEKSTONG
3. Ellipsis – May binabawas na bahagi ng NARATIBO
pangungusap subalit inaasahang maiiintindihan o •Sa pagsasalaysay o pagkukuwento ay may mga
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang matang tumutunghay sa mga pangyayari.
pangungusap dahil makatutulong ang anumang •Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng pananaw sa pagsasalaysay.
nawalang salita. •Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo
ay ang una at ikatlong panauhan. Bibihirang-bihirang
•Halimbawa: magamit ang ikalawang panauhan.
✓Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y •Sa mas mahahabang naratibo tulad ng nobela ay
tatlo. (Nawala ang salitang bumili gayundin ang maaaring hindi lang iisa kundi nagbabago-bago ang
salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit ginagamit na pananaw
naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina,
siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na 1.UNANG PANAUHAN – Sa pananaw na ito, isa sa
ito sa unang bahagi) mga tauhan na nagsasalaysay ng mga bagay na
kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kayâ
4. Pang-ugnay – Nagagamit ang mga pang-ugnay gumagamit ng panghalip na akó
tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay na sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. 2. IKALAWANG PANAUHAN – Dito mistulang
kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw
•Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng niya sa kuwento kaya't gumagamit siya ng mga
mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi,
mga pinag-ugnay. hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
•Halimbawa: kanilang pagsasalaysay
3. IKATLONG PANAUHAN – Ang mga 1.TAUHAN – Lahat ng tekstong naratibo ay
pangyayari sa pananaw na ito isinasalaysay ng isang nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng
taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan.
na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya. •Ang Mahirap itakda ang bilang ng tauhang magpapagalaw
tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nása sa tekstong naratibo ang pangangailangan lámang ang
labas siya ng mga pangyayari maaaring magtakda nito.

•May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw: • May dalawang paraan sa pagpapakilala ng taunan –
✓Maladiyos na panauhan – Nababatid niya ang ang expository at ang dramatiko.
galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok
niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya •Expository kung ang tagapagsalaysay ang
ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan
mga mambabasa. at dramatiko naman kung kusang mabubunyag ang
karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.
✓Limitadong panauhan – Nababatid niya ang
iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi •Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay
ang sa iba pang tauhan. ang sumusunod:

✓Tagapag-obserbang panauhan – Hindi niya a.Pangunahing Tauhan – Sa pangunahing tauhan o


napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula
damdamin ng mga tauhan. simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa
lamang ang pangunahing tauhan.
• Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga
pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang b.Katunggaling Tauhan– Ang katunggaling tauhan
isinasalaysay o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan.
4.KOMBINASYONG PANANAW O PANINGIN –
Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't c. Kasamang Tauhan – Gaya ng ipinahihiwatig ng
iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang
pagsasalaysay. kasáma o kasangga ng pangunahing tauhan.

•Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung d. Ang May-akda – Sinasabing ang pangunahing
saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa
mahabang panahon at mas maraming tauhan ang kabuoan ng akda.
naipakikilala sa bawat kabanata
•Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat,
MAY PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa
DIYALOGO, SALOOBIN, O DAMDAMIN SA isang tekstong naratibo tulad ng:
TEKSTONG NARATIBO
a.Tauhang Bilog (Round Character) – Isang
•May dalawang paraan kung paano inilalahad o tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw
ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang diyalogo, ang personalidad.
saloobin, at damdamin:
b. Tauhang Lapad (Flat Character) – Ito ang
1.Direkta o Tuwirang Pagpapahayag – Sa ganitong tauhang nagtataglay ng isa o dadalawang katangiang
uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o madaling matukoy o predictable. •Madaling
tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang
diyalogo, saloobin, o damdamin. kanyang mga ikinikilos at maituturing na stereotype
tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina,
tin-edyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa.
•Ito ay ginagamitan ng panipi.
2. TAGPUAN AT PANAHON – Ang tagpuan ay
•Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging
tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang
natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng
mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon
mga tauhan.
(oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa
kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.
2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag – Ang
tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, naiisip, o
3. BANGHAY – Ito ang tawag sa maayos na daloy o
nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga
pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi
tekstong naratibo upang mabigyang - linaw ang
temang taglay ng akda.
ELEMENTO NG TEKSTONNG NARATIBO
•Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o
balangkas ng isang naratibo:
•Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong
naratibo ay ang pagkukuwento kayâ naman taglay ng ✓Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan
mga ito ang mahahalagang elementong lalong maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema
magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at (orientation or introduction) ✓Pagpapakilala sa
nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan
partikular ang pangunahing tauhan (problem)
•Sa mga elementong ito rin makikita kung paano ✓Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa
naihahabi o pumapasok ang mga tekstong pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa
deskriptibo. paglutas sa suliranin (rising action)
✓Paatuloy sa pagtaas ang pangyayaring
humahantong sa isang kasukdulan (climax)
✓Pababang pangyayaring humahantong sa isang •Sa pagsulat ng tekstong prosidyural,
resolusyon o kakalasan (falling action) kailangang malawak ang kaalaman sa paksang
✓Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas tatalakayin. •Nararapat ding malinaw at tama
(ending) ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang
hindi malito o magkamali ang gagawa nito.
•Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa
kumbensiyonal na simula-gitna- wakas. •Ang isa pang dapat tandaan ay ang paggamit
ng mga payak ngunit angkop na salitang
•May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong madaling maunawaan ng sinumang gagawa.
kalakaran at tinatawag na anachrony o mga
pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang
pagkakasunod sunod.
•Nakatutulong din ang paglalakip ng larawan o
ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang
•Mauuri ito sa tatlo: higit na maging malinaw ang pagsasagawa sa
a. Analepsis (Flashback) – dito ipinapasok ang mga mga hakbang.
pangyayaring naganap sa nakalipas.
•Dapat pakaisiping layunin ng tekstong
b. Prolepsis (Flash-forward) – dito nama'y prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang
ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa isang gawain upang maisagawa ito nang maayos
lang sa hinaharap. at tumpak, kaya nararapat lamang na maisulat ito
sa paraang simple, malinaw, at mauunawaan ng
c. Ellipsis – may mga puwang o patlang sa lahat.
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na
PASADAHAN ( SIR LALATA)
tinanggal o hindi isinama

3. PAKSA AT TEMA – Ito ang sentral na ideya kung TEKSTONG ARGUMENTATIBO


saan umikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo. - Nangungumbinsi batay sa datos impormasyon

•Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng Nakahihikayat dahil sa merito ng mga ebidensya
akda upang mapalutang ng may-akda ang
pinakamahalagang mensaheng nais niyang May Obhetibong tono sa paglalahad
maiparating sa kanyang mambabasa.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
•Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga,
mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang
pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamumuhay
1. Pumili ng Paksa
at pakikisalamuha sa kapwa
2. TIMBANGIN ANG NAIS PANINDIGAN
ARALIN 4: TEKSTONG PROSIDYURAL
3. MANGALAP NG EBIDENSYA NA SUSUPORTA
•Isang espesyal na uri ng tekstong expository SA PANIG
ang tekstong prosidyural.
4. GUMAWA NG BORADOR
•Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa
pagbuo ng isang gawain upang matamo ang 5. BASAHING MULI ANG ISINULAT UPANG
inaasahan. MAIWASTO ANG DAPAT NA MAIWASTO

•Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang 6. MULING ISULAT ANG TEKSTO PARA SA PINAL
isang bagay. NA SULATIN

•Layunin nitong maipabatid ang mga wastong MGA IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG
hakbang na dapat isagawa. NATALAKAY:
1. IMPORMATIBO
•Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang 2. DESKRIPTIBO
sinasabi nilang do-it-yourself o ‘yung mga 3. NARATIBO
bagay na sa halip na kumuha ng iba pang
4. PROSIDYURAL
gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa,
5. PERSUWEYSIB
nararapat lamang na marunong tayong umunawa
sa mga prosidyur na nakalakip dito. 6. ARGUMENTATIBO
MGA LAYUNIN:
•Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang 1.IMPORMATIBO- maglahad ng
gagabay sa atin upang matagumpay na impormasyon
maisagawa ang isang bagay. 2. DESKRIPTIBO -maglahad ng paglalarawan
•Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa 3. NARATIBO- maglahad ng kuwento
mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon
tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur 4. PROSIDYURAL- maglahad ng proseso o
na mauunawaan ng lahat. pamamaraan
5. PERSUWEYSIB- manghikayat gamit ang Hal: ipagpapatuloy ko ang nasimulan ni FPJ –
opinion Grace Poe
6. ARGUMENTATIBO- manindigan gamit ang
4. TESTIMONIAL - kapag ang sikat na
datos o impormasyon
personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang
tao o produkto
TEKSTONG PERSUWEYSIB 5. PLAIN FOLKS - ginagamit sa kampanya o
-isinusulat upang mabago ang takbo ng isip ng komersyal kung saan ang mga kilala o tanyag na
mambabasa tao ay pinalalabas na ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto o serbisyo.
-upang makumbinsi ang mga mambabasa na
paniwalaang ang punto ng manunulat ay ang 6. CARD STACKING - ipinapakita nito and lahat
siyang tama o wasto ng magagandang katangian ng produkto ngunit
hindi binabangit ang hindi magandang
- May subhetibong tono sapagkat malayang katangian. HAL: instant noodles
ipinapahayag ng manunulat ang pagkiling sa
isang panig na pinaniniwalaan - taglay nito ang 7. BANDWAGON - panghihikayat kung saan
isang personal na opinion patungkol sa isyu hinihimok ang lahat na gamitin ang isang
TATLONG PARAAN NG PANGHIHIKAYAT AYON produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang
KAY ARISTOTLE lahat ay sumali na.

1. ETHOS - tumutukoy sa kredibilidad ng HAL: buong bayan ay nagpeso padala na


manunulat
- dapat makumbinsi ng manunulat ang
mambabasa na siya ay may malawak na
kaalaman at karanasan
2.PATHOS - tumutukoy sa paggamit ng
damdamin o emosyon upang mapaniwala sa
panig ng manunulat ang mga mambabasa
- karaniwang gamit sa kuwento
3. LOGOS - tumutukoy sa paggamit ng lohika
upang makumbinsi ang mambabasa
- kailangang mapatunayan ng manunulat na
batay sa mga impormasyon at datos na kanyang
nakalap ang kanyang mga inilalatag na punto
IBA’T IBANG MGA PROPAGANDA DEVICES
1. NAME-CALLING
2. GLITTERING GENERALITIES
3. TRANSFER
4. TESTIMONIAL
5. PLAIN FOLKS
6. CARD STACKING
7. BANDWAGON

1. NAME-CALLING - pagbibigay ng hindi


magandang taguri sa isang produkto o
katunggaling produkto.

Hal: pekeng sabon, bagitong kandidato

2. GLITTERING GENERALITIES - magaganda at


nakasisilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa

Hal: Bossing sa kaputian

3. TRANSFER - pagamit ng sikat na personalidad


upang mailipat sa isang produkto o tao ang
kasikatan.

You might also like