You are on page 1of 9

1

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Ika- Limang Linggo

Pangalan ng Mag-aaral:__________________________________________________
FILIPINO/Taon at Seksiyon: ____________________________________________
Petsa: ___________________________________

I. Panimulang Konsepto

PANGANGALAP NG DATOS
Mapanaliksik na araw saiyo!

Kumusta? Alam kong mapanaliksik ang buhay-estudyante ng Senior High School,


kaya naman sa sanayang papel na ito tutulungan ka na matututuhan mo ang tamang
pagkuha ng mga datos sa iyong pananaliksik at upang mapaunlad ang sarili mong
tekstong isusulat. Maaari mo ring iugnay ang mga kaiisipang nakapaloob sa iyong
binasang teksto sa iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Daraanan natin
sa pagtalakay ang mga salitang itong dapat ninyong tandaan.

DATOS- Ang koleksyon ng mga elemento o mga kaalaman na ginagamit sa mga eksperimento,
pagsusuri, pag-aaral ng isang bagay (brainly.ph.florencemay esp.).

ISKANING- Ito ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinakda bago bumasa (De-Laza, Crizel,2016)
ISKIMMING- Ito ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang
teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano
ang pananaw at layunin ng manunulat (De-Laza, Crizel,2016)

PANGANGALAP NG DATOS
Hindi lamang sa pagbuo ng isang pananaliksik ginagamit ang pangangalap ng datos.
Sapagkat ito ay maaaring gamitin din sa ibang anyo ng sulatin lalo na at nangangailangan ito ng
pagpapaliwanag, pagbibigay ng patunay at marami pang iba. Ang datos ang nagiging sustansiya
ng isang tekstong impormatibo dahil sa diwa at bigat ng impormasyon na nakapaloob dito.
Kailangang ito ay inihahanay sa isang maayos na paraan.

1. Naalala mo pa ba ang ilang istratehiya at pamamaraan sa pagbasa?

Mayroon tayong pitong (7) istratehiya sa pagbabasa, paaral na pagbasa, iskaning,


iskimming, komprehensibo, kritikal, pamuling-basa, at basang-tala.

1
RO_Filipino_SHS PAGBASA_Q2_LP 5
ginagawa sa pagkuha ng Ito ay mabilisang pagbasa madaliang pagbabasa na
mahahalagang detalye. ng isang teksto na ang aAng layunin ay alamin
isinasagawa upang pokus ay hanapin ang ang kahulugan ng
kabisaduhin ang aralin at ispesipikong kabuuang teksto, kung
ang pangunahing kaisipan impormasyon na itinakda paano inorganisa ang mga
ng teksto. bago bumasa ideya o kabuuang
diskurso ng teksto...
Paaral na
Iskaning Iskimming
Pagbasa

ito ang pagtingin sa itinatala ang mga


iniisa-isa ang bawat paulit-ulit na pagbasa kawastuhan at nasusumpungang
detalye at inuunawa ng mga klasikong akda. katotohanan ng kaisipan o ideya upang
ang kaisipan ng pagsasaulo ng mga tekstong binabasa madaling makita kung
binabasa. impormayon sa binasa. upang maiangkop sa sakaling kailangang
masinsinang sarili o ito ay balikan.
pagbabasa maisabuhay.

Komprehensibo Pamuling- Basa


Kritikal Basang-Tala

2. Ano-ano ang uri ng pinaghahanguan ng mga datos?

Ang pangangalap ng datos ay may tatlong mapaghahanguan ang hanguang primarya,


hanguang sekondarya at hanguang elektroniko. Ang primarya ay yaong mga tao, awtoridad,
grupo o organisasyon, kaugalian at mga pampublikong kasulatan. Ang sekondarya ay ang mga
nakatala sa aklat, diksyunaryo, ensayklopedya, mga artikulo, journal, pahayagan, tesis at marami
pang iba. Ang elektroniko ay yaong makukuha natin sa internet, web page, at mga URLs.

3. Alam mo ba ang mga tuntunin sa pagkuha, paggamit at pagsasaayos ng datos?

Ito ay ang mga sumusunod: konsiderasyon sa pangalan at paggamit ng mga datos,


direktang sipi, hawig o paraphrase, paggamit ng ellipsis, synopsis, presi.

Bawat tuntunin ay may mahalagang papel sa pagkuha at pagsasaayos ng isang datos


upang ang iyong isusulat na teksto ay maging mabigat at

4. Paano ito kinukuha at sinisipi upang mas maging maganda ang kalalabasan ng
iyong isusulat na teksto?
a. Konsiderasyon sa pangalan at paggamit ng mga datos - pagkilala sa taong pinaghanguan
ng ideya sa pamamagitan ng paglalagay nito ng talababa-bibliograpiya at parentetikal-
sanggunian.
2
RO_Filipino_SHS PAGBASA_Q2_LP 5
Julian, A.B. & N.S. Lontoc (2015) Lakbay ng
Lahing Pilipino 4. Quezon City: Phoenix
Publishing House
b. Direktang Sipi- isinusulat kung tuwirang kinopya o sinipi lahat ng salita mula sa
sanggunian (https://brainly.ph/question/400606).

Ayon kay Pangulong Duterte, “Hindi ako iniluklok


upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao, o
anumang pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan ko
ang bawat isa at hindi ang isa lang “.

c. Paggamit ng Ellipsis (…) - ito ay ang tatlong magkakasunod na tuldok na matatagpuan


sa loob ng isang pangungusap. Ito ay nagpapakita ng pagputol ng bahagi ng isang
pahayag ngunit hindi nagbabago ang diwa ng pangungusap
(https://brainly.ph/question/1136431#readmore).

Ipinasya niyang manahimik…upang maiwasan niyang


makapagbitiw ng mga masasakit na salita.

Sa halimbawang ito, maaaring ang pinutol na salita ay: “na


lang sa mga walang -saysay na usapan at sagutan nilang
magkapitbahay”

d. Sinopsis - Ninanais nitong magbigay ng pananaw hinggil sa isang paksa. Ito ay


pinagsama-sama ang mga pangunahing ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang
sariling pangungusap (https://brainly.ph/question/461413)

Ang paglinang ng mga materyales at sangguniang panturo na ginagamit


sa iba’t ibang asignatura ay nangangahulugan lamang ng pangangailangan sa
pasasaling-wika o translation ng mga teksto mula sa Ingles tungo sa Filipino.
Ayon kay Sibaya at Gonzales (1991), magsisilbing isang pangunahing
pamamaraan ang pagsasaling-wika upang ganap na makamit ang
intelektwalisasyon ng wika. Sa madaling salita, malaki ang tungkulin ng
pagsasaling-wika sa pagbuo ng pambansang kamalayan at sa pagsabay sa
makabagong takbo ng buhay daigdig (https://prezi.com/ij64u92qzzry/sinopsis-o-
buod/)

e. Presi (Precise)- ang paggamit nito ay pinanatili ang orihinal na ayos ng ideya o ang punto
de bista ng may-akda. Maaaring gamitin ang mga susing salita o key words ng orihinal na
3
RO_Filipino_SHS PAGBASA_Q2_LP 5
manunulat.
Ang disisiyete ay puno ng buhay, abala sa goodtime at paporma,
yugyugan sa disco at sounds. Hindi para kay Emmanuel Lazo. Sa gulang na
disisiyete’y nakaburol na siya sa Malate Church, namamaga ang noo dahil ang
balang pumasok sa ulo’y di na nakalabas, putok ang mga labing nasubsob sa
kalsada, duguan ang knapsack. Kagaya siya ng karaniwang bangkay na
pinapangit ng kamatayan pero ang kamatayan niya’y lubhang pinapangit ng
pangyayaring ang mga pumatay sa kanya’y maaring ‘di na matagpuan
kailanman. Siya ang pinakahuling biktima ng mahabang listahan ng mga
estudyanteng napatay sa rally.
Hinalaw sa KWENTONG BYAHE
https://emanzky88.wordpress.com/tag/
emmanuel-lazo/

f. Hawig o Paraphrase- isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak
na salita ng manunulat. Ito ay pag-uulit ng talata sa sariling pangungusap na hindi
gaanong teknikal subalit kasinghaba rin ng orihinal.

Orihinal na Teksto Hawig

Kulang ang lugar o setting ay Ang varayti ng pasulat at pasalitang wika


nakakaapekto sa varayti ng paggamit ng ay natutukoy ayon sa kapaligiran at
wika sa pagsalita o pagsulat ng isang personalidad ng taong gumagamit nito.
komunidad, gayundin ang katangiang
personal ng bawat nakikipag

Tandaan lamang…

Huwag kalimutang ilagay ang sanggunian o banggitin kung kanino galing ang ginamit
o sinipi mong datos o mga pahayag, maaari mong isulat ang pinagkunan mo ng impormayon
sa ibabang bahagi ng isang akda o pahayag.
Pansinin sa mga halimbawa ang paggamit ng panipi (“”) sa pagkuha ng
eksaktong pahayag ng isang tao na gagamitin mo sa iyong isusulat upang maging
mabigat ang iyong teksto.

Mahalaga ang pangangalap ng datos sapagkat ginagamit ito sa mga pag-aaral.


Kung alam natin ang mga datos sa iba't ibang bagay, madali ang paggawa ng mga
plano. Mas nakakagawa din ng mga pananaliksik. Ang mga halimbawa ng datos ay
bilang ng mag-aaral, populasyon, at iba pa. Dahil din sa datos mas nagiging tiyak ang
pag-aaral.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELC


4
RO_Filipino_SHS PAGBASA_Q2_LP 5
Pagkatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat (F11EP-IIId-
36).
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig. (F11PB-IIId-99).

III. Mga Gawain

PAGSANAYAN MO: Pagsasanay 1

A. Panuto: Basahin ang halimbawang teksto. Mula sa binasa sagutin ang mga
katanungan sa ibaba. Isulat sa kuwaderno ang kasagutan.

PINGGANG PINOY
Ayon sa resulta ng National Nutrition Survey (NNS) noong 1993-2014, kahit pa
bumaba ang bilang ng matatandang edad 20 taong gulang pataas na mayroong
Chronic Energy Defecient (CED), hindi pa rin ito nababawasan.
Ang taong may CED ay yaong mayroong mababang nakaimbak na enerhiya dahil
sa kawalan ng wastong nutrisyon. Noong 2013, ipinakikita ng resulta sa sarbey na
isinasagawa na bawat isa sa 10 Pilipino ay mayroong CED. Tinatayang mas may
kakulangan sa enerhiya ang ang kababaihan kaysa sa kalalakihan.
Samantala, ang paglala ng kaso ng obesity sa matatandang Filipino noong 2013
na tatlo sa bawat sampung katao ang maikokonsiderang obese. Tinitingnan bilang
panganib sa kalusugan ang abnormal na pagdagdag ng taba, pangunahing dahilan
sa maling uri ng pagkain na siyang nagdudulot ng obesity.
Ayon sa espesyalita sa agham pananaliksik na si Ma. Jovina Sandoval, ito ang
nais itama ng bagong gabay sa pagkain. Inirerekomenda ng Food Nutrition Research
Institute (FNRI) na ang bawat kakainin natin ay binubuo ng 33% kanin, 33% gulay,
17% karne, at 17% prutas.
Layunin ng Pinggang Pinoy na umangkop sa Daily Nutritional Guide (DNG)
Pyramid.
http://. rappler.com/move-ph/issues/hunger/62419-pinggang-pinoy-filipino-
food-guide

1. Ano ang layunin ng teksto?

2. Ano-ano ang mga nabanggit na source/pinagkunan ng mahalagang


impormasyon upang mabuo ang teksto?
_

5
RO_Filipino_SHS PAGBASA_Q2_LP 5
3. Makatotohanan ba ang mga impormasyong ibinigay? Paano mo nasabi?

4. Angkop ba naging pamagat ng teksto? Paano mo ito nasabi? Pangatwiranan.

5. Aling pahayag ang nagbigay saiyo ng ideya upang matukoy ang pangunahing
kaisipan ng teksto?

Pagsasanay 2

Panuto: Pagmasdan at suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga
tanong sa isang malinis na papel pagkatapos.

https://www.aljazeera.com/news/2020/03/coronavirus-lockdown-strikes-
fear-manila-poor-200313133102404.html
https://thethaiger.com/coronavirus/6-new-covid-19-cases-announced-for-
thailand-total-now-59-people

1. Ano ang nakikita mo sa mga larawan?

2. Ano ang gusto mong malaman kaugnay ng mga nakalarawan na masasagot lamang
kapag naghanap ka sa iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon o datos?
Dugtungan ang dalawang hindi kompletong pahayag sa ibaba.
a. Gusto kong malaman ang
b. Gusto kong malaman ang
3. Bakit hindi basta masasagot sa pamamagitan ng pagtingin lang sa larawan ang mga
gusto mo pang malaman ukol sa mga nakalarawan?

6
RO_Filipino_SHS PAGBASA_Q2_LP 5
4. Paano mo maihahanap ng kasagutan ang mga gusto mong malaman? Ipaliwanag
ang sagot.

5. Bakit kailangang ilahad ang pinagkunan ng impomasyong ginamit sa teksto?

PAGSASANAY 3
Panuto: Sumulat ng sarili mong halimbawang tekstong impormatibo. Dahil katotohanan
at hindi sarili mo lang na opinyon ang pagbabatayan sa iyong isusulat, mangangailangan
ito ng pagkuha o pangangalap ng datos upang mapaunlad ang tekstong iyong isusulat.
Maaari kang mag-isip ng alinman sa mga paksang nakalahad sa ibaba.
 Mga paraan ng pagpapanatiling malusog ng katawan
 Paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa bansa kahit limitado ang badyet
 Pagsisimula ng negosyong puwedeng pagkakitaan kahit nag-aaral pa lamang
 Epekto sa katawan ng pagkaing na-proseso tulad ng de-lata, instant noodles, at
iba pa.
 Mga hakbang upang makapaghanda sa mga paparating na kalamidad na likha
ng kalikasan.
 Sariling piling paksa

IV. Rubrik sa Pagpupuntos

Rubrik sa Pagsulat ng Teksto

Puntos Pamantayan
Ang tekstong impormatibo ay siksik sa mga bagong kaalamang
4
nakabatay sa mga angkop na datos mula sa pananaliksik
Ang tekstong impormatibo ay may taglay na mga bagong kaalamang
3
nakabatay sa mga angkop na datos mula sa pananaliksik
Ang tekstong impormatibo ay may taglay na ilang bagong kaalamang
2
nakabatay sa ilang mga datos mula sa pananaliksik.
Ang tekstong ay hindi maituturing na impormatibo dahil saw ala itong
1
mga bagong kaalamang taglay at wala ring mga datos na pinagbatayan kundi
pawang opinyon lamang

V. Susi sa Pagwawasto

PAGSASANAY 1
7
RO_Filipino_SHS
1. LayuninPAGBASA_Q2_LP 5
ng teksto na magbigay ng impormasyon tungkol sa Chronic Energy Defecient
(CED)
2. Kumuha ng datos sa National Nutrition Survey (NNS) at sa pahayag ng espesyalistang si
Ma. Jovina Sandoval ng FoodNutrition Research Insttute (FNRI).
3. Makatotohanan ito sapagkat may ginamit na mga istadistika sa mga datos na nabanggit
VI. Pagninilay
Kumpletuhin ang pahayag o dugtungan ito:

a. Ang natutunan ko sa araling ito ay kung


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
b. Nagustuhan ko ang talakayan dahil
______________________________________________________________

V. Sangunian

Aklat

Bandril, Lolita T. et.al. “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik (Batayang Aklat)”.Vibal Group Inc.1253 Gregorio Araneta Avenue,
Quezon City, Philippines.pp.11-12
Dayag, Alma M. et.al. “Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.”Phoenix Publishing House.Inc. Lungsod ng
Quezon.p.17-18,23-24.

Elektroniko

https://www.modules.arvicbabol.com

https://www.coursehero.com/u/file/43539072/COMPLETEdocx/?

justUnlocked=1#doc/qa
Larawan
https://www.aljazeera.com/news/2020/03/coronavirus-lockdown-strikes-fear-
manila-poor-200313133102404.html
https://thethaiger.com/coronavirus/6-new-covid-19-cases-announced-for-
thailand-total-now-59-people

Inihanda ni:

DOROTHY H. GABION, MT II
Casiguan Technical Vocational High School

8
RO_Filipino_SHS PAGBASA_Q2_LP 5
Tiniyak ang Kalidad nina:

EMMA D. GONZALES, MT I SHARON A. VITO, EPS I


Cumadcad National HS SDO - Sorsogon

9
RO_Filipino_SHS PAGBASA_Q2_LP 5

You might also like