You are on page 1of 5

1 Linggo ANG KAHULUGAN, TEORYA, KATEGORYA, AT URI NG PAGBASA

ARALIN 1-4
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin nang mabuti ang mga ispesipikong panuto bago sagutin ang
mga gawain. Tapusin ang modyul na ito bago o sa eksaktong petsa na Enero 08, 2021. Para sa
online na konsultasyon, isangguni sa nakatakdang iskedyul.

LAYUNIN: Sa katapusan ng araling ito, inaasahang magagawa mong:

1. tukuyin ang kahulugan at iba’t ibang TEORYA ng PAGBASA;
2. ibigay ng halimbawa ng iba’t ibang URI ng PAGBASA;
Ano ang 3. tukuyin ang iba’t ibang KATEGORYA ng PAGBASA.
kailangan
kong
malaman?
Bago natin ipagpatuloy, subukin natin kung kaya mong sagutin ang gawaing ito.
Alam kong kaya mo! Makatutulong ito upang masuri mo ang iyong kaalaman
tungkol sa paksang ito. Good luck!

Sa nakaraang semester, pinag-aralan ang tungkol sa komunikasyon, wika at

Ano ang aking pahapyaw na pag-aaral ng kultura. Batid ng nakararami ang kahalagahan ng
nalalaman? komunikasyon. Bago tayo tumungo sa ating talakayan, nais kong bumuo kayo ng
BALIK-ARAL
reflection paper tungkol sa ating nakaraang talakayan.

BATAYANG KAALAMAN SA MAPANURING PAGBASA

“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o
gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang
mabuhay.” Winika ito ni Gustave Flaubert, isang manunulat na Pranses.

Ang pagtitiyak ng depinisyon ng pagbasa ay mahalaga upang makabuo

ng paraan ng ebalwasyon sa pagkatuto nito. Ang pagbasa ay isang kakayahan
kung saan nakikilala ng mambabasa ang nakasulat na simbolo at nauunawan
ang kahulugan nito. Ang mga simbolong ito ay ang mga titik na bumubuo ng
iba’t ibang salita. Ang pagbabasa ay isang proseso dahil kailangan munang
makilala ng mambabasa kung ano ang kinakatawan ng mga simbolo o salitang
nakita (De Laza, 2016).

ARALIN 1: KAHULUGAN NG PAGBASA

Ang mga sumusunod na pahayag ay pagpapakahulugan ng iba’t ibang
mga eksperto o paham sa pagbabasa.
 Anderson, R. C. et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers -
ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga
nakasulat na teksto.

 Wixson, K. et al. (1987), sa artikulong “New Directions in Statewide

Reading Assessment” na nailathala sa pahayagang The Reading
Teacher - ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa
pamamagitan ng interaksiyon ng:

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
1
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)
1. imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2. impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3. konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.

 Austero, Cecilia S. et al. (2008) - ang pagbasa ay isang mental na

interpretasyon ng mga nakasulat na simbolo.

 Goodman (1967, 1971, 1973) - ang pagbasa ay isang “Psycholinguistic

guessing game” na kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli
ng isang mensahe/kaisipan na hinango sa tekstong binasa.

 Coady (1979) - ang pagbasa ay kinakailangang maiugnay ng tagabasa

ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga
konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga naiprosesong impormasyon
sa binasa.

 G. James Lee Valentine (2000) - ay pagbasa ang pinakapagkain ng

ating utak (mental food).

ARALIN 2: TEORYA NG PAGBASA

Mayroong tatlong teorya ng pagbasa, ito ay binigyang linaw ng Summer
Institute of Linguistics International.
 Teoryang Iskema – o schema, ay tumutukoy sa dating kaalaman
(prior/stock knowledge).
Halimbawa: mga impormasyon tungkol sa sarili kagaya ng pangalan,
edad, tirahan, mga magulang, atbp.

 Teoryang Bottom-Up - ayon sa teoryang ito, ang proseso ng pagbasa ay

nagsisimula sa hakbang-hakbang na pagkilala sa mga letra, salita,
parirala, pangungusap, at talata tungo sa ganap na pag-unawa sa
buong teksto. Tinatawag ding text-based, outside-in o data-driven.
Halimbawa: 1) pag-alam sa kahulugan ng salitang “anluwage” mula
sa Diksyunaryong Filipino. 2) paghahanap ng mga bansang
nagsisimula sa titik ‘s’ mula sa internet. 3) paghahanap ng mga videos
tungkol sa pagluluto ng kanin sa loob ng kawayan sa Youtube.
 Teoryang Top-Down - Alinsunod sa teoryang ito, ang mambabasa ay
aktibong kalahok o partisipant sa proseso ng pagbasa. Ang pagbuo ng
kahulugan o pagkalap ng impormasyon sa proseso ng pagbasa ay
nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Tinatawag ding inside-
out o conceptually driven.
Halimbawa: pagsulat ng reflection paper batay sa pelikulang
napanood.

ARALIN 3: KATEGORYA NG PAGBASA

Nahahati sa dalawang pangkalahatang kategorya ang mapanuring
pagbasa: intesibo at ekstensibo.

 Ekstensibong Pagbasa
1. Isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa
maramihang bilang ng teksto. Nagaganap ito kapag ang isang
mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa
kanyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa
loob ng klase o itinakda sa anumang asignatura.
2. Layunin nitong maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at
hindi ang mga ispesipikong detalye na nakapaloob dito.
Halimbawa: Pagbabasa ng iba’t ibang kuwentong-bayan mula sa
iba’t ibang lugar sa Mindanao.

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
2
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)
 Intensibong Pagbasa
1. Detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng
pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito susuriin.
2. Madalas itong tinatawag na “narrow reading” sapagkat piling
babasahin lamang higgil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng
pansin ng mambabasa o kaya ay iba’t iba ngunit magkakaugnay na
paksa ng iisang manunulat.
3. Ito ay kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugna-
ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa
mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at
maingat na paghahanap ng kahulugan.
Halimbawa: Pagbasa ng isang teksto at pagsusuri ng mga
kamaliang gramatikal dito.

ARALIN 4: URI NG PAGBASA

Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa
ngunit maaari ding ikategoryaang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon
kay Brown (1994), ang dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa
ekstensibong pagbasa.

 Scanning (Madaliang Pagbasa)

1. Ang mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin
ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa.
2. Kinapapalooban ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang
sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
Ibig sabihin, may paunang pag-alam o pagka-unawa na sa
hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang
katumpakan nito.
Halimbawa: Pagtukoy sa pangunahing tagpuan ng epikong “Biag
ni Lam-ang.”

 Skimming (Mapagmasid na Pagbasa)

1. Ang mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan
ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya sa
kabuuang teksto o kabuuang diskurso ng teksto at kung paano ang
pananaw at layunin ng manunulat.
2. Nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-
alala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang
teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na
impormasyon sa loob nito.
Halimbawa: Pagbibigay ng buod sa kuwentong binasa.

Bago natin ipagpatuloy, subukin natin kung kaya mong sagutin ang gawaing ito.
Alam kong kaya mo! Makatutulong ito upang masuri mo ang iyong kaalaman
tungkol sa paksang ito. Good luck!

Maikling Panuto: Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag kung anong teorya ng pagbasa
Pagtataya ang tinutukoy.
ANO PA?
_________________1. Pagpi-fill-up ng iyong biodata.

_________________2. Pagre-research tungkol sa mga sinaunang pamumuhay

ng ating mga katutubo.

_________________3. Kaalaman mo sa first aid.

_________________4. Pagsasalita ng inyong mother tongue.

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
3
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)
_________________5. Pagbabasa ng mensahe sa inyong group chat tungkol
sa anunsiyo ng inyong guro.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. Gawing itong

malinis at malinaw.

ANO ANG 1. Ano ang kahalagahan ng pagbabasa?

KAYA KONG ________________________________________________________________________________
GAWIN? ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Sa iyong sariling pagpapakahulugan, ano ang pagbasa?

3. Sa lahat ng interpretasyon o pagbibigay-kahulugan ng mga eksperto tungkol sa

pagbasa, ano sa tingin mo ang nais nilang iparating?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Bakit sinasabing walng nagaganap na pagbabasa kung hindi naintindihan ang

binasang teksto?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Manlalakbay! Subukin natin kung anong natutunan mo sa iyong paglalakbay. Alam

ko na kaya mong sagutin ang mga tanong na ito! Good luck!

Panuto A: Tukuyin mula sa mga sumusunod na pahayag kung anong kategorya ng

pagbasa ang ginagamit. Itala ang INTENSIBO o EKSTENSIBO sa patlang na
LAGUMANG nakalaan.
PAGTATAYA
_________________1. Pagsusuri sa grammatical structure ng maikling-kuwentong
binuo ng iyong kaklase
_________________2. Paghahanap ng kahulugan ng salitang ‘pagdarahop’ at

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
4
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)
‘palahaw’ na iyong nabasa sa kuwentong Mabangis na
lungsod ni Efren R. Abueg.
_________________3. Pagbabasa at pangongolekta ng kumpletong serye ng
Harry Potter ni J. K. Rowling.
_________________4. Paglalahad ng implikasyon ng iyong research paper
tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng nobyo/nobya sa
mga mag-aaral ng Senior High School sa inyong paaralan.
_________________5. Ang iyong hilig sa pagbabasa ng mga kuwentong
romantic-comedy ang tema.

PANUTO B: Tukuyin mula sa mga sumusunod na pahayag kung anong uri ng

pagbasa ang ginagamit. Itala ang SCANNING o SKIMMING sa patlang
na nakalaan.

________________1. Pagpapaliwanag ng guro sa buong klase na ang layunin ng

mga kuwentong ibinabahagi sa “Maalaala Mo Kaya” ng
Kapamilya Network ay magbigay ng inspirasyon sa
pamamagitan ng mga tiyak na karanasan o sitwasyon.
________________2. Paghahanap ng telephone number sa isang phone directory.
________________3. Pagkilala sa pangalan ng pangunahing tauhan sa kuwentong
binasa.
________________4. Pag-unawa sa nais iparating ni Efren R. Abueg sa kanyang
kuwentong “Mabangis na Lungsod.”
________________5. Pagsa-scan sa inyong Group Chat upang mabasa ang
anunsiyong i-pinost ng inyong guro.

Manlalakbay! Maglaan ng oras sa pag-iisip at paglilista ng iba’t ibang bagay na

may proseso at bahagi bago dumako sa susunod na aralin. Pero sa ngayon,
puwede ka munang magpahinga.
PALAWAKIN
Links:
https://www.youtube.com/watch?v=F4iOjMLsHqo
https://www.youtube.com/watch?v=MWI33bfttfM
https://www.youtube.com/watch?v=R1LqhOCjFAo
https://www.youtube.com/watch?v=c400VF5aRJc

SUNOD NA ARALIN : ANTAS NG PAGBASA, PROSESO NG PAGBASA, AT PAGKILALA

SA MGA PAHAYAG NA KATOTOHANAN O OPINYON

Mga aklat:

Atanacio,H. et al. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik. C and E Publishing ,INC, Quezon City
SANGGUNIAN
Magpile, Christine Marie. (2016).Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik., Intelligent Publishing, INC, Quezon City

Sicat-De Laza,C. et al (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto tungo

sa Pananaliksik. REX Book Store,INC, Sampaloc, Manila

HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY | SENIOR HIGH SCHOOL PROGRAM
MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
5
(CORE SUBJECTS PARA SA ABM, HUMSS, STEM,AT TECH-VOC)

You might also like