You are on page 1of 18

Tungkol saan ang Modyul na ito?

Ang modyul na ito ay para sa Baitang 11. Ito’y Naglalaman ng mga aralin
tungkol sa pagsusuri sa iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan
nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na Yunit. Ito ay:
Yunit I – Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa: Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto
Yunit II – Iba’t ibang Uri ng Teksto: Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat
Yunit III – Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
Yunit IV – Mga Kasanayan sa Pananaliksik

Ano-ano ang mga matututuhan mo sa


modyul na ito?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:


a. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural
at panlipunan sa bansa.
b. Makabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa.
c. Paggamit ng kasanayang komunikatibo (linggwistik, sosyolinggwistik,
diskorsal at istratedyik.

Ano-ano na ang mga Alam mo?

Bago mo simulan ang pag-aaral ng modyul, sagutin mo muna ang mga


katanungan upang malaman mo kung ano na ang alam mo sa mga paksang tatalakayin
pa natin dito.
I. 1. Ano ang pananaliksik?

2. Ano ang dalawang pamamaraan ng pagbasa ng isang teksto?

3. Ano-ano ang Antas ng Pagbasa?

1
4. Ano-ano ang mga uri ng teksto?

5. Ano ang pinagkaiba ng pananaliksik at pamanahong papel?

6. Ano ang mga batayang kaalaman ng Pananaliksik?

7. Mga bahagi at Proseso ng Pananaliksik?

8. Disenyo at Pamamaraan ng pananaliksik?

2
KAALAMAM AT KASANAYAN SA
YUNIT I – 1ST
PAGBASA: PAGSUSURI AT
PRETEST
PAGSULAT NG TEKSTO

Ang kasanayan sa kritikal na pagbasa ay taglay ng sinumang nagiging pantas sa


iba’t ibang larang at disiplina. Ilalatag ng yunit na ito ang mga batayang kaalaman sa
pagbasa na magpapaunawa sa mga mag-aaral ng kahalagahan at kabuluhan nito tungo
sa mas malalim pang pagtuklas ng iba’t ibang kaalaman. Tatalakayin din sa bahaging ito
ang iba’t ibang kasanayan sa kritikal na pagbasa at ipakikilala ang kalikasan, katangian
at anyo ng dalawang batayang uri ng teksto, impormatibo at deskriptibo.

ARALIN 1 - BATAYANG KAALAMAN SA


MAPANURING PAGBASA
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, inaasahan mong matutuhan ang:
1. Matutukoy ang kahulugan at pangunahing layunin ng mapanuring pagbasa,
2. Matutukoy ang mga uri at antas ng mapanuring pagbasa
3. Matutukoy ang pagkakaiba ng scanning at skimming,
4. Maisasagawa ang scanning at skimming sa pagbasa ng teksto, at
5. Nakasasagawa ng anotasyon ng mga tesktong binasa.

Subukin
Mahilig ka bang magbasa? Ilista ang dalawang pinakapaborito mong libro. Kung
hindi libro ang hilig basahin, ilista ang anumang uri ng akda, materyales o genre ng
pantikan na nagging pinakapaborito mo. Isulat ang mga ito at ang mga hinihinging
impormasyon sa talahanayan.

Unang Libro Ikalawang Libro

Titulo

May-akda
Wika

Buod

Basahin Natin Ito 3


“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng
mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.” Winika ito
ni Gustave Flaubert, isang manunulat na Prances na siyang nagpaunlad ng realismong
pampanitikan sa Pransya at sumikat sa kanang akda na Madame Bovary taong 1857.
Ang pananaw na ito ay nagpapahiwatig na bukod sa mga layunin ng pagbasa upang
mailbag at matuto, mas malalim at malawak pa ang naibibgay ng gawaing ito. Sa
paglalarawan ni Flaubert, ang pagbasa ay upang mabuhay. Ibig sabihin, mahalaga ang
proseso ng asimilasyon ng anumang binabasa sa buhay ng isang tao. Maaring
ipagpakahulugan na ang asimilasyon ay ang pagkikipag-ugnayan ng mambabasa sa
binabasa o kaya’y paglalapat ng natutuhan sa aktuwal na pamumuhay ng nagbabasa.
Ngunit mas malalim pa sa paglalapat o aplikasyon ang layunin ng asimilasyon bilang
pinakamataas na antas ng pagbasa. Sa pamamagitan nito, nababago ang pagdanas at
paghulma natin sa realidad. Hindi sapat na nakapagbibigay lamang ng impormasyon
ang isang teksto o kaya ay naaaliw tayo nito bagkus kailangang mabuhay tayo batay
rito. Binibigyan tayo ng pagbasa ng iba’t ibang paraan kung paano ang realidad batay sa
kung ano ang ideyal.

Nalalaman natin ang ideyal sa pamamagitan ng pagsusuri ng iba’t ibang


karanasan ng tao at lipunan batay sa nababasa. Halimbawa na lamang sa isang
senaryong na may isang batang mahilig magbasa mula sa kuwentng pambata ni Roadl
Dahl. Inilarawan ni Dahl ang karanasan ng batang nagbabasa bilang, “Dinadala siya ng
pagbabasa sa bagong daigdig at ipinakikilala sa mga nilalang na kagila-gilalas ang
nagging buhay. Naglalayag siya sa isang bapor kasama si Joseph Conrad, nagpunta sa
Africa kasama si Ernest Herimingway, at sa India kasama si Rudyard Kipling. Naglakbay
siya sa buong mundo habang nakaupo lamang sa loob ng kaniyang silid sa isang nayon
sa Inglatera.”

Dahil sa lawak at lalim ng pagbabasa ng batang iyon sa murag edad pa lamang,


natuklasan na niya ang hungkag at mapanlinlang na pamumuhay ng mga magulang
kung kaya’t nagpadesisyunan niyang lisanin ang mga ito. Binago niya ang kanyang
kalagayan batay sa kung ano ang “ideyal” na itinuturo sa kanya ng pagbabasa.

Katulad na lamang ng mga nagbabasa ng wattpad at iba pang akdang


pampanitikan, dahil sa kanilang binabasa nakikita na nila ang realidad o ideyal ng buhay
sa totoong daigdig sa kanilang binabasa.

Kahulugan ng Pagbasa
Ang pagtitiyak ng depinisyon ng pagbasa ay mahalaga upang makabuo ng
paraan ng ebalwasyon sa pagkatuto nito. Para sa isang mag-aaral na panimulang
nagbabasa, ang pag-alam sa kahulugan, kahalagahan at mga kasanayang matututuhan
rito ay mahalaga upang maging epektibo at makabuluhan ang kabuuang karanasan sa
pagbasa. Maraming edukador ang nagsasabi na ang pangunahing layunin ng pagbasa
ay pagbuo ng kahulugan na kinapapalooban ng pag-unawa at aktibong pagtugon sa
binabasa.

Ayon kina Anderson et al. 1985, sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang
pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
(Ibig kinakailangan mo nang isang masusing pag-uunawa sa bawat tekstong iyong
binabasa.) Ito ay isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon
ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon. Sa kahulugang ito,
mahihinuha na hindi lamang ang teksto ang pinagmumulan ng kahulugan kapag
nagbabasa ang isang tao, kundi ang iba pang posibleng makapagpapalalim at
makatutulong sa pag-unawa sa kahulugan. Sa pagbasa, mahalaga ang imbak ng

4
kaalaman o stock knowledge ng isang nagbabasa upang mas malalim na maunawaan
ang mga konsepto ng impormasyong natatagpuan sa tekstong binabasa. Mahalaga rin
ang mga nauna nang kaalaman sa wika at pagkaka-ayos nito upang maunawaan ang
binabasa. Ang mga kaalaman na ito ay maaaring makuha mula sa pinakikinggan,
nakikita at kabuuang pagdaanan ng isang mambabasa sa realidad, lagpas pa sa
nababasa mula sa teksto.

Scanning at Skimming na Pagbasa


Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit
maaari ding ikategorya ang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown
(1994), ang dalawang ito ang pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa.
Ngunit ano ba itong ekstensibong pagbasa?

Nahahati sa dalawang pangkalahatang kategorya ang mapanuring pagbasa: Ang


Intensibo at Ekstensibo.

A. Intensibo – may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na


teksto. Ang uri ng intensibong pagbasa ay itinuturing na pinakahuli o dulong
bahagi ng proseso. Ayon sa pag-aaral ni Brown, ang intensibong pagbasa
ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang
detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan,
implikasyon at retorikal na ugnayan ng isang akda.

B. Ekstensibo – May kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang


materyales. Naghahatid sa mambabasa tungo sa pinakadulong proseso. Ayon
kay Brown (1994), isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa
sa maramihang bilang ng teksto. Layunin ng ekstensibong pagbasa na
maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang mga ispesipikong
detalye na nakapaloob dito.

Scanning

Ay isang mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang


ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at
talas ng mata sa paghahanap hanggang sa Makita ng mambabasa ang tiyak na
kinakailangang impormasyon. Kung ang kahingian ay aalahanin ang pangalan, petsa,
simbolo, larawan o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na paraan
ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o pagkaunawa na sa
hinanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa
mga libro o iba pang sanggunian.

Skimming

Ay isang mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng


kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto
at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. Mas kompleks ang skimming kaysa
scanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala
sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang
upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito.

Ginagamit ang skimming kapag may pangkalahatang tanong tungkol sa isang


akda. Nakatutulong ito sa pagdedesisyon ng mambabasa kung pagpapatuloy siya sa
pagbasa at pagpapalalim sa isang akda at kung anong uri ng pagdulog ang gagamitin
kung babasahin pa niya ito nang mas malalim.

5
Antas ng Pagbasa
Tinutukoy ni Mortimer Alder at Charles Van Doren (1973) sa kanilang aklat na
How to Read a Book ang apat na pagbasa.

a. Primary – ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang


makamit ang literasi sa pagbasa. Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na
tio ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar o mga tauhan sa isang teksto.

Halimbawa: Sa pagbasa ng isang maikling kwenton, natutukoy ng mambabasa


kung sino ang mga tauhan, katangian nila, setting, at ang mga pangyayari sa
kuwento, ngunit hindi niya mabubuo ang kabuuang interpretasyon nito. Sa antas
na ito, hindi rin agad mauunawan ang metapora, imahen at iba pang
simbolismong ginagamit sa akda.

b. Mapagsiyasat – sa antas na ito, nauunawan na ng mambabasa ang kabuuang


teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Maaaring
gamitin ang skimming sa antas na ito. Tinitingnan ng mambabasa ang titulo,
heading at subheading.

c. Analitikal – Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal nap


ag-iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o
pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan,
kaangkupan at kung katotohana o opinyon ang nilalaman ng teksto.

d. Sintopikal – Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ka ng sariling perspektiba o


pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang
inunawa mo. Ang sintopikal na pagbasa ay hindi lamang pag-unawa sa mga
nariyan nang mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng
sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong
ito. Ang mga aklat na binabasa mo ay mga kasangkapan lamang upang
maunawaan mo ang mga kaalaman na naipundar na ng mga naunang iskolar.
Sa sintopikal na pagbasa, sa pamamagitan ng sistematikong paraan,
pinaghahalo ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling karanasan
at kaalaman upang makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw at kaalaman.
Ibig sabihin, sa antas na ito ng pagbasa, itinuturing mon a rin ang sarili bilang isa
sa mga eksperto ng iyong binasa.

6
Subukan Natin Ito
Panuto: Tukuyin kung anong ANTAS ng pagbasa ang ipinapakita sa sumusunod
na sitwasyon. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

_______________1. Nakita ni Mauren na Espanyol ang teksto kung kaya hindi


na niya ipinagpatuloy ang pagbasa.
_______________2. Inalam ni Raven ang pangalan ng paborito niyang tauhan
sa isang kuwentong nabasa noong elementarya.
_______________3. Galit ang naramdaman ni Tino nang mabasa ang balita
tungkol sa insidente sa Mamasapano.
_______________4. Sumangguni si Nanay sa kanyang cookbook upang mas
mapasarap ang kaniyang mga lutuin.
_______________5. Inunawa niya ang pinabasa ng guro upang masagutan ang
pagsusulit.
_______________6. Gumawa si Taya ng anotasyon ng mga sanggunian bilang
paghahanda sa gagawing pananaliksik.
_______________7. Natuklasan ni Jonathan sa kaniyang pananaliksik na may
isang mahalagang suliranin sa paksa ang hindi pa
gaanong napagtutuunan ng pag-aaral.
_______________8. Iniugnay ni Timothy ang naunawaan sa akda sa sarili
niyang karanasan.
_______________9. Tinanong ng guro ni Daniel kung tungkol saan ang
seleksiyon matapos niya itong basahin.
_______________10. Sumulat si Marie sa editor ng diyaryo matapos mabasa
ang maling nilalaman nito.

7
ARALIN 2 - Mga kasanayan sa mapanuring
pabasa
Layunin:

Pagkatapos ng aralin, inaasahan mong matutuhan ang:

a. Maipaliwanag ang mga uri at anyo ng iba ang mga teskto mahalaga sa
pagsulat ng saliksik;
b. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng buod, abstrak at rebyu ng aklat.

Subukin
Panuto: Magsulat ng maikling buod, synopsis o dreskripsyon ng isang aklat o anumang
uri ng babasahin na sa tingin mo ay makapagpapasimula ng interes sa pagbasa.

Sa susunod na aralin, mauunawan mo na mahalaga ang mga kasanayang


previewing at surveying bago basahin ang isang teksto upang matukoy kung angkop ito
sa mga layuning itinakda sa pagbasa. Bukod dito, matututuhan mo rin ang iba pang mga
kasanayan upang maging makabuluhan ang proseso ng pagbasa.

8
Basahin Natin Ito
Sa nakaraang aralin, isa-isang tinalakay ang iba’t ibang antas ng pagbasa. Lahat
ng antas na ay pagdadaanan ng mambabasa upang makamit ang pinakamataas na uri
ng pagbasa, ang sintopikal na pagbasa. Higit pa sa komprehensiyon o pag-unawa sa
teskto, kinakailangang maging mapanuri at kritikal sa anumang uri ng pagbasa.

Iba’t iba ang kasanayan na dapat paunlarin sa bawat bahagi ng proseso ng


pagbasa. Sa kabuuan, mahahati ang mga kasanayan sa tatlong bahagi: Bago magbasa,
Habang nagbabasa at Pagkatapos magbasa.

Bago Magbasa
Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasay ng tekstong babasahin. Ang pagsusuri
ng panlabas na katangian ng teskto ay mahalaga upang malaman ang amang
estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon
sa itinakdang layunin ng pagbasa. Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng
isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat,at
pangalawang pamagat sa loob ng aklat.

Habang Nagbabasa
Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang nagbabasa. Sa
bahaging ito, sabay-sabay na pinapagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang
kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto. Ang kaniyang mga naunang tanong
at prediksyon bago magbasa ay pinanghahawakan niya upang panatilihin ang pokus sa
aktibong pag-unawa sa binabasa. Sa bahaging ito, lumalawak at umuunlad ang
bokabularyo ng mambabasa. Narito ang ilan pang pamamaraan upang maging epektibo
ang pagbasa:

a. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa – binabago-bago ng mambabasa ang bilis o


bagal ng pagbasa batas sa hirap ng teksto at personal na kakayahan ng
pagbasa.
b. Biswalisasyon ng binabasa – gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at
imbak na kaalaman, bumubuo ang mambabasa ng mga imahen sa kaniyang isip
habang nagbabasa.
c. Pagbuo ng koneksiyon – pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at
imbak na kaalaman uang matiyak ang komprehensiyon
d. Paghihinuha– pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na
kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at konklusyon sa kalabasan ng
teksto.
e. Pagsubaybay sa Komprehensiyon – pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa
pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang upang masolusyonan ito.
f. Muling pagbasa – muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng teksto kung
kinakailangan kapag hindi ito naunawaan.
g. Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto – paggamit ng iba’t ibang
estratehiya upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa
iba pang impormasyon sa teksto.
Mababawa ang komprehensiyon kung hindi mananatili sa isip ng mambabasa
ang natutuhan nila. Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng
impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagita ng elaborasyon, organisasyon,
at pagbuo ng mga biswal at imahen.

Elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa


impormasyong natutuhan mula sa teksto.

9
Organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng
impormasyon na nakuha sa teksto habang ang pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha
ng mga imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa.

Pagkatapos Magbasa
Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto kahit
natapos na ang proseso ng pagbasa, mahalagang isagawa ng isang mambabasa ang
sumusunod.

a. Pagtatasa ng komprehensiyon – sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa


binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa.
b. Pagbubuod – sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang
pangunahing ideya at detalye sa binasa.
c. Pagbuo ng sintesis – Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa
pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay
ng perkpektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa.
d. Ebalwasyon – Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng
mga impormasyon nabasa sa teksto.

Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at Rebyu


A. Paraphrase ay tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa
ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa
mambabasa. Mahalaga ang paraphrase sa pananaliksik upang tukuyin ang
pinagmulan ng isang ideya o kaisipan at ipahayag ito sa pamamaraan na
makatutulong sa pananaliksik.
B. Abstrak naman ay isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang
komprehensiya o anumang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan. Ang
abstrak ay nakatutulong upang mabilis na makita ng isang mambabasa ang
kabuuang latag ng pananaliksik kabilang ang mga layunin at kinalabasan nito.
C. Rebyu – ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang
isang aklat batay sa nilalaman, estilo at anyo ng pagkakasulat nito. Naglalaman
din ang rebyu ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na
pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu. Maaaring ang rebyu ay
naglalaman ng maikling buod ng akalat upang magkaroon ng ideya ang mga
mambabasa.

Subukan Natin Ito


Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na kasanayan ay ginagawa bago, habang, o
pagkatapos magbasa. Piliin sa kahon ang wastong sagot sa bawat aytem at isulat ito sa
patlang.
a. Bago Magbasa
b. Habang Nagbabasa
c. Pagkatapos Magbasa

___________1. Pagbuo ng mga biswal na imahen.

___________2. Previewing ng teksto o mabilis na pagsusuri sa genre at halaga nito sa


layunin ng pagbasa.

___________3. Pagbuo ng organisayon sa mga impormasyong nakuha sa teksto.

10
___________4. Muling pagbasa sag ma hindi naunawaang bahagi.

___________5. Ebalwasyon sa katumpakan at kaangkupan ng aklat.

___________6. Pagsulat ng rebuy ng isang aklat.

___________7. Pagtukoy sa kahulugan ng mga salitang hindi maunawaan sa


pamamagitan ng pag-
uugnay sa iba pang impormasyong ibinibigay ng teksto.

___________8. Pagbubuod o paggawa ng sintesis ng isang akda.

___________9. Paghihinuha.

___________10. Pagtantiya sa bilis ng pagbasa.

ARALIN 3 - tekstong impormatibo: Para sa


Iyong kaalaman
Layunin:

Pagkatapos ng aralin, inaasahan mong matutuhan ang:

a. Maipaliliwanag ang mga katangian ng tekstong impormatibo at ang


ikinaiba nito sa ibang uri;
b. Matutukoy ang mga uri ng tekstong impormatibo;
c. Maiisa-isa ang mga katangian ng tekstong impormatibo;

Subukin
Panuto: Alalahanin ang isang pinakabagong balitang napakinggan, napanood, o
nabasa, maging ito man ay local, pambansa, o pandaigdig. Isulat ang buod ng balita at
ilagay ang mahahalagang impormasyong naaalala sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong sa talahanayan.

Paksa ng Balita: _________________________________________________________

TANONG SAGOT

1. Ano ang nangyari?

2. Sino ang mga


kasangkot?
3. Saan nangyari?

4. Kailan nangyari?

5. Paano nangyari?

Matutunghayan sa susunod na aralin ang anyo, katangian, at kalikasan ng isang


tekstong impormastibo at iba’t ibang uri nito. Magbibigay rin ito ng gabay sa mabisang
pagbasa ng tekstong nsa ganitong anyo.

11
Basahin Natin Ito

TEKSTONG IMPORMATIBO: PARA SA IYONG KAALAMAN


Ang tekstong impormatibo na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori ay
isang anyo ng pagpaahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kalian,
saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag
sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Kaiba sa
pikson, naglalahad ito ng kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga
konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari. Ang ilang tiyak na halimbawa ng
tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa
diksyunaryo, encyclopedia o almanac, papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong
ulat at mga balita sa diyarayo.

Mahalaga ang pagbbasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat


napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala,
pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at
pagpapakahulugan ng impormasyon.

Upang mas madaling maunawaan ang anumang tekstong impormatibo,


kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang
mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon. KAbilang dito ang
talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo, mga
larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan para sa larawan, graph
at talahanayan.

Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at mga datos sa isang impormatibong


teksto. Bukod sa katumpakan, mahalaga rin na napapanahon ito at makatutulong sa
pag-unawa tungkol sa isang mahalagang isyu o usaping panlipunan. Upang masiguro
ang katumpakan ng datos, mahalagang sumangguni sa mga babasahin at iba pang
pagmumulan ng datos na mapagkakatiwalaan.

Iba’t ibang Uri ng Tekstong Impormatibo


a. Sanhi at Bunga
Ito’y estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng
mga naunang pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang
malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung
bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta (bunga).

b. Paghahambing
Ito’y esktruturang kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari.

c. Pagbibigay-depinisyon
Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino o
konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay
gaya ng uri ng hayop, puno, o kaya naman ay mas abstrakong mga bagay
gaya ng katarungan, pagkakapantay-pantay o pag-ibig. Sa ganitong uri ng

12
tekstong impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang
denotatibo o konotatibo.
Sa kabuuan, msa madaling nauunawaan ang kahulugan ng isang teksto kung
agad na nakukuha ng mambabasa ang ginagamit na padron o estruktura ng paglalahad
ng manunulat sa isang tekstong impormatibo. Halimbawa, kung agad na makikita ng
isang mambabasa ay sanhi at bunga, agad nilang hahanapin at mauunawaan ang mga
dahilan at resulta na siyang pinakamahalagang bahagi ng teksto. Agad din nilag
matutukoy ang pinakamahalagang ideya ng teskto. Kapag nauunawaan ang estruktura,
nabubuo sa isip ng mambabasa ang kabuuang balangkas na nakatutuling sa kaniya
upang unawain ang kahulugan at ugnayan ng bawat bahagi nito.

Subukan Natin Ito


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa naunawa sa aralin.

1. Ano-ano ang iba’t ibang estruktura ng tekstong impormatibo? Ipaliwanang


ang pagkakaiba ng bawat isa?

2. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo?

3. Ano-ano ang mahahalagang kakayahan upang maging mabisa ang pag-


unawa sa isang tesktong impormatibo?

4. Bakit mahalaga ang malawak na bokabularyo sa pag-unawa ng tekstong


impormatibo? Ipaliwanag.

5. Naniniwala ka bang mahalaga ang mahalaga ang malawak na karanasan


upang makabuo o makaunawa ng isang mahusay na tekstong
impormatibo? Pangatuwiranan ang iyong sagot.

13
ARALIN 4 - tekstong Deskriptibo: makulay na
paglalarawan
Layunin:

Pagkatapos ng arain, inaasahan na matutuhan mo na:

a. Matatalakay ang iba’t ibang paraan at uri ng paglalarawan


b. Makikilala at masusuri ang mga halimbawa ng tekstong naglalarawan.
c. Makapipili ng angkop na mga salitang ilalarawan

Subukin
Panuto: Mula sa paglalarawan sa sarili, mahalaga rin na kilalanin ang uri ng lipunan at
kaligirang iyong ginagalawan. Sa pamamagitan ng paglalarawan, maaaring magbigay
ng matalas na komentaryo ang isang kantahin. Pakinggan ang kantang “Masdan mo
ang Kapaligiran” ng bandang Asin.

Batay sa narinig na awit, tasahin ang paglalarawan ng kantang iyon. Ano ang
kabuuang mensahe ng awit? Naipahayag baa ng mensahe sa pamamagitan ng
paglalarawan? Nailalarawan ba ang kasalukuyang pangyayari? Isulat ito sa kahon ang
iyong napansin.

Sa susunod na aralin, palalawigin ang ang anyo, katangian, at mga layunin ng


isang tekstong destriptibo. Tunghayan kung paanong nagpipinta ng makulay na larawan
ang manunulat gamit ang mga salita.

14
Basahin Natin Ito

TEKSTONG DESKRIPTIBO: MAKULAY NA PAGLALARAWAN


Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao,
lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa
kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang particular na karanasan.
Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-
aaral ang masining na pagpapahayag. Layunin ng sining ng dekstripsyon na magpinta
ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga
mambabasa.

Dahil sa deksripsyon ay isang uri rin ng paglalahad at naisasagawa rin ng


paglalahad at naisasagawa rin sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon, madalas
na nahihirapan ang mga manunulat na gumawa ng sulating purong paglalarawan
lamang ang nilalaman. Halimbawa, sa isang tekstong naratibo, pinatitingkad ng
mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar kung saan nangyayari ang kwento.
Ipinakikilala nito ang hitsura, ugali at disposisyon ng mga tauhan. Sa isang prosidyural
na teksto, natitiyak din ng mambabasa ang hitsura, katangian, at kalikasan ng yaring
produkto sa pamamagitan ng deksripsyon.

Samakatuwid, mahalagang gamit ng deskripsyon ang pagkuha sa atensyon ng


mambabasa upang maipaliwanag ang oryentasyon ng isang malikhaing akda,
kinapapalooban ito ng paglikha at paglalarawan sa tauhan at lunan o setting ng isang
akdang pampanitikan.

Katangian ng Tekstong Deskriptibo


Narito ang tatlong katangian ng tekstong deskiptibo na maaaring gumabay sa
pagsulat nito.

1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing


impresyon na nililikha sa mga mambabasa.
2. Ang tekstong naratibo ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari
ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t ibang
tono at paraan sa paglalarawan. Ang obhetibong paglalarawan ay mga
direktang pagpapakita ng katangiang makatotohana at ‘di mapasusubalian
at ang suhetibong deskripsyon naman ay maaaring kapalooban ng
matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na
persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa
inilalarawan.
3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman
ng mga konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at
iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.

15
Subukan Natin Ito
Panuto: Isulat sa patlang ang OBHETIBO kung obhetibo ang sumusunod na
paglalarawan at SUBHETIBO naman kung ito’y subhetibo.

_______________1. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Briana.

_______________2. Malakas ang loob ng kapatid kong si Abrielle kung kaya kapag
magkasama kami ay lumalakas din ang loob ko. Isa siyang sandigan na nagpapatagtag
sa akin sa mga panahong maraming suliranin ang pamilya.

_______________3. Mataba at maganang kumain ang alaga kong aso.

_______________4. Ayon kay dating Pangulong Fidel V. Ramos, tila isang hindi
maaasahang president si Pangulong Benigno Aquino III kapag nagsalita. Dagdad niya
pa, maaaring makasama sa imahen ng Pilipinas ang mga pahayag ng kasalukuyang
pangulo tungkol sa insidente sa Mamasapano, Maguindanao.

_______________5. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng


PNP – Special Action Force (SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa matinding
pagsasanay.

_______________6. Magaling magturo ang guro naming sa Matimatika. Malakas ang


boses niya at mahusay siyang magpaliwanag ng aralin.

_______________7. Naging paborito ko ang asignaturang kasaysayan dahil sa husay


ng aming propesor sa pagtuturo. Sa halip na ipakabisado niya sa amin ang mga petsa,
lugar, at pangalan ng mga bayani sa Kasaysayan ng Pilipinas, mas binigyan-diin niya
ang mahahalagang karanasan at aral muna rito.

_______________8. Paborito kong pasyalan ang Baguio. Bukod sa malamig ang klima
ay binibigyan ako nito ng katahimikan ng loob at panahon para malalim na pag-isipan
ang mga nangyayari sa aking buhay.

_______________9. Ang Mamasapano ay isang 5th class municipality. Ibig sabhin,


atrasado ang lugar, mabagal ang pag-unlad at naghihirap ang mga tao.

_______________10. Dahil sa giyera, lalong nagging mahirap ang buhay para sa mga
mamamayan ng Mamasapano. Nagdulot ito ng pagtigil ng mga bata sa pagpasok sa
paaralan at pagkawala ng kabuhayan ng mga tao.

16
YUNIT II – Iba’t Ibang Uri ng Teksto:
1ST Quarter Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat
Palalalimin say unit na ito ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba pang uri ng
teksto: persweysib, naratibo, argumentatibo at prosidyural. Matutunghayan ang iba’t
ibang halimbawang teksto na may halgang pansarili at panlipunan sa iba’t ibang larang
at disiplina. Ang lahat ng kasanayan sa kritikal na pagbasa at pagsulat sa bahaging ito
ay magiging pundasyon tungo sa pagbuo ng isang mahusay na pananaliksik.

ARALIN 5 - tekstong Persuweysib: Paano kita


mahihikayat
Layunin:

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang mong matutuhan ang:

a. Maipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng tekstong persuweysib;


b. Masusuri nag iba’t ibang uri ng tekstong persuweysib;
c. Magkapaglilista ng mga uri ng tekstong persuweysib; at
d. Makagpagsusuri ng mga katangian ng tekstong persuweysib

Subukin
Panuto: Ang patalastas ay isang paraan ng panghihikayat sa mga mamimili upang
tangkilikin ang isang particular na produkto o serbisyo. May mga pasulat na patalastas
tulad ng flyers o ‘di naman kaya ay posters. Ang iba naman ay napapanood sa
telebisyon o napakinggan sa radyo.

Mag-isip ng isang patalastas sa telebisyon ng kahit anong produkto na sa tingin


mo ay gumagamit ng mahusay na panghihikayat. Gawan ito ng isang video
presentation.

Basahin Natin Ito


TESKTONG PERSUWEYSIB: PAANO KITA MAHIHIKAYAT

Nagkaroon ka ba ng mga karanasan kung saan hinihikayat moa ng iyong mga


kaibigan kung saang kainan mas mabuting kumain? O ‘di naman kaya ay naranasan mo
na rin bang kumbinsihin ang iyong mga magulang na payagan kang sumama sa isang
byahe kasama ang kabarkada mo? O ito pa, nagwagi ka na bas a isang diskursyon sa
grupo kung anong paksa ang gagamitin ninyo sa isnag presentasyon? Ang mga
pamamarang ginagamit mo bilang panghihikayat sa mga impormal na kumbersasyon
tulad ng mga nabanggit ay maaaring maging batayan din sa pagbuo ng tekstong
persuweysib. Ang konsepto ng panghihikayat sa mga kaswal na kumbersasyong ito ay
gaya lang din ng panghihikayat ng isang manunulat upang kumbinsihin ang mga
mambabasa na paniwalaan ang kaniyagn mga sinasabi sa isang partikular na paksa.

17
Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang
kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang
suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat. Sa
pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang
opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumamit ang manunulat ng mga
pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri. Mas matibay na
batayan ito upang maniwala ang mga mambabasa sat alas at katumapakan ng
panghihikayat ng manunulat.

Sa ilang pagkakataon, inilalahad ng manunulat ang mga impormasyon sa


dalawang panig ng argumento. Ginagawa ito upang bigyan ng pagkakataon ang mga
mambabasa na pag-isipan ang dawalng panig, at upang agad na masagot ng manunulat
ang mga posibleng argumento na lilitaw sa isip ng mambabasa habang inuunawa ang
teksto. Nakaasa sa argumentatibong tipo ng pagpapahayag ang tekstong persuweysib.

18

You might also like