You are on page 1of 29

Pagbasa 

at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pana
aliksik 
Thursday, August 19, 2021 
9:00 - 10:00 AM 
 
DALAWANG URI NG KOMBINASIYON  
 TOP-DOWN  
 ang pag-unawa ay nagsisismula sa mambabasa.  
 BOTTOM-UP  
 ang pag-unawa ay nagsisimula sa teksto 
 
MODELO NG TOP-DOWN
1. Mga kaalaman at Karanasan
2. Mga layunin sa Pagbasa
3. Komprehensiyon ng teksto
MODELO NG BOTTOM-TOP
1. Komprehensiyon ng teksto
2. Pagbasa sa kabuuang teksto
3. Pagbasa sa mga talata
4. Pagbasa sa Pangungusap
5. Pagbasa sa mga Salita
6. Pagbasa sa mga Letra

KAHULUGAN NG PAGBASA
- Ang pagbasa ay proseso ng pag-ayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at
anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na
kailangan tingnanat suriin upang maunawaan.
- Ang pagbasa ay isa sa apat na makorongkasanayang pangwika na mahalaga sa
pakikitalastasan

KAHULUGAN NG PAGBASA BATAY SA MGA LINGGUWISTA


- Ang pagbasa ay pagbibigay ng pagpapakahulugan sa mga sagisag na nakasulat o nakalimbag.
- Austero
- Ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa ibat ibang larangan ng
pamumuhay ito naman ang nagging pagpapakahulugan.
- Baltazar
- Ang pagbasa ay isang "psycholinguistic guessing game. " — Goodman
- Mahalaga ang dating kaalaman ng isang tagabasa sa lubusang pag- unawa ng teksto sapagkat
nagagamit ito upang maiugnay sa tekstcmg binasa. - Coady

MODELO NG PAGBASA (COADY, 1979)


- Kakayahang Pangkaisipan
- Dating Kaalaman
- Mga Estratehiya sa Pagpoproseso ng Impormasyon
MGA gagamitin SA PAGBASA
TEORYANG ISKEMA
- Ito at tumutukoy sa Kalayaan ng mambabasa na magbigay ng kahulugan sa teksto
Halimabawa:
 I love you
Salitang madaling bitawan,
Masarap pakinggan,
Masarap panindigan,
Mahirap asahan,
At madalas nadadala ka sa sorbrang kasiyahan
Kahit minsan walang katotohanan.

TEORYANG INTERAKTIBO
- Ito ay isang proseso ng pag-uugnay ng tekstuwal na impormasyng naibibigahy ng mambabasa sa
teksto
- Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng
komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCornick, 1998)
- Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa
pagitan ng teksto at ng mambabasa. Tio’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng
mambabasa sa pag-unawa sa teksto.
- Samakatuwid, nakakaroon ng epitibng pag-unawa sa tekstokapag ginagamit ng isang
mambabasa ang kaalaman niya sa ekstruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit
ng dating kaalaaman (schema) at mga pananaw.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa


pananaliksik
Thursday, August 19, 2021
Recorded Lesson

Kung ikaw ay magbabasa ng isang teksto, ano ang prosesong susundin mo upang maunawaan
ang iyong babasahin?
 Pagbuo ng hinuha
 Pagtatalakayan
 Pagtukoy ng mga salitang hindi pamilyar
 Pag-uugnay ng binasa sa karanasan
 Pagbasa sa teksto
 Pagtatala ng mga posibleng katanungan tungkol sa babasahing teksto
 Pag-uusap sa pamagat ng teksto
URI AT HAKBANG SA PAGBASA/ ANTAS NG PAG- UNAWA
MGA LAYUNIN
Pagkatapos makumpleto ang mga aktibidad sa pagkatuto para sa araling ito, ang mag-aaral ay
inaasahang:
a. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbasa.
b. natutukoy ang iba't ibang uri ng pagbasa at
c. nakabubuo ng isang editorial cartoon batay sa tekstong
binasa.

WILLIAM S. GRAY
 Amerikanong Edukador
 Tagapagtangkilik ng Literasiya
 "Ama ng Pagbasa"

MGA HAKBANG SA PAGBASA


- PAGKILALA O PERSEPSIYON
- PAG-UNAWA O KOMPREHENSIYON
- INTEGRASYON
- REAKSIYON

Paskilala o Persepsyon
- Ito ay hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa pagbigkas nang wasto sa
mga simbolong nabasa.
- Kasama rin- dito ang pagkilala sa mga salitang may kahulugang konotasyon o denotasyon.

Pag-unawa o Komprehensiyon
- Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbolong nakalimbag na
binasa.
- Ito rin ay pag-unawa sa layunin ng may-akda kung bakit isinulat ang teksto at pag-unawa sa mga
salitang may malalim na kahulugan.

Reaksiyon
- Hinahatulan o pinag-papasiyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang
tekstong.
- Ang pagbibigay ng husga ay naaayon sa lohika, empirical na pag-aaral, at sariling karanasan.

Integrasyon
- Isinama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.

NILA BANTON SMITH


 Isang Guro
 Manunulat
 Espesyalista ng pagtuturo sa pagbasa
APAT NA ANTAS NG PAG-UNAWA
1. KRITIKAL O MAPANURING PAGBASA
2. MALIKHAING PAGBASA
3. PAG-UNAWANG LITERAL
4. INTERPRETASIYON

1. Pag-unawang Literal
 Nakatuon ito sa ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto.
 Pinaniniwalaang mababang antas lamang ng pag-iisip ang kinakailangan dito.
 Ito ay maituturing na mahalaga sapagkat ito ang pundasyon sa paglinang ng mataas na pag-iisip.

2. Interpretasyon
 Sinasabing nangangailangan ito ng mataas na antas ng pag-iisip.
 Inaasahan sa tagabasa na may kakayahan siya sa paglutas ng suliranin, marunong kumuha ng
ideya o, kaisipan at iba pa: paghihinuha, pagbibigay ng pagkongklusyon, pagbibigay ng
paglalahat at pagkilala ng pagkakatulad o pagkakaiba, pati ang pagtukoy sa sanhi at bunga.

3. Kritikal o Mapanuring Pagbasa


 Sinasabing ito ay mas nangangailangan ng mas mataas na pag-iisip kaysa sa naunang nabanggit
sapagkat kailangang matukoy ang katumpakan, kaangkupan at katotohanang nakapaloob sa
teksto.
 Nagbibigay ng sariling paninindigan ang tagabasa ayon sa pagkamatotohanan at pagiging kasiya-
siya ng teksto.
4. Malikhaing Pagbasa
 Itinuturing ito na pinakamataas na antas sa pagbasa sapagkat gumagamit ang tagabasa ng
kakaibang kasanayan sa pag-iisip at sinisikap niyang makabuo ng bago o iba pang solusyon sa
binigay ng may-akda sa teksto.

ISKANING
- tumutukoy sa paghahanap ng isang impormasyon sa Isang pahina.

ISKIMING
- mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya.

PREVIEWING
- pamagat - mga pamuhatan
- una at huling talata o pangungusap
- mga buod mga larawan
- talaan ng nilalama

MATIIM O MATAIMTIM NAPAGBASA


- nanngangailangan ng Maingat at masususing pagbasa

KASWAL
- pansamantala o di-palagian.

PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
- Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon.

RE-READING O MULING PAGBASA


- pag-uulit ng pagbasa kung ang paksa ay mahirap unawain.

PAGTATALA
- itoy pagbasang may kasamang pagtala ng mga mahahalagang kaisipan o ideya

ESTRATEHIYANG PAGBUBUOD
- Ito ay impormal at bai-baitang na pagsasalaysay ng banghay ng mga pangyayari. Hindi isinasama
rito ang mga di mahahalagang detalye. Malimit itong ginagamit sa pagsasalaysay ng mga
nabasang kwento, nobela, salaysay, parabola, pabula, gayundin ang panonood ng sine, dula,
talumpati at iba pa.
- Isang paraan ng pagkuha ng kabuuang diwa at mga detayle nito. Ang bawat detalye ay
kailangang ibigay nang sunod -sunod.

URI NG BUOD
• Presis - Maayos at nauunawaang pahayag ng isang orihinal na nagpapanatili sa pangunahing kaisipan,
kayarian o balangkas, pananaw ng awtor at nasusulat ayoss sa himig ng orihinal. Sa pangkalahatang
tuntunin ito ay 1/3 lamang ng orihinal.
Hawig - Itinuturing ito ng mga ilang eksperto sa pagsulat, na isang lehitimong uri ng paglalagom. Layunin
nito na mapalinaw ang malabong katha. Kinakailangan ang paglgmg payak at makabago sa uring ito.
Halaw - Ito ay maikling lagom ng isang pormal na paglalahad gaya ng abstrak ng isang sulating
pananaliksik o tesis ng siyentipikong pag-aaral o anu mang sulating pang-akademiko at legal. Ang haba
ng halaw ayon sa haba ng orihinal

Mga Gawain o Pamantayan sa Pagsulat ng Buod


- Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
- Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng
talata.
- Isulat ang buod sa paraang madaling unawain
- Gumamit ng sariling pananalita.
- Hindi dapat lumayo sa diwa o estilo ng orihinal na akda.

ESTRATEHIYANG ISKIMING
- Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o
kayay pagpili ng materyal nababasahin.
- Madaliang pagbasa ng isang materyal upang magkaroon ng impresyon ukol dito.
- Pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasangmagagwa ng isang tao.
- Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon
katulad ngpamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng
seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sakanya sa sandaling iyon.

5 halimbawa ng skiming.
 Pagbasa ng unang talata
 Pagbasa ng huling talata
 Pagbasa sa unang pangungusap ng talata
 Pagbasa sa huling pangungusap ng talata
 Pagtingin sa heading at subheading

Tekstong Deskriptibo
 Ito ay sinasabing makulay, masining at nagpapahayag ng malakas na impresiyon o emoslyon.
 Ito ay nagpapahayag ng malinaw at detalyadong paglalarawan sa isang tao, bagay, pook o
panlasa, pandinig, pang-amoy at panghigop.
 Layunin nitong magbigay impormasyon sa mga mambabasa hinggil sa mga imaheng inilalarawan
o nilalahad ng may-akda na para bang nakikita ang totoong buhay.

ANG, TEKSTONG, DESKRIPTIBO AY MAY DALAWANG URI:


1. Karaniwan - Nagbibigay ng impormasyon ayun sa pangkalahatang pagtingin at pangmalas.
Halimbawa:
Maganda si Marcha, Hugis puso ang kanyang mukha at may mamula-mulang pisngi at labi.
Mayroon din siyang biloy sa kanyang pisngi, may matangos na Ilong at may makapal na pilik mata at
kilay. Mahaba ang kanyang buhok na abot hanggang balikat na kinulayan ng kulay dilaw. Siya ay
matangkad at may balingkinitang katawan.
2. Masining - Ito ay gumagamit ng pang-uri, pang-abay, tayutay at idyoma. Ito ay nagpapahayagng
isang buhaynalarawan batay sa damdamin at pang malas ng may akda.
Halimbawa:
Muling nabuhay si Grace sa katauhan ni Marcha Ang hugis puso niyang mukha na tila anghel aysadyang
kinahuhumalinagn ng anak niadan.Mayroon siyang ginintuaang buhok na abot hanggang balikat

KATANGIAN NG TEKSTONG DESKTIPTIBO


1. Ito ay naglalarawan - Ang teksyong deskriptibo ay naglalaman ng mga impormasyon na may
kaugnayan sa katangian ng tao, bagay, lugar atpangyayaring madalas nasasaksihan ng tao sa paligid.
2. Naglalayong magbigay ng impormasyon sa detalyadong pamamaraan
3. Ito din ay naglalayong maglarawan ng pansariling saloobin o pananaw
4. Ito ay naglalarawan ng hindi sangkot ang damdamin. Naglalarawan ito ayon sa nakikita ng mata.
5. Ito ay naglalayon na pukawin ang guni-guni ng mambabasa. Naglalarawan ng nilalaman ng damdamin
at pananawng taong naglalarawan,

KATANGIAN NG WIKANG GINAGAMIT SA DESKRIPTIBO NG TESKTO


A. Paggamit ng mga pang-uri, mga panuri at mga saitang nasa anyong pangkasalukuyan
o Halimbawa:
Paningin — Kaugnay na nakikita hal. Pulang rosas
Panlasa — Kaugnay ng nalalasahan hal. Matamis na manga.
Pandinig — Kaugnay na naririnig hal. Maugong ang sasakyan
Pang-amoy — Kaugnay na naamoy hal. Mabangong bulaklak
Panghipo — Kaugnay sa nararamdaman o nasasalat hal. Magaspang na bato.

B. Paggamit ng maikling pangungusap upang maging mabisa ang ibinibigay na paglalarawan.


o Halimbawa: Malawak na bukirin at makulay na karagatan ang natatanaw ni Lisa sa kaniyang
paglalakbay.
C. Paggamit ng barayti ng mga termino o mga tayutay upang makapagbigay ng tumpak at
epektibong paglalarawan.
o Halimbawa: Kayod-kalabaw sa ilalim ng araw ang kaniyang pagtitinda ng sampaguita.
D. Paggamit ng mga salitang kilos o pandiwa na nagbibigay buhay sa imaheng inilalarawan.
o Halimbawa: Dali-daling umuwi si Leon, nagpahid ng pawis at nagpalit ng kaniyang gula-
gulanit na damit.
Tekstong Deskriptibo

Mga Uri ng Paglalarawan na Ginamit sa Tekstong Deskriptibo

a) Obhektibo o Karaniwang Paglalarawan


- Ang ganitong uri ng paglalarawanay hindi ginagamitan ng sariling emosyon pagpapahayag ng
sarillng paghahatol.
Halimbawa:
Si Pingkaw pala, ang sinunusundan ng mga bata. May kargang kung ano atpasayaw-sayaw na
naglalakad. Gula-gulanit ang kaniyang damit na ilang ulit nang tlnagpan ay may medyas ang isang paa
na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya't di ko Makita nang Mabuti. Sa kabilang binti, may
nakataling papel de hapon na may kabit na lata sa dulo. Sa Kaniyang ulo, may nakatong na larawan ha
kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.

b) Sabhektibo
- Nagbibigay ang may-akda ng sariling impresyon sa bagay na inilalarawan, ayon sa anlyang
nakikita o nadarama upang mapukaw ang emosyon ng mambabasa. Layumn ng ganitong
paglalarawan ang makapanghikayat o makaantig ng damdamin ng mababasa.
Halimbawa:
Ang poso negro sa septic tank ang pinagsisidlan ng dumi at ihi ng tao. Ito ang unang nagsasala at
naglilinis ng duming ito. Delikadong trabaho ang paglilinis ng septic tank sapagkat amoy pa lang nito ay
maaring ikamatay ng naglilinis, Kaya dapat lamang kumpleto ang kagamitan ng naglilinis upang
makaiwas sa nakasusulasok na amoy nlto.
 
c) Masining na Paglalarawan
- Ang may-akda ay gumagamit ng mga tayutay o di-literal na paglalarawan upang mapukaw ang
guni-guni o imahinasyon ng mambabasa sa tiyak na larawang nililikha ng may- akda.
Halimbawa:
Ang pagkakaibigan ay katulad ng pag-ibig na katulad naman ng buwan: kung lumiliit o palubog,
ito'y lumalaki o bumibilog.
- Ang Pagkakaibigan, tulad din ng Pag-ibig
- Ni. F.C Borlongan

d) Teknikal na Paglalarawan
- Gumagamit ang may-akda ng akma o mga teknikal na mga salita upang makapagbigay ng
eksaktong representasyon sa mga bagay-bagay at pangyayaring kaniyang inilalarawan.
Halimbawa:
Isang napakalakas na lindol ang tumama sa Surigao del Norte at kalapit probinsya nito. IVon sa
ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seiesmology, dalawampu't pitong aftershock ang
naitala nila matapos na tumama ang 6.7 magnitude na lindol. Ang sentro ng paglindol ay nasa
labing-apat na kilometro sa kanlurang bahagi ng Surigao City. Sinabi ng Phivolcs na testonic ang
pinagtnulan ng lindol na may lalim na labing- isang kilometro. Naitala rin ang aftershock sa
Dinagat islands, Burgos, Libjo sa Surigao del Norte at San Dinagat at ilang bahagi ng Soutern
Leyte.

Tekstong Naratibo
TEKSTONG NARATIBO O NAGSASALAYSAY
 Nilalayon ng tekstong naratibo na magsalaysay o magkuwento o maglahad ng mga
impormasyon sa mga tiyak na mga pangyayari, personal na karanasan o magkuwento na bunga
ng malikot na pag-iisip.
 Sa madaling sabi, ito ay nagsasalaysay ng magkakaugnay na pangyayaring turnutugon sa mga
tanong na ano, sino, kailan, saan, at paano,
 Layunin ng tekstong naratibo na magkaroon ng keneksiyon ang mambabasa o awdyens sa mga
karakter at mga panwayari sa kuwento nito,
 Naglalayon din itong magbigay ng kabatiran, magturo, manghikayat omagbigay aliw sa mga tao.
 Ang tekstong naratibo ay maaming ipahayag nang pasulat, pasalita, palarawan„ o pakanta,
 Mga halimbawa ay ang mito, kuwentong-bayan, alamat, nobela, awiting ballad, pelikulm o
programa sa telebisyon, mga larawan sa aklat o kaya'y komik strip.

LIMANG (5) ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO


TEMA
 Ito ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda na bilibigyang-laya upang
makintal itö sa isipan ng mga mambabasa.
 Ito ay maaaring nakatuon sa mga naganap na pangyayarisa lipunan, obserbasyon ng may-akda
tungkol sa pag-uuga]i ng tao.
 Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento. Mahalagang
malinang ito ng husto sa kabuuanng akda upang mapalutang ng may- akda ang
pinakamahalagangmensaheng nais niyang maparating sa kanyang mambabasa.

POINT OF VIEW O PANANAW NG MAY AKDA


 Ito ang paraang gmagamlt ng may-akda sa pagsasalaysay ng kuwento .
 Nasa unang panauhan ang point of view ng may-akDa kung kasama ang may-akda sa
pagsasalaysay ng kuwento.
 Ito ay ginagamitan ng mga panghalip na ako, sa akin, sa amin, at tayo.
 Nasa ikatlong panauhan naman ang point of view ng may-akda kung hindi ito kasama sa
pagsasalaysay ng kuwento. Kadalasang ginagamitan ito ng mga panghalip na siya, niya, sila, nila
at kanila.

MGA TAUHAN
 Mga karakter na nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento,
 Ang mga tauhan ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan katulad ng tinatawag na...
 Protagonista — PangunaHngtauhang tinutukoyna bida sa kuwento
 Antagonista —Tavag sa kabaligtaran ng protagonista, madalas kinaiinisan sapagkat ang
tanging papel na ginagampanan nito ay pahirapan angbida sa kuwento.
 Bukod dito, may mga tauhan ding tinatawag na .
 Tauhang bilog —Ang karakter nito ay nagbabago o nag-iiba ang karakter bago
magwakas ang kuwento.
 Tauhanglapad — Konsistenc o hindi nagbabago ang karakter magmula sa simula
hanggangwakas.

TAGPUAN
 Tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan ng kuwento, kasama ang panahon, oras, at kapaligiran.
 Sa madaling salita, ito ay sumasagot sa mga tanong na saan at kalian naganap ang pangyayari.

BANGHAY
 Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari kung saan ipinapakita ang problemang
kinasasangkutan ng mga tauhan sa kuwento at kung paano ito nabigyang solusyon sa katapusan.

Tekstong Impormatibo
Mga layunin:
Naibibigay ang kahulugan at katangian ng tekstong impdrmatibo
Nauunawaan ang mga elemento ng tekstong impormatibo
Nasasagot ang mga katanungan batay sa paksang tinalakay
 
Tekstong Impormatibo
 Ang tekstong impormatibo ay hindi isang kathang- isip.
 Ang tanging intensiyon sa pagkakasulat ng ganitong uri ng teksto ay magbigay ng kabatiran o
magbahagi ng impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksang tinatalakay.
 Ito rin ay naglalahad ng mg datos upang makapagbigay-linaw sa mga bagay na nagbibigay ng
kalituhan o agam-agam tungkol sa isang bagay o paksa.
 Ang pangunahing layunin ng tekstong ito ay makapagbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng
papaliwanag, paglalarawan, argumento, analisis, at presentasyon ng mga ebidensiya.

Katangian ng Tekstong Impormatibo


 Makatotohanan ang mga datos.
 May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat.
 Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa at may kaisahan.
 Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, a! sa mga
pangkalahatangsanggunian.

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO


1. Layunin — Layunin nitong maglahad o magbigay ng Impormasyon.
2. Pangunahing ideya - Ito ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa
mambabasa.Nagagawa ito sa paglalagay ng pamagat sa bahagi —tinatawag din itong
organizational markers na nakatutulong upang agad makita at ng mambabasa ang pangunahing
ideya ng babasahin.
3. Pantulong na kaisipan - Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o
mga detalye upang makatulong mabuo saisipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais
niyang matanim o maiwan sa kanila.

4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin


- Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga malawak na pag-unawa sa binabasang
tekstong imponnatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon(larawan, guhit, dayagram,tsart, timeline)
 Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto(pagsulat ng nakadiin, nakahilis, nakapanipi)
 Pagsulat ng mga talasanggunian( mga aklat, kagamitan at iba pa)

Dalawang Anyo Tekstong Naratibo


 
Mga Nilalaman ng Banglnay
Panimula - Kadalasang inilalahad ang tagpuan ng kuwento upang ipakilala ang mga tauhan, pook, at
panahon.
Saglit na kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga pangunahing tauhan kung saan
ipinahihiwatig suliraning ang kakaharapin nila.
 
Suliranin o TunggaIian - Nag papakita ng problemang haharapin ng tauhan at tunggalian na maaaring
tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o di kaya'y tao laban sa kapaligiran kalikasan.

Kasukdulan - Bahagi ng kuwento na may masidhing kawilihan o pinaka-kinasasabikan. Ipinapakita rito


kung makakamtan ng pangunahlng tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 
Kakalasan - Ang tulay sa wakas. Kadalasang ipinapakita ang resulta ng paglalabanan ng mga tauhan sa
kuwento.

Wakas — Ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento. Ipinapakita ang kahihinatnan ng pangunahing
tauhan sa kuwento at ang aral na mapupulot mula rito.
 
DALAWANG (2) ANYO NG TEKSTONG NARATIBO
Piksyon
 Tungkol sa likhang-isip ng tao o pangyayari.
 Ang mga tauhan mula sa kathang-isip lamang
MGA HALIMBAWA NG PIKSYON
Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari at mag-iwan ng kakintalan sa
isip ng mga mambabasa.
 
Isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan at nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa.
 
Kuwentong Bayan o Folktale
- Mga pasalitang pagsasalaysay sa tradisyong patuluyan. Kinukuwento ito sa pamamagitan ng
natural na pag-uusap na pasalita na karaniwang sa pang-araw-araw na pag-uusap,

Parabula
- Isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa bibliya.

Alamat
Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Mitolohiya
Salaysay tungkol sa iba't ibang diyos na pinaniniwalaan ng mga sinaunang katutubo. Ang salaysay na ito
ay tungkol sa kababalaghan at mga paniniwala sa mga anito.

Di-piksyon
Tungkol sa mga totoong tao atPangyayari. Isinasalaysay nito ang mga totoong estado ng mga tauhan at
mga pangyayari sa kuwento.
MGA HALIMBAWA NG DI-PIKSYON
Anekdota
Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng
isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito lin
ang mga gumagawa ng pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

Talambuhay
lsang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na hango sa mga tunay na
tala, pangyayari, at impormasyon.

Personal na Sanaysay
Maikling pagsasalaysay ng sariling tala ng karanasan at pakikipagsapalaran sa buhay ng isang tao.

Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Naratibo


1. Pumili ng paksa at anyo ng tekstong nais isalaysay. Maaaring ang paksa ay may kinalaman sa
mahalagang pangyayari sa iyong buhay o karanasang hinde malilimutan.
2. Magpasiya kung nasa o ikatlong panauhan ang gagamiting papanaw sa pagsasalaysay
3. Gumawa ng balangkas.
4. Tiyaking ng mga salitang akma sa paksa at inaasahang awdyens.
5. Isa-isahin ang mga elementong dapat isama sa teksto.
6. Tiyakin na ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay nasa lohlkal na ayos at maliwanag
ang pagkakasaad ng mga detalye.
7. Isapinal ang nagawang tekstong naratibo.

Takdang Aralin
Saliksikin ang ang mga sumusunod:
1. Kahulugan at Katangian ng Tekstong Impormatibo

Tekstong Impormatibo
Mga Layunin
Nabibigyang halaga ang mga uri ng tekstong impormatibo
Natutukoy ang mga uri ng tekstong impormatibo
Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling
halimbawang tekstong impormatibo
 
Uri ng Tekstong Impormatibo
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
o Sa uring ito inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula at sinusundan ng iba pang
bahagi ng sulatin

Pag-uulat Pang-impormasyon
o Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao,hayop, iba
pang bagay. Ito ay nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon
ay pawangkatotohanan.
Pagpapaliwanag
o lto ay nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. Layunin
nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong
ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwang itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o
flowchart na may kasamang mga paliwanag.

Estruktura ng Tekstong Impormatibo


Deskripsiyon
 Pagtalakay hinggil sa isang bagay.
Simbolo

Hudyat na mga salita


tulad ng, gaya ng, isang halimbawa, upang

Pagsusunod-sunod o Order
o Nagpapakita ng pagkakasunod-sunod o order ng mga pangyayarl o ng Isang proseso
Simbolo

Hudyatna mga salita


Una, pangalawat pangatlo, svnodt bago pagkatapos, kasvnod ng, sa vvakas

Paghahambing at Pagkokontrast
o Nagpapakita ng pagkaaktulad o pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay, tao, kaisipan o ideya.
Simbolo

Hudyat na mga salita


katulad, di katulad, maqkaiba, ngunit, pero, bagamat, magkapareho, hinde kaiba
Sanhi at Bunga
o Pagtalakay sa mga kadahilanan ng isang bagay at mga maaaring epekto nito.
Simbolo

Hudyat na mga Salita


dahil resulta ng, ito ay humantong sa nang sa gayon.

Problema at Solusyon
o Pagtatalakaysa ilang suliranin at ang paglalapat ng kalutasan dito.
Simbolo

Hudyat na mga salita


upang maiwasan, solusyon, kalutasan, kaya, ang sagot ay, ang isang dahilan ay.

MGA DAPAT ISMLANG-ALANG SA PAGSULAT NG TEKSTONG IMPORMATIBO


1. Magbigay ng tiyak at matapat na impormasyon na hango sa katotohanan at hindi mula sa
sariling opinion.
2. Tandaan na ang paglalahad ng mga impormasyon dapat makatulong upang magturo at hindi
para mangaral.
3. Magbigay ng pantay na pagtingin sa kahinaan o kalakasan ng dalawang bagay na hindi
kailangang magbigay ng kongklusiyon.
4. Iwasan ang pag-uulit ng mga paliwanag at tiyakin na ang mga pahayag ay may kaisahan o
magkakaugnay.
5. Kailangang maging malinaw ang paglalahad ng layunin ng teksto upang madaling malaman ng
mga mambabasa kung ano ang kanilang matututuhan mula rito.
6. Laging tandaan na ang batayan ng tekstong impormatibo ay hango sa pananaliksik tulad ng
pangangalap ng mga datos.

MGA HANGUAN NG IMPORMASYON O DATOS PARA SA TEKSTONG IMPORMATIBO


HANGUANG PRIMARYA
 Mula sa mga indibidwal o awtoridad
 Mga gmpo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, union, katutubo o minorya, samahan,
simbahan at gobyerno.
 Mga pampublikong kasulatan o dokumento
 Kinagawiang kaugalian katulad ng pag-aasawa, relihiyon, sistemang legal at iba pa.

HANGUANG SEKUNDARYA
 Mga aklat tulad ng ensayklopedya, almanac, atlas diksyonaryo.
 Mga hanguang elektroniko, kasama rin ang mga nalathalang artikulo sa journal, pahayagan,
newsletter, tisis, disenasyon at feasibility study.
 Mga monograp, manwal, polyeto at manuskrito.

DAGDAG NA KATANGIAN IMPORMATIBO


ORGANISASYON
 Nagtataglay ng malinaw na panimula, nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon hinggil sa
paksa, nagtataglay ng tiyak na mga impormasyon, nakahihikayat at madaling unawain.

KATANGIAN NG WIKANG GINAGAMIT


Gumamit ng mga pang-ugnay upang makita ang kaisahan ng mga ideya, gumamit ng una at ikatlong
panauhan, ang mga Impormasyon ay batay sa katotohanan, ang aspekto ng pandiwa ay
pangkasalukuyan, at gumagamit ng mga tiyak na
halimbawa.
PAGTATAYA
Panuto: Basahing Mabuti ang teksto at kunin ang mahahalagang detalyeng isinasaad dito gamit ang
talahanayang inihanda.

Sa paglaganap ng krimen at di matapos tapos na drugs, mulin nabuksan ang isyu tungkol sa pagbabalik
ng death penalty sa ating bansa. Itong mga krimen na siyang dahilan upang bumaba ang porsyento ng
mga dumarayo sa Pilipinas ng dahil sa takot at- pangamba.
Isa sa mabisang solusyon ang muling pagbabalik ng patusang death penalty, nænit ano nga ba talaga ito?
Makakatulong nga ba ito sa
pagpuksanglumalaking launen sa bansa?
Ayon sa Republict Act No. 7659, ang death penalty ay mg patusng ipinapataw sa gumagawa ng mga
kagimbal gimbal na
krimen. Ilan sa mga halimbawa ng mga krimen na maaaringhumantong sa kapatusahang kamatayan ay
patricide, qua.lified btibety,
piracy, kidnapping robbety, rape at drug pushing. Mauna na itongnaipatl-pad tong 1521-1898 sa
panahon Kast.ila. Ayon sa Codigo Penal
ng 1848 ipinataw ang sestensyang kamatayan sa mga Pilinong tutol sa pamamahala ng mga kastila. Sa
panahon ng Amerikano naman,
ginamit angpatusang bitay sa kampanyang "pacification" ng mga Amerikano at upang supilin ang
mithiing pagsasariling mga Pilipino. Sa
ilalim ng pamumuno ng Pangulong Marcos ay muli naman itong ipinatupad at naging 24 ang mga
krimeng may patusang kamatayan.
"Detterence"ang naging opisyal na kadsahilanan sa pa4ataw ng dedh pnalty Tinapos ang patusmg sa
ilalim ng Saligang Batas 1987 sa
ilalim ngpamumuno ni Pangu10ngCorazon Aquino.
Tekstong Persuweysib
TEKSTONG PERSUWEYSIB
 Layunin ng teksto na himukin ang mambabasa na kumilos at gumawa ng isang bagay na naaayon
sa kagustuhan ng manunulat.
 Ito ay gumagamit ng mga salita, parirala at pangungusap na makatutulong na makahimok sa
mga mambabasa o manonood.
Halimbawa:
sa katunayan, sa totoo lang, kung ako ang tatanungin at iba pa.
 Sa tekstong nanghihikayat, maaaring nagpapahayag ang manunulat ng kaniyang mga opinion na
batay sa mga datos.
 Ang paggamit ng mga datos ay makatutulong upang mahimok niya ang mambababsa na panigan
ang inihahayag na opinion.

Mga Pamamaraan ng Panghihikayat (Aristotle)


PANGHIHIKAYAT
 ETHOS
 LOGOS
 PATHOS

ETHOS
 Ang salitang ethos ay salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit na itong angkop
ngayon sa salitang "imahe. "
 Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng nagsasalita batay sa
paningin ng nakikinig.
 Ang elementong ethos ang magpapasiya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ang
tagapakinig ang tagapagsalita, o ng mambabasa ang manunulat.

1. Pagkakatulad sa mga mambabasa — Malimit na nahihikayat ang mga mambabasa kung


nagagawa nilang magkaugnay.
2. May Kapangyarihan - Tumutukoy ito sa kung paano mapapalutang ng may-akda ang kaniyang
impluwensiya sa mga mambabasa nang sa gayon ay mahikayat niya itong paniwalaan ang
kaniyang paninindigang inilahad.
3. Reputasyon — Ang malalim at malawak na pagkaunawa ng mambabasa sa paksang kaniyang
isinusulat ay Isang mabisang paraan upang kaumbinsi ang sinumang babasa.

LOGOS
Ang salitan Griyego na logos ay tumukoy sa pangangatwwan.
 Nangangahulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman.
 Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal ng nilalaman o kung may katuturan ba ang sinasabi upang
mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo.
 Ang "logos" ay salitang griyego na nangangahulugang "salita" na Malaki ang pagbibigay-diin sa
konsistensi ng paglalahad na nakabatay sa mga pangunahing sangkap nito.

1. Kalinawan — Tumutukoy ito sa kung gaano kalinaw para sa mga mambabasa ang pag-
igting ng mga inilahad na punto ng may-akda.
2. Lohikal/Pangangatwir - Ang lohika at pangangatwiran ay kinakailangang maging kumpleto
ngunit kinakailangan ding siguraduhin na madali parin itong unawain.
3. Patunay- Kung magiging matagumpay ang paglalatag ng mga patunay o ebidensya, mas
magiging mapanghikayat ang kaisipang pupukaw sa pangangatwiran ng mga mambabasa.

PATHOS
 Pathos ang elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa
o tagapakinig.
 May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag- iisip at lahat
ng ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip.
 
Tekstong Persuweysib
MGA LAYUNIN
 Naibibigay ang mga teknik sapagpapaigting ng panghihikayat
 Nauunawaan ang kohesyong gramatikal
 Nakasasagot sa mga katanungan batay sapaksang tinalakay

Teknik sa Pagpapaigting ng Panghihikayat


• Ang paggamit ng mga makatotohanang datos ay isang mabisang paraan ng panghihikayat.
Maaari itong magmula sa iyong pagbabasa, obserbasyon, o personal na karanasan.
• Ang paggamit ng mga estadistika ay magsisilbing mahusay na pansuporta sa iyong argumento.
Siguraduhing nagmula sa mapagkakatiwalaang sanggunian at huwag kalimutang banggitin ang
pinagkunan nito.
• Ang paggamit din ng mga pahayag mula sa mga kilalang tao ay malaking tulong sa tatangkaing
panghihikayat.
• Ang paggamit ng mga halimbawa ay mabisang paraan upang makapagbigay ng isang tiyak na
kaisipan.

Kohesyong Gramatikal na Pagpapatungkol


Anapora
 Ang pinalitan ng panghalip ay ang pangngalang unang nabanggit sa simula ng pangungusap o
ang panghalip na ginagamit sa hulihan bilang panghalili sa pangngalan sa unahan.
Halimbawa:
Ang mga mambabatas ang nararapat maging halimbawa sa pagpapatupad ng batas. Sila ang
dapat manguna at hindi yung sila pa ang nagpapakita ng kawalan ng respeto sa batas

Katapora
 Ang pinapalitan ng panghalip ay pangangalang makikita sa hulihan o ang panghalip na ginagamit
sa unahan bilang panghalili sa pangngalang nasa hulihan.
Haliwbawa:
Nakakadismayang isipin na hindi Siya napagbigyan ng Commission on Appointments na manatili
sa kaniyang puwesto bilang Secretary ng DENR. Marami pa sanang plano si Gnu. Gina Lopez upang
mapangalagaan ang kalikasan.

Kredibilidad ng may-akda
• Gaano kakilala ang pinagmulan ng teksto (manunulat o tagapagsalita) at ano ang pagkakakilala
sa kaniya?
• Masasabi bang may kredibilidad ang may-akda magsulat tungkol sa paksa?
 Maituturing bang maalam o awtoridad sa larangang kaniyang tinatalakay ang may- akda.
 Paano naapektuhan ng Imahe o karakter ng manunulat ang layunin ng teksto?
 Katiwa-tiwala ba ang may-akda na sumulat tungkol sa kaniyang paksa?

Nilalaman ng Teksto
• Tungkol saan ang teksto?
• Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
• Anong panig, kaisipan, o ideya mngkol sa paksa ang pinanghihimok ng may-akda?
• Ano-ano ang ginamit na suportang ideya para dito?
• Ano-ano ang batayang ginamit upang masabi ito ng may-akda?
• Saan galing ang mga batayangito? Ito ba ay hango sa mga katotohanan o kuro-kuro lamang?
• Mayroon bang mga detalye o posisyonna tila masyadong nasuportahanng matibay na ebidensya
o katwiran? Ano ang mga ito at ginamit upang makahikayat?
• Ano ang kasalungat na panig nito na maaating isagot sa posisyon ng teksto?
• Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
• Mayroon bang mga tanong o usaping Imdi tinalakay ngunit dapat ay nabanggit man lang? Ito
kaya ay sadyang tinalakay? Kung oo, bakit?

Pagtukoy sa Elementong Pathossa Panghihikayat


• Anong damdamin ang napukaw sa pagbasa ng teksto?
• Alin-aling bahagi ng teksto ang napukaw ng damdaming ito?
• Gamit ang damdaming ito, anong kaisipan, ideya, o aksiyon ang hinihikayat ng teksto na
paniwalaan o gawin ng mambabasa?
• Balanse ba ang pag-apela sa emosyon sa mga binaggit na impomasyon sa nilalaman ng teksto?
 
Bisa ng Paghihikayat ng Tekto
• Ano ang ipinahihiwatig na uri o katangian ng mambabasa na
• "kinakausap" ng may akda ng teksto?
• Tagumpay ba ang paggamit ng mga elemento ng panghihikayat upang makumbinsi ang mga
mambabasa?
• Ikaw ba o ang target na mambabasa ay nahikayat, nahimok kumilos, o napaniwala ng teksto?
Paano?

Pagtataya
Panuto: Bumubuo ng saliling pangungusap na kakikitaan ng mga kohesyong gramatikal na
pagpapatungkol. Gamitin ang pares ng salitang makikita sa bawat bilang.
 
Takdang Aralin
Saliksikin ang mga sumusunod:
• Ang kahulugan at layunin ng tekstong Argumentatibo
Mga Layunin
 Natutukoy ang mga paraan ng panghihikayat at estruktura ng tekstong persuweysib
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng tekstong persuweysib
 Nakasusulat ng isang talata na may kaugnayan sa paksang tinalakay

Mga Paraan ng Panghihikayat


1. Nagsasaad ng prinsipyo o paniniwala - pagpapahayag na Itinatampok ang paniniwala o adhikain
ng Isang tao.
2. Nagbibigay-edukasyon o nangangaral - pagpapahayag na ginagamit na panghihlkayat na may
saligan o batayan na ang layon ay makapagbigay ng kaalaman.
3. Nang-iimpluwensiya — pagpapahayag na ang layon ay mabago ang pamniwala ng isang
indibidwal.
4. Namimilit — pagpapahayag na hindi pa lubos ang katatagan kung kaya't may kasamang
puwersa.
5. Nanliligaw — pagpapahayag na kabaligtaran ng pamlmilit.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong Persuweysib


a. Ipaliwanag ang mga mahahalagang punto ng paksa nang maunawaan ng mga mambabasa ang
mga pananaw ng teksto. Huwag kalimutan na marami itong mga bahagi kaya't siguraduhin na
ang paksa ng teksto ay makapagbibigay ng impormasyon ukol sa tiyak na usapin ng isyu na nais
bigyang-tuon sa pagsulat.
b. Maglatag ng mga makatotohanang patunay sa iyong paninindigan. Makatutulong ito upang
mapaigting ang kredibilidad ng iyong mga pahayag.
c. Isaayos ang paglalahad ng mga patunay mula sa di-gaanong mahalagang argumento patungo sa
pinakamahalaga.
d. Bumuo ng isang matibay na kongklusyon. Tiyakin na masasagot sa huli ang tanong na: "Bakit ko
sinusulat ang tekstong ito?" Dahil kung mapagtatagumpayan itong masagot, magawang
makalikha ng mapapanaligang kongklusyon na siyang makapanghihikayat sa mga mambabasa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Persuweysib


 Tiyakin ang papanigang pananaw sa pagsulat. Aling bahagi ng isyu o suliranin ang hangad kong
sulatin at anong solusyon ang maaari kong ibigay? Sa madaling salita, dapat alamin ang layunin
ng iyong teksto.

 ang mabuti ang magiging


 kung sasang-ayon ba sila,
 '-ayon o walang papanigan sa
 osisyon o pnanaw ng iyong

 Maliban sa mga mambabasa, dapat ay higit na makilala ng manunulat ang kaniyang paksa. Ang
ganitong uri ng teksto ay kinakailangang maglahad ng tiyak at mapanghikayat na patunay.
Hangga't maaari ay huwag lamang makuntento sa pansariling karanasan at kaalaman. Mas
mabuti kung magtutungo sa mismong sanggunian ng impormasyon.
 Isaayos ang estruktura ng suliranin, isipin kung ano-anong mga patunay ang dapat isama at
kailan ito dapat ilantad bilang patunay. Laging isaalang-alang ang iyong layunin.
Paraan sa Pagsulat ng tradisyonal na estruktura ng Tekstong Persuweysib
 Exordium, o introduksiyon
 Pagsasalaysay, o kaligiran ng ihahayag na mga patunay.
 Paghahati-hati, o pagtatantiya ng mga ilalantad na paksa.
 Kumpirmasyon ng piyesa o ang mismong katawan ng tekstong.
 Kontradiksyon, o diksyon sa iba pang punto.
 Retorika na mga tanong, upang mapag-isip ang mga mambabasa.
 Kongklusyon, mas magiging mabisa ito kung iuugnay ito sa naging intruduksiyon upang
paigtingin ang panghihikayat sa mga mambabasa.

Pagtataya
Panuto: Ano ang maitutulong ng sining ng panghihikayat sa iyo bilang isang mag-aaral? Paano ito
makatutulong sa iyong pang-araw-araw na pakikisalamuha sa iyong pamilya sa 100b ng tahanan, mga
kaibigan at guro sa paaralan, o sa iba pang mga taong nakakasalamuha? Magbigay ng ilang tiyak na
halimbawa sa paraang patalata.
Usaping Bayan, Makisangkot... Pagtalunan!
Basahin sa ibaba ang dalawang pananaw o panig kung dapat ibalik ang parusang death penalty.

OO
 Ipataw muli ang pinakamataas na parusa upang magdalawang-isip ang nagtatangkang gumawa
ng karahasan.
 Baka makabawas din ang death penalty sa nag-uumapaw na inmates sa mga kulungan. Tandaan
na ang kanilang pagkain at gastusin ay kinukuha sa ating binabayad na buwis.

HINDI
 Malabo itong makabawas ng krimen dahil karamihan ng gumagawa nito ay kapit sa patalim na
kailangang iahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.
 Ang ilan-ilan na mapapatawan ng death penalty ay di makababawas sa overpopulation
kulungan.

Tekstong Argumentatibo
Mga Layunin
 Naipamamalas ang pag-unawa sa kahulugan at katangian ng tekstong argumentatibo sa iba't
ibang larangan.
 Nuunawaan ang mga element ng pangangatwiran at uri ng tekstong argumentatibo.
 Nagagamit ng tama ang mga cohesive devices sa pamamagitan ng pagsagot sa pagtataya.

Tekstong Argumentatibo
 Naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na
pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika. Upang maipagtanggol ang argumento, ang
tagapagtanggol o manunulat ay kailangang mailahad ng maayos at malinaw ang
ebidensiyang batay sa katotohanan upang mahikayat ang tagapakinig o mambabasa.
 Ang pangunahing layunin ng tekstong argumentatibo ang magpakita ng isang argumento at
paglalantad ng mga katotohanan o patunay upang ito ay higit na mapagtibay.
 Hindi umiikot sa iisang pananaw lamang ang ganitong teksto dahil tinatanggap nito na
mayroon pang ibang pananaw maliban sa iminumungkahi ng awtor.

Mga Cohesive Devices


 Pagsalungat: ngunit, subalit, sa kabilang banda, gayunpaman, datapwat, kahit na
 Bunga/Resulta: kaya, bilang bunga/resulta
 Paglalahat: sa kabuuan, sa madaling salita/sabi, samakatuwid, bilang pagwawakas, kung
gayon, kung kaya, sa huli
 Kondisyon: kung, kapag
 Pagpapatotoo: sa katunayan, bilang patunay

Pagkakaiba ng Argumentatibo at Persuweysib


 Binibigyang-tuon ng tekstong argumentatibo ang pagpapatunay sa isang pananaw samantalang
ang persuweysib naman ay naglalayong hikayatin ang mga mambabasa nito na paniwalaan ang
inihahaing kaisipan ng awtor.
 Nagiging tunog personal o pansarili ang persuweysib habang ang tekstong argumentatibo ay tila
seryoso at nakasandig lamang sa mga katotohanan.
 Tinatanggap ng tekstong argumentatibo na mayroon pang ibang pananaw liban sa kaniyang
inihahain na kabaliktaran ng tekstong persuweysib dahil nakasentro lamang ang paglalahad ng
awtor nito sa pagpapalutang ng kaniyang sariling pananaw.

Persuweysib vs Argumentatibo
Tekstong Persuweysib Tekstong Argumentatibo
• Paraan ng Pagsisimula:
- Pagpili ng paksa at pagtukoy sa paninindigang panig.

Tekstong Persuweysib
Mga Teknik:
1. Pagsasama ng katotohanan at damdamin upang hikayatin ang mambabasa na tama ang awtor.
2. Labis itong subhektibo, o mas Malaki ang bahagi na nakasalig sa damdamin.
3. Pagtanggi sa ibang pananaw.
4. Inilalahad lamang ang mga ideyang nakatuon sa pagpapatibay ng sariling pananaw ng awtor.
5. lisang mukha o bahagi lamang ang inilalantad-ang panig ng awtor.
6. Maaaring magbanggit nang walang patunay.

Tekstong Argumentatibo
Mga Teknik:
1. Paglalahad ng mga katotohanan at patunay na magpapatibay na may kabuluhan ang inihahain
na pananaw ng awtor.
2. Higit na nakabatay sa lohika
3. Pagkilala sa ibang pananaw
4. Maaaring ng mga kaisipan upang makalikha ng isang matibay na posisyon.
5. Pagpapakita ng iba't ibang panig ngunit makikilala pa rin ang pananaw ng awtor.
6. Palaging paggamit ng mga patunay sa bawat babanggitin na kaisipan.

ELEMENTO ng PANGANGATWIRAN
A. Proposisyon
 Tumutukoy ito sa pangunahing premise ng pangangatwiran na magbunga ng tatlong
mungkahing kaisipan ukol sa isang paksa.
Halimbawa:
Ang historical at di-patas na pag-iisip ng mga puti, na kinilalang rasismo, ang nagging
pangunahing dahilan kaya't nabigyan ng negatibong imahe ang kalalakihang African-American na
mapatutunayan sa iba't ibang lente ng media, literature at sa mga popular na kuwentong bayan ng
America.

B. Patunay sa Argumentatibo
Sa paglalahad ng ebidensiya, magsisimula ang awtor sa pagbabalangkas ng katawan ng isusulat na
argumento na siyang magsisilbing suporta sa proposisyon.
Dalawang kinikilalang Ebidensiya.
 Katotohanan - tumutukoy sa mga bagay na maaaring matay at mapatunayan.
 Opinyon - Tumutukoy ito sa opinion ng mga eksperto sa kasangkot na larangan.

Tekstong Prosidyural
Uri ng Tekstong Argumentatibo
Subhektibo
Ang ganitong uri ng tekstong argumentatibo ay nakasentro sa paglalahad ng pagnanais ng awtor
(tagapagsalita) na makaugnay at makapagbahagi ng ilang mga tiyak na kaisipan sa kaniyang mga
mambabasa.
Malimit makita ang ganitong uri sa pasalitang diskurso katulad ng mga talumpati ng mga
politiko, debate, panayam, imponnal na pakikipagdiskurso, mga ulat sa radio at telebisyon. Samantalang
kabilang naman sa pasulat na diskurso ang mga liham, artikulo, mga opinion sa pahayagan, o liham
pangangalakal at iba pa.

Obhektibo
Tinatawag ang uring ito bilang siyentipikong uri, malimit itong inuugnay sa paraan ng pagtataya sa isang
suliranin gamit ang masusing proseso ng pag-iisip.
Binibigyang pokus nito ay ang paglalapat ng mga metodong nakasalig sa katotohanan o nilikhang batas.
Mga halimbawa:
 dokumento sa pananaliksik
 eksperimento
 tuwirang obserbasyon
 pagsusuri mula sa ma estadistika at iba pa.

Mga hakbang sa Pagsulat ng tekstong Argumentatibo


Pagsulat ng Introduksiyon
 Maaaring maipakita sa simula ang argumento ng awtor sa tulong ng dalawang paraan:
a. bilang isang tesis, na bibigyang solusyon at hindi saklaw ng unibersal na pananaw.
b. makatawag-pansin na panimula upang makuha ang interes ng mga mambabasa.

Pagpapaliwanag sa isyu
 Ito ang naghahanda upang simulan o hubugin ang katawan ng teksto.
 
Pagbabalangkas ng argumentatibo
 Ito ang itinuturing na mahirap na bahagi dahil kinakailangan itong maihayag nang may
katiyakan, organisasyon, at kalinawan upang maipakita ang lohikal na kaugnayan ng mga
argumento.

Pagbuo ng Kongklusyon
 Maaaring magwakas ang teksto sa isang mahusay na pagbubuod ng taliwas ng argumento,
positibo man ito o negatibo, dahil masasalamin dito ang posisyon ng awtor sa isyu.
TEKSTONG PROSIDYURAL
Kahulugan at Layunin ng Tekstong Prosidyural
 Ito ay nagpapaliwanag ng pagkakasunod — sunod ng mga hakbang o prosesong dapat
isagawa na maingat at malinaw na inilalahad upang makuha o maisakatuparan ang ninanais
na hangganan o resulta.
 Ito ay nahahati sa dalawang uri: paano bumuo ng isang bagay at paano isagawa ito.
 Layunin nito na magbigay ng hakbang-hakbang na gawain o direksiyon upang matagumpay
na maisagawa nang wasto at ligtas ang isang gawain.
 Ipinapaliwanag nito kung paano mapapagana ang isang bagay o di kaya'y paano gamitin ang
isang operasyonal na manwal.
 Nagtuturo rin ito kung paano gawin ang isang bagay at mga gawaing nauugnay sa ikauunlad
ng ugali o gawi ng tao.

Panlahat na Istruktura o Balangkas ng Tekstong Prosidyural


Ang balangkas ng tekstong prosidyural ay nahahati sa tatlong bahagi:
1. Panimula
• Ito ay isang pahayag na nagsisilbing pamagat din. Isinasaad dito ang nais makamit ng isang
gawain.
Halimbawa: "Pagbuo ng modelo ng isang Bahay"
2. Listahan
• Tinutukoy ang mga kasangkapan o kagamitang kailangang gamitin
3. Paraan o Metodo
• Ang paraan o pagkakasunod-sunod ng mga gawaing dapat maisakatuparan.
a. Gumagamit ng pangngalan o grupo ng pangngalan para sa pagtukoy o paglilista ng knakailangang
kagamitan o kasangkapan.
Halimbawa:
• gunting, screwdriver, kahon, alambre at lubid
b. Hindi kadalasang gumagamit ng panghalip panao upang tukuyin ang iisang tao sapagkat ito'y
nakapokus sa pangkalahatang mambabasa.
Halimbawa:
• Ipirito mo ang isda at lagyan mo ito ng suka.
c. Gumagamit ng mga salitang kilos o pandiwa na kadalasang matatagpuan sa unang bahagi ng
pahayag.
Halimbawa:
• Hiwain ng pahaba ang sayote.
• Haluin ang sago at ang gulaman.
d. Gunamit ng mga pang-ugnay at cohesive devices tvang ipakita ang pagkakasunod-sunod at ugnayan
ng mga bahagi ng teskto.
Halimbawa:
• kasunod nito/niyan, kaugnayan nito/niyan, halimbawa nito, bilang halimbawa, maliban sa,
bukod sa, una, kasunod, panghuli, bilang karagdagan.
e. Gumagamit ng mga pang-uti na nagbibigay ng tiyak na detalye sa mga bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
• Gamit ang kutsara, kumuha ng tamang dami ng giniling at balutin ito ng lumpia
f. Gumagamit ng mga tiyak na salitang nagtuturong tiyak na diresksiyon.
Halimbawa:
• sa kaliwa, sa itaas,sa hilaga, sa gilid, kalye ng looban.
g. Gurnagamit ng maiikling pahayag na pautos.
Halimbawa:
• kunin lahat, hugasan nang mabilis, higpitang Mabuti.
h. Gumagamit ng salitang teknikal o pangkaraniwang salita na ibinabatay sa target na mambabasa.
Halimbawa:
• Sagutan ang mga kinakailangang impormasyon sa online registration.
i. Gumagamit ng salungguhit o makapal na letra sa pagbibigay diin sa mahahalagang impormasyon sa
teksto.
Halimbawa:
• BABALA: Huwag nang gamitin kungang gamut ay nag-iba na ng kulay.

Mga paraan ng pagluluto o recipe ng pagkain


 Ipinapakita ang mga sangkap na dapat isahog sa niluluto, pagkakasunod-sunod ng mga hakbang
upang maipakita kung paano ang pagluluto ng pagkain at makikita rin ang ilang mga larawan
patungkol dito.

Pagbuo ng mga kagamitan at pagkukumpuni ng mga ito


IPINAPAKITA ANG SERYE NG MGA GAWAIN NA DAPAT SUNDIN UPANG MABUO ANG ISANG
BAGAY.

Manwal
 IPINAPAKITA ANG HAKBANG-HAKBANG NA PACSASAGAWA NG GAWAIN UPANG MAGAMIT O
MAPAANDAR ANG ISANG BAGAY.
 
Pagbibigay ng direksiyon
 Ipinapakita kung paano mararating ang isang lugar sa pamamagitan ng pagbibigay ng tiyak na
panuto kasama ang pangalan ng lokasyong kinalalagyan nito. Sa tekstong ito kailangang
gumamit g ponnal na pananalita at karagdagang mapa upang lubos na maunawaan ang
direksiyong itinuturo.

Pagsunod sa mga patakaran ng isang laro


 Ipinapakita kung paano ang wastong paglalaro ng isang bagay. Ang Illi ng wikang ginagamit dito
ay iniaangkop sa edad ng mga manlalaro.

Reaksiyong papel
Reaksiyong papel
• Ang reaksyong papel ay tumutukoy sa sulatin na naglalaman ng reaksyon patungkol sa isang
paksa. Kalimitang ginagawa ito pagkatapos manood ng pelikula. Doon itatala ang mga napuna sa
pinanood. Dito naitatala rin ang opinyon at suhestyon batay sa paksang pinagaaralan. Ito ay
naglalayong maibahagi ng manunulat ang saloobin sa masusing pagoobserba.

Iba't ibang dahilan kung bakit tayo nagsusulat


 Maaaring bilang personal na reaksiyon o ekspresyon at pagbibigay rin ng kahulugan ukol sa
isang paksa.
 Maaari din namang magsulat bilang reaksiyon bunga ng mga kaalaman natin sa iba't ibang
kaasalan, gawi, at tradisyon.
 Mayroon din namang nagsusulat ng kanila reaksiyon para sa ninanais na panlipunang
pagbabago.

Mga Elemento sa Pagsulat


 Paksa na maaaring makuha mula sa reaksiyon ng tao sa kaniyang paligid.
 Layunin na maaaring pansmling pagpapahayag, pagbibigay ng impormasyon, at malikhaing
pagsulat upang maipadama sa mga mambabasa ang makulay na larawan ng buhay
 Audience o tatanggap ng sulatin ng manunulat; at
 Wika kabilang na ang kabuluhan nito maging sa pagsunod sa mga tuntuing pambalarila,
palabaybayan, at p

Pagkilala sa mga Datos


• Pangunahin ang mga datos kung nagmumula ito sa mga indibidwal na tao, akdang
pampanitikan, pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento, at iba pang orihinal na
talaan.
• Sekundaryra naman and datos kung nagmumula ito sa mga manuslqito, ensaykopedya,
magasin, diyaryo, at iba pang aklat na nasulat na ng may-akda.

Direktang Sipi
• Isusulat kung tuwirang kinopya o sinipi lahat ng salita mula sa sanggunian.
• Ginagamit ito upang suportahan ang katuwiran, pabulaanan ang panig ng may-akda, at
paghahambingin ang ibat-ibang pananaw.

Paraphrasing
• Ginagamit kung sasabihin muli ang nakuhang ideya o kaisipan mula sa sanggunian ngunit
gagamitin ang smiling salita.
• Nakatutulong upang maiwasan ang palagiang paggamit ng direktang sipi.

Pagbubuod
• Isinasagawa upang mailarawan ang pangkalahatang kaalaman mula sa napakaraming
sanggunian at matiyak ang mga pangunahing ideya ng pinagbatayang teksto.

MGA BAHAGI NG REAKSIYONG PAPEL


1. Panimula — isinasagawa rito ang pagpapakilala sa paksa.
2. Katawan — isinasaad ditto ang nilalaman ng teksto kung saan pinagsasama-sama ang mga kaisipang
magkakasing-uri at isinasaayos ang mga kaisipan sa isang makatuwirang pagkakasunod-sunod.
3. Wakas — ito ang pinakabuod o konklusyon ng teksto.

MGA GABAY SA PAGSULAT REAKSIYONG PAPEL


• Siguraduhing maayos ang estruktura ng panimula na natatapos sa tesis na pahayag.
• Magkaroon ng malinaw na panimulang talata.
• Isulat ang paksang pangungusap sa bawat talata.
• Bawat talata ay naglalaman ng mga katibayan.
• Magdagdag ng mga kawili-wiling pangungusap sa bawat talata para makabuo ng
komprehensibong konklusyon.
• lugnay ang bawat talata sa mga kasunod na pahayag.
• Siguraduhing makikitaang katotohanan ng tesis na pahayag kapag nabasa ang kabuuan sulatin.

You might also like