You are on page 1of 7

Pagadian Diocesan Schools

SANTA TERESITA ACADEMY, INC


Aurora, Zamboanga del Sur
SELF-PACED LEARNING MODULE IN
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK

SECTION:
SEMESTER : 2 Name of Teacher:

Module No.: 1 Mobile Number:

MGA URI NG TEKSTO: TEKSTONG IMPORMATIBO AT


TEKSTONG DESKRIPTIBO

Module Overview:
Sa araling ito ay mas mauunawaan mo kung ano ang tekstong impormatibo at kung bakit mahalagang
matutuhan ang proseso ng pagsulat at pagbuo ng tekstong ito. Binibigyang-diin din sa araling ito ang
kahalagahan ng paggamit ng angkop na paglalarawan o deskripsiyon upang higit na kalugdang basahin ang
isang teksto. Layunin ang araling ito na makasulat ka ng sarili mong halimbawa ng tekstong deskriptibo.

Layunin :
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong
binasa. F11PT – IIIa – 88
2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa. F11PS – IIIb – 91
3. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto. F11WG – IIIc – 90
4. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto. F11PU – IIIb – 89

Kagamitan:
Alma M. Dayag at Mary Grace del Rosario. Pagbasa at Pagsuhsuri ng iba’t ibang teksto tungo sa
Pananaliksik

Pagpapahalaga : Maagap at makilatis


Pre-assessment/Panimulang Pagtataya
Panuto: Sa pamamagitan ng “graphic organizer” sa ibaba magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng
salitang nakasulat sa loob ng bilohaba.

Pagbasa

INTRODUCTION
Handa ka na bang sagutin ang tanong sa ibaba? Alam kong magaling ka nito!
Simulan mo na.
Gusto mong bumili ng aklat kaya’t nagpasama ka sa iyong kaibigan sa paglunta sa bookstore. Sapat lang ang
pera mo para sa isang aklat o isang babasahin. Alin sa sumusunod ang bibilhin mo ? Lagyan ng tsek ang kahon
katapat nito.

Aklat na di piksyon tungkol sa pang-araw-araw na paksa sa buhay tulad ng pakikiangkop sa iba o kung
paano makapag-move on sa anumang problema.

Aklat tungkol sa paborito mong isports

Bagong nobelang nasa New York Times Bestseller


Papaerback edition ng isang nobelang unang nabasa sa WattPad.

Kalipunan ng mga kwento mula sa paborito mong manunulat

1. Bakit ang aklat o babasahing ito ang napili mo?

2. Anong naibibigay sa iyo ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o babasahin?

INTERACTION

GAWAING PAMPAGKATUTO:
1. TEKSTONG IMPORMATIBO
= isang uri ng babasahing di piksiyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw
at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan,
gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan panahon at iba pa.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Layunin ng may-akda maaaring magkaiba ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng isang tekstong
impormatino.

Pangunahing Ideya Hindi katulad ng tekstong naratibo hindi agad inihahayag ng manunulat ang mga
manyayari upang mapaabot ang interes ng mambabasa sa kasukdulan ng akda,.

Pantulong na Kaisipan Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na mga pantulong na kaisipan o mga
detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyangais
niyang matanim sa kanila.

Mga estilo ng pagsulat, Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa
kagamitan/ sangguniang binabasang teksto ang ginamit na estilo , kagamitan , magbigay –diin sa mahalagang
magtatampok sa mga bahagi tulad ng sumusunod.
bagay na binibgyang- a. paggamit ng mga nakalarawang representasyon
diin. b. pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
c. pagsulat ng mga talasanggunian

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO


1. Paglalahad ng Totoong pangyayari o kasaysayan
= sa uring ito inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaaring ang
pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang isinusulat ng mga
reporter ng mga pahayagn o maari ding hindi diektang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa kattohanang
nasaksihan ng manunulat tulad ng pangkasaysayan.

2. Pag-uulat Pang-impormasyon
= sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na
nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyyari sa paligid, kaugnay ng teknolohiya, global warning,
cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos impormasyong kaugnay ng mga halaman, at iba pa.

3. Pagpapaliwanag
= ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o
pangyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong
ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwang itong ginagmitan ng mga larawan, diagram. O flowchart.
Subhetibo = ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama nang
mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon
at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.

Obhetibo = naman ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan. Halimbawa , kung ang lugar na
inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang
mga mabbasa, gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar subalit
hindi siya maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa.

TEKSTONG DESKRIPTIBO
= ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na
rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng
manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan mga kilos o galaw o anumang bagay na nais niyang
mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.madalas ding ginagamit ang pangalan at pandiwang ginagawa
ng mga ito gayundin sa mga tayutay tulad ng pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao atp.
GAMIT NG COHESIVE DEVICES O KOHESYONG GRAMATIKAL SA PAGSULAT
NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
1. Reperensiya (reference )
= ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan
sa pangungusap.maaaring ito ay Anapora o Katapora.
ANAPORA = kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy.
Halimbawa: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.

KATAPORA = kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinitukoy kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto.
Halimbawa: Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi
sa gabi, siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.

2. Substitusiyon ( Substitution )
= paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Halimbawa: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.

3. Ellipsis
= may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw
pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais
ipahiwatig ng nawalang salita.
Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.

4. Pang-ugnay
= Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pang-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala,
at pangungusap sa pangungusap.
Halimbawa: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman
ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5. Kohesyong Leksikal
= mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaaring itong nauuri
sa dalawa ang…..

A. Reiterasyon = kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari ito mauuri sa….
a. Pag-uulit o Repetisyon
halimbawa: Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
b. Pag-iisa-isa
halimbawa : Nagtatanim sila mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito at talong, sitaw,
kalabasa at ampalaya.
c. Pagbibigay- kahulugan
halimbawa: Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat
nila para sa hapag-kainan.
B : Kolokasyon
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t
kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding
magkasalungat.
Halimawa: nanay : tatay
Puti : itim
Doctor : pasyente
ILANG TEKSTONG DESKRIPTIBONG BAHAGI NG IBA PANG TEKSTO.
1. Paglalarawan sa tauhan
= sa paglalarawan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan
kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.
2. Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
= ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na
sa kanyang panlabas na anyo o katangian,
Paraan sa paglalarawan ng damdamin o emosyon
a. Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan.
Hal: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Inkong.
b. paggamit ng diyalogo o iniisip
hal: Sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingit ng babae ay ito ang sasabihin,
“ Ale, sa likod po ang pila
c. Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
Hal: Umalis kana! Ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim bagang na
Nakatingin sa malayo upang mapigil ang pagdaloy ng luha.
d. Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita
Hal: Ito na marahil ang pinakadilim na sandal sa kanyang buhay. Maging ang langit ay
lumuha sa kalungkutang dulot ng pangyao ng pinakamamahal niyang si Berta.
3. Paglalarawan sa Tagpuan
= sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung
kalian at saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa.
4. Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay
= sa isang mahahalagang ng mga pangyayari sa akda at ito rib ang nagbibigay nang mas
malalim na kahulugan ditto.

Pagsasanay
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto at nakasulat nang madiin.

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon: talambuhay, balita , artikulo sa magasin. Batay sa mga halimbawang
ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa di piksyon.

2. Ang slitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa pinagmulan ng salita, anong, anng
kahulugan ang maibiigay mo para sa tekstong impormatibo.

3. kailangan ng mga pantulong na kaisipan upang mabuo ang pangunahing ideya. Ano ang ibig ipahiwatig ng pantulong
na kaisipan

Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga tekstong nakalahad sa ibaba . Suriin ang katangian at kalaikasan ng mga ito at saka isulat sa
linya kung ang paglalarawan ay subhetibo o obhetibo. Maglahad ng isang pangungusap na
magpapaliwanag sa inyong sagot.
____________ 1. Ang perpektibong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng mga turistang
nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at ng mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan
sa bansa dahil sa humigit kumulang limampung beses na pagsabog nito sa nagdaang apat naraang
taon. Mapanira at kasindak-sindak ang mga nagging pagsabog nito subalit sa mga panahong
panatag ang bulkan ay isang balani ang kagandahan nitong nakatunghay sa kabikulan.
____________2. Ang bawat pagkaway niya ay tinutumbasan ng nakabibinging pagtili ng kanyang mga tagahanga.
Walang hindi naakit sa mamamalim niyang biloy na agad lumilitaw kapag ang kanyang
maaamong mukha ay binubukalan ng matatamis na ngiti. Sinasabi ng mga nakakikilala sa
kanyang hindi lang siya basta guwapo sapagkat mabuti rind aw ang kanyang kalooban o pagkatao
. Siya si Aldren Richardsm ang isang personalidad ng sikat na sikat na parehang binansagang
“ ALDUB na kumokompleto sa panaghalian ng marami.

_____________3. Hindi si Jonathan ang tipo ng lalaking mangunguna sa away-kalye. Matangkad ngunit patpatin ang
katawan dahil sa bukod sa may kahinaang kumain ay wala rin gaanong hilig sa isports maliban sa
pagsunod sa ilang larong required kunin sa PE. Gayunman, kung ano ang kakulangan sa
pangangatawan ay siya naming liksi ng isipan. Isa siya sa pangunahing miyembro sa debate club,
laging nagunguna sa klase, at editor-in-chief ng kanilang pahayagang pampaaralan.
Gawain 3.
Panuto: Isulat sa linya kung anapora o katapora ang tinutukoy ng mga panghalip na nakasulat nang madiin.

_______________1. “ Dalhin natin siya sa ospital, dali” ang sigaw ng maliksing si Doris habang pangko ang
matandang lupaypay at tila wala nang buhay. Isinakay siya sa hulihang bahagi ng kotse at
saka mabilis nitong pinaandar ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na ospital. Subalit
hindi na umabot nang buhay si Lolo Jose sa pagamutan.

_______________2. Bayani ang mga taong handing tumulong sa nangangailanagn kahit walang hinihintay na kapalit
o magbuwis ng buhay para sa bayan kung kinakailangan. Sila ay mga karaniwang taong
nakagagawa ng hindi pangkaraniwang kabutihan para sa iba.

_______________3. Matamis na maasim-asim ito. Ang may katigasan at kulay lilang balat ay nagtataglay ng
mapuputing hilis na paborito ng marami hindi lang dahil sa lasa nito kundi maging sa taglay na
sustansiya. Hindi pangkaraniwang prutas ang mangosteen.

_______________4. Ubaer at Grab Taxi na nga ba ang solusyong dala ng makabagong teknolohiya para mapadali ang
paghahanap ng masasakyan? Ang mga ito ay alternatibo sa nakasanayang de-metrong taxi.

_______________5. Malinis at sariwang hangin, isa na nga lang ba itong alaala sa ating malalaking lungsod.

Gawain 4:
Panuto: Basahin ang panuto sa bawat bilang. Sundin ang bawat isa upang makasulat ng mga
halimbawa ng tekstong Deskriptibo.

1. Sa halip na sabihing masaya si Len dahil nakapasa niya sa board exam ay gawin mong mas mabisa ang paglalarawan
sa damdamin. Bumuo ka ng diyalogo ni Len na nagsasaad ng nararamdaman niya. Isulat ang diyalogo sa patlang.

2. Labis ang pagtatampo ni Ken sa kanyang ama dahil nakalimutan nito ang kanyang kaarawan. Ilarawan mo ang
damdamin ni Ken sa pamamagitan ng kanyang ginawa na nagpapakita ng labis na pagtatampo.

Pamprosesong
Tanong ang paglalarawang Subhetibo sa paglalarawang Obhetibo?
1. Paano nagkakaiba
__________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________

2. Bakit kailanagng ilahad ang talasangguniang ginamit sa tekstong impormatibo?


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

INTEGRATION
Closure/Synthesis
Panuto: Bumuo ng isang subhetibong pahayag. Isulat sa nakalaang kahon sa ibaba.
Repleksyon/Isaisip
Ang pagiging aktibo sa impormasyon lalo na sa social media ay nagdadagdag ng bagong kaalaman
sa bawat isa. Huwag lamang kalimutan ang maging maagap sa pagtanggap at pagpalaganap ng impormasyon.
Bumuo ng isang mensaheng nagpapaalala sa bawat galaw o kilos na gagawin tulad ng
“ Think Before You Think”.

INTERBENSIYON

EBALWASYON:
Panuto : Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong Impormatibo nabibilang ang binabasa ng tauhan sa bawat sitwasyon
sa ibaba . Piliin ang titk ng tamang sagot mula sa kahon.

A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Pangkasaysayan

B. Pag-uulat Pang-impormasyon

C. Pagpapaliwanag

_____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit nagbabagong anyo ang mga
ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “ Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang”.

_____2. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin ang dahilan sa mga pag-
aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang kasaysayan sa likod ng pinakahabang pag-aaklas ni Dagohoy
sa Bohol.

_____3. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito
. “ 51st International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.

_____4. Masayang-masayang si Ginang Cruz sa balitang nasa pahayagang hawak niya. Sinasabi ritong
“ Si Pia Wurzbach ay Nagwagi bilang Ms. Universe 2016.

Pangwakas na Pagtataya:

Panuto: Bumuo ng isang tekstong Deskriptibo na may mga cohesive device. Salungguhitan ang mga
cohesive device na ginamit sa tekstong. Sundin ang mga pamantayan sa ibaba.

Pamantayan Puntos
Husay ng Pagkakasulat at Paglalarawan 5

Paggamit ng angkop na Datos patungkol s lugar 5

Paggamit ng angkop na cohesive Devices o Kohesyong 5


Gramatikal

Nakapahusay dahil natapos mo ang ang mga


gawain sa araw ngayon.
Hanggang sa muli at mag-ingat kayo lagi.
Maraming salamat!
Susi sa pagwawasto
Gawain 2
1. Obhetibo
2. subhetibo
3. subhetibo
Ebalwasyon
1. c
2. a
3. b
4. b
Gawain 3
1. katapora
2. anaphora
3. katapora
4. anaphora
5. anaphora

You might also like