You are on page 1of 8

Modyul 2: Kasanayan sa Pagbasa

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan ng Asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Nina:
Ablan, Kyrie Gabriele R.
Cagas, Fhel Gerald T.
Dumanig, Mc Cesar A.
Ombrero, Gellian Sumatra
Rafallo, Jul Ceasar
Sanchez, Anamae G.
Sayon, Danzel Lois C.

Ipinasa kay
Gng. Gloria D. Comiso

1. BAGO MAGBASA
- Pagsimula ng kognitibong proseso. Kinapapalooban ng previewing o surveying ng
isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat at
pangalawang pamagat sa loob ng akda. Iniugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga
imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang
babasahin.

2. HABANG NAGBABASA
- Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang nagbabasa.
- Sa bahaging ito, sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang
kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto.
- Ang kaniyang mga naunang tanong at prediksyon bago magbasa ay
pinanghahawakan niya upang panatilihin ang pokus sa aktibong pag-unawa sa
binabasa
- Sa bahaging ito lumalawak at umuunlad ang bokabularyo ng mambabasa. Narito ang
ilang pamamaraan upang maging epektibo ang pagbasa:

Pagtatantiya sa bilis ng pagbabasa


Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto at personal
na kakayahan sa pagbasa

Biswalisasyon ng binabasa
Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman, bumubuo ang mambabasa
ng mga imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa

Pagbuo ng koneksiyon
Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang
komprehensiyon.

Paghihinuha
Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumubuo ng mga
pahiwatig at konklusyon sa kalabasan ng teksto.
Pagsubaybay sa komprehensiyon
Pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang upang
masolusyonan ito.

Muling pagbasa
Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o
pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o
masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto


Paggamit ng iba’t ibang estratehiya upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita
batay sa iba pang impormasyon sa teksto.
3. PAGKATAPOS MAGBASA
Mahalagang maisagawa ng mambabasa ang mga sumusunod:
pagtatasa ng komprehensiyon
pagbubuod
pagbuo ng sintesis at ebalwasyon.
Kapag nagawa na ng isang mambabasa ang mga nabanggit, natitiyak na magiging
makabuluhan ang kaanasan sa pagkatuto at makakuha ng mahalagang impormasyonh na
hindi agad mawawala sa alaala ng mambabasa.

PAGKILALA SA OPINYON O KATOTOHANAN:


KATOTOHANAN: Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o
mapasubalian sa pamamagitan ng empirical na karanasan, pananaliksik o pangkalahatang
kaalaman o impormasyon.
MGA PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY NG KATOTOHANAN:
o Batay sa/kay...
o Ayon sa/kay...
o Mula sa/kay...
o Mababasa sa...atbp.
Hal.

 Mababasa sa Artikulo ng saligang batas ng 1987 ang tungkol sa pambansang teritoryo ng


Pilipinas.
 Ang Pilipinas ay binubuo ng Luzon, Visayas at Mindanao.

OPINYON: Ang opinyon naman ay ang pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay
sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao.

MGA PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY NG OPINYON:

o sa opinyon ko...
o para sa akin...
o gusto ko...
o sa tingin ko...atbp.

Hal.

 Para sa akin, mas masarap manirahan sa probinsya kaysa lungsod.


 Simple at magaan ang pamumuhay ng mga maninirahan sa probinsya.

PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW at DAMDAMIN ng TEKSTO

LAYUNIN

Tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan


ng uri ng diskursong ginagamit sa pagpapahayag. Tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing
tanong ng akda na nais solusyonan ng may-akda.

PANANAW
Pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teskto. Natutukoy rito kung ano ang
distansiya niya sa tiyak na paksang tinalakay.

4 NA URI NG PANANAW

UNANG PANAUHANG PANANAW

Sa unang panauhang pananaw, maaari mong isulat ang "ako" at "kami" pati na rin ang "ikaw,"
"sila," at "ito." Ang unang taong tagapagsalaysay ay tumutukoy sa kanilang sarili na may mga
panghalip na unang panauhan, tulad ng:

 ako
 Ako
 Aking
 Kami
 sa amin
 Ang aming
 Ang sarili ko
 Ang ating mga sarili

Halimbawa:

"Labis sa aking sorpresa, nagustuhan ko ang trak na binili sa akin ni Charlie."

IKALAWANG PANAUHANG PANANAW

Gumagamit ang 2nd person point of view ng mga panghalip na pangalawang panauhan tulad ng
"ikaw" at "iyo" pati na rin ang pangatlong panauhan na pananaw na mga salita tulad ng "kaniya,"
"sila," at "sarili". Ang ikalawang pananaw ay direktang tumutugon sa mambabasa.

Halimbawa:

“Dapat mong basahin ang magagandang halimbawang ito ng pananaw ng pangalawang tao.
Marami kang matututunan."

"Naglalakad ka sa walang laman na kalye at nakakita ka ng isang impis na bola. Anong


ginagawa mo diyan?”

IKATLONG PANAUHANG PANANAW

Sa pagsasalaysay ng ikatlong panauhan, ang tagapagsalaysay ay umiiral sa labas ng mga


kaganapan ng kuwento, at iniuugnay ang mga kilos ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagtukoy
sa kanilang mga pangalan o ng mga panghalip na pangatlong panauhan.

3rd person point of view ay kapag ang tagapagsalaysay ng iyong kuwento ay gumamit ng
alinman sa mga sumusunod na pangatlong panghalip:

 Siya/kanya/kaniya
 Siya/kaniya
 Ito/nito
 Sila/sila/kanila/kanila

Ito ang pinakakaraniwang pananaw na gagamitin sa mga kwento.

Halimbawa:
Nakaupo si Sma sa cafeteria habang hinihintay na dumating ang pagkain niya. “Bakit ang
matagal?” Naisip niya.

3RD PERSON OMNISCIENT

Ang 3rd person omniscient point of view ay isang punto ng pananaw kung saan ang
tagapagsalaysay ay isang boses na "all knowing" na nagbibigay ng "God's eye view" or " God-
like perspective" ng mga kaganapan sa kuwento. Ang tagapagsalaysay ay hindi isang karakter sa
kuwento, ngunit nasa labas nito, na may perpektong kaalaman sa lahat ng mga aksyon, emosyon,
pakiramdam, at nakaraan ng mga karakter.

Sa salaysay na ito ang tagapagsalaysay ay gumagamit ng pangatlong panao na panghalip tulad ng


"siya", "kanya", "siya", "kanya", "ito", "sila", "sila" o maaaring direktang tumukoy sa mga
tauhan sa pamamagitan ng kanilang mga pangalan.

Halimbawa:

"Habang ang mga camper ay naninirahan sa kanilang mga tolda, umaasa si Zara na ang kanyang
mga mata ay hindi nagtaksil sa kanyang takot, at tahimik na hinihiling ni Lisa na ang gabi ay
mabilis na matapos"

DAMDAMIN

Ipinahihiwalig ang pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaring hagpapahayag ito ng


kaligayahan, tuwa, galit, tampo o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol
sa isang pangyayari o paksa.

PAGSULAT NG PARAPHRASE, ABSTRAK AT REBYU

PARAPHRASE

Tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita


upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa. Narito ang isang halimbawa ng paraphrase:

Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000, p.130), Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan,
mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang Pambansa na magiging daluyan ng mga aspirasyon
at pagpapahalaga ng mga karaniwang mamamayan. Ito ay dahil mas katanggap-tanggap ang
paggamit ng wikang Ingles sa iba't ibang sangay ng pamahalaan at paaralan, na wikang hindi
nauunawaan ng mamamayan.

ANG PARAPHRASE NA ITO AY NAGMULA SA SUMUSUNOD NA SIPI:

''Ang usapin ng wikang pambansa ay usapang kinasangkutan ng buhay ng milyon-milyong


Pilipino na hindi nakapagsasatinig ng kanilang adikhain at pananaw sa kadahilanang ang nasa
pamahalaan, paaralan at iba-ibang institusyong panlipunan ay sa Ingles nagpapanukala at
nagpapaliwanag" (Lumbera 2000, p. 130).

ABSTRAK

Isang buod ng pananaliksik, tesis o kaya ay tala ng isang komperensiya o anumang pag-aaral sa
isang tiyak na disiplina o larangan. Ang abstrak ay nakatutulong upang mabilis na makita ng
isang mambabasa ang kabuuang latag ng pananaliksik kabilang ang mga layunin at kinalabasan
nito. Sa ilang publikasyon, tinatawag itong precis o synopsis.

REBYU
Isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa
nilalaman, estilo at anyo ng pagkakasulat nito. Naglalaman ito ng pagtataya o ebalwasyon ng
akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu. Maaaring ito ay
naglalaman ng maikling buod ng aklat upang magkaroon ng ideya ang mga mambabasa.
MGA TANONG AT SAGOT:

1. Pagsimula ng kognitibong proseso. Kinapapalooban ng previewing o surveying ng isang


teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat at pangalawang
pamagat sa loob ng akda. (BAGO MAGBASA) A

2. Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon (HABANG NAGBABASA) C

3. Natitiyak na magiging makabuluhan ang kaanasan sa pagkatuto at makakuha ng


mahalagang impormasyonh na hindi agad mawawala sa alaala ng mambabasa.
(PAGKATAPOS MAAGBASA) E

4. Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto at


personal na kakayahan sa pagbasa (PAGTATANTIYA SA BILIS NG PAGBASA) E

5. Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman, bumubuo ang
mambabasa ng mga imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa. (BISWALISASYON
NG BINABASA) B

6. Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumubuo ng


mga pahiwatig at konklusyon sa kalabasan ng teksto. (PAGHIHINUHA) O

7. Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang


komprehensiyon.(PAGBUO NG KONEKSIYON) G

8. Paggamit ng iba’t ibang estratehiya upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na
salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto. (PAGKUHA NG KAHULUGAN MULA
SA KONTEKSTO) H

9. Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na


talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo
ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa. (MULING
PAGBASA) M

10. Ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng


empirical na karanasan, pananaliksik o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
(KATOTOHANAN) F

11. ay ang pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala


at iniisip ng isang tao. (OPINYON) N

12. Isang buod ng pananaliksik, tesis o kaya ay tala ng isang komperensiya o anumang pag-
aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan. (ABSTRAK) I

13. Isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa
nilalaman, estilo at anyo ng pagkakasulat nito. (REBYU) K

14. Ipinahihiwatig ang pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaring hagpapahayag ito ng


kaligayahan, tuwa, galit, tampo o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan
tungkol sa isang pangyayari o paksa. (DAMDAMIN) J
15. Tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at
pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa. (PARAPHRASE) L
16. Mababasa sa Artikulo ng saligang batas ng 1987 ang tungkol sa pambansang teritoryo ng
Pilipinas. (KATOTOHANAN) F
II. Tukuyin kung anong pananaw(U – unang panauhang pananaw, I – ikalawang panauhang
pananaw, K – Ikatlong panauhang pananaw, O – 3rd Person Omniscient)
17. Tumalon ang puso ko sa aking lalamunan nang lumingon ako at nakakakita ng
nakakatakot na anino. U

18. Hindi nagustuhan ni Andrew ang bagong menu sa cafeteria ng paaralan. K

19. Bumangon ka kaninang umaga. Tapos sumakay ka na sa kotse para pumasok sa trabaho.
I

20. Habang ang mga camper ay naninirahan sa kanilang mga tolda, umaasa si Zara na ang
kanyang mga mata ay hindi nagtaksil sa kanyang takot, at tahimik na hinihiling ni Lisa na
ang gabi ay mabilis na matapos. O

You might also like