You are on page 1of 6

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ikatlong Linggo/Ikatlong Markahan/Ikalawang Semestre

Modyul 3: Para sa Sariling Pagkatuto

Kahulugan, Katangian at Kalikasan

ng Iba’t Ibang Teksto

MGA INAASAHAN

Matapos na maunawaan ang modyul, ikaw ay inaasahang:

A. Nakikilala ang kahulugan,katangian at kalikasan ng iba’t ibang teksto;

B. Natutukoy ang mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng teksto; at

C. Napahahalagahan ang mga susing salita sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto;

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto:Piliin sa Hanay B ang tinutukoy na katangian ng teksto sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel

ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1.Impormatibo C A. Pagkakasunud-sunod na direksiyon at impormasyon.

2.Deskriptibo D B. Pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.

3.Persuweysib E C. Pagpapaliwanag at pagbibigay ng ng mga impormasyon.

4.Naratibo F D. Paglalarawan ng isang bagay, tao, karanasan, sitwasyon at iba pa.

5.Argumentatibo A E. Pangungumbinsi sa mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil

sa isang isyu.

6.Prosidyural B F. Pagsasalaysay o pagkukuwento sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o


hindi
BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga katangian sa mga kasanayan sa mapanuring pagbasa. Isulat ang sagot sa

sagutang papel.

1. Bago magbasa,sabay-sabay na pinagagana ng mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang
maunawaan ang teksto.
2. Bago magbasa, inuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri
kung anong uri ng teksto ang babasahin.

3. Pagkatapos magbasa, malalim na inuunawa at inaalala sa teksto ang pagbuo ng sintesis at ebalwasyon.

4. Sinisimulan ang pagsisiyasat ng tekstong babasahin pagkatapos magbasa.

5. Habang nagbabasa at nagkakaroon ng pagsusuri nang panlabas nakatangian ng teksto ay mahalaga upang malaman
ang

estratehiya sa pagbasa batay sa uri ng genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng
pagbasa.

ARALIN
Kahulugan, Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Teksto

Ayon sa aklat nina Sicat et.al (2016), sa pagsusuri, may mga iba’t ibang uri ng teksto na dapat nating kilalanin. Ito ay mga

sumusunod:

Impormatibo. Ito ay tinatawag ding ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag
at magbigay ng impormasyon.

Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Pangunahing layunin ng

impormatibong teksto ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng ano mang paksa na matatagpuan sa

tunay na daigdig.

Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa

diskyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa diyaryo.

Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang

kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri,
at pagpapakahulugan ng impormasyon. Upang mas madaling maunawaan ang ano mang tekstong impormatibo,
kadalasang gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mga mambabasa na mabilis na
hanapin ang iba’t ibang impormasyon. Kabilang dito ang talaan ng nilalaman, indeks, at glosaryo para sa mahahalagang
bokabularyo, mga larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan para sa mga larawan, graph, at
talahanayan.

Halimbawa:

1. Dahil sa kagandahan ng Pilipinas, lumilitaw ang pag-usbong ng turismo sa bansa. Dumarami ang mga turistang
bumibisita sa rito.
2. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng buhay
ng isang
3. tao bilang bahagi nglipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na
hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutuhan sa paaralan.

Deskriptibo. Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa. Ang uri ng
sulating ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan.

Sa isang tekstong deskriptibo, pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar kung saan nangyayari

ang kuwento.

Ipinakikilala nito ang hitsura, ugali, at disposisyon ng mga tauhan. Pinatatatag ng paglalarawan ang ano mang

porma ng sulatin kung mahusay at angkop ang pagkagamit nito. Samakatuwid, mahalagang gamit ng deskripsyon ang
pagkuha sa atensyon ng mambabasa upang maipaliwanag ang oryentasyon ng isang malikhaing akda.

Halimbawa:

1. Kumakatawan sa Mutya ng Pasig ang mga kababaihan, ang idealismo ng pagkaperpekto sa lahat ng aspeto
na ehemplo ng katapatan, tapat na kalooban at kagandahan ng Lungsod ng Pasig.
2. Ang katawan ng tubig ng Ilog Pasig sa magkabilang panig ng babae ay mungkahi na nagkokonekta sa
dalawang anyong tubig, Lawa ng Laguna at Manila Bay na magkaparehong inilalarawan sa pamamagitan ng
alon.

Argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na
paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag
aaral,ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing imbestigasyon kabilang na ang
pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya. Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa maikli
ngunit malaman na paraan. Sa pamamagitan ng detalyadong pagaaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’tibang
pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na ebidensiya.

Halimbawa:

1. Dahil sa kagandahan ng Pilipinas, lumilitaw ang pag-usbong ng turismo sa bansa. Dumarami ang mga turistang
bumibisita sa rito.
2. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng buhay
ng isang tao bilang bahagi ng lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na
edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa paaralan.

Prosidyural.Ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paanong
isasagawa ang isang tiyak na bagay. Nagagamit ang pang-unawa sa mga tekstong prosidyural sa halos
lahat ng larang ng pagkatuto.
Mahalaga ang mahusay na pang-unawa sa mga tekstong prosidyural sa pagtatrabaho kung saan karaniwan na
ang
iba’t ibang manuwal upang panatilihin ang kaligtasan sa kompanyang pinagtatrabahuhan, kung paanong
pagaganahin ang isang kasangkapan, at pagpapanatili ng maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan
ng mga protokol. Ang protokol ay isang uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng gabay at mga paalala na
maaaring hindi nakaayos nang magkakasunod.

Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto. Maaaring ilarawan ang mga
tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang
empleyado o mag-aaral kung susundin ang mga gabay.

Halimbawa:

Pagsasaing

1. Magtakal ng bigas at ilagay sa kaldero ayon sa tamang dami.

2. Hugasan ang bigas ng dalawang ulit.

3. Isalang sa kalan ang kaldero at hintaying maluto.

4. Ihain habang mainit.

Naratibo. Ito ay upang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring
ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang. Maaaring
ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang. Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng
mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya,
balita,
malikhaing sanaysay). Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at
kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging malikhain ang katha.

Halimbawa: Ang mga tekstong pinamagatang “Talambuhay ni Rizal” at “Ang Alamat ng Lanzones”

Persuweysib. Ito ay isang uri ng di-piksiyon na pasulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa
manunulat hinggil sa isang isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang
suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat. Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat
magpahayag ng mga personal na at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumagamit ang
manunulat
ng mga patunay mula sa batayang ito upang mapaniwala ang mga mambabasa sa talas at katumpakan ng panghihikayat
ng manunulat.

Halimbawa:
1. Patalastas sa radyo at telebisyon
2. Talumpati ng mga kandidato tuwing nangangampanya
bago ang eleksyon.

PAGSASANAY A.
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Upang mas madaling maunawaan ang ano mang tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit ang manunulat
ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mga mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang
impormasyon. Tama
2. Sa tekstong diskriptibo, gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mga
mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon. Tama
3. Maaaring ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang. Mali
4. Mahalaga ang mahusay na pag-unawa sa mga tekstong argumentatibo sa pagtatrabaho kung saan karaniwan na
ang iba’t ibang manuwal upang panatilihin ang kaligtasan sa kompanyang pinagtatrabahuhan, kung paanong
pagaganahin ang isang kasangkapan, at pagpapanatili ng maayos na pagsasagawa ng operasyon sa pamamagitan
ng mga protokol. Tama
5. Sa isang tekstong deskriptibo, pinatitingkad ng mahusay na paglalarawan ang kulay ng isang lugar kung saan
nangyayari ang kuwento. Tama

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang kukumpleto sa sumusunod na pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

angkop B. magpaliwanag C. pag-unawa


D. imbestigasyon E. ebidensiya
1. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang_____B______sa mga mambabasa ng ano mang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig.
2. Pinatatatag ng paglalarawan ang ano mang porma ng sulatin kung mahusay at___A__ ang pagkagamit nito.
3. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t ibang pananaw o punto
de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na______E_______.
4. Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing_____D_____ kabilang na ang
pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.
5. Nagagamit ang___C____ sa mga tekstong prosidyural sa halos lahat ng larang ng pagkatuto.

C. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na piniling bahagi sa mga babasahin. Piliin sa loob ng
kahon ang titik at isulat ito sa sagutang papel.

Impormatibo B. Persweysib C. Deskriptibo


D. Naratibo E. Argumentatibo F. Prosidyural

1. Sampaguita ang pambansang bulaklak ng Pilipinas. A


2. Ipinanganak si Jose P. Rizal noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Pinatay siya ng mga Espanyol noong
Disyembre 30,1896 sa Bagumbayan. C
3. Tila isang abandonadong lugar ang kaniyang silid dahil sa sobrang dumi. A
4. Nararapat lamang na parusahan ng mga magulang ang mga anak nilang pasaway upang maturuan ng displina at
maging mabuti. E
5. Hatiin sa apat ang papel at gupitin nang maliliit na piraso. Idikit ito sa isang malinis na bond paper upang makabuo ng
mosaic. F
6. Kung barado na ang inidoro, lumapit na sa lagi ninyong malalapitan. Malabanan septic tank cleaner. Palaban sa bara. B
7. Ipinalabas noong Hulyo 31, 2019 ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Alden Richards at
Kathryn Bernardo. Ito rin ang itinanghal na pinakapinanood na pelikulang Pilipino sa kasaysayan. D
8. Pindutin ang windows icon at i-type sa search bar ang Microsoft Office. Piliin ang Word at maaari nang gumawa ng
dokumento. F
9. Pinasimulan ng pamahalaang Duterte ang laban kontra iligal na droga. A
10. Kumukutitap na ang mga ilaw sa napakagandang bahay nina Jonas. C

PANAPOS NA PAGSUSULIT
I. Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang diwa nito. Piliin sa kahon ang mga sagot at isulat ang titik
sa sagutang papel.

A.magpaliwanag B. manlibang C. imbestigasyon D. eksposisyon E. personal


F. Persweysib G. Prosidyural H. Argumentatibo I. Impormatibo J. Deskriptibo

1. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang _____A_______ sa mga mambabasa ng ano mang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig.
2. Ang deskriptibo ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na ____D______.
3. Sa pagsulat ng tekstong persweysib,hindi dapat magpahayag ng mga ____E______ at walang batayang opinyon ng
isang manunulat.
4. Ang tekstrong naratibo ay may layuning _____B_____ o magbigay-aliw sa mambabasa.
5. Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo ng masusing ______C__________ at ebalwasyon ng mga
ebidensiya.
6. Ang tekstong______H_________ ay naglalahad ng kuro - kuro, pananawat paniniwala ukol sa isang isyung mahalaga o
maselan.
7. Ang tekstong____J_____ ay naglalarawan at karaniwang naglalaman ng mga impormasyon ukol sa katangian ng
bagay, lugar, pangyayari at tao.
8. Ang tekstong _____F_______ ay naglalayong humikayat ng mga mambabasa o tagapakinig.
9. Ang tekstong ____G______ ay nagpapakita ng pagkakasunod- sunod ng mga hakbang, pahayag, o pangyayari. Ito ay
karaniwang tumutugon sa tanong na paano.
10. Ang tekstong____I______ ay nagbibigay ng tiyak na impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar at pangyayari.

You might also like