You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X-NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF ILIGAN CITY
ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


IKALAWANG SEMESTRE
Self-Learning Activity Sheet No. 1

Deskripsyon ng Kurso : Pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang anyo at uri ng teskto
na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.
Pamantayang : Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
Pangnilalaman pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Pamantayan sa Pagganap : Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa.

PAKSA: PAGKILALA SA IBA’T IBANG URI NG TEKSTO


KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB – IIIa –
98).

Tekstong Impormatib
Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga
impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw upang lubos na
maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Layunin nito
na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat marami ang nagtitiwala na
may katiyakan ang mga impormasyon sa mga ganitong uri ng teksto. Naniniwala ang mga mambabasa na ang
tekstong kanilang binabasa ay nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa kanilang isipan. Naglalahad ito ng mga
pangyayari at karanasan ng mga tao. Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na
pangyayari at kapakipakinabang ang mga impormasyong inilalahad nito. Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa,
pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon. Halimbawa nito ay
pagbabasa ng peryodiko, pakikinig at panonood ng balita, mga
kasaysayan, adbertismo atbp.
Tekstong Deskriptib
Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na
paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang
limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng manunulat ang
kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang
atensiyon at maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, bagay, lugar,
tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan.
Uri ng tekstong Deskriptib
1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita lamang ng pansariling pananaw o
opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat.
2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga
tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.
Tekstong Persuweysib
Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga mga payahag upang
makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito ay may layunin na maglahad ng
opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa
kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang
suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga halimbawa nito
ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay. Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle:
1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o
personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o
karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat.
2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat
o tagapagsalita.
3. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig.
Tekstong Naratib
Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang ito ay
nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o
nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon). Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong
naglalayong magkuwento o magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na
pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang
isip lamang ng manunulat o piksyon. Layunin nito ay makapagbigay–aliw o manlibang sa mga mambabasa. Ang
halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling kuwento, alamat, at nobela.
Mga bahagi ng Tekstong Naratib:
1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan.
2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento, ang
papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon.
3. Resulusyon o denouement ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito nabibigyang solusyon ang tunggalian
o suliranin.
Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay. Naglalahad
ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa. Layunin nito na
makapagbigay ng malinaw na instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan
ang isang makabuluhang gawain. Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi
sa pagluluto atbp.
Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto
Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng tekstong ating babasahin.
Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng teksto ayon sa kabuuan nito. Maaari nating gamitin
ang mga pamamaraan sa pagbasa na ating natutuhan gaya ng iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp.
Karaniwan na sa isang mambabasa na sinusubukang paraanan o iiskan ang kabuuan ng isang akda upang tayo ay
makakuha ng idea bago natin ito tuluyang basahin. Kumokonsulta din tayo sa mga talaan ng nilalaman upang
mabatid kung ang akdang ating babahasin ay may kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan natin ng
kasagutan, Mainam din na mabatid muna kung ang nilalaman ng isang
teksto ay angkop o akma sa uri o antas ng mambabasa nito. Mahalaga din na mabatid ang layunin, nilalaman, at
maging kung sino ang sumulat ng teksto upang matukoy ang kapakinabangang hatid nito.

Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng mambabasa o tagapakinig kung ano at paano isinulat o
iniulat ang isang teksto. Kung ang isang teksto ay kakikitaan ng mahalagang impormasyon mainam na ito ay
hanapan ng katibayan ng konsepto sa paglalahad ng akda. Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan ng mga
salitang ginamit, ang pagsasaalang alang sa paraan ng pagkakasulat ng akda, at pag-unawa sa nilalaman ng teksto,
maging ang katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan nito.

Panuto: Basahin at unawain. Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag. Isulat ang TIK kung tama at TOK kung
mali.
___1. Ang tekstong impormatib ay paglalahad ng mga pangyayari at karanasan ngmga tao.
___2. Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng teksto hindi na mahalagang
isaalang–alang pa ang pinagkunan nito.
___3. Ang tekstong persuweysib ay may layunin na maglahad ng opinyon upang makunbinsi ang mga mambabasa.
___4. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng instruksiyon kung paano
isasagawa ang isang tiyak na bagay.
___5. Isa sa katangian ng tekstong impormatib ay ang pagtataglay nito ng iisa lamang na estraktura.
___6. Laganap sa bansa ang karamdaman o sakit na COVID-19. Tinatayang umaabot na sa 15,588 katao ang
nagkaroon nito, 3,598 ang tala ng gumaling, 921 ang nasawi at 11,069 ang aktibo. Ang pahayag ay halimbawa ng
tekstong argumentatib.
___7. Halimbawa ng tekstong prosidyural. Paano mag-apply sa balik probinsiya? Una, magtungo sa website
http://balikprobinsya.ph at i-click ang apply button. Pangalawa, kumpletuhin ang enrolment form at i-submit. At
hintayin ang verification at tawag sa iyo.
___8. Isa sa mahalagang konteksto upang maging epektibo ang pangungumbinsi ay ang mahusay na paggamit ng
wika sa pagpapahayag.
___9. Ang tekstong naratib ay paglalahad ng mga pangyayari na pawang katotohanan lamang.
___10. Mahalaga ang malinaw na pagbibigay ng intruksiyon sa paggawa ng tekstong prosidyural.

Panuto: Pumili ng napapanahong balita. Sumulat ng isang sanaysay na maiuugnay mo ang balita sa iyong sarili,
iyong pamilya, iyong pamayanan, iyong bansa o sa daigdig. Pumili ng tekstong nais gamitin sa paglalahad.
(Impormatib, Persuweysib, Argumentatib, Deskriptib, Naratib, Prosidyural).

Batayan ng Pagmamarka Puntos


Napapanahon ang napiling paksa at mahusay na naiugnay ito sa sarili, pamilya, pamayanan,
bansa o sa daigdig.
Maayos at malinaw na nailahad ang mga impormasyon.
Tumpak ang datos na ibinahagi at naayon sa uri ng tekstong napili.
Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideyangibinabahagi sa teksto.

You might also like