You are on page 1of 12

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK
Pagbasa – ay isang gawaing nakaugalain na, nagagamit ang
kaalaman at nakabubuo ng sariling hinuha.
Ayon kay Urquhart at Weir – ang pagbasa ay isang proseso
ng pagtanggap at pagpapakahulugan sa mga nakakodang
impomasyon sa anyo ng wika sa pamamagitan sa limbag na
midyum.
Ayon kay William S. Gray- may apat na hakbang ang proseso ng basa
Una- ang persepsiyon o pagkilala sa mga salitang nalimbag
Ikalawa- ang komprehensiyon o pag-unawa sa mga nabuong mga
konsepto mula sa mga nakalimbag na mga salita.
Ikatlo- ang aplikasyon o realisasyon, paghuhusga, at emosyonal na
pagtugon
Ikaapat- ang integrasyon o pagsasama ng bagong ideya sa personal
na karanasan.
Sa pamamagitan ng pagbasa ay napalawak natin ang
kaalaman at napapataas ang antas ng ating pag-
uunawa at tinutuklas ang nakapaloob na konsepto o
mensahe.
Kinakailangan na ang mapaglarong imahinasyon,
matalas na pagmamasid, matalinong panunuri at
masigasig na pagmumuni.
URI NG TEKSTO
Argumentatib - ay isang teksto kung ito ay naglalahad
ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o
pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay
tumutugon sa tanong na bakit. Halimbawa nito ay mga
editoryal. Naglalayon din ang tekstong ito na
mapatunayan ang katotohanan nang ipinapahayag at
ipatanggap sa bumabasa ang katoto-hanang ito. Ang
katangian ng tekstong ito ay makipagtalo upang
mapatunayan ang katotohanan nang ipinapahayag at
ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang ito.
Impormatib ay isang tekstong naglalahad ng mga
bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong panini-
wala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman
ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong
linaw at kaisahan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay
mga kasaysayan at mga balita. Naglalayon din ang
teksto ito na maglahad ng mga tiyak na impormasyon
at mahahalagang detalye na may lohikal na pagha-
hanay. Isinasaad dito ang mga kabatiran nang
naaayon sa mga tunay na pangyayari batay sa
nasasaklaw na kaalaman ng tao.
Deskriptib ay tekstong nagtataglay ng mga
impormasyong may kinalaman sa pisikal na
katangiang taglay ng isang tao, bagay, lugar, at
pangyayari. Sa madaling sabi, ang tekstong ito ay
may layuning mag-larawan ng isang bagay, tao,
lugar, karanasan, sitwas-yon, at iba pa. Ang
katangian ng deskriptib ay maihahalintulad sa
pagpipinta. Ang mambabasa ay tila direktang
nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa
pamamagitan ng masining na paglalarawang
ginagamit ng manunulat.
Persweysib naman ay isang tekstong nangu-
ngumbinse o nanghihikayat. Ang ilan sa mga
halimbawa nito ay ang mga nakasulat na
propaganda sa eleksyon at mga advertisement.
Naglalayon ang uri ng tekstong ito na kumbinsihin
ang mga mambabasa na sumang-ayon sa
manunulat hinggil sa isang isyu. Ang katangian ng
tekstong ito ay maglahad ng mga konsepto,
pangyayari, bagay o mga ideyang naghihikayat sa
mambabasa.
Naratib ay isang tekstong naglalahad ng magkakasunod-
sunod na pangyayari o simpleng nagsasalaysay. Ang
halimbawa nito ay mga akdang pampanitikan. Layunin ng
tekstong ito na magsa-laysay o magkwento batay sa
isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Ang teks-
tong naratib ay isang impormal na pagsa-salaysay. Para
ka lang nagkuwento ng isang bagay o isang pangyayari
sa isang kaibigan. Magaan itong basahin. Maaaring
magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan,
eksena, at mga detalye ng mga pangyayari. Nagtataglay
ito ng panimu-lang nagsasaad kung anong uri ito ng
tekstong naratib at ng isang matibay na kongklusyon.
Prosidyural ang isang teksto kung ito ay nagpa
pakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-
sunod ng malinaw na hakbang sa pagsasa-
katuparan ang anumang gawain. Layunin ng
tekstong ito na makapagbigay ng sunod-sunod na
direksiyon at importansiya sa mga tao upang
tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa
ligtas, episyente, at angkop na paraan. Ang kata-
ngian ng tekstong ito ay may serye ng impomasyon
tungkol sa isang bagay upang matamo ang
inaasahang hangganan o resulta
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa mga tekstong napag-aralan, ano-
ano ang pagkakaiba ng tekstong naratib
sa deskriptib?
2. Ano naman ang pagkakaiba ng argu-
mentatib sa persweysib?
3. Ano ang pagkakaiba rin ng naratib sa
impormatib?
TAKDANG ARALIN
Panuto: Sumulat ng dalawang tekstong pagpipilian sa
loob ng panaklong. (Impormatib, Persweysib, Naratib,
Deskriptib, Argumentatib at Prosidyural)
Isulat ito sa isang kapirasong papel.
Kriterya sa Pagwawasto:
Kaugnayan sa Paksa: 10 puntos
Kabatiran ng Wika 10 puntos
Nilalaman: 20 puntos
__________________
Kabuuan 40 puntos

You might also like