You are on page 1of 17

TEKSTONG

DESKRIPTIBO
Alam Mo Ba?

Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subbetibe a bimbo Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung
ang mamila ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambahasa subalit ang paglalarawan ay
nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay. Ito ay
karaniwang nangyayan sa paglalarawan sa mga tekstong naratibo tulad halimbawa ng mga tauhan sa maikling kuwento.
Likhang-isip limang ng manunulat ang mga tauhan kaya't ang lahat ng mga katangiang taglay mla ay batay lamang sa
kanyang imahinasyon. Ang ganitong uri ng paglalarawan ay maituturing na sabhetibo. Halimbawa'y maaari niyang
ilarawan ang tauhan sa ganitong paraan "Si Dante ay matipunong lalaki, may mapang-akit na ngiti, at mga matang may
taglay na halina sa sinumang makakita. Ang maaliwalas na mukhang agad sinisilayan ng taos pusong pagbati sa bawat
makasalubong ay dagling nakakukuha ng atensiyon at tiwala ng iba." Walang pinagbatayang totoong tao ang
paglalarawang ito subalit sa pagnanais ng manunulat na maikintal sa isipan ng mambabasa ang isang positibong tashan
sa kanyang akda ay ginamit niya ang ganitong paglalarawan sa kanyang pangunahing tauhan.
Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito'y may pinagbatayang katotohanan.
Halimbawa, kung ang lugar na inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa
magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang mga mambabasa, gagamit pa rin
siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar subalit hindi siya maaaring
maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa. Halimbawa'y hindi niya
maaaring sabihing "nagtatagpo ang asul na karagatang humahalik sa paaanan ng
luntiang hagdan-hagdang palayan ng Banaue" sapagkat wala namang kalapit na
karagatan ang lugar na nabanggit. Sa halip, maaari niyang banggitin ang mahilinaw na
ilog na dumadaloy sa ilang bahagi ng hagdan-hagdang palayan na pinagmumulan din
ng patubig sa mga nakatanim na palay Dito'y masasabing obhetibo ang paglalarawan
sapagkat nakabatay sa katotohanan
Ang Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito
ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan Subalit, sa halip na pintura o
pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa
tekstong deskriptibo. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan
ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.

Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig. malalasahan, o mahahawakan na ng


mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imaheng ito.
Bagama't mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit na mga salita sa pagbuo ng tekstong
deskriptibo, madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng paglalarawan tulad ng paggamit ng mga
pangngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng pagtutulad, pagwawangis,
pagsasatao, at iba pa.
Karaniwang Bahagi lang ng Ibang Teksto ang Tekstong Deskriptibo

Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng teksto.
Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto
partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang
damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa. Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan
at ipinaglalaban para sa tekstong argumentatibo, gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi para sa tekstong
persuweysib, o paglalahad kung paano mas magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa
tekstong prosidyural. Bibihirang magamit ang tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi ng iba pang uri ng
teksto.
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikai sa Pagsulat ng
Tekstong Deskriptibo
Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang
uri ng teksto o kaya'y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin,
kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kohesyong gramatikal. Ang mga ito kasi
ay mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o
sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ng magkakaugnay na mga kaisipan kaya't kinakailangan
ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan
ng bawat bahagi nito.
Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod; reperensiya (REFERENCE),
substitusyon (SUBSTITUTION), ellipsis, pang-ugnay, at leksikal.

• Reperensya (Reference) - Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anapora (kung
kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya'y katapora
(kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag
ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).

Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap. Kailangang
balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy ng panghalip na ito
Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang
matatamis niyang ng... at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa kapaguran hindi
lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na
mag-iisang taon pa lamang.

(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid. Malalaman lámang kung
sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)

2. Substitusyon (substitution )- Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na


muling ulitin ang salita.
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang
pangungusap .
3. Ellipsis May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy
ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

Halimbawa:
☆ Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama'y tatlo.

(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa
rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya'y bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang
bahagi.)
4. Pang-ugnay Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala
sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng
mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay. Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik
ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal-Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: ang
reiterasyon at ang kolokasyon.

a. Reiterasyon-Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang


beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa,
at pagbibigay-kahulugan.

(1) Pag-uulit o repetisyon-Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang
pa lang.

(2) Pag-lisa-isa Nagtatanim silá ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.

(3) Pagbibigay-kahulugan-Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap silá kaya ang pag- aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.

b. Kolokasyon Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa't isa kaya't kapag nabanggit ang isa ay
naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.

Halimbawa:
nanay tatay, guro-mag-aaral, hilaga - timog,
doktor-pasyente puti - itim, maliit - malaki, mayaman - mahirap
Pagsulat ng Journal
Ilang Tekstong Deskriptibong Bahagi ng Iba Pang Teksto
Paglalarawan sa Tauhan
Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan
kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito. Hindi sapat na sabihing "Ang aking
kaibigan ay maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig magsuot ng pantalong maong at puting kamiseta."

Ang ganitong paglalarawan bagama't tama ang mga detalye ay hindi magmamarka sa isipan at pandama ng
mambabasa. Katunayan, kung sakali't isang suspek na pinaghahanap ng mga pulis ang inilalarawan ay
mahihirapan silang maghanap siya gamit lang ang naunang paglalarawan. Kulang na kulang ito sa mga tiyak
at magmamarkang katangian. Ang mga halimbawang salitang maliit, matangkad, bata, at iba pa ay
pangkalahatang paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala ng mabisang imahe sa isipan ng mambabasa.
Samakatuwid, mahalagang maging mabisa ang pagkakalarawan sa tauhan. Iyon bang halos
nabubuo sa isipan ang mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay, at iba pang katangian ng tauhan gamit
ang pinakaangkop na mga pang-uri. Mahalaga ring pakilusin ang tauhan para mas magmarka ang mga
katangiang taglay niya tulad halimbawa ng kung paano siya ngumiti, maglakad, humalakhak, magsalita,
at iba pa.

Sinasabing ang pinakamahuhusay na tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda kundi sa
puso at isipan ng mambabasa kaya naman kahit sila'y produkto lang ng mayamang imahinasyon ng
manunulat, hindi sila basta nakalilimutan.

Mababasa sa ibaba ang mga halimbawa ng paglalarawan sa tauhan mula sa


ilang mahuhusay na akdang pampanitikan.
Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa
kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang diin dito'y ang kanyang
damdamin o emosyong taglay. Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan
sapagkat ito ang nabibigay dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang kanyang ginawa. Makatutulong
maka- konekta ang mambabasa sa tauhan kung sa halip na ilarawan lang ng manunulat ang damdamin ng
tauhan mula sa malayo ay mismong ang tauhan ang magsaad ng emosyong nararamdaman niya.

Mababasa sa ibaba ang ilang paraan ng paglalarawan sa damdamin o emosyon nang hindi na malayo at
konektado pa rin sa tauhan:
Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan. Maaaninag ng mambabasa mula sa aktwal na
nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong taglay nito.

Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang paningin at
nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang araw na pala nang huling
Paggamit ng diyalogo o iniisip. Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon o damdaming
taglay niya. Halimbawa: sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingit sa pila ng babae ay
maaari itong gamitan ng sumusunod na diyalogo:

"Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa hulihan kayo
pumila!"

Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan minsa'y higit pang
nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan.

Halimbawa: "Umalis ka na!" ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim bagang na nakatingin
sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit bumalong mula sa kanyang mga mata.
Paggamit ng tayutay o matatalinghagang pananalita. Ang mga tayutay at
matatalinhagang pananalita ay hindi lang nagagagamit sa pagbibigay ng
rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa. Halimbawa: Ito na marahil
ang pinakamadilim na sandali sa kanyang buhay. Maging ang langit ay
lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si
Berta.

Mababasa sa kabilang pahina ang ilang halimbawa ng


paglalarawan sa damdamin o emosyon ng mga tauhan mula sa
ilang kilalang akdang pampanitikan.
Paglalarawan sa Tagpuan

Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kailan a
saan naganap ang akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa pamamagitan nang mahusay n
pagkakalarawan sa tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa ng akda.

Maaaring ilarawan ang tagpuan sa pamamagitan ng pagkilos ng tauhan sa kapaligirang ito. Kung ang
tagpuan halimbawa ay isang munting barungbarong sa tambakan maaaring itanong ang sumusunod par
sa isang mabisang paglalarawan:
Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay

pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim pa kahulugan dito. Hindi
sapat na maglagay lamang ng larawan ng nasabing bagay sa pahina ng akda upang
mabigyang diin ang kahalagahan nito. Dapat mailahad kung saan nagmula ang bagay na
ito. Kailangan ding mailarawan itong mabuti upang halos madama na ng mambabasa ang
itsura, amoy, bigat, lasa, tunog, at iba pang katangian nito. Mula rito'y ihayag na ang
kuwento sa likod ng bagay at kung paano ito naging makabuluhan o mahalaga sa tauhan o
manunulat at sa kabuoan ng akda.

You might also like