You are on page 1of 25

Sa unang tingin pa lang ay labis na akong

naakit sa kanyang mga matang tila nangungusap.


Di ko mapuknat ang aking paningin sa hindi
pangkaraniwang kagandahan sa aking harapan.
Papalayo na sana ako sa kanya subalit alam kong
dalawang nagsusumamong mga mata ang
nakatitig sa aking bawat galaw, tila nang-aakit
upang siya'y balikan, yakapin, at ituring na akin.
Siya na nga at wala nang iba ang hinahanap ko.
Hindi ako makakapayag na mawala pa siyang
muli sa aking paningin. Halos magkandarapa ako
sa pagmamadali upang siya'y mabalikan.
“Manong, ang asong iyan na ang gusto ko. siya na
nga at wala nang iba. Babayaran ko na at nang
maiuwi ko na.”
*Naging epektibo ba ang ginawang
paglalarawan? Bakit oo o bakit
hindi?
*Naisip mo ba agad na isang aso
pala ang inilalarawan? Anong
bagay ang una mong inakalang
inilalarawan base sa mga naunang
pangungusap?
*Anong katangian ng talata ang sa
palagay mo ay agad nakakuha sa
atensiyon ng mambabasa?
*Kung ikaw ang maglalarawan sa
mga pangyayari sa unang pagkikita
ninyo ng iyong alaga, paano mo ito
ilalarawan?
Alam niyo ba?
Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging
subhetibo o obhetibo. Masasabing subhetibo ang
paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan
nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa
subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa
kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa
isang katotohanan sa totoong buhay,
Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito'y
may pinagbabatayang katotohanan.

Halimbawa, kung ang lugar na inilalarawan ng isang


manunulat ay isa sa pinakamagandang lugar sa bansa na
kilala rin ng kanyang mambabasa, gagamit pa rin siya
ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar
subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga detalyeng
hindi taglay ng kanyang paksa.
Ang
Tekstong
Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad
sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag
nakita ito ng iba ay parang nakita rin nila ang orihinal
na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip na
pintura o pangkulay,mga salita ang ginamit ng
manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan sa tekstong deskriptibo. Mga pang-uri
at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng
manunulat upang ilarawan ang bawat tauhan, tagpuan
o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay
sa imahinasyon ng mambabasa.
Dapat Tandaan
Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong
deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng teksto. Ang
paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging
kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang tekstong
naratibo kung saan kinakailanganng ilarawan ang mga tauhan,
ang tagpuan,ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay at iba
pa. Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na
pinaniniwalaan at pinaglalaban para sa tekstong
argumentatibo, gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi
para sa tekstong persuweysib, o paglalahad kung paano mas
magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa
tekstong prosidyural.
Limang (5) pangunahing
cohesive device o
kohesyong gramatikal
1. Reperensiya (Reference) –
ito ay ginagamit ng mga salitang
maaaring tumutukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap.
Maaari itong maging anapora
(kung kailangang bumalik sa teksto
upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy, o
kaya’y
katapora ( kung nauuna ang panghalip at
malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy
kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa ng teksto)
Halimbawa:
Anapora
*Aso ang gusto kong alagaan.
Ito kasi ay maaring maging mabuting kaibigan.

(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay


tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap.
Kailangan balikan ang unang pangungusap
upang malaman ang tinutukoy
ng panghalip na ito.
Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong
bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi.
Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap
sa aking pagdating ay sapat para mapawi
sa kapaguran hindi lang ang aking katawan
kundi ng aking puso at damdamin.
Siya si Bella, ang bunso kong kapatid
na mag-iisang taon pa lamang.
(Ang siya sa unang pangungusap
ay tumutukoy kay Bella,
ang bunsong kapatid.
Malalaman lamang kung sino
ang tinutukoy ng siya o niya
kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa.)
2. Substitusyon ( substitution) -

paggamit ng ibang salitang


ipapalit sa halip na muling
ulitin ang salita.
Halimbawa:

*Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.

(Ang salitang aklat sa unang pangungusap


ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang pangungusap.
Ang dalawang salita’y
parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.
3. Ellipsis -
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa
rin sa mambabasa ang pangungusap dahil
makatutulong ang naunang pahayag para matukoy
ang
nais ipahiwatig ng nawalang salita.
Halimbawa:
*Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y
tatlo.

(nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang


aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa
rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin
ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang
bahagi.
4. Pag- ugnay –
nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at
sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na
mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang
rekasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.
Halimbawa:

*Ang mabuting magulang ay


nagsasakripisyo para sa mga anak at ang
mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang
mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal -
mabibisang salitang ginagamit
sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon.
Maaari itong mauri sa dalawa:
ang reiterasyon at ang kolokasyon.
a. Reiterasyon
Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit
nang ilang beses . Maari itong mauri sa tatlo:
pag-uulit, pag-iisa-isa, at pagbibigay-
kahulugan.
(1) Pag-uulit o repetisyon
–maraming bata ang hindi nakakapasok sa paaralan.
Ang mga ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.

(2) Pag-iisa-isa – nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran.


Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw,kalabasa, at ampalaya.

(3) Pagbibigay –kahulugan – marami sa mga batang manggagawa


ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-
aaral ay naisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa
hapag-kainan.
b. Kolokasyon
Mga salitang karaniwang nagagamit
nang magkapareha o may kaugnayan
sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit
ang isa ay naiisip din ang isa. Maaring
magkapareha o maari ring magkasalungat.
Halimbawa:
*nanay-tatay *puti - itim
*guro-mag-aaral *maliit - malaki
*hilaga-timog *mayaman - mahirap
*doktor-pasyente

You might also like