You are on page 1of 2

2.

Paglalarawan / Deskriptibo

Ito ay naglalarawan ng isang biswal na konsepto tungkol sa isang tao, bagay, pook o
pangyayari. Maaaring nagbibigay rin ito ng mas malalim na paglalarawan sa kabuuan ng
bagay o ng isang pangyayari. May dalawang uri ito: (1) Masining, kapag gumagamit ng mga
matatalinhagang salita sa paglalarawan na ginagamit sa mga literal na akda, at (2)
Pangkaraniwan, kapag gumagamit ng mga simple o ordinaryong salita na abot ng kaisipan ng
isang ordinaryong mamamayan.

Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Paglalarawan /


Deskriptibo

a. Reperensiya (Reference) – paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging


reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging anapora
(kung kailangang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna
ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang
pagbabasa sa teksto).

Halimbawa:
Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap)

Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi
sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para
makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin.
Siya si Bella,ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid)

b. Substitusyon (Substitution) – paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin


ang salita.

Halimbawa :
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang
pangungusap)

c.Ellipsis – may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o


magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina
subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumili rin ng tatlong
aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.

d. Pang-ugnay – nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pang-uugnay ng sugnay sa


sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay
higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga
pangungusap.

Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at mga anak naman ay
dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
e. Kohesyong Leksikal – mabisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ng
kohesyon.

Uri ng Kohesyong Leksikal:

1. Reiterasyon – kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.

Uri ng Reiterasyon:

a. Pag-uulit o repetisyon – Halimbawa: Maraming bata ang hindi nakapapasok sa


paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
b. Pag-iisa-isa – Halimbawa: nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na
ito ay talong, sitaw, kalabasa at ampalaya.
c. Pagbibigay- kahulugan – Halimbawa: marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa mga pamilyang dukkha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay
naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.

2. Kolokasyon – mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan


sa isa’t isa kaya’t nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareho o
maaari ring magkasalungat.

Halimbawa : nanay – tatay, guro – mag-aaral

You might also like