You are on page 1of 1

Ang paglalarawan ay maaring:

Subhektibo –Ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa imahinasyon ng manunulat at hindi nakabatay sa


totoong buhay.
Obhetibo- Ang paglalarawan namang ito ay nakabatay sa katotohanan
Kohesiyong Gramatikal – Ginagamit upang maging mahusay, malinaw, at maayos ang paglalarawan ng
daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
*Anapora – nagsisimula ang pangalan bago ang panghalip
Halimbawa: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan
*Katapora – nagsisimula ang panghalip bago ang pangalan
Halimbawa: Siya ay nagbigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi.
Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang tain pa lamang.
*Substitusyon – paggamit ng iba pang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Halimbawa: Nawala ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
Bumili ako ng kakanin. Ibinigay ko kay Ina yang iba.
*Ellipsis – May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maintindihan pa rin ito ng
mambabasa.
Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
Kumain si Nita ng apat na pandesal at si Lea nama’y walo.
*Pang-ugnay – Sa pamamagitan ng paggamit nito higit na mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang
relasyon sa pagitan ng pang-ugnay.
Halimbawa: Ang guro ay nagtuturo habang ang mga mag-aaral naman ay nakikinig sa talakayan.
*Reitasyon – Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses
1. Pag-uulit o repetisyon – Maraming bata ang hindi nakakapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang.
2. Pag-iisa-isa – Nagtatanim sila ng mga guklay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw,
kalabasa, at ampalaya.
3. Pagbibigay kahulugan – Marami sa mga batan manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila sa hapag-kainan
*Kolokasyon – Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkaparehas o may kaugnayan sa isa’t isa
kaya’t nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Halimbawa: Nanay-Tatay, Doktor-Pasyente, Guro-Mag aaral, Puti-Itim

You might also like