You are on page 1of 20

Gamit ng Kohesyong

Gramatikal
( Cohesive Devices)
Sa Pagsulat ng Tekstong
Deskriptibo
REBYU
Paglalarawan ng Tauhan

Paglalarawan ng Damdamin

Paglalarawan ng Tagpuan
Ano ito?

U T
O
G H
Tara, Manood Tayo
Kohesyong Gramatikal
(Cohesive Devices)
Limang Pangunahing Kohesyong Gramatikal
1. Reperensiya (Reference)- ito ang mga salitang
maaring tumukoy o maging reperensya ng paksang
pinag-uusapan sa pangungusap.
 Anapora- babalikan ang teksto upang malaman
kung sino o ano ang tinutukoy.
Ito ay mga panghalip na nasa hulihan ng
pangungusap at ginagamit bilang pananda sa
pinalitang pangalan sa unahan.
Hal. Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay
maaring maging mabuting kaibigan.
2. Ang mga mag-aaral ay dumating, naglinis
at umalis, naiwan ang bag nila.
 Katapora- nauuna ang panghalip at
malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy
kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa ng teksto.

Hal. Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon


na bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa
gabi. Siya si Bella , ang bunso kong kapatid na
mag-iisang taon pa lamang
2. Substitusyon (Substitution)- paggamit ng
ibang salitang ipapalit sa halip na muling
uulitin ang salita.

Halimbawa
1. Nawawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang
kita ng bago.
2. Binigyan ako ni Danielle ng doughnut.
Binigyan niya ako ng tatlo.
3.Ellipsis- may binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang maintindihan
o maging malinaw pa rin sa mababasa ang
pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.
Hal. 1. Bumili si Gina ng apat na aklat at si
Rina nama’y tatlo.
2. Natuwa siya sa aming ginawang
proyekto ngunit ako’y hindi.
4. Pang- ugnay- ginagamit ang mga pang-ugnay sa
pag-uugnay ng sugnay sa sugnay , parirala sa parirala,
at pangungusap sa pangungusap.
Hal. Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para
sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
Mga Uri
 Pandagdag- at, saka, pati
 Pananhi- dahil, sapagkat, mangyari, palibhasa, kasi
 Panalungat- ngunit, pero, subalit, bagaman,
samantala
Temporal- pag, sakali, kung, kapag, maliban
5. Kohesyong Leksikal- mabibisang salitang
ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon.
Dalawang Uri
A. Reiterasyon- kung ano ang ginagawa o
sinasabi ay nauulit nang ilang beses.
a. 1. Pag-uulit o Repetisyon
Hal. Maraming bata ang hindi nakapapasok sa
paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
a. 2. Pag-iisa-isa
Hal. Nagtatanim sila ng mga gulay sa
bakuran.Ang mga gulay na ito ay talong,
sitaw, kalabasa, at ampalaya.

a. 3. Pagbibigay- kahulugan
Hal. Marami sa mga batang mangagawa ay
nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap
sila kaya ang pag-aaral ay naisantabi kapalit
ng ilang baryang maiakyat nila para sa hapag-
kainan.
B. Kolokasyon- mga salitang karaniwang
nagagamit nang magkapareha o may
kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit
ang isa ay naiisip din ang isa. Maaring
magkapareha o magkasalungat.
Hal.
nanay-tatay doktor-pasyente
mayaman-mahirap
guro-mag-aaral
hilaga-timog
PAGSASANAY
Balikan ang hugot lines. Suriin at tukuyin ang
mga kohesyong gramatikal na ginamit sa
bawat pangungusap.
1. “May mga masuwerteng tao na nahahanap
na yung tao para sa kanila.”
2. “May mga taong patuloy na naghahanap at
may iba na sumuko na.”
3. “I was willing to wait kaya lang napagod na
ang puso ko na maghintay,magtanong,
magalit.”
4. “Kasi ang totoo, umaasa pa rin akong
sabihin mo na: Sana ako pa rin. Ako na lang.
Ako na lang ulit.”
5. “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako,
o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?”
6. “Syinota mo ako, eh, syinota mo ang
bestfriend mo.”
7. “Ang labo nila noh? Ang linaw ng
pagkasabi: Wait for the airplane to be in
complete stop before getting your luggage.
Tapos, nagtayuan sila agad.”
8. “Pati sa ketchup naaalala mo siya. Naaalala
ko siya sa lahat, sa ketchup, sa cake, sa
pastilla.”
9. “Ang pag-ibig ay hindi maramot. Hindi
araw-araw kilig. Hindi araw-araw pasko.”
10. “Lahat na talaga nagmamadali. Wala nang
makapaghihintay.”
PAGSASANAY

Balikan ang hugot lines. Suriin at tukuyin ang


mga kohesyong gramatikal na ginamit sa
bawat pangungusap.
1. “May mga masuwerteng tao na nahahanap
na yung tao para sa kanila.”
Sagot: Anapora
2. “May mga taong patuloy na naghahanap at
may iba na sumuko na.”
Sagot: Substitusyon
3. “I was willing to wait kaya lang napagod
na ang puso ko na maghintay,magtanong,
magalit.”
Sagot: Pag-iisa-isa
4. “Kasi ang totoo, umaasa pa rin akong
sabihin mo na: Sana ako pa rin. Ako na lang.
Ako na lang ulit.”
Sagot: Pag- uulit
5. “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo
ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo
ako?”
Sagot: Pag-uugnay na Pananhi
6. “Syinota mo ako, eh, syinota mo ang
bestfriend mo.”
Sagot: Katapora
7. “Ang labo nila noh? Ang linaw ng
pagkasabi: Wait for the airplane to be in
complete stop before getting your luggage.
Sagot: Kolokasyon
8. “Pati sa ketchup naaalala mo siya.
Naaalala ko siya sa lahat, sa ketchup, sa
cake, sa pastilla.”
Sagot: Pag-iisa-isa
9. “Ang pag-ibig ay hindi maramot. Hindi
araw-araw kilig. Hindi araw-araw pasko.”
Sagot: Substitusyon
10. “Lahat na talaga nagmamadali. Wala
nang makapaghihintay.”
Sagot: Substitusyon
Pangkatang Gawain
Bumuo ng limang pangungusap na
gumagamit ng iba’t-ibang kohesyong
gramatikal.
Pangkat 1- Reperensiya
Pangkat 2- Substitusyon at Ellipsis
Pangkat 3- Pang-uugnay
Pangkat 4- Kohesyong Leksikal
Basahin sa harap ng klase matapos ang 15
minuto.

You might also like