You are on page 1of 76

Pagbibigay ng Paksa sa

Napakinggang Kuwento /
Usapan
Pagsasadula ng
Napakinggang Teksto
Mahilig ka bang making ng mga
kuwento?
Tinutulungan mo bang magluto si
Nanay ng inyong kakainin?
Paano mo binibigyang halaga ang
iyong kalusugan?
Alamin ang salitang tinutukoy ng mga katuturan sa
loob ng banner. Isulat ang titik sa loob ng bituin.
payag

Halos durog sa
Hindi malapot
sobrang lambot

Pag-amoy nang
Sahog, rekado hindi inilalapit sa
ilong

napakasarap
Ang paksa ay ang
iniikutang diwa sa talata.
Ito ang pangkalahatang
kaisipan sa isang teksto.
Pangkatin ang klase sa 5.
Bigyan ng puzzle ang bawat
pangkat. Ang imahe ang
kanilang bubuuin upang
magkaroon ng ideya sa
gagawing pakikinig.
Basahin:
“Si Annie, Ang Kusinera”
Si Annie ay isang kusinera. Kilalang-kilala siya
sa bayan ng Dansalan dahil napakasarap
niyang magluto. Bihira ang handaanlalo na
kung pista na hindi siya ang nagluluto.
Marami siyang alam na lutuin tulad ng mga
pagkaing Pilipino, Intsik, Espanyol, at
Italyano.
Itanong:
Sino ang kusinera?
Saang bayan siya kilalang-kilala?
Bakit?
Ano ang mga alam nyang lutuin?
(Ipagpapatuloy ang pagbabasa)
Ano kaya ang diwa ng talatang ito?
Bukod sa mahusay mangusina si Annie,
napakamalikhain pa niya sa mga
inihahandang pagkain. Masarap at kasiya-siya
ang mga pagkaing inihahanda niya.
Napananatili niya ang likas na kulay at lutong
ng gulay. Iba-ibang hugis ang ginagawa niya sa
mga sangkap na sili, luya, at sibuyas.
Napabubuka niya ang repolyo na akala mo ay
isang malaking rosas.
Itanong:
Ano pa ang mga kayang
gawin ni Annie?
Ano kaya ang diwa ng
talatang ito?
Katakam-takam! Masarap at maganda na
ang mga ulam na luto ni Annie, mabango
pa ito. Nakalilikha siya ng amoy ng ulam
na kapag nalanghap mo ay gugutumin ka.
Marami ang nagtatanong kung ano ang
kanyang sikreto kung bakit kahit kaunti
lang ang sahog ay nakatatakam ang luto
niya,
Itanong:
Paano inilarawan ang ulam na
luto ni Annie?
Ano kaya ang diwa ng talatang
ito?
Iisa lang ang sagot niya sa mga nagtatanong.
Ang kanyang mga iniluluto ay pawang sariwa,
masustansiya, at mura. Ang lasa at sarap ng
pagkain ay umaayon sa tamang sangkap na
ginagamit niya sa pagluluto. Maayos niyang
iniluluto ang mga sangkap. Pinalalambot
muna ang karne bago isama ang gulay. Dapat
hindi hilaw o hindi labog ang pagkakaluto.
Tama ang lapot o labnaw ng sabaw. Katakam-
takam ang anyo at kulay. Tama ang lasa at
pagkakatimpla, yun ang sikreto niya.
Itanong:
Ano-ano ang sikreto sa
pagluluto ni Annie?
Ano kaya ang diwa ng
talatang ito?
Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Pagyamanin
Natin. Ibatay ang iskor ng grupo
sa rubrik.
Paglalahat
Sa anong paraan pa
maisasalaysay muli ang
isang kwentong
napakinggan?
Isapuso Mo

Ginagawa mo ba ang mga ito? Kung OO ang iyong sagot iguhit sa iyong kuwaderno ang

at kung hindi.

1. Kumakain ako ng gulay upang lumakas ang aking pangangatawan.


2. Nagpapasalamat ako kay Nanay sa mga pagkaing kaniyang inihahain.
3. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay nakapanghihina ng ating katawan.
4. Ang pagpupuyat ay isang magandang gawain.
5. Hindi dapat kumain ng mga junk foods ang batang gaya mo.
Matapos nating mapag-aralan ang
pagbibigay ng paksa sa napakinggang
kuwento, sumulat ng isang kuwento
mula sa sariling karanasan na may
lima hanggang walong pangungusap
tungkol sa pagpapakita mo ng
pagiging magalang. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
Tukuyin sa mga pangungusap ang mga
pangngalan. Salungguhitan ang mga ito.
1.Darating ang pamangkin kong galing sa ibang
bansa.
2.Natumba ang bangkong nasagi niya.
3.Sumama ang ate ko sa field trip.
4.Kahanga-hanga ang ganda ng Boracay.
5.Aalis ngayon ang tiyo ko.
Naiisa-isa ang kasarian ng
pangngalan
Naibibigay ang kasarian ng bawat
pangngalan
Nakapagbibigay ng halimbawa sa
bawat kasarian
Kasarian ng
Pangngalan
Ano ang paksa ng
napakinggang kwento
kahapon?
Saan natin madalas makita
ang paksa ng isang kwento?
Basahin nang malakas ang tula.
Ikaw at ako
mga Pilipino
iisa ang lahi
lahing kayumanggi.

Ang bawat Pilipino


matapang at maginoo
Tabak ang ipinanlaban
sa sakim na mga dayuhan

Sina Jose Rizal, Andres Bonifacio,


Gabriela Silang at Melchora Aquino.
Mga bayaning hain ay buhay
ipinaglaban kalayaan ng bayan.
Pansinin ang mga salitang may
salungguhit. Alin sa mga ito ang
tumutukoy sa lalaki? Sa babae?
Sa di-tiyak kung anong
kasarian? At alin ang walang
kasarian?
Apat na Kasarian ng Pangngalan

1. Panlalaki – mga pangngalang tumutukoy sa mga lalaki.


Halimbawa: lolo, tiyo, prinsipe, ginoo, kuya, Jerry

2. Pambabae – mga pangngalang tumutukoy sa mga babae.


Halimbawa: lola, tiya, prinsesa, ginang, binibini, ate, Ana

3. Di-tiyak – ang tawag sa mga pangngalang ang kasarian ay maaaring lalaki o babae.
Halimbawa: guro, pulis, katulong, nars

4. Walang kasarian – ang tumutukoy sa mga bagay na hindi babae o hindi naman lalaki.
Halimbawa: plato, kotse, mesa, papel, lapis
Walang
Panlalaki Pambabae Di-tiyak
Kasarian

Isaisip Mo
Gumuhit ng kung ang pangngalan ay pambabae at kung ito ay panlalaki.

_____ 1. doktor _____ 6. hari

_____ 2. piloto _____ 7. ninang

_____ 3. kusinera _____ 8. nobya

_____ 4. tandang _____ 9. labandera

_____ 5. barako _____ 10. Mayora


Lagyan ng tsek ( /) ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap
ay naayon sa aksyon ng isang batang gaya mo. Ekis ( X ) kung hindi.
______ 1. Iginagalang ang lahat ng kasarian.
______ 2. Hindi nararapat na bigyan nang pagpapahalaga ang
isang taong hindi kakilala.
______ 3. Matutong gumamit ng po at opo sa mga nakatatanda.
______ 4. Suwayin ang utos ng mga magulang.
______ 5. Maging mapagmahal sa mga bagay na nakikita sa
ating kapaligiran.
Isulat Mo

Ngayong alam mo na ang apat na kasarian ng pangngalan,


sagutang muli ang nasa ibaba base sa iyong pagkaunawa.
Pagbibigay Kahulugan sa
Salitang Pamilyar at Di-
Pamilyar
Sa Pamamagitan ng Tono o
Damdamin
Ano ang tono?
Ano ang damdamin?
Basahin Mo
Ang Kuwento Ni Felipe
Ito ang kuwento ng buhay ng isang batang nagngangalang
Felipe. Bata pa lamang si Felipe nang naulila sa magulang.
Panganay siya sa tatlong magkakapatid, at sa pagkamatay ng
magulang, sa kanya napataw ang responsibilidad ng
pagtataguyod sa kanilang pamilya.
Labindalawang taon pa lamang siya, tatlong trabaho na ang
kaniyang ginagampanan upang makaraos sa buhay. Sa umaga ay
naglalako siya ng pandesal sa kanilang lugar. Sa tanghali naman
ay naglilinis siya ng kotse sa parke sa may likod ng simbahan, at
sa gabi ay nagtitinda siya ng balot at tsitsaron.
Mahirap ang kaniyang trabaho dahil madaling araw pa lamang ay
kailangan na niyang gumising upang magtinda ng tinapay. Sa
pagtitinda naman ng balot at tsitsaron ay ginagabi na siyang
umuwi ng bahay. Ang laat ng ito ay nakakaya niya dahil sa
pagmamahal sa kapatid.
Suki niyang nagpapalinis ng kotse ang pari sa parokya nila.
Madalas silang nag-uusap ng pari lalo na kapag nililinis ni Felipe
ang kotse.
Sa paguusap nila ay napag-alaman ng pari na siya lamang
ang bumubuhay sa pamilya at ulila na silang magkakapatid.
Naawa ang mabait na pari, at inalok niya si Felipe na papag-aralin
niya ng libre. Hindi naman nagdalawang isip si Felipe, pumayag
ito at nagpasalamat sa pari.
Nag-aral nga si Felipe habang nagtatrabaho na lamang
sa umaga at gabi. Mas lalo siyang maagang gumising at
mas malayo ang nilalakad upang makapagtinda ng mas
maraming pandesal. Ganito rin ang ginagawa niya sa
gabi. Pinag-igihan din niya ang pag-aaral. Hindi rin niya
pinabayaan ang kaniyang dalawang nakababatang
kapatid.
Ilang buwan pa ay nakahanap na siya ng mas
magandang trabaho na hindi kakain ng mahabang oras.
Napag-aral niya sa elementarya ang dalawang kapatid
habang nag-aaral siya.
Lumipas ang taon ay nakapagtapos ng pag-aaral si
Felipe. Nakahanap siya ng permanenteng trabaho
at nakapagtabi ng naipong pera upang
makapagtayo ng maliit na negosyo. Napagtapos
niya ang dalawang kapatid. Bilang ganti sa
kabaitan ng paring unang nagtiwala at nagbigay ng
oportunidad sa kanya, siya rin ay kumuha ng mga
papag-araling bata. Tumulong din siya sa simbahan
at sa mga kapuspalad
Lumago ang maliit na negosyo, nakapagpatayo siya ng magarang bahay at ng iba pang
kagamitan. Nagtagumpay si Felipe sa kaniyang mga mithiin sa buhay, at napagtagumpayan niya
ito dahil siya ay masipag, masikap, mapagmahal at mabuting tao.
Sagutin ang mga tanong:
1.Sino ang taong tumulong kay Felipe?
2.Ano ang trabaho niya sa umaga, tanghali at gabi?
3.Ilang taon siya unang naghanapbuhay?
4.Sino ang panganay sa magkakapatid
5.Ano ang ginawa niya upang maibahagi ang kayaman sa iba?
6.Ano ang naging inspirasyon ni Felipe upang magsikap sa
buhay?
7.Ano ang itinulong ng pari na nagmagandang loob sa bata?
8.Sa iyong palagay, anu-anong mga damdamin ang
naramdaman ni Felipe? Ibigay kung saang talata natagpuan
ito,
Pamilyar at Di-pamilyar na Salita Gamit ang Tono o
Damdamin
Ang pagbibigay ng kahulugan sa isang salita o teksto ay
maaaring ipakita gamit ang tono at damdamin.
Tono – tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa ukol sa salita o
paksang kanyang isinulat. Ang tono ay maaaring masaya,
malungkot, mapagbiro, mapanudyo, o seryoso.
Damdamin – tumutukoy sa saloobing nalilikha ng
mambabasa sa salita o teksto. Ito ay maaaring tuwa, lungkot,
galit, pagkainis, takot, paghanga, pag-ibig, pagkagulat,
pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan,
pangamba, at iba pang emosyon o damdamin.
Gawin Natin
Bumuo ng grupo na binubuo ng limang
miyembro. Sasabihin ang salitang i-aasign
ng guro sa iba’t-ibang damdamin at tono.
Halimbawa:
Kumusta ka?
Iaarte ng nagulat, nagmamakaawa, in-love,
malungkot at masaya.
Gawin Mo
Ibigay ang tono at damdamin ng bawat salita o parirala
Pamilyar
pag-ibig ayon sa isang awit:
hindi basta-bastang napapalitan
tunay
walang pagdududa
habang-buhay
tono: masaya
damdamin: tuwa; pag-ibig
tiwala ayon sa isang awit:
mahirap ibalik kapag nawala na
hindi madaling ayusin
hindi maaaring palitan
nawawala nang hindi namamalayan
tono: _____________
damdamin: _________________
Di-pamilyar
Mula sa awiting “Maskara” ng bandang Eraserheads
“Kung may problema ka
Magsuot ng maskara
Takpan mo ang iyong mata
Buong mundo'y mag-iiba”
Ang salitang maskara ayon sa awitin ay hindi literal na maskara
na sinusuot sa mukha. Nangangahulugan itong "pagtago ng
damdamin o ekspresyon ng mukha."
Tono: masaya
Damdamin: pag-asa / lakas ng loob
Mula sa awiting “At Tayo’y Dahon” ng bandang Asin
“Tayo'y mga dahon lamang
Ng isang matatag na puno
Iisa ang ating pinanggalingan
Hindi pareho sa pagtubo
Maaaring ika'y isang dahong masigla
Ako nama'y dahong nalalanta na
Pareho tayong mahuhulog sa lupa
Kaibigan, 'wag ikabahala”
Ang salitang dahon ayon sa awitin ay hindi literal na dahon ng halaman o puno.
Tumutukoy ito sa tao na may pagkakaiba-iba.
Tono: _______________
Damdamin: ______________
Isapuso Mo
Sagutan ang sumusunod na mga tanong sa iyong
kwaderno.
Ikaw ay isa pa lamang mag-aaral, paano ka makakatulong
sa mga kapuspalad na kagaya ni Felipe?
Paano mo masusuklian ang pagsisikap ng iyong magulang
na mapagtapos ka ng pag-aaral?
Anu-ano ang gagawin mo upang ikaw ay magtagumpay sa
buhay?
Isulat Mo

Magbigay ng limang halimbawa ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa


pamamagitan ng gamit sa pangungusap.
Pagsagot ng mga
Tanong sa Binasang
Tekstong Pang-
impormasyon
Paano mo nalalaman ang mga
mahahalagang balita?
Isinasabuhay mo ba ang mga balitang
iyong naririnig o nababasa?
Lahat ba ng impormasyon ay iyong
pinapaniwalaan?
Tuklasin Mo
Hanapin sa grid ang tumutukoy sa mga nasa larawan na nasa kahon.
P A G G O I L O A
A M I L I O G A S
G P L A G O S O K
H A G U Y A I G L
U S A T U R P I G
H A R S I P I L U
U Y O I H U L I Y
G U L A Y D Y L A
A U A T S A O A L
S S L S A T R P R
Sagutin ang mga tanong:
Tungkol saan ang balitang iyong nabasa?
Sino ang umapela sa mga local na pamahalaan at pribadong
sector?
Ano ang inilunsad ng Department of Health?
Ano ang tampok sa programang ito?
Kailan ito unang inilunsad?
Ibigay ang paliwanag ni Dr. Enrique Ona tungkol sa GP.
Ano-ano ang kasama nito upang lalong mapasulong ang
proyektong GP?
Ano ang dapat maging puhunan mula sa pagkabata? Sa iyong
palagay, bakit nasabi ito ni Secretary Ona?
Ang pag-unawa sa binasa ay hindi
lamang matitiyak sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong tungkol ditto.
Maaari ring malaman kung
nauunawaan ng mag-aaral ang binasa
kung makabubuo sila ng tanong
tungkol sa teksto.
Pagyamanin Natin
Bumuo ng limang pangkat.
Basahin ang maiklong balitang
ito at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
HINDI PAGKAIN NG GULAY, NAKAKAPAGPATAAS NG I.Q.

Kayo ba ay mahilig sa gulay? Alam n'yo ba na lumabas sa


pag-aaral sa Amerika na mas mataas ang I.Q. ng mga
batang vegetarian kaysa mga batang hindi kumakainnito.
Ayon sa "The Food Revolution Magazine",pumapatak sa
average i.q. na 116 ang mga batang mahilig kumain ng
gulay samantalang nasa 99 lang naman ang average i.q.
ng mga batang karne lamang ang kinakain. Ang i.q. o
intelligence quotient ang sukat ng katalinuhan ng isang
bata.
posted by Fred
Tanong:
Tungkol saan ang impormasyong
ito?
Paano ipinaghambing ang IQ ng
batang kumakain ng gulay at hindi?
Isapuso Mo

Kulayan ng pula ang puso kung nagsasaad ito na makabubuti sa kalusugan at itim kung hindi.

1. Ang wastong nutrition ay ang pagkain ng tama at sapat na uri ng pagkain


upang makakuha ng sustansya ang ating katawan mulang sa mga ito.

2. Ang kakulangan sa bitamina ay may malaking epekto sa ating pang labas na


anyo.

3. Ang pagkain ng sapat ay nakakasama sa katawan ang pagkain naman ng


sobra ay hindi rin nakakabuti.

4. Upang ang mga sakit ay maiwasan, kinakailangan nating kumain ng tama at


sapat ng makuha lahat ng kinakailangang sustansya.

5. Kung ang lahat ng tao ay may alam tungkol sa wastong nutrisyon at ito ay
ginagamit sa pang araw-araw na buhay lahat tayo ay magiging malusog at
masigla.
Isulat Mo

ESSAY

Gumawa ng walo hanggang sampung pangungusap kung paano


mapahahalagahan ang iyong kalusugan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Pagbabaybay ng
Wasto sa Salitang
Natutuhan sa Aralin
Paano ang tamang pagbabaybay?
Ano ang salitang hiram?
Paano nakaimpluwensya ang mga
dayuhan sa ating wika?
Tuklasin Mo

Sa mga salitang nasa loob ng kahon, bilugan mo ang sa palagay mo ay tama ang baybay.
Kung mali ang baybay, ibigay ang tamang baybay nito.

shoot goal shorts

depending champion score ring

coach teem

championsheep t-shirt
Basahin Mo
Pagbabago
Malaon nang minimithi ng bawat Pilipino ang makitang
maunlad at maayos ang ating bansang Pilipinas. Kung kaya’t pinag-
iibayo ng pamahalaan ang pagpapaunlad ng iba’t-ibang aspekto ng
pamumuhay.
Matatagpuan na sa Pilipinas ang mga teatro, museo, paaralang
pangmusika at pansining, aklatan, at mga tindahang namamahagi
ng mga likhang-sining ng mga Pilipino. Makikita na rin sa ating
bansa ang maunlad na sistema ng transportasyon at komunikasyon.
Matatagpuan ditto ang mga makabagong sasakyan tulad ng LRT at
mga kalsadang nag-uugnay sa mga pamayanan tulad ng mga flyover,
underpass na dinaraanan ng mga sasakyan at overpass naman para
sa mga tao. Ang layunin nito ay upang mabigyan ng solusyon ang
malubhang suliranin ng trapiko.
Halos lahat ng tahanan ay may serbisyo ng kuryente at tubig. Ang mga
kasangkapang kailangan sa araw-araw ay mga makabago na rin tulad ng
computer, floor polisher, betamax o VHS, washing machine, at ang
teleponong ginagamit ay mayroon nang caller I.D. Dito malalaman ang
numero ng tumatawag sa iyo. Kung ikaw ay nasa labas naman ng bahay
o kaya’y nasa loob ng sasakyan, maaari kang gumamit ng telepono sa
pamamagitan ng cellphone. Maaari ka ring gumamit ng telepono sa
pamamagitan ng Fonkard Plus. Tunay na malaganap na ang paggamit ng
telepono sa bansa.
Sa paaralan ay marami na ring makikitang pagbabago na lalong
makatutulong sa mga mag-aaral tulad ng calculator na nagagamit sa
Matematika, pag-aaral ng computer na nagagamit sa paggawa ng mga
proyekto at term paper, Xerox machine na nagagamit sa pagkopya ng
mga nasaliksik na aralin.
Ganyan kabilis ang mga pagbabagong nagaganap sa bansang
Sagutin ang mga tanong:
Bakit kinakailangang magkaroon ng
pagbabago sa bansa?
Bakit natin masasabing magtatagumpay tayo
para sa mga mithiing ito?
Bilang isang makabagong Pilipino, ano pa ang
iyong maimumungkahi na maaaring
makatulong sa kaunlaran ng bansa?
Pagyamanin Natin
Sa ibang mga babasahin, may nababasa tayong mga salitang hiram na ginagamit
sa mga pangungusap, tulad ng Ingles, Espanyol, at ang iba ay Tsino.
Binabaybay natin ayon sa baybay ng ating mga salita. Bumuo ng limang
pangkat. Ibigay ang baybay-Filipino at ang kahulugan nito.

Salitang Hiram Baybay-Filipino Kahulugan


1. cake
2. ballpen
3. basketball
4. taxi
5. driver
Isaisip Mo
Ibigay ang tamang ng baybay ng mga hiram
na salita.
1.spaghetti
2.pollution
3.bouquet
4.television
5.principal
Isapuso Mo
Lagyan ng tsek(/) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at
ekis kung hindi.
________ 1. Naging madali ang pakikipag-usap sa nasa malayong lugar.
________ 2. Layunin ng pamahalaan na malutas ang suliranin sa trapiko.
________ 3. Walang pag-unlad ang Pilipinas sa iba’t-ibang larangan ng
sining tulad ng
teatro at museo.
________ 4. Nagkaroon ng mahusay at maunlad na sistema ng
transportasyon.
________ 5. Hindi maunlad ang ating bansang Pilipinas.
Lagyan ng kahon ang pinakawastong baybay sa alpabetong Filipino ng
mga salitang hiram.

Miercoles - Mierkoles Miyerkules Miyercules

clase - klase class classe

atencion - attensyon atension atensyon

silla - cilia silya silia

leccion - leksyon leksion lecsyon

sacrificio - sakrifisyo sakrificio sakripisyo

central sentral sintral zentral

Viernes - Viernez Biyernes Biernes

merienda - miryenda miryinda meryenda

product - produkto froducto frodukto


Takdang Aralin
Isulat sa patlang ang wastong baybay ng
hiram na salita gamit ang alpabetong Filipino.

1.index
2.campus
3.magazine
4.guapo
5.cuatro

You might also like