You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

Unang Markahan
I. Layunin:
a Nakakakasasagot ng mga tanong tungkol sa napakinggan/nabasang
pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan. (F6PN-Ia-g-3.1, F6PN-
Ia-g-3.1, F6PB-Ic-e-3.1.2, F6PN-Ia-g-3.1)

Integrasyon
Aral Pan : Natatalakay ang ilang mga isyung pangkapaligiran ng bansa
ESP : Nakakagamit ng may pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at
pinagkukunang yaman
II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin:
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggan/Nabasang Pabula,
Kuwento,Tekstong pang impormasyon at Usapan
B.Kagamitan:
Mga Larawan, Grapikong Pantulong at ICT Equipments tulad ng laptop, projector
at audio speaker
C.Sanggunian: Curr. Guide in Fil. 6, in Ap Learner Material Fil 6
D. Pagpapahalaga: Pangalaga sa kapaligiran at pinagkukunang yaman
III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Bata

A. Pamamaraan
Mga bata basahin ninyo ang mga salitang
nakasulat sa plaskards.
Naulila
masakit
magiting

hamon
subalit
B. Balik aral

Ano- ano ang mga salitang tanong ang


ginagamit natin sa pagtatanong? Ako po sir!
Ano, Sino, Saan, Kailan,
Paano, Ilan, Paano, at Bakit.
Magaling !

C.Pagganyak
Kayo ba ay may mga pangarap sa buhay? Opo sir!
Pwede bang ibahagi ninyo kung ano ang gusto o
pangarap mo sa buhay?

Opo sir! Maging doctor


Nars
Pulis
Guro
D.Pagganyak na tanong atorney
Gusto ba ninyong malaman kung ano ang
pangarap ni Belen?

E. Paglalahad Opo sir!


Ngayong umaga, may babasahin tayong
kuwento “ Ang Pangarap ni Belen”
Bago tayo magsisimula bigyan muna natin ng
tamang kahulugan ang mga salitang may
salungguhit sa pangungusap.

F. Paghawan ng Balakid
Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Maraming anak ang naulila sa kanilang
ama.
A. nagkaroon B. nawalan ng ina o ama
2. Nagdadalamhati ang aming pamilya sa
pagkawala ng aming ama.
A. natutuwa B. nalulungkot B. nawalan ng ina o ama
3. Sobrang mahapdi ang mawalan ng mahal
sa buhay.
A. masakit B. Malaya
4.Kinakapos palagi ang mga mahihirap. B. nalulungkot
A. sobra B. Kinukulang
5. Magiting na hinarap ng pamilya ang mga
hamon at paghihirap sa buhay. A. masakit
A. matapang B. natuwa

G. Pagbasa ng kuwento B. kinukulang

“ Ang Pangarap ni Belen”


Katha ni : Len Tatur
A. matapang

Araw –araw maagang gumigising si Belen


para magdasal . Bago siya magsisimula ng
kanyang mga gawain kailangan niya munang
magdasal para magpapasalamat sa mga biyayang
natatanggap . Si Belen ay 11 taong gulang at
nasa ika 6 na baitang noon . Sila ay pitong
magkakapatid at si Belen ang bunso sa kanila.
Sa murang edad sila ay naulila sa ama kaya
nagdadalamhati ang kanilang pamilya. Mahapdi
para sa kanilang lahat ang mawalan ng ama.
Subalit magiting na hinarap ng kanilang inang si
Aling Melba ang mga hamon at paghihirap kung
papaano niya bubuhayin ang kanyang mga
mahal na anak.Paglalabada ang hanapbuhay ni
aling Melba . Tuwing Linggo sabay-sabay silang
nagsisimba at taos pusong nanalangin . Palaging
kinakapos sa pera at pagkain ang kanilang
pamilya. Nagpasya ang kanyang mga ate na
sina Beng, Len , At An na mamasukan bilang
katulong habang nag-aaral ng hi-school ganon
din ang ginawa ng kanyang mga kuya na sina
Toto , Bal, at Noy para makatulong sa kanilang
ina. Bawat isa sa kanila ay nag aaral nang
mabuti at nagtutulungan sa mga gawain at
nagbibigayan .Kung araw ng Sabado walang
pasok si Belen naman ay sumasama at
tumutulong sa kanyang ina sa paglalabada sa
kanilang kapitbahay. Silang magkakapatid ay
masisipag at masigasig sa kanilang pag-aaral.
Ang kanilang pangarap ay ang maihaon sa
kahirapan at mabigyan ng marangyang buhay
ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang mahal
na ina .
Ang tanging inspirasyon ni Belen ay ang
kanilang kahirapan at pagmamahal sa kanyang
dakilang ina at mga kapatid kaya si Belen ay
sadyang nagsikap, nag-aral nang mabuti para
makamit ang kanyang pangarap na
makapagtapos sa kanyang pag-aaral at maging
isang guro para makatulong sa mga kapos palad
at maibabahagi niya ang kanilang karanasan sa
buhay at tularan siya ng mga naulila na
kailangan lang ang magsikap at tibay ng
loob.Sobrang saya at nagpapasalamat sa
maykapal si Belen dahil nakamit niya ang
kanyang pangarap. Siya ay naging ganap na
guro at tumutulong na sa kanilang pamilya.

F. Pagtatalakay: 1. Ang Pangarap ni Belen

Sagutin natin ang mga tanong. 2. Sina Belen ,Aling Melba,


Ate Beng, Len, An , kuya
1. Ano ang pamagat ng ating kuwento? Toto, Noy at Bal
3. Aling Melba
2. Sino- sino ang mga tauhan sa kuwento 4. Pito silang magkakapati
5 . Si Aling Melba ay
labandera
3. Sino ang kanilang ina? 6. Tuwing Linggo
4. Ilan silang magkakapatid? 7. Sila ay nagtututlungan
5. Ano ang trabaho ni aling Melba?
8. Ang kanilang mahal na ina
6. Kailan sila nagsisimba? at kahirapan sa buhay
7. Paano nila napapagaan ang loob ng kanilang 9.Para makatulong sa
I kanilang ina
ina sa kabila ng Kahirapan? 10.Ang pangarap ni Belen ay
8. Ano ang kanilang inspirasyon sa buhay? ang makatapos sa pag-aaral
9. Bakit kailangan pumasok bilang katulong para maging isang guro
Ang kanyang mga ate at kuya? 11. Si Belen ay nag- aral ng
10. Ano ang pangarap ni Belen? mabuti hanggang sa
makatapos.
Tutulong at magsikap tulad
11. Paano niya ito nakamit? ni Belen.
Opo Sir!
12. Kung kayo sa kalagayan ni Belen ano ang
Kaya ninyong gawin para sa iyong pamilya?
Tama !
Dapat bang tularan si Belen?

Mga bata ,dapat ninyong tandaan na ang


kahirapan ay hindi hadlang sa pagkamit ng iyong
pangarap sa buhay.
kailangan ng pamilya ang magtu-
lungan at magbigayan para mapagaan ang
mga mabibigat na problema .

G. Pangkatang Gawain:
Ngayon hahatiin ko kayo sa dalawang
pangkat para sa inyong gawain.

Panuto: Basahin ang kuwento at sasagutin


ang mga tanong tungkol sa inyong binasa.
( Nasa loob ng envelop ang kuwento at tanong)
Pangkat A
“ Ang kapaligiran Noon at Ngayon”

Noon nilikha ng Mahal na Diyos ang


kapaligiran na parang paraiso . Maraming
halaman, malalagong kagubatan , malinis na
mga ilog , at karagatan na may maraming isda.
Kakaunti ang mga tao na malayang nakagala at
ligtas. Walang teknolohiya na sumisira sa ating
likas na yaman.Ibon ay malayang nakakalipad sa
malawak na kalawakan. Sariwang hangin ay
iyong malalanghap.
Ngayon , mga makabagong teknolohiya at
imbensyon ang siyang sumisira sa mga likas na
yaman ng ating kapaligiran. Mga gusali na
parang kabute ang iyong makikita mga taong
walang malasakit basura kanilang tinatapon sa
mga ilog at dagat hangga’t mga isda ay
nalalason. Baradong estero at mabahong basura
ang iyong malanghap. Mga pagputol ng mga
puno, sa malagong kagubatan. Mga luntiang at
maberdengdahonay unti-unting nawawala. Si
inang kalikasan ay sinisira ng mga taong
maabuso at mapamantala.

Tanong:
1. Ano ang pamagat ng teksto?
2. Kailan naging paraiso an gating paligid?
3. Sino ang may likha ng mga likas na yaman?
4. Paano nasira ang ating kapaligiran?
5. Bakit nawala na ang ibang kagubatan?
6. Ano ang suliranin ng ating lipunan?
7. Bilang mga mag-aaral paano kayo
makakatulong na mapanatili ang kalinisan ng
ating paligid?

Pangkat B
“ Kagubatan Tahanan Namin‘”

Sina pagong , unggoy, ibon, baka, kalabaw at iba


pang mga hayop ay masayang naninirahan sa
malawak na kagubatan. Sila ay may masagana
sa pagkain sa kanilang paligid.
Malaya silang nakapaglalaro at naghahabulan sa
malagong kagubatan.
Isang umaga ng Sabado habang sila ay
naglalaro may narinig silang nakakabinging
ingay sa kabilang daku. Sabay silang pumunta
doon nakita nila ang mga taong pinuputol ang
mga matataas na puno kung saan ito ay palaging
inaakyat ni pagong. Lumapit sila sa mga tao
subalit sila ay pinagtataboy palayo.Dali-dali
silang tumakbo at nagtago baka sila hulihin. Sa
kanilang isipan at damdamin ay nagtatanong
Kagubatan tahanan namin bakit sinisira ng mga
taong walang damdamin?

Mga tanong

1. Ano ang pamagat ng pabula?


2. Ano- ano ang mga hayop ang nabanggit?
3. Saan nakatira ang mga hayop?
4. Kailan nila narinig ang nakakabinging ingay?
5. Ano ang suliranin ng mga hayop?

H. Paglalahat / Abstraction:
Batay sa ating kuwento at talakayan,
ano ang natutunan ninyo sa ating aralin?
Paano ninyo nasagot nang tama ang
mga tanong ukol sa kuwento?
Tumpak ang inyong sagot!
I. Paglalapat: 1. Maging malusog
2. Mga masustansiyang
Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang pagkain
mga tanong.
3. Uminom ng 8 basong tubig

“Maging Malusog”

Lahat dapat maging malusog, ugaliin ang


pagkain ng mga gulay, prutas at mga
masustansiyang pagkain araw-araw. Uminom ng
walong 8 basong tubig . Iwasan ang pagpupuyat ,
matulog nang maaga at mag ehersisyo para
maging masigla ang katawan.Siguradong mga
sakit ay hindi makakalapit.

Mga tanong:

1. Ano ang pamagat ng teksto?


2. Ano- ano ang dapat nating kainin?
3. Ilang baso ng tubig ang iinumin araw-araw?
4. Paano mapanatiling masigla at malusog?
5. Bakit kailangan nating iwasan ang
magkasakit?
IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawain ang teksto.
Sagutin ang mga tanong .

“ Ang Batang Masipag”

Si Pedro ay batang masipag at kilala sa kanilang


pamayanan dahil siya lang naman ang may mga
sari- saring halaman sa kanilang bakuran.
Maaga pa siya ay gising na bago siya
papasok sa paaralan kailangan niyang
magdidilig ng kanilang mga halamang gulay at
prutas .Pinalalambot niya ang lupa sa palibot ng
mga tanim at nililinis. Ang kanyang mga tanim
ay tulad ng kalabasa, talong , patola, pipino,
kangkong , malunggay, papaya, bayabas at
marami pang- iba. Bukod sa paghahalaman siya
ay may mga alaga ding mga hayop manok,
baboy,at kambing . Ito ay kanyang pinapakain
tuwing umaga at hapon.
Napapasaya niya ang kanyang pamilya lalo
na ang kanyang ina at ama dahil nakakatulong
si Pedro sa kanilang pangkabuhayan. Kahit
abala siya sa kanyang mga gawaing bahay hindi
niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral. Siya
ay matalino rin sa kanilang klase. Siya ang
batang dapat tularan.

1. Tungkol sa ano ang kuwento? __________


2. Sino ang pangunahing tauhan?_________
3. Saan naitanim ang mga halaman ni Pedro?___
4. Ano-ano ang kanyang mga alagang hayop?____
5. Bakit masaya ang kanyang pamilya?_________

V. Takdang Aralin
Panuto: Magbasa ng kuwento sa inyong aklat
at ibahagi sa klase bukas.

You might also like