You are on page 1of 4

Name: ___________________________________ Grade:____________

Section: ________________________ Date: _____________


4th QUARTER
LEARNING ACTIVITY SHEET IN FILIPINO WEEK 2
Matapos ang gawaing pagkatutong ito inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

 Nakakagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan F5PN-IVa-d-22


 Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap ayon sa anyo o kayarian(F5WG-IVb-e-13.2)
 Natutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu (F5PB-IVb-26)
 Nakapagbibigay ng maaaring solusyon sa isang naobserbahang suliranin (F5PS-IVe-9)

Ang Sanhi ay ang pagbibigay dahilan o paliwanag sa mga pangyayari.


May mga pang-ugnay o hudyat na nagpapahayag ng dahilan o sanhi tulad ng sapagkat, dahil sa/dahilan sa,
palibhasa,kasi at naging.
Ang Bunga naman ay ang resulta o kinalabasan ng pangyayari.
Ang mga hudyat o pang-ugnay na nagpapahayag sa resulta o bunga ay ang kaya/kaya naman, kung/kung kaya, bunga
nito at tuloy.
Madaling maunawaan ang kuwentong binasa o napakinggan kung mapag-uugnay natin ang naging dahilan at
kinalabasan ng mga pangyayari.
Sa pag-uugnay ng sanhi at bunga sa tekstong napakinggan, maaari nating gamitin ang ilang mga dayagram upang mas
mapadali at mas mapabilis ang pagkakaunawa dito. Maaaring gamitin ang Concept Map, Hirarkikal na Dayagram,
Spider Web at ang Cause and Effect Chart.
Halimbawa:
Dahil sa polusyon, maraming tao ngayon ang may sakit. Puro usok ang hangin at lason itong sumisira sa baga. Hindi
kataka-takang marami ngayon ang may sakit na hika o asthma, hapo o emphysema, tuberculosis, at iba pa.

Sa pagkakataong ito, tunghayan mo naman ang talakayan tungkol sa kayarian ng pangungusap.


May tatlong anyo o kayarian ng pangungusap: payak, tambalan at hugnayang pangungusap. Sa araw na ito ay
matututuhan mo rin ang payak at tambalang pangungusap.
1. Payak na pangungusap – ito ay binubuo ng isang paksa at panaguri. Ito ay may isang buong diwa.

Labis ang kanilang kagalakan.


Panaguri Paksa

2. Tambalan- Ito ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap o sugnay na nakapag-iisa na pinag-uugnay ng


pangatnig na at.
Ang iba pang uri ng pangatnig na ginagamit sa tambalang pangungusap ay o, ni, at, ngunit, subalit, dapatwat,
samantala, at iba pang kauri nito.
Pag-aralan ang halimbawa:

Lumitaw na muli ang mga bundok at tumubo nang muli ang mga halaman.
Sugnay na nakapag-iisa Sugnay na nakapag-iisa

3. Hugnayan- binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di- nakapag-iisa.
Ang iba pang uri ng pangatnig na ginagamit sa hugnayang pangungusap ay upang, kung, kapag/pag.
Sapagkat/pagkat, dahil sa, at nang.

Pag-aralan ang halimbawa:

Isang araw, nangulimlim ang buong kapaligiran.


sugnay na sugnay na nakapag-iisa
di-nakapag-iisa
* Upang higit na maunawaan at magkagkaroon ka pa ng mas malalim na pagkaunawa sa anyo o kayarian ng payak na pangungusap at tambalang
pangungusap, maaari kang sumangguni sa batayang aklat na Alab Filipino 5, pahina 184.
Dumako naman tayo sa pagtukoy ng paniniwala ng may akda ng teksto sa isang isyu. Taglay ng isang may-akda ang kaniyang layunin sa
kanyang mga akda o teksto. Ito ay maaaring magpaliwanag, magdagdag ng impormasyon, mangatwiran, manghikayat, mang-aliw, at maglahad ng
opinyon o saloobin.
Narito ang ilan sa mga paraan upang matukoy ang layunin ng may-akda ng teksto sa isang isyu.
• Malalaman mo ang tono ng awtor sa pamamagitan ng mabilis na pagsuyod sa materyal, lalo na sa pamagat, at mga panimula at pangwakas na
talata.
• Mga larawan at section headings naman ang pangkalahatang nagbibigay ng palatandaan sa layunin ng awtor sa pagsulat ng kanyang artikulo.
• Malalaman mo lamang ang intensyon ng may-akda kung ito ay mababasa mo nang makailang ulit na may dagdag ingat.
• Maaari ka ring magkaroon ng impresyon sa simula kung bakit isinulat iyon ng awtor, tulad ng pagbibigay pananaw na ang artikulo ay kailangang
mang-aliw, mangumbinsi o magsuri ng mga bagay.

*Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa layunin ng awtor sa pagsulat ng kanyang artikulo, maaaring bisitahin ang link na ito:
https://www.coursehero.com/file/p4uurvo/Ang-lathalain-ay-isang-akdang-batay-sa-misteryong-sangkap-sa pamahayagang/?
fbclid=IwAR2ecdFOmfUpnYy05PcSWH7a2zoIfET2D0yS03SmHqTeu6T-W1pO3uPcnH4.

Sa puntong ito ay iyong matutunghayan ang tungkol sa pagbibigay ng solusyon sa mga naoobserbahang suliranin sa paligid. Bilang isang mag-
aaral mula sa ikalimang baitang, alam kong mulat ka sa ilang problemang naglipana sa iyong lipunan o sa iyong komunidad . Marami kang
nalalaman batay sa mga pangyayaring iyong naoobserbahan, mga nakikita at naririnig. Ang pagbibigay ng sariling opinyon at maaring solusyon sa
isang suliranin na naobserbahan sa paligid ay isang napakagandang kasanayang kailangan nating matutuhan sapagkat ito’y kailangan sa ating pang-
araw araw na buhay.

GAWAIN SA FILIPINO 5 QUARTER 4 WEEK 2


Pangalan: _______________________________________________ Section: _____________________

Gawain sa Pagkakatuto Bilang 1: A. Itambal ang Sanhi sa angkop na Bunga upang mabuo ang pahayag. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
Sanhi Bunga
_____1. Dahil sa pag-init na ito A. mailigtas ang daigdig
_____2. Kung may tagtuyot sa Timog Amerika B. El Niño
_____3. Ang pagkilos ng mainit na tubig C. maaapektuhan ang ekonomiya
_____4. Pagkatuyot ng kagubatan D. nababago ang panahon
_____5. Pagpigil sa paglabas ng carbon dioxide E. hindi napigil ang sunog

B. Ayon sa isinasaad ng mga pangyayari sa inyong napakinggan, punan ang concept map sa ibaba. Ilagay ang sanhi at
ang mga bunga sa bawat bilang. Piliin ang angkop na mga salita sa kahon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin nang tahimik ang teksto. Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang iyong kasagutan sa sagutang papel.
Pista sa Aming Bayan
Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at masaya
ang kalembang ng kampana sa simbahan.
Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang nagbibigay ng masiglang tugtugin.
Naggagandahan ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye.
Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson dito at doon. Malalaking talyasi ng pagkain ang
nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalo-saluhan ang
mga inihandang pagkain ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapos-tapos.
Ganyan ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang ispiritwal
ng okasyon.
E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi ba’t malaking pag-aabala ito?
Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang pagpipista at pamimista. Ito’y isang kaugaliang minana pa natin
sa ating mga ninuno.
Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay araw ng
pagdakila. pagpuri at pagpaparangal sa Panginoon. (Hango sa Landas sa Pagbasa 6, pahina 24-26)

1. Ano ang pista?___________________________________________________________________________


__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Ano ang paniniwala ng may akda na nais iparating sa mambabasa tungkol sa pagdiriwang ng pistang bayan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Batay sa binasang teksto, anong isyu o suliranin ang napansin mo?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Magbigay ng mungkahing solusyon ayon sa suliraning napansin mo.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Sa panahon natin ngayon paano natin maipagdiriwang ang pista na hindi tayo mahahawahan ng sakit na dala ng
Covid- 19?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 Tukuyin kung ang pangungusap ay payak, tambalan, o hugnayan. Isulat sa kuwaderno
ang sagot.
__________1. Noong unang panahon, ang mundo ay pinananahanan ng masamang tao.
__________2. Ang pamilya ni Noe ay nagmamahal sa Diyos.
__________3. Hindi sila lumilikha ng mga diyos na gawa sa bakal at sila ay tapat na naglilingkod sa Diyos.
__________4. Isang araw, tinawag ng Diyos si Noe.
__________5. Sinunod ni Noe ang ipinag-utos ng Diyos.
__________6. Pinagtawanan lamang ng mga tao nang Makita nilang gumagawa si Noe ng arko.
__________7. Hindi sila natakot sa paparating na bagyo.
__________8. Hindi sila naging mabuti sa kanilang kapuwa lalo pa silang naging masasamang tao.
__________9. Kumuha siya ng dalawa sa bawat uri ng hayop sa lupa, gayundin ng mga halaman.
__________10. Walang patid ang pagpatak ng malakas na ulan hanggang sa tumaas ang baha.

You might also like