You are on page 1of 3

Asignatura Health Baitang 4

W4-5 Markahan 4 Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Pag-uugnay sa paghahanda at angkop na tugon sa oras ng kagipitan sa
pagsagip at pagpapanatili ng buhay.
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Naiuugnay ang paghahanda at angkop na tugon sa oras ng kagipitan sa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
pagsagip at pagpapanatili ng buhay. (MELC 21)
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Batayang pangkaligtasan at pangunang lunas.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: Week 4 – 20 minuto)
A. Maging Mapanuri, Mapagmatyag
Basahin ang balita na nasa ibaba. Sagutin ang mga tanong na kasunod nito.
Luzon, MM sinakmal ng blackout... ‘Glenda’ nag-iwan ng 17 patay
MANILA, Philippines - Sa pag-alis ng bagyong Glenda ngayong araw sa Philippine Area of
Responsibility (PAR) ay nag-iwan ito ng 17 patay at nilumpo ang may nasa 5.3 milyong kostumer ng Manila
Electric Company (MERALCO) sa Luzon at Metro Manila na nawalan ng suplay ng kuryente kahapon at
nasa daan libo ang inilikas matapos na ito ay manalasa.
Sinabi ni Chief Supt.Danilo Constantino, Chairman ng Sub Committee on Disaster Management ng
PNP, 11 sa naitalang patay ay sa Region IV-A na karamihan ay nadaganan ng mga nabuwal na
punongkahoy.
Lima sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Rizal; 3 sa Quezon; 2 sa Batangas; 1 sa Cavite habang
apat naman ang naitalang nasawi sa Region IV-B, dalawa rito ay nabagsakan ng puno ng niyog sa
Marinduque, isa sa pagguho ng bahay sa Oriental Mindoro at isa pa ang hindi natukoy ang dahilan.
Isa rin ang naitalang namatay sa Region V sanhi ng atake sa puso habang kinukumpuni ang bubong
habang isa naman ang namatay sa Region VIII nang mabagsakan ng nabuwal na puno ng niyog.
May naitala rin na dalawang taong nawawala sa Marinduque matapos na tangayin ng malakas
na agos ng tubig baha. Sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council
(NDRRMC) Executive Director Alexander Pama na kabilang sa mga nasawi ay sina Reynaldo Hernandez,
48, nadaganan ng nabuwal na puno sa Tabang, Plaridel, Bulacan; Neneth Artificio,48; Arlyn Artificio at
Adrian Artificio, 20; pawang residente ng Marketview, Lucena City; mga nadaganan ng nabuwal na
punongkahoy.
Ang dalawa pa ay mula naman sa Region IV-A na sina Angelica Guarinio ng Brgy. San Juan, Taytay,
Rizal at ang pang-anim ay si Lourdes Lim, 25 ng Allen, Northern Samar na natumbahan ng poste ng kuryente.
Anim rin ang inisyal na naitalang nasugatan ng NDRRMC na sina David delos Santos, tinatayang
nasa 22-30 ang edad at Joel Orsavia, 44 ng Quezon City na kapwa nadaganan ng nabuwal na
punongkahoy; Jomer Guzman ng Villasis, Pangasinan; Rodolfo Torralbaa, 58; Antonio Habana, 16 at Jesus
Vargas; mga mula naman sa Sangay, Camarines Sur sa Bicol Region; pawang mga nakuryente.
https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2014/07/17/1346983/luzon-mm-sinakmal-ng-blackout-glenda-nag-iwan-ng-17-patay

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Week 4 – 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang balita?
2. Ano ang mga nangyari sa balita?
3. Paano naapektuhan ng bagyo ang maraming tao, ari - arian at kabuhayan?
4. Paano ito napaghandaan?
5. Bilang mag –aaral, paano ka makatutulong upang ang mga ganitong kalamidad ay mapaghandaan
at ang Inang Kalikasan ay maingatan?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Punan ang tsart ng mga hinihinging sagot. Gawin ito sa notbuk.

Epekto ng Bagyong Glenda


Buhay ng tao Ari - arian Kabuhayan

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: Week 5 – 10 minuto)


Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Gumawa ng isang paunawa na humihikayat sa mga tao sa inyong komunidad na maging handa sa anomang
uri ng kalamidad o sakuna na maaaring maganap sa pamayanan. Gawing batayan sa paggawa ang batayan
sa pagmamarka sa ibaba. Isulat sa notbuk ang iyong sagot.

Batayan sa pagmamarka
Kriterya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman
(5 - 4) (3 – 2) ang Husay
(1 - 0)
1. Kaisipan at paggamit ng mga salita
2.Paggamit ng mga bantas
3. Kaayusan ng paunawa

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: Week 5 – 10 minuto)


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
A. Sa tulong at gabay ng magulang o nakatatandang kasama sa bahay, sagutin ang mga tanong. Isulat
ang sagot sa notbuk.
1. Ano-ano ang mga paghahandang ginagawa ng inyong pamilya sa panahon ng kalamidad?
2. Anong paghahanda naman ang ginagawa ng inyong paaralan sa panahon ng sakuna?

B. Gumawa ng kampanya o anunsyo na nagpapakita ng suporta sa maagap na paghahanda sa anomang


kalamidad o sakuna. Ilagay ang sagot sa notbuk.
Batayan sa pagmamarka

Kriterya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman


(5-4) (3-2) ang Husay
(1 - 0)
1. Kaisipan at paggamit ng mga salita
2.Pagkamalikhain sa paggawa
3. Kaayusan ng paunawa
Kabuoan
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: Week 5 – 15 minuto)
(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

Sumulat sa notbuk ng patalastas tungkol sa kahalagahan ng maagang paghahanda sa anomang


kalamidad at sakuna.

Batayan sa pagmamarka

Kriterya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman


(5-4) (3-2) ang Husay
(1 - 0)
1. Kaisipan at paggamit ng mga salita
2.Paggamit ng mga bantas
3. Kaayusan ng paunawa
Kabuoan

VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: Week 5 – 5 minuto)


● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Kompletuhin ang pangungusap upang makabuo ng saloobin.

Bilang isang mag-aaral, makatutulong ako upang maiwasan o mabawasan ang pagbaha sa aming
komunidad sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

VII. SANGGUNIAN Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan, pahina 402-403


https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2014/07/17/1346983/luzon-mm-
sinakmal-ng-blackout-glenda-nag-iwan-ng-17-patay
Inihanda ni: ZENAIDA E. BELINO Sinuri nina: CHRISTIAN DICK B. CUNAG
DR. BENJAMIN M. PLATA JR.
CYRUS T. FESTIJO
JENEFFER D. GERONA

You might also like